LOGIN“Nicole, gising na. Alas-singko pa lang dapat nasa baba na tayo.”
Nagising ako sa mahinang yugyog ni Aling Juliet. Masakit ang buong katawan ko; ang bawat kalamnan ko ay tila nagrereklamo mula sa paglalakbay kahapon at sa biglaang pagsabak sa mabibigat na gawaing bahay. Pero sa kabila ng hapdi, mabilis akong bumangon. Sa bahay na ito, ang bawat segundo ay mahalaga, lalo na’t alam kong bawat kilos ko ay tila sinusuri ng isang pares ng mga mata na puno ng poot at pagkamuhi. Mabilis akong nag-ayos. Tumingin ako sa maliit na salamin sa loob ng kwarto ng mga katulong. Kagaya kahapon, kinuha ko ang isang itim na panali at hinila ang aking buhok paitaas. Itinali ko ito nang mahigpit—isang pusod na walang kahit isang hiblang nakawala. Ayaw ko nang maglugay. Napalitan na rin ang uniporme ko. Ang suot ko ngayon ay asul na asul, bago at mas sakto sa aking katawan, hindi tulad ng kahapon na pinaglumaan at maluwag na duster ni Aling Juliet. Ngunit kahit bago ang suot ko, pakiramdam ko ay isa itong balat-kayo. Isang unipormeng nagmamarka sa aking bagong katayuan: isang alila sa ilalim ng bubong ng mga Salazar. “Heto ang listahan ng gagawin mo ngayong araw,” seryosong wika ni Aling Juliet sabay abot ng isang pirasong papel. “Si Sir Gale mismo ang nagbilin nito bago siya pumasok sa kaniyang study room kanina.” Kinuha ko ang papel. Sa unang sulyap pa lang, parang gusto ko nang bumalik sa pagkakahilata. Ang listahan ay tila walang katapusan. Linisin ang buong library (vacuum at pagpupunas ng bawat libro). Linisin ang pool area (alisin ang mga tuyong dahon). Pakintabin ang lahat ng silverwares. BAWAL GUMAMIT NG KAHIT ANONG KURYENTE SA PAGLILINIS NG LIBRARY. Napakunot ang noo ko sa huling nabasa. “Bawal ang vacuum, Aling Juliet? Bakit po? Napakalaki ng silid na iyon, aabutin ako ng maghapon kung basahan lang ang gagamitin ko.” Bumuntong-hininga ang matanda, ang kanyang mga mata ay bakas ang awa. “Sabi ko sa'yo, Nicole, mahirap siyang pasayahin. Gusto niyang gawin mo iyan gamit ang kamay at basahan lang. Sa tingin ko... sinusubukan niya ang hangganan ng pasensya mo.” Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ito dahil sa takot, kundi dahil sa matinding galit na nagsisimulang mag-alab sa dibdib ko. Naiintindihan ko na. Hindi ito simpleng trabaho; ito ay isang pagpapahirap. Isang parusa para sa isang kasalanang hindi ko naman ginawa. Kumuyom ang mga kamao ko sa sobrang panggigigil. Pumasok ako sa library nang may mabigat na hakbang. Ang silid ay napakataas, ang mga istante ay abot hanggang kisame at punong-puno ng libu-libong libro na amoy luma at karangyaan. Kinuha ko ang isang hagdan at nagsimulang magpunas. Isa-isa. Dahan-dahan. Bawat libro na hinahawakan ko ay tila isang saksi sa aking paghihirap. Habang nasa pinakataas na bahagi ako ng hagdan, pilit kong inaabot ang isang encyclopedia sa pinakasulok. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang maliit na kwaderno ang sumabit sa siko ko. Nalaglag ito. Ang ingay nito ay umalingawngaw sa buong silid, bumasag sa katahimikan. Mula sa loob ng kwaderno, may isang pirasong papel ang humiwalay at dahan-dahang lumipad pababa, tila isang dahon sa taglagas. Bumaba ako sa hagdan, hingal at pawisan. Pinulot ko ang papel. Ngunit nang makita ko ang imaheng naroon, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Isang babae ang nasa litrato. Nakasuot siya ng isang mamahaling puting lace dress. Nakalugay ang mahaba at makintab niyang buhok na tila hinahaplos ng hangin. Tumatawa siya nang napakatamis sa harap ng camera, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa ligaya. Kung hindi ko alam na wala akong ganoong klaseng damit, aakalain kong ako ang nasa litrato. Samantha. Ang pagkakahawig namin ay nakakapangilabot—isang sumpa ng kalikasan. Mula sa hugis ng aming mga mata hanggang sa kurba ng aming mga labi, parang pinagbiyak na bunga. Ngunit habang tinititigan ko ang kanyang mga mata, nakita ko ang malaking pagkakaiba. Ang kanyang mga mata ay puno ng wagas na kaligayahan at pag-asa; ang mga mata ko ay puno ng pait, pagod, at sugat ng nakaraan. Siya ay minahal; ako ay kinamumuhian. “Sino ang nagsabi sayong makialam ka?” Mabilis akong napaharap sa gulat. Halos malaglag ang litrato mula sa nanginginig kong kamay. Nakatayo sa pintuan si Gale Salazar. Hindi na siya naka-suit; nakasuot na lang siya ng puting polo shirt na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, na nagpapakita ng kaniyang matikas na dibdib. Pero ang kanyang aura ay mas nakakatakot kaysa kahapon. Ang kanyang mga mata ay tila nagbabagang bakal na nakatitig sa akin. “P-Pasensya na po, Sir. Nalaglag po kasi mula sa istante, kaya pinulot ko—” Sa isang mabilis na hakbang—isang iglap lang—ay nasa harap ko na siya. Ang amoy ng kanyang mamahaling pabango na may halong amoy ng galit ay bumalot sa akin. Hinablot niya ang litrato mula sa aking kamay nang may pwersa. Naramdaman ko ang panandaliang kuryente nang magtama ang aming balat, pero mabilis itong nalunod sa bigat ng kanyang galit. “I told you, don’t touch my things!” sigaw niya. Ang boses niya ay yumanig sa mga istante ng libro. Hinawakan niya ang braso ko nang napakahigpit. Napangiwi ako sa sakit; naramdaman ko ang paglubog ng kanyang mga daliri sa aking balat. Tinitigan niya ako nang diretso sa mata. Sa pagkakataong ito, wala na ang gulat na nakita ko kahapon. Ang tanging naroon ay isang malalim na balon ng galit. “Ang lakas ng loob mong titigan ang mukhang iyan!” asik niya, ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin. “Akala mo ba dahil magkamukha kayo ay makukuha mo rin ang atensyong nakuha niya? Akala mo ba mapapaikot mo ako sa mga titig na iyan?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may isang bahagi ng puso ko ang muling nawasak. Ang bawat salita niya ay parang latigo na humahagupit sa aking pagkatao. “Hindi po sa ganoon, Sir Gale... napulot ko lang po, wala akong intensyong—” Sinubukan kong magpaliwanag, pero mabilis niyang pinutol ang aking sasabihin. “Shut up!” lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko, halos marinig ko na ang pagreklamo ng aking buto. “Ganyan din siya. Magaling magdahilan. Magaling magkunwari. Magaling magpaamo ng mukha para makuha ang gusto niya. But look at you... you’re just a cheap replacement. Isang basurang katulong na ang tanging silbi ay linisin ang mga kalat ko. You are nothing compared to her, and yet you dare to wear her face!” Itinulak niya ako nang bahagya. Dahil sa panghihina at gulat, nawalan ako ng balanse at napaupo sa matigas na sahig. Ibinulsa niya ang litrato at tinitigan ako mula ulo hanggang paa—isang tingin na puno ng pandidiri. “Dahil mahilig kang humawak ng hindi sa iyo, dagdagan ko ang trabaho mo. Pagkatapos mo rito sa library, linisin mo ang garden nang mag-isa. Bawat damo, bawat tuyong dahon, kailangang mawala. At huwag kang kakain o iinom hangga’t hindi tapos ang lahat. Do you understand?” Nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Isang butil ng luha ang kumawala, pero bago pa man ito makababa sa aking pisngi, mabilis ko itong pinahid gamit ang likod ng aking kamay. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harap niya. “O-Opo, Sir,” sagot ko sa kanya, ang boses ko ay nanginginig pero may bakas ng tigas. “Good. At Nicole?” Huminto siya sa pintuan nang hindi lumilingon sa akin. “Huwag kang magkakamaling umiyak sa harap ko. Ang mga luha mo ay walang halaga. Hindi gumagana sa akin ang drama ng mga babaeng katulad mo. Your face may be the same, but you will never be her.” Nang tuluyan nang mawala ang kanyang anino at narinig ko ang pagbagsak ng pinto, doon na bumuhos ang iyak ko na kanina ko pa pilit na ibinabaon sa aking lalamunan. Napahagulgol ako sa gitna ng malawak na library. Hindi lang dahil sa pagod, hindi dahil sa sakit ng braso ko, kundi dahil sa hapdi ng katotohanang ituring kang basura at kriminal dahil lang sa pagkakamali ng ibang tao. Itinuring niya akong replika. Isang murang kopya ng kanyang nakaraan. Tumingin ako sa aking mga palad. Namumula at bakat ang kanyang mga daliri sa aking braso. Hinaplos ko iyon, ang hapdi ay tila pumasok hanggang sa aking kaluluwa. Sige, Gale Salazar, bulong ko sa hangin habang pinapahid ang huling bakas ng luha sa aking mga mata. Saktan mo ako. Pahirapan mo ako. Gawin mo akong alipin ng galit mo. Pero hinding-hindi ko ibibigay sa iyo ang kasiyahang makitang sumusuko ako. Dahil ang Nicole na iniwan ang kanyang nakaraan ay wala nang balikan. Ang Nicole na nandito ngayon ay gagawin ang lahat para mabuhay at tumayo sa sariling mga paa—kahit kailangan ko pang maging anino sa dilim ng babaeng kinamumuhian mo. Sa araw na ito, tinanggap ko ang hamon. Hindi lang ako isang katulong. Ako ay isang babaeng may laban. At balang araw, sisiguraduhin kong hindi na Samantha ang makikita niya sa mukhang ito.Walang balak na magsalita; kahit nakikita ko naman sa mga mata nila na hindi nila gusto ang sinabi nang matanda. Ngunit ang batas nang mayayaman, ang pinakamatanda sa pamilya ang siyang may hawak nang control. At walang sinoman ang pwedeng tumanggi sa gusto niya."Juliet," mariing tawag ni Rage sa matandang mayordoma ng mansyon.Mabilis na lumapit si Aling Juliet na kanina pa nakatayo malapit sa hagdan, bakas ang kaba at pag-aalangan sa kanyang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Gale. "Ano po iyon, Sir Rage?""Mula sa araw na ito, alisin mo na si Nicole sa lahat ng kanyang mga tungkulin bilang kasambahay," utos ng matanda, pormal at walang anomang bakas ng pag-aalinlangan.Bigla akong napatingin sa matanda, nagtataka at nagugulohan. Ano ang ibig niyang sabihin?"Ipag-utos mo sa ibang mga katulong na ilipat ang lahat ng kanyang mga gamit. Ilagay ninyo siya sa isa sa mga marangyang guest room sa ikalawang palapag. At siguraduhin ninyong maayos, malinis, at kumpleto ang
Matapos bitawan ni Glenda ang mga mapang-insultong salita, mas lalo akong nanliit sa aking sarili. Masyadong matalim ang mga salita niyang diretso sa puso ko, bawat kataga ay tila ba may lasing na humihiwa sa aking natitirang halaga. Ramdam ko ang bawat tingin ng pamilya Salazar na nakatutok sa akin—mga tinging puno ng pandidiri, pagpapasya, at pagsubaybay sa aking reaksyon na parang isa akong maruming insekto na nakapasok sa kanilang marangyang tahanan.Tahimik akong nagdasal, humihiling na sana, kahit kunti lang ay ipagtanggol ako ni Gale. Ngunit ang patuloy na pananahimik niya sa tabi ko ang nagpapatunay na wala nga talaga siyang pakialam sa akin.𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎, 𝐺𝑎𝑙𝑒? Sigaw ng aking isipan habang mas tumitindi ang panginginig ng aking buong katawan.Naikuyom ko nang mariin ang aking mga palad.Magmula nang pumasok ako sa mansyong ito, wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa bawat utos ni Gale, ang tiisin ang ugali niya... Kahit wala siyang ip
"Oh, Nicole. Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang sabi ni Aling Juliet nang mamataan ako nitong papasok sa mansion.Ni hindi ko magawang itaas ang aking paningin. Pakiramdam ko, bawat sulok ng aking katawan ay nadungisan na, at ang natitira kong lakas ay unti-unti nang nauubos. "P-Pasensya na po... Ayaw ko na po rito..." nasasaktang sabi ko bago nagpatuloy sa paghakbang papasok. Lumabas ang boses ko na tila isang pira-pirasong bulong—basa sa luha at durog ang dignidad.Ramdam ko ang matinding bigat ng bawat hakbang, habang ang aking mga kamay ay nanginginig na pilit pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi upang hindi mahalata ang labis na pinsala."T-Teka, Nicole..." tila nag-aalalang sambit muli ni Aling Juliet. Sa pagkakataong ito, may kakaiba at mabigat na babala na humalo sa kaba ng kanyang boses.Pagtapak ko mismo sa makintab at malamig na sahig ng sala ay biglang napatigil ang buong mundo ko. Nanigas ang aking mga paa, hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat nang nadatnan ko."Nar
Nanatili akong bingi sa marahang katok na iyon ni Gale sa pinto ng banyo. Ipinikit ko ang aking mga mata, hinahayaang lamunin ako ng dilim at ng katotohanang kailanman, hindi ako magiging sapat. Ang mga huling salita niya at ang sarkastikong boses ng kanyang ina ay tila nag-iwan ng sugat sa puso ko na hindi na kailanman maghihilom. "Nicole... Mag-usap tayo." Muling bumasag ang boses ni Gale mula sa labas. May kaunting diin na sa pagkakataong ito, bakas ang pagmamadali at tila naiipit na tono. "Open this... Pag-usapan natin ang nangyari sa atin kagabi." Napahikbi ako nang mahina, pilit na tinakpan ang aking bibig gamit ang nanginginig kong kamay upang hindi niya marinig ang aking pagkasira. 𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑝𝑎? "S-Sir... Nagbibihis pa po ako!" dahilan ko. Ayaw kong lumabas. Natatakot ako na baka paglabas ko ay muli lang akong matupok ng nagbabagang emosyon ni Gale. Paano ko haharapin ang pamilya niya ngayon? Sa dinami-dami ng araw na makita nila kami, bakit sa ganitong pagkakata
Ang malakas at sunod-sunod na katok na iyon ay muling umalingawngaw sa buong silid, tila ba mas nagpatindi sa katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Gale. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang hawak pa rin ang door knob ng banyo. Ang puso ko ay mabilis na dinaluhong ng matinding kaba at takot. Sino ang kakatok sa suite niya sa ganitong oras ng umaga? Nanatili ang mga mata ko kay Gale. Ang kanyang mukha na kanina lang ay puno ng gulat at umuusbong na konsensya dahil sa mantsa ng dugo sa kama ay biglang seryosong pinalitan ng pagkadismaya. Mabilis niyang hinila ang comforter para takpan ang mantsa bago siya tuluyang bumaba sa kama. "Pumasok ka," mababa, mariin, at tila nagmamadaling utos niya sa akin habang mabilis na isinusuot ang kanyang bath robe. Habol ko ang aking hininga sa matinding kaba at takot na tuluyang bumabalot sa buong loob ko. Kahit nagpupumilit ang matinding hapdi sa pagitan ng aking mga hita sa bawat galaw ko, pilit ko pa rin prinotektahan ang aking sarili at nag
Ang unang naramdaman ko paggising ko ay ang matinding lamig ng aircon na dumadampi sa aking hubad na balat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, ngunit agad din akong napapikit nang salubungin ako ng maliwanag at nakakasilaw na sinag ng araw na nanggagaling sa malaking balkonahe. Mabigat ang ulo ko, at ang bawat bahagi ng aking katawan ay may naiiwan pang matinding kirot—mga bakas ng marahas at mapusok na gabi na pinagsaluhan namin. Unti-unti kong nilingon ang tabi ko. Doon ko nakita si Gale. Mahimbing pa rin siyang natutulog, nakadapa habang ang kalahati ng kanyang mukha ay nakabaon sa unan. Ang magulo niyang buhok ay bumagsak sa kanyang noo, at ang kanyang mga labi ay bahagyang nakabukas. Sa ganitong posisyon, mukha siyang tahimik at walang malay—malayo sa galit at mapanghusgang lalaki na humila sa akin kagabi. Tinitigan ko ang kanyang natutulog na mukha, at kasabay niyon ay ang muling pag-alingawngaw sa aking isip ng huling salitang binitawan niya bago siya tuluyang naka
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit
I never expect na mapapagod din pala ako sa kanya, na susukuan ko rin pala siya sa huli. “Thank you Mike.” Saad ko sa kaibigan. “Are you really sure about this?” May lungkot sa mga mata niya. “Yes, sure na ako!” Nakangiting sagot ko. Tumango siya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang sadya ko ay
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak







