Share

CHAPTER 42

Author: Miss A.
last update Huling Na-update: 2025-09-07 06:55:22

AVERY'S POV

"G-Girlfriend?" hindi makapaniwalang turan ni White Lady ng tumingin kay Travis. Halata sa mukha niya ang pagkabigla. basag din ang boses niya at may gumuhit na sakit sa kaniyang mga mata.

Sino ba kasi sya sa buhay ni Travis?

"Hindi ka nagkakamali ng dinig Miss. Girlfriend niya nga ako." tugon ko habang malawak na nakangiti.

"T-Travis..?" makulit talaga siya at ayaw maniwala sa sinasabi ko. Gusto niya pa talagang kay Travis mismo manggaling ang sagot.

Ito namang si Travis ang tagal sumagot!

"Yes, Natalia. Avery is my girlfriend." mahinang sagot ni Travis.

Napakurap-kurap siya at napailing. Natawa rin siya ng pagak na tila ba isang malaking joke lang ang narig niya.

"No way, Travis. Nagbibiro ka lang diba?" aniya sa basag na tinig ang maluha-luha ang mga mata.

"I'm serious, Natalia." seryosong turan ni Travis.

Mapait na ngumiti si White Lady at tumango-tango. "C-Congrats then, finally nagka girlfriend ka na rin."

Bumaling naman siya saakin. "H-Hi, I'm
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Angelique
Huhu bakt nmn ganun papa travis, nkakadismaya nmn, auko si Simon para ky avery
goodnovel comment avatar
Aviana
At kayo ni Natasha bestfriend with benefits??.
goodnovel comment avatar
Aviana
Araayy kO Travis.. Boto pa naman na sana ako sayo..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 99

    3RD PERSON'S POV “Avery, kumain ka na muna..” lumapit si Simon sakaniya na may dalang bowl ng sopas. Nakaupo si Avery sa tabi ng kabaong ng kaniyang ina. May mga sandaling bigla na lang ulit itong mapapaiyak at tatahan. Matamlay na umiling si Avery. Nangangalumata man dahil sa kawalan ng tulog ay ayaw niyang umalis kahit sandali sa tabi ng kaniyang ina. Gusto niyang sulitin ang mga sandaling makakasama pa niya ang labi nito. Wala na siyang pakialam kung nanlalagkit na siya o nangangamoy dahil kagabi pa ang kaniyang suot at alas nueva na ng umaga sa mga sandaling iyon. Pinagsisihan niya ang mga panahong umaalis siya sa ospital at hindi doon natutulog. Naisip niya na kung doon siya naglagi ay baka hindi ito nangyari sakaniyang Mama. Nakaramdam siya ng pagsisisi na mas marami pa siyang iginugol na sandali kasama si Travis kesa paglaanan ng panahon ang kaniyang ina. Si Travis na ngayon ay hindi niya tiyak kung ito ba ang may pakana sa pagkawala ng Mama niya. Wala naman

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 98

    3RD PERSON'S “Avery, wag kang tumakbo, ang baby mo..” pigil sakaniya ni Simon na hinahabol si Avery. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang maaaring mangyari sakaniya. Ang gusto niya lang ay mapuntahan agad ang kaniyang ina. Habang binabagtas ang pasilyo ng ospital ay nagpapatakan sa sahig ang kaniyang mga luha. Pilit pa rin niyang sinasabi sa isip na hindi totoo ang lahat ng ito. Isa lang itong masamang panaginip at mamaya lang ay gigising na siya sa bangungot na to. Saktong pagdating niya sa silid ng kaniyang ina ay nakasakay na ito sa stretcher at inilalabas ng silid. May takip na ng puting kumot ang buo nitong katawan. Lalong tumindi ang emosyong nararamdaman ni Avery. Ang mga luhang hindi maampat mula kanina ay mas lalo pang bumuhos. Dali-dali siyang lumapit sa labi ng kaniyang ina at pinigilan ang mga taong humihila sa stretcher. “Huwag! Hindi pa patay ang Mama ko!” aniya saka tinanggal ang kumot na tumatakip sa mukha ng kaniyang ina. Humantad sakaniya ang mapuntlang

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 97

    3RD PERSON'S POV “Grandma, I have terrible news for you!” nagkukumahog si Natalia sa paglapit kay Donya Matilde na kasalukuyang nasa hardin kasama ang alalay nitong si Imelda. Gaya ng lagi nitong ginagawa tuwing hapon ay naglalagay ito ng mga organic na pataba sakaniyang mga halaman. Masaya ang kaniyang araw dahil inutusan niya ang ospital na pag-aari ng kaniyang kapatid na i-cancel ang sponsorship sa ina ni Avery na nasa pangalan ni Travis. Hindi naman malalaman ng binata ang kaniyang ginawa dahil bago ito umalis ay pina-cut na nito ang dating contact number. Wala na ring magagawa si Avery. Hindi na niya magagawang makiusap pang muli kay Travis dahil nakaalis na ito ng bansa. Oras na makabalik ang kaniyang apo sa bansa ay nasisiguro niyang wala na sa buhay nila si Avery. “Nathalia, apo, bakit parang balisa ka?” “Grandma, hindi umipekto ang plano. S-Si Simon, he helped Avery para patuloy pa ring mag stay ang nanay nito sa ospital. Napahigpit ang hawak niya sa trowel

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 96

    AVERY'S POV “Simon, sobra-sobra na itong ginagawa mo para saakin.” Nahihiya kong saad ng makalabas kami ng billing office. Ngumiti siya saakin at ginulo ang aking buhok. “Diba sinabi ko naman na hindi kita pababayaan. Tutulungan kitang masulusyonan ang problema mo.” Nagyuko ako. Heto na naman ang mga luha kong gustong pumatak. Libo-libong langgam ang tila kumakagat ng pino saaking puso. “Pero, hindi mo naman to kinakailangang gawin. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran.” “Saka mo na isipin yon kapag nakabangon ka na. Hindi ko pa naman kailangan ng pera. Kapag kaya mo na at nakaluwag ka na, saka mo ako bayaran.” Nag angat ako ng tingin sakaniya. Napatitig ako sakaniyang mukha. Nakangiti siya at wala akong mababakas na ano mang disappointment mula sakaniyang gwapong mukha. Napakabuti niyang tao. Dapat ay masama ang loob niya saakin dahil nadamay siya sa gulo. Mas lalong lumaki ang lamat sa pagitan nilang magkapatid ng dahil saakin. Iniwan ko siya at pinili si Travis. Kung

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 95

    3RD PERSON'S POV“Avery, I think you should know about this.” ani Simon habang nag aagahan sila ni Avery.Nag angat ng tingin sakaniya ang babae na noon ay tila walang ganang kumakain.Wala man siyang gana ay pilit pa rin niyang nilalamanan ang sikmura para sa mga baby niya sa tiyan.“Ano yon Sai?” matamlay niyang tanong sa binata.Hindi agad nakaimik si Simon. May pagdadalawang isip pa rin ito kung tama bang sabihin niya sa babae ang tungkol sa kaniyang nalaman.Ang kaniyang ama ang nagnalita nito sakaniya. Kung kagustohan niya lang ang masusunod, mas nanaisin niyang hindi na sabihin ang nalaman kay Avery. Ayaw niyang masaktan na naman ito, ngunit alam niyang sasama ang loob nito sakaniya kung hindi niya iyon ipapaalam kay Avery.“Sai..” untag ni Avery sakaniya ng mahulog siya sa malalim na pag-iisip.Tumikhim siya at inalis ang bara sakaniyang lalamunan bago nagpakalawa ng isang malalim na buntong hininga.“Avery, ngayon ang alis ni Travis patungong Italy. Balita ko doon na siya mag

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 94

    3RD PERSON'S POV “Alam ko ang nararamdaman mo, Avery. Nakalimutan mo na ba nung piliin mo si Travis at makipaghiwalay ka saakin? Akala ko hindi ko kakayanin. Pero heto, nandito pa rin ako sa harapan mo at pilit tinatanggap na hanggang dito na lang tayo.” mapait nitong turan. Natahimik si Avery at napatitig kay Simon. Mapait itong ngumiti at hinaplos ang kaniyang pisngi na basa ng luha. “Masakit, pero kinakaya ko. Tinanggap ko, nagparaya ako dahil alam kong siya na ang mahal mo. Hindi ako gumawa ng ano mang makakasama saakin dahil ayokong sisihin mo ang sarili sa huli. Avery, kung nakaya kong lagpasan ang sakit, alam kong makakaya mo rin. Gawin mo ito para sa mga magiging anak mo. May dahilan kung bakit sila ibinigay sayo. Gawin mo silang lakas para maging matatag. Nandito ako. Handa akong magpaka ama para sa mga anak mo. Handa akong akuin ang responsibilidad sakanila kung kinakailangan. Tutulungan kita sa pagapalaki sakanila.” “Pero, Simon—” “Hindi ko ito ginagawa dahil umaasa p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status