Share

Chapter 3

Amorah's POV

NAGISING akong parang mabibiyak na sa sakit ang ulo ko. Hindi lang iyon, pati buong katawan ko ay sobrang sakit din! Para akong pagod na pagod at ang bigat ng buo kong katawan na hindi ko maintindihan, especially between my thighs.

Sapo-sapo ko pa ang aking ulo dahil hindi ko halos maigalaw ito. Unti-unti kong iminulat ang mabibigat kong mga mata saka nilibot nang tingin ang aking paligid.

This room... wait, where am I?

At ganoon na lamang ang pagbilog ng aking mga mata nang mapagtantong hindi ko kwarto itong hinihigaan ko ngayon. And what's worse? Ramdam kong hindi ako nag-iisa dahil sa mga brasong mahigpit na nakapulupot sa aking katawan. I even think na braso rin nitong katabi ko ang unan-unan kong matigas na bagay!

"What happened?!" halos gusto ko nang isatinig sa taranta, takot at kaba.

Halos dinig ko na ang pagtambol ng puso ko. Natatakot ako... Na naiiyak... pero ayaw kong gumawa ng ingay dahil baka magising pa kung sinuman itong katabi ko at baka kung ano pa ang gawin niya sa'kin!

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Please tell me this is all a dream. Hindi ito nangyari. Nasa kwarto ko lang ako- hangover lang 'to. Come on, please... This can't be true!" pabulong kong hiling ngunit halos walang tinig na lumalabas mula sa bibig ko.

My throat feels dry, and I'm very exhausted like someone sucked out every single strength of me.

I tried opening my eyes again, gusto ko nang mag-break down at umiyak nang husto nang makitang totoo nga ang lahat ng nakikita ko ngayon.

Someone's really hugging me from behind- also naked! And that's when I realized, I have lost one of the most precious thing I have ever treasured my entire life.

I tried remembering every detail of what happened last night.

Ang huling natatandaan ko lang ay ang apat na kalalakihang nag-abang sa akin sa labas ng restroom sa club. I can still clearly remember na inamin nilang sila ang may kagagawan kung bakit ako nanghina at nakaramdam ng pagkahilo kagabi, and then... someone came. Boses lang ang narinig ko but alam kong lalaki s'ya. Then after that, everything's blurry.

Itong lalaking katabi ko kaya ang nagligtas sa'kin mula sa mga iyon kagabi? Pero apat laban sa isa ang nangyari kung gano'n, at imposible naman yatang natalo niya silang lahat, unless, he's good at fighting? Tsaka, 'di ko siya kaano-ano, so bakit naman niya ako ililigtas? Baka nga kasabwat pa siya ng mga iyon para dalhin ako rito at mapagsamantalahan?

I felt helpless... Kailanma'y hindi na talaga ako iinom sa clubs, magkamatayan man!

Nang mapansin kong tulog pa rin ang katabi ay naisipan kong tumakas na. Tahimik rin ang buong kwarto kaya hindi naman siguro ako magkakaproblema sa binabalak ko?

I inhaled some air upang humugot ng lakas ng loob na lingunin ang aking katabi. I wanna see his face for the last time para naman kahit papaano'y makilala ko ang unang lalaki sa aking buhay- kahit ang hirap pa ring tanggapin na sa ganoong paraan ko lang naibigay ang aking pagkaba**e.

At least, maybe, para masigurong hindi na kailanman magkukrus pa ang landas namin. Dahil kung maaari, ay ayaw ko ring makilala niya ako... at ayaw ko ring maalala ang katangahan ko'ng ito.

Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking nakayakap sa likuran ko. Halos mapatili pa ako sa hapdi ng aking pagkaba**e ngunit tiniis ko pa rin at nagpatuloy sa balak. Ingat na ingat ako sa paggalaw upang 'di ko siya magising.

I was literally in awe when I saw how strikingly gorgeous is the man in front of me. Ramdam ko pa ang pag-awang ng mga labi ko sa pagkamangha kaya naman halos matawa ako sa aking sarili.

"Hindi ito ang oras para humanga sa isang estranghero!" pipi kong sita sa isip. "Pero... ang gwapo niya talaga!" kinikilig pang sabi ng utak ko.

Pakiramdam ko tuloy, para na akong baliw na nakikipagtalo sa sarili dahil sa parehong karupukan at pagsisisi sa nangyari.

Muli ko siyang pinakatitigan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. He really looked familiar like I've seen him somewhere before pero hindi ko matukoy kung saan o kailan o sa ano'ng okasyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kay lakas ng tibok ng puso ko habang tinititigan siya.

Dahil lang ba ito sa attracted ako sa kagwapuhang taglay niya? O dahil... marahil ay kilala ko nga siya dati?

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang kabuuan. Infairness, ang ganda ng kutis niya, ha. Moreno. Maputi ako pero mas gusto ko 'yong complexion niya. Modelo kaya siya, o artista? Mahilig din kasi kami mag-fan girling na magbabarkada kaya baka isa siya sa mga modelong nakita ko na. Hindi kasi ako mahilig mag-memorize ng pangalan ng mga sinusubaybayan naming sikat na mga personalidad- sina Yve at Lia ang mahilig sa mga gano'n at sinasabayan lang namin ni Jia na nakasanayan at na-e-enjoy na rin namin.

Ang ganda ng pagkaitim ng buhok niya. Balbas-sarado siya pero ang guwapo pa rin tingnan, ang hot pa nga e. Ang tangos ng ilong niya... ang akin kasi, hindi masyado pero bumagay naman sa maliit kong mukha. At ang mga labi niya... Oh my gosh, natural ang pagkapula at kissable, katamtaman lang din ang kapal. Napaka-masculine ng mga kilay at ang lalantik ng mga pilikmata niya!

Habang tumatagal, parang ayaw ko na tuloy tanggalin ng mga titig ko sa kanya. I was even tempted to touch his gorgeous face. He's so perfect, 'yong tipong hindi nakakasawang titigan... pero kailangan ko nang umalis.

I need to get out of here bago pa siya magising!

He's handsome, yes, pero hindi pa rin tama itong ginawa namin. Hindi naman dahil sa gwapo s'ya, ay okay lang ang lahat ng ito, syempre, kahit may pagka marupok ako, mas gusto ko pa ring ang mapapangasawa ko lang ang mahahandugan ko ng lahat sa akin- na hindi ko na magagawa pa.

Napapitlag ako nang maalalang tumakas lang pala ako sa mga bantay ko kagabi. Kinabahan ako bigla.

Lagot ako kay daddy nito!

Dahan-dahan kong tinanggal ang isa niyang braso mula sa pagkakayakap sa aking ibabaw. Inilagay ko iyon sa mismong gilid niya lang. Ang isa pa niyang braso na naging unan ko naman at nakayakap malapit sa aking leeg na para bang iginapos talaga sa akin upang hindi ako makaalis ay kay dali ko lang naangat at nababa. Mukha na siyang natutulog ng nakatagilid sa posisyon niya ngayon.

Umusog ako, inalis ko ang malambot at makapal na puting kumot na nakatakip sa aking kahubdan, hinay-hinay lang hanggang sa makababa nang tuluyan sa kama. Halos 'di ko maitayo at maihakbang nang maayos ang mga paa ko dahil medyo nanginginig pa rin ang mga tuhod at binti ko. Tiniis ko ang kirot sa buo kong katawan at isa-isang pinulot ang red tube bodycon dress, red 4 inches high heels at ternong lingerie ko.

I was already wearing my lingerie nang tingnan ko ang dress ko upang sana ay maayos itong maisuot... ngunit laking gulat ko na lang nang makitang napunit pala ang dress ko?

"Ano ba naman 'yan? Paano ako lalabas kung wala akong maisusuot na damit? I can't stay here any longer!" pabulong kong himutok.

Masama ko siyang tiningnan. He is still peacefully sleeping, though. At ewan kung bakit pero may part sa puso ko na pumupigil sa aking umalis- but I can't.

I should leave as soon as possible!

Naisipan kong maghanap muna ng maisusuot na damit bago man lang lumabas ng kwarto. Siyempre, I can't face people wearing only my bikini!

I scanned the room, nagbabakasakaling makahiram ako ng kahit pang-itaas man lang. Ngayon ko lang napagtantong ang laki pala nitong kwartong pinagmilagrohan namin. Para itong suite pero mas sosyal, mas maganda at mas malaki.

Nahagip ng mga mata ko ang kaunting dugo sa kobre kama. Nanghinayang ako, pero wala na akong magagawa pa. Nangyari na ang lahat.

Tila ako nabuhayan ng pag-asa nang makita ang white polo shirt niyang nakakalat sa sahig. Pinulot ko ito at agad na isinuot. Buti na lang, at least, natakpan ng kahabaan nito ang pang-ibabang underwear ko.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto. Piping nagdasal na sana ay hindi magising ang kaniig at makalabas nang walang problema. Ngunit ganoon na lamang ang paggapang ng takot at kaba sa aking dibdib nang kahit ano'ng gawin kong pagpihit ay hindi ko iyon mabuksan.

"Sh*t! locked?!" halos naluluha ko nang bulong. Kay lakas pa ng dagundong ng dibdib ko. Paulit-ulit kong pinihit iyon pero naka-lock talaga.

Nakakapanghina.

Ano'ng gagawin ko?

"Where do you think you're going, babe?" halos mapatalon ako nang marinig ang malamig at baritonong tinig mula sa aking likuran.

Napapikit ako nang mariin. Paano ko siya haharapin pagkatapos ng lahat?

"Gano'n na lang ba 'yon? Tatakasan mo lang ako pagkatapos ng lahat?" napabalikwas ako ng lingon sa kanya sa narinig. Nakaupo na siya sa malaking kama.

Teka nga, 'di ba dapat linya ko 'yon?

"S-Sorry po, sir, ha p-pero... pwede mo ba akong p-pauwiin na? H-Hinahanap na kasi ako ng pamilya ko," pangiti-ngiti kong sabi pero gusto ko nang lamunin ng lupa sa hiya!

Pa'no ba kasi magsabi ng 'Uuwi na ako, bye!' sa mga ganitong sitwasyon? E, sa mga nobela ko lang naman nababasa ang mga tungkol sa one night stand! Sa sinabi ko, para tuloy wala lang sa akin ang nangyari. First time ko kaya 'yon!

"I-I mean may p-pasok pa po kase ako sa s-school ngayon, oo," pagsisinungaling ko pa.

Nakatingin lang siya sa akin, looking confused.

Pwede ba pumayag ka na lang? Para na akong matutunaw sa hiya e!

"What did you just called me? Sir? And you have a class though it's Saturday?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango lamang ako bilang sagot. At ewan pero parang may nakita akong disappointment at lungkot sa mga mata niya. Nakita ko pang gumalaw ang panga niya.

Galit ba siya?

Wala talaga akong Saturday classes pero may schools naman na open on Saturdays. At saka, hindi naman niya siguro malalaman ang school ko just by what happened between us, 'di ba?

Bumaba na siya ng kama saka tumayo paharap sa akin, letting the comforter fall onto the floor. Napansinghap ako nang malantad ang kanyang kahubdan sa mismong harapan ko.

Oh my blessed eyes!

Naglakad siya palapit sa akin na ikinaatras ko naman, hanggang sa maramdaman ko na ang pinto sa likuran ko.

Napalunok ako. "A-Ang haba, este ang laki, I-I mean, p-pwede bang magbihis ka muna bago mo ako lapitan? W-Wag mo namang ibalandra iyang s-sandata mo. Oo na, ikaw na ang pinagpala!" sabi ko pero pasilip-silip pa rin sa mahaba, mataba at malaki niyang sandata.

Gosh, nagkasya ba talaga iyan sa perlas ko? Kaya pala ang sakit pa rin!

Narinig ko siyang tumawa. D*mn, pati pagtawa ang hot pakinggan!

Nagtataka ko namang tiningnan ang mukha niya habang hinaharangan ng mga kamay ko ang view sa ibabang bahagi ng kanyang katawan... nang konti hehe.

"Really? But last night-" his sexy playful voice ngunit hindi ko na siya pinatapos pa, para na kasi akong sasabog sa hiya!

"I know what happened, okay? I was not born yesterday para hindi maintindihan kung ano ang ginagawa ng lalaki at babae sa iisang kama... nang n*******d!" halos isigaw ko na para maibsan ang hiya.

At doon, ay muling lumitaw ang damdaming namayani sa'kin kanina. Gumuhit ang pamilyar na guilt at lungkot sa puso ko. At panghihinayang. I looked away, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang umagos.

"And I regret everything... So please, utang na loob, kalimutan na lang natin ang lahat ng nangyari. Pauwiin mo na ako. Pakiusap."

Right, this is how things should be. Total, hindi naman namin sinadyang mangyari iyon kagabi. Baka lasing lang din siya. Sa gwapo at ganda ba naman ng katawan niya, at sa haba at laki ng sandata niyang iyan, mas marami pang higit na maganda at sexy'ng babae kaysa sa akin ang maaari niyang dalhin dito.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng mga mata ko pero... nasaksihan ko kung paano dumaan ang lungkot at pait sa mukha niya. Pati ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

Tumalikod siya sa akin at huminto saglit sa sasabihin, "As you wish."

Nagtungo siya sa tingin ko'y walk-in closet niya.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya nang naka white V-neck T-shirt at signature jeans with matching shoes. Malayo pa lang ay amoy na amoy ko na ang pabango niya- iyong tipo ng bangong amoy pa lang, alam mo nang gwapo ang may-ari? May inabot siya sa akin at tinanggap ko naman. It was a white V-neck T-shirt and jeans para isuot ko raw.

Awtomatiko siyang tumalikod, maybe to let me dress-up. I appreciate the fact that he's a gentleman even after what happened last night.

I raised my brow nang maisuot ko na ang damit. It was exactly my size! It was even from my favorite clothing line. Napaisip tuloy ako, ilang babae na kaya ang nadala niya rito at may damit pa talaga siyang nakahanda? Tila naman nagkasugat ang dibdib ko sa naisip.

Nagpresenta siyang ihahatid ako sa mansyon namin pero hindi ako pumayag. Hindi ko rin tinanggap ang dinner na ipinahanda niya sa chef cook ng penthouse niya dahil kaya ko pa namang tiisin ang gutom ko. Maggagabi na rin kase at kailangan ko nang umuwi sa lalong madaling panahon.

Buong araw pala akong tulog!

Hindi ko maiwasang pamulahan nang mapagtanto kung bakit.

Habang nasa elevator kami, hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga titig niya. Nang minsang sinulyapan ko siya, napansin ko ang malulungkot niyang mga mata na para bang naiiyak. Ewan kung bakit pero nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Paulit-ulit niya rin akong tinatanong kung okay lang ba ako, kumusta ako at kung anu-ano pa na tinutugunan ko naman sa abot ng aking makakaya.

I was so tempted to ask him why he looked so sad pero namayani sa puso ko ang katotohanang... wala akong karapatang magtanong dahil hindi kami magkaano-ano at hindi ko rin siya kakilala.

Ramdam kong hindi siya masamang lalaki o mapagsamantalang tao- lasing lang siguro talaga siya kagabi kaya iyon nangyari. Pero sana, kung anuman ang nangyari sa amin ay manatili lang iyon kagabi para wala na kaming maging responsibilidad sa isa't-isa.

One night stand lamang ang nangyari- nothing less, nothing more.

Though, masakit sa part ko dahil nawala na ang pinakainiingatan kong ireregalo sana para sa taong mamahalin at pakakasalan ko, kung sakali man... but what else can I do?

"C-Can you stay instead? I-I mean, hindi pa naman lumalamig ang dinner na pinahanda ko... or I can just order food from restaurants. I just want us to-"

"No, thank you," I said, cutting him off.

Muli niya akong tinitigan. I saw that sad expression on his face again. Hindi ko alam pero kanina pa siya tila 'di mapakali at parang nagpipigil.

"I don't know if this is how you normally do that 'one night stand' thing, but let's end it here. Good bye, Mister stranger," sabi ko saka tumalikod at nagtungo sa b-in-ook niyang taxi para sa'kin.

"I don't do that!" pahabol niyang sabi bago ko pa napihit ang pinto ng taxi. I was halted and turned to him. "I really just want you... Please stay... Please." pagmamakaawa niya, namungay ang mga mata.

Tila naman kinuyom ang puso ko sa nasaksihan. Kanina ko pa nararamdamang tila ayaw niya akong pauwiin, pero hindi ko maintindihan kung bakit, at wala rin akong maisip na dahilan upang manatili pa.

"Paalam," sabi ko na lang bago tuluyang pumasok sa taxi.

Habang nasa taxi ay nakiusap ako kay manong driver na makikitawag ako gamit ang cellphone niya at babayaran ko na lang ang load niya upang tawagan ang mga kaibigan ko. Pumayag naman ito at agad kong d-in-ial ang numbers ng mga kaibigan kong babae ngunit si Jia lang ang sumagot, busy kasi ang phones nina Yve ay Lia. Nakiusap ako sa kanyang pagtakpan muna ako kung sakaling magtanong sina daddy at mommy kung saan ako natulog kagabi.

As usual, support naman si lukaret pero nagtaka rin kung saan ako nagpunta kagabi at nagtanong ng kung anu-ano pang mga nakakalokang tanong pero nangako akong saka ko na sasagutin lahat pagkakita namin.

As expected, pinagalitan ako ni daddy dahil tumakas ako mula sa mga bodyguards ko kagabi. Buti na lang to the rescue si Jia girl, tumawag na pala siya kina Daddy kanina pagkatapos ko siyang tawagan. Dahil doon, hindi masyadong humaba ang sermon ni daddy sa akin, at pinagsabihan lang din ako ni mommy na 'wag iyong uulitin.

Gusto kasi ng parents ko na may update sila lagi sa akin lalo na pag lalabas ako kahit malaki na ako. Mahigpit sila sa akin pero naiintindihan ko naman sila. I know it's their way of showing how much they care about me.

Lunes na Lunes, pero ang sakit pa rin ng buong katawan ko.

"Ilang araw ba may side effects ang s*x at hanggang ngayon masakit pa rin ang pempem ko? Ilang araw na rin akong naka-panty liner dahil sa spotting mula nang gabing iyon. Buti na lang at last subject na after our one hour vacant kaya makakapagpahinga na'ko pagkatapos nito," d***g ko sa isip.

"Tinakot mo kami do'n ha, nawala ka bigla. Akala namin tinangay ka na ng kung sino," nakangusong wika ni Yve.

Napainom ako ng tubig mula sa Aquaflask ko sa kaba. Oo nga pala, nangako nga pala akong sasabihin sa kanila ang nangyari sa'kin sa gabing iyon.

"Oo nga! Lukaret talaga to. Muntik na naming tawagan ang mga pulis para ipahanap kang babae ka! Saan ka ba kasi nagpunta?" si Lia, habang intense ang pagkakatitig sa akin.

Pinagpapawisan ako sa kaba sa mga babaeng 'to. Kitang-kita sa mga mata nilang hindi nila palalampasin ang araw na ito nang hindi nalalaman ang totoo.

"Actually, girls. Alam n'yo bang hindi s'ya nakauwi sa kanila noong gabing iyon?" mala-marites na saad ni Jia.

At ganoong na lamang ang pagsinghap sa gulat ng mga kaibigan ko.

MarieCar_Gerebise

Isaiah 41:10 Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status