ZACK
I’m currently in my office, reviewing my client’s data, when my daughter, Zoe, enters the room carrying a teddy bear. She’s wearing her usual pajamas, which look cute on her. "Daddy." Saglit akong lumingon sa kanya para malaman nyang nakuha nya ang atensyon ko. "Yes, sweety?" Tanong ko sa mababang boses. I gently pulled Zoe onto my lap and hugged her. She hugged me back. "I can't sleep. Could you read me story until I fall asleep?" She sweetly asked. Bilang isang abogado ay kailangan kong tutukan at pag-aralan ang legal documents ng mga clients ko. I'm also managing multiple cases with its own sets of demands and deadlines. Also, I need to meet the clients, attend hearings and dealing with unexpected changes in case schedule. In short, I'm a very busy man. To the point, na nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Masyado akong nakatutok sa trabaho at hindi ko manlang magawang bigyan ng kahit kaunting oras si Zoe. Somehow, I felt a pang of guilt in my heart. "Alright. I'll read you story, but just one story only, okay? Daddy has to work." Sa sinabi kong 'yon ay agad napalitan ng saya ang mukha ng anak ko. She looks like, she just received a birthday present. "Yeeey! Thank you, daddy!" She hugged me tight this time. Saglit na gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap na 'yon. Nang makapasok kami sa kwarto nya ay agad nyang kinuha ang favorite book nya at iniabot sa akin. It's about a princess who lost her mother. It's a sad story but it has a happy ending. I read it for her for many times already and yet, she still wants to hear it again. "This is the nth time I'm reading you this book. Ayaw mo ba ng ibang story?" Sabi ko sa malumanay na boses. "I love that one, daddy. Specially the last part." It's when the princess' father, the king, got married again to a wonderful lady. I looked at Zoe with a warning look. Alam ko kasi kung saan nanaman papunta ito. She just gave me a sweet smile and a little shyness in her actions. "I just wanted to have a mommy, daddy. And I found one!" The tutor, right. Isang linggo na nya akong kinukulit tungkol sa bagay na 'yon. I can't marry that woman, lalo na't hindi ko naman kilala ang pagkatao nya. "We've talked about it already, Zoe. Marriage is a serious matter, it's not a playdate, sweety." Paliwanag ko kahit alam kong hindi pa nya masyadong maiintindihan. "Go to sleep now, honey. Good night." I gently kissed her forehead and tucked her blanket around her before I bid her goodbye. I heaved a deep sigh when I exited her room. Another night came to a close. Kapag nagpatuloy pa ang pamimilit ni Zoe, baka mapilitan nalang din akong sundin ang gusto nya. And the decision is now up to that woman. "Binanggit ba nya ulit si Bella, sir?" Paglabas ko ng kwarto ni Zoe, ay naabutan ko doon si Manang Rosie na hinihintay akong makalabas. I heaved a deep sigh before answering, "Yes, again. Hindi ko alam kung ano ang nakita n'ya sa babaeng 'yon." "Lumalaki na po si Zoe. Natural sa bata ang maghanap ng ina lalo na't nakikita nya'ng ang ibang ka-edad nya ay kumpleto ang pamilya. Ayaw n'yo po bang mag-asawa ulit? Para may katuwang ka sa pag-aalaga sa anak mo." Umasim ang mukha ko sa suggestion ni Manang Rosie. Alam kong concern lang sya kay Zoe, pero hindi ko gusto ang suhestyon nya. "For what? Para lokohin nanaman ng babae? I can handle taking care of my child on my own." °°°°°° BELLA "Tinanghali ka na yata ngayon, Bella. Wala kang pasok?" Ngumiti ako sa babaeng nagsalita. Si Ate Beth, na nagluluto sa kusina para sa tanghalian. Amoy na amoy ang niluluto n'yang ulam kaya bigla akong nagutom. "Mamaya pa po'ng ala-una ang trabaho ko Ate Beth, tsaka isa nalang po ang trabaho ko ngayon." Kinuwento ko sa kanya ang nangyare kahapon na labis nyang ikina-tuwa para sa akin. "Mabuti naman at nakahanap ka ng generous na employer, Bella. Unti-unti mo nang masi-settle ang mga bayarin ng pamilya mo." Totoo ang sinabi ni Ate Beth, kaya masaya akong umuwi dito kagabi. Isa pa sa nagustuhan ko sa bago kong trabaho, uuwi akong hindi pagod dahil 2 oras lang naman akong magtuturo. Mabuti na nga lang at napakabait at matalino ang alaga ko. "Oo nga po Ate Beth, eh. Tsaka—" naputol ng tawag sa cellphone ko ang sasabihin ko sana. Agad nanaman akong kinabahan nang makitang si Mamang ang tumatawag. "Hello, Ma—" "Bella, anak, ang Papang mo. Kritikal ang lagay nya ngayon." Tuliro ang utak ko nang marinig ang ibinalita sa akin ni Mamang. Hindi ako agad nakapag-salita at nanginginig rin ang mga kamay ko. Noong nakaraan lang ay isinugod si Papang sa ospital, ngayon naman ay kritikal na. Ayoko nang isipin ang susunod na mangyayari! "B-bakit po Mang? A-ano po'ng nangyari kay Papang?" Hindi ko na naitago ang mautal. Malakas rin ang tibok ng dibdib ko. "Nagkaroon ng komplikasyon sa baga nya kaya hirap na s'yang makahinga ngayon, anak. M-makakauwi ka ba?" Saglit akong hindi nakasagot. Gusto ko s'yang makita, pero may isang bagay na pumipigil sa akin para makita sya. Takot. Natatakot ako'ng makita s'yang nahihirapan. "S-susubukan ko po Mamang. M-magpapa-alam lang po ako sa t-trabaho ko." Isa pa 'to sa inaalala ko. Payagan kaya ako ni Zack? Isang araw palang ako'ng nakakapagsimula tapos a-absent naman ako ngayon. Masungir pa naman 'yon. "S'ya nga pala, anak. Kailangang ma-operahan agad ng Papang mo sa lalong madaling panahon, at hinihingian tayo ng ospital ng malaking pera para sa operasyon. Hindi ko na alam kung saan pa tayo kukuha gayong patung-patong pa ang utang natin." Rinig na rinig ko ang pag-hikbi ni Mamang mula sa kabilang linya. Alam ko'ng nahihirapan na rin s'ya sa sitwasyon namin. Pansin ko rin ang biglang pagtanda ng itsura n'ya dahil sa stress. Natatakot ako na baka isang araw ay sya naman ang magkasakit. "Tahan na po Mamang. Baka kayo naman po ang magkasakit n'yan. Hayaan n'yo po't ako na po ang bahala doon." Sabi ko lang 'yon, para gumaan ang loob nya. Ang totoo ay hindi ko na rin alam kung ano'ng gagawin ko. Napakalaki ng halagang kakailanganin namin sa ospital. Mas malaki pa sa utang namin sa bangko. 'Lord, gaano po ba kabigat ang kasalanan namin sa inyo para parusahan n'yo kami ng ganito?' Bumalik ako sa kwarto ko at doon nag-isip ng paraan na pwede ko pang gawin. Naisip ko, ano kaya kung humanap ulit ako ng raket pang dagdag sa kita ko? "Hindi. Hindi magandang ideya 'yon. Mali. Magsisimula lang ako sa simula n'yan." Maliit lang ang kita at matatagalan pa bago ako makaipon ng kailangan sa ospital. "Kailangan ko ng pera, ASAP!" Determinado kong nasabi sa sarili. "Pero, paano? Walang legal na easy money ngayon. Problemado na nga ang pamilya ko, dadagdagan ko pa ng isa pang problema? Mabu-bugbog ako ng nanay ko!" Isang paraan pa ang naisip ko at labis akong kinilabutan. "Ayoko nga! Bakit ba pati pag-G-GRO ay naiisip ko na?" Hinding-hindi ako magbi-benta ng laman! "Umutang kaya ako kay Zack?" Nakakahiya naman! Baka sabihin ang kapal ng mukha ko. Pero desperada na ako. 'Yon nalang ang the best na paraang naisip ko. Kaysa maging GRO! °°°F.G°°°BELLA“Ate!” Malapad ang ngiti ko nang salubungin ako ni Mikay. Siya ang kasalukuyang nagbabantay ngayon kay Papang sa ospital.“Si Mamang, nasaan?” Gusto kong ibalita kay Mamang ang napag-usapan namin ni Zack. Alam kong matutuwa siya dahil matatapos na ang problema namin. Ang hindi ko lang sure ay kung matutuwa ba siya sa magiging kapalit nito, kaya hindi ko nalang sasabihin ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Zack. Baka kasi tumutol pa.“Pabalik na rin ‘yon dito, Ate. Pinauwi ko lang saglit para makapagpahinga siya ng maayos.” Tumango ako bilang sagot. “Ate, siya nga pala. Hindi na muna ako papasok sa susunod na pasukan. Maghahanap muna ako ng trabaho para matulungan ko kayo ni Mamang.” Kahit na nakangiti siya, alam ko parin na labag sa kanyang kalooban ang huminto sa pag-aaral. Nakikita ko sa mga mata niyang hindi manlang umabot doon ang ngiti.Kilala ko ang kapatid ko. Napaka importante sa kanya ng pag-aaral niya. Kahit nga napakabigat ng pinagdadaanan ng pamilya namin ngayon, nana
BELLAHindi ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa higaan ko. Kanina ko pa iniisip kung tatanggapin ko ba o hindi ang alok na kasal ni Zack. Hindi naman kasi biro ang pagpapakasal, at para sa akin ay napaka sagrado no’n.Napakabilis! Ni hindi manlang ginawang romantic ni Zack ang proposal! Hindi nga muna n’ya ako tinanong kung gusto ko ba’ng magpakasal sa kan’ya. Hindi ‘yon tanong, kundi utos!“Pero kung ang kapalit naman no’n ay para sa operasyon ni Papang, why not?” Sambit ko sa sarili.Magpapakasal lang ako, tapos solve na ang problema ko kay Papang. Tsaka hindi naman na ako talo kay Zack. Itsura palang panalo na! Choosy pa ako? Bonus nalang ang yaman.“Tama, tama! Bukas na bukas ay kakausapin ko s’ya tungkol doon.”°°°°°°ZACK“Sir, Mr. Salazar is requesting your presence to his house. He wants to talk to you about his current case.” Kumunot ang noo ko sa ibinalita sa akin ng secretary kong si Camilla. Nang matapos ko ang isinusulat ko ay tsaka ko lang s’ya hinarap a
BELLAPalagi akong sumusulyap sa direksyon ni Zack. Gusto kong tumingin din sya sa direksyon ko at magtanong kung bakit ako nakatingin sa kanya. Pero mukhang manhid ang lalaking ito dahil hindi manlang yata nakakaramdam na may mga mata nang nakamasid sa kanya!Katatapos lang ng lesson namin ni Zoe at niyaya na nila ako na dito na mag-lunch. Hindi na ako tumanggi dahil bukod sa nagugutom na ako, ay pagkakataon ko na rin 'yon para gawin ang pakay ko."Ahh..." Natapos na kami sa pagkain at magpapalam muna sana ako para mag-CR saglit."What is it?" Biglang tanong ni Liam kaya naputol ang pagsasalita ko."Pupunta lang ako sa banyo." Paalam ko. Masuyo ko ring hinaplos sa buhok si Zoe at nginitian bago ako umalis sa harapan nila.Babalik na sana ako sa kusina para tumulong saglit nang makita ko si Zack na nakasandal sa pader na katapat lang ng CR. Naisip ko pang baka gagamit din s'ya ng banyo kaya hininatay n'ya akong matapos."Ahh.. Gagamit ka rin ba?" Ayaw ko pa sana syang papasukin sa loo
ZACKI’m currently in my office, reviewing my client’s data, when my daughter, Zoe, enters the room carrying a teddy bear. She’s wearing her usual pajamas, which look cute on her."Daddy." Saglit akong lumingon sa kanya para malaman nyang nakuha nya ang atensyon ko."Yes, sweety?" Tanong ko sa mababang boses. I gently pulled Zoe onto my lap and hugged her. She hugged me back."I can't sleep. Could you read me story until I fall asleep?" She sweetly asked. Bilang isang abogado ay kailangan kong tutukan at pag-aralan ang legal documents ng mga clients ko. I'm also managing multiple cases with its own sets of demands and deadlines. Also, I need to meet the clients, attend hearings and dealing with unexpected changes in case schedule.In short, I'm a very busy man. To the point, na nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Masyado akong nakatutok sa trabaho at hindi ko manlang magawang bigyan ng kahit kaunting oras si Zoe. Somehow, I felt a pang of guilt in my heart."Alright. I'll read you s
BELLA"Mommy!" Agad akong lumingon sa batang babaeng tumatakbo palapit sa akin. Bakas sa mukha nya ang tuwa nang makita ako.Hindi ko akalain na pagtatagpuin ulit kami ng landas ng batang ito.—FLASHBACK—Napakainit dito sa Maynila! Kararating ko lang dito galing sa probinsya, kaya pumasok muna ako sa mall para magpalamig. Isang bag lang naman ang dala ko at puro damit ko lang ang laman kaya madali nalang sa akin ang makakilos at makagala.Busy ako sa pagwi-window shopping nang may makita akong batang umiiyak. Naka upo sya sa sulok papunta sa CR ng mga babae kaya wala masyadong nakakapansin sa kanya."Bata, nawawala ka ba?" Nilapitan ko sya at umupo rin ako sa harapan nya nang nakatalungko para magpantay lang ang mga mukha namin.Nag-angat sya ng mukha at mabagal na umiling habang sumisinghot. Ang cute naman ng batang ito!"I ran away." Aba! At english speaking pa!"Bakit naman? Baka hinahanap ka na ng mommy't daddy mo." Sabi ko sa malambing na tono."I don't have a mommy. I'm with my
BELLA "Hmmp!... Good morning!" Nasa second floor ang kwarto ko sa boarding house na inuupahan ko, kaya kitang-kita sa bintana ko ang bubong ng mga katabi naming bahay. Ilang segundo pa akong nag-inat bago saglit na inayos ang magulo kong buhok. "Huy, Bella! Bumaba ka na at maki-agaw ka na ng almusal sa kusina! Mauubusan ka nanaman, bahala ka!" Si Ate Beth, may-ari ng boarding house. Tuwing umaga ay ipinagluluto kami ng almusal ni Ate Beth. Nag-aambag lang kami para sa pagkain. Maswerte ako at nakita ko 'tong paupahan nya at nakilala ko sya. Kahit papa'no ay nakakatipid ako sa gastos. "Huy, Kristina! Magtira ka naman. Meron pang mga hindi kumakain!" "H'wag kasi masiba, Tinay!" "Anong masiba? Binabawi ko lang 'yong mga pagkaing inubos n'yo na dapat ay sa'kin, 'no!" "Natural! Hindi ka naman nag-aambag eh!" "Hoy! Tumigil na kayo! Magsikain na nga lang kayo dyan!" Saway ni Ate Beth. Nakasunod naman ako sa kanya na kabababa rin lang ng hagdan. "Huy, Bella kumain ka na dit