BELLA
"Hmmp!... Good morning!" Nasa second floor ang kwarto ko sa boarding house na inuupahan ko, kaya kitang-kita sa bintana ko ang bubong ng mga katabi naming bahay. Ilang segundo pa akong nag-inat bago saglit na inayos ang magulo kong buhok. "Huy, Bella! Bumaba ka na at maki-agaw ka na ng almusal sa kusina! Mauubusan ka nanaman, bahala ka!" Si Ate Beth, may-ari ng boarding house. Tuwing umaga ay ipinagluluto kami ng almusal ni Ate Beth. Nag-aambag lang kami para sa pagkain. Maswerte ako at nakita ko 'tong paupahan nya at nakilala ko sya. Kahit papa'no ay nakakatipid ako sa gastos. "Huy, Kristina! Magtira ka naman. Meron pang mga hindi kumakain!" "H'wag kasi masiba, Tinay!" "Anong masiba? Binabawi ko lang 'yong mga pagkaing inubos n'yo na dapat ay sa'kin, 'no!" "Natural! Hindi ka naman nag-aambag eh!" "Hoy! Tumigil na kayo! Magsikain na nga lang kayo dyan!" Saway ni Ate Beth. Nakasunod naman ako sa kanya na kabababa rin lang ng hagdan. "Huy, Bella kumain ka na dito. Mauubusan ka na ni Kristina." Natatawa nalang akong lumapit sa kanila at naki-kain. Napapa-iling pa ako dahil hindi parin tapos ang bangayan nila. Parang mga bata. Binilisan ko nalang din ang pagkain ko at papasok pa ako sa trabaho. Kailangan ko paring makahanap ng ibang raket para pandagdag sa perang kailangan ko. °°°°°° "Aalis ka na?" Nakita ko si Ate Beth na nagwawalis sa harap ng boardinghouse. "Akala ko ba'y alas-10 pa ang pasok mo?" "Opo Ate Beth. May pupuntahan pa po kasi ako bago ako pumasok, eh." Sagot ko. Mag-a-alas 7 palang kasi ng umaga. At kailangan kong umalis ng mas maaga sa tooong oras ng pasok ko. "Panibagong raket nanaman ba 'yan?" Alam ni Ate Beth ang problema ko. Sa kanya ako nagki-kwento kapag feeling ko ay down na down ako. Mabuti na lang at may napagsasabihan ako, kahit papa'no ay gumagaan ang pakiramdam ko. "Opo, Ate. Sige po, aalis na po 'ko," paalam ko sa kanya. Kumaway naman sya sa akin at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Bigla namang tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Si Mamang ang tumatawag. Ano nanaman kaya ang problema at napatawag sya nang ganito kaaga? Bigla akong kinabahan. "Hello, Mang?" Ilang segundong hindi sumagot si Mamang kaya mas lalo akong kinabahan. "Mang? Ano pong nangyare?" Kinakabahan ako. May kinuha nanaman ba kayang gamit? Hindi kaya, tuluyan nang nawala sa amin ang bahay? "Bella, anak." Hindi ko gusto ang tono ni Mamang. Huminto ako sa paglalakad at hinintay ang sasabihin ng nanay ko. "Isinugod sa ospital ang Papang mo.” Alam kong kagagaling lang ni Mamang sa pag-iyak dahil sa boses nya, at nang sabihin nya sa'kin ang balita ay muli nanaman syang umiyak. Napapikit ako at nasapo ng palad ko ang aking ulo. Dala ng frustration, ay naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. “Kelan ba kami mauubusan ng problema?! Hindi pa nga tapos sa isa, may bago nanaman!” hindi ko na naisip kung may makakarinig sa akin. Ang gusto ko lang ay mabawasan ang bigat ng pasanin ko. Pero mukhang hindi naman effective! Kulang pa yata ‘yong sigaw ko! Hindi ko na tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Kung uunahin ko ang pagpapagamot kay Papang, baka bukas o makalawa wala na kaming bahay! Kung ang utang naman ang uunahin ko, baka si Papang naman ang mawala sa amin! Ano na'ng gagawin ko?! Muli kong kinuha ang cellphone ko at nagdial ng mga numero doon. “Hello, Kyle? Si Bella ito. Pakisabi naman kay Ms. Joy na hindi na muna ako makakapasok ngayon. May— hindi! Hindi ako makikipag-date, ano ka ba?! May emergency kasi. Need ko munang umuwi saglit. Ikaw na bahala, ha. Thank you!” Nagdesisyon akong dumiretso sa ospital kung nasaan si Papang ngayon. Gusto ko syang makita. Mas importante ‘yon. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad para makasakay na kaagad ng jeep. Hindi pa man ako nakakalayo ay may kotse namang bumusina sa akin. Beeep! Beeep! Literal na napatalon pa ako sa gulat dahil sa malakas na busina. Gustuhin ko mang magalit ay ipinagpawalang bahala ko nalang. Wala akong panahong makipag-away ngayon dahil mas importante ang pupuntahan ko. Ngunit, huminto ito sa tapat ko, na labis ko namang ipinag-alala. Baka mamaya kidnapper pala ito at balak akong dukutin! Bahagyang bumaba ang salamin ng bintana nito kaya kitang-kita ko na kung sino ang pangahas na driver. "Ms. Madrigal, right? Isabella Madrigal?." Seryosong tanong ng lalaking hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang itsura. S’ya ‘yong lalaking masungit na tatay ng batang tu-turor-an ko sana. "O-oo. Ako nga. Anong kailangan mo?." Tanong ko. Naiilang pa ako dahil naalala ko biglabang dahilan kung bakit na-reject ang application ko. “Get in." "H-ha?" Parang bigla akong nabingi at gusto kong makasiguro kung tama ba ang narinig ko. "I said, get in.” Dahil sa takot ay napilitan na rin akong sumakay sa sasakuan nya. ‘Tama ba ang ginawa ko? Hindi ba dapat tumakbo nalang ako palayo?’ "T-teka, bakit ba? Saan mo ako dadalhin? May importante kasi akong lakad ngayon, eh." Hindi sya sumagot at nagsimula nang patakbuhin ang sasakyan nya. °°°°°° Malayo-layo na kami nang makuha ko nang magsalita. "Ahhh," ano nga ulit ang pangalan nito? Nakalimutan ko eh. "Zack," mukhang nabasa nya 'yong iniisip ko kaya kusa na syang nagpakilala. "Ahh, Zack. Saan mo nga ba ako dadalhin?" Iniisip ko si Papang. Gusto ko syang puntahan. "In my house." Tipid n’yang sagot. Nakatuon parin ang mata nya sa unahan at hindi ako tinitignan. "Ha? Bakit? A-anong gagawin ko sa bahay n'yo?" Basta nalang nya ako pinasakay sa kotse nya at hindi manlang sinabi kung saan kami pupunta. Baka mamaya kung ano'ng gawin sa'kin nito! "My daughter keeps on bugging me to find you. Ayaw nya ng ibang tutor, ikaw ang gusto nya. And another thing, she keeps on calling you mommy. Why is that?" Sumulyap sya sa akin ng naka-kunot ang noo. Hindi ko rin alam, bakit ako ang tatanungin nya? Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Saglit akong nag-isip at bigla akong may naalala. "Ay, oo!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya bigla syang napa-preno. Nagulat ko yata! "F*ck!" Galit syang tumingin sa'kin kaya bahagya akong natakot. "Don't shout like that while I'm driving. Mabuti nalang at walang sasakyan sa likod!" "S-sorry. Hindi ko naman sinasadya." Nanahimik nalang ako pagkatapos no'n. Nakakatakot naman 'to magulat! °°°F.G°°°BELLA“Ate!” Malapad ang ngiti ko nang salubungin ako ni Mikay. Siya ang kasalukuyang nagbabantay ngayon kay Papang sa ospital.“Si Mamang, nasaan?” Gusto kong ibalita kay Mamang ang napag-usapan namin ni Zack. Alam kong matutuwa siya dahil matatapos na ang problema namin. Ang hindi ko lang sure ay kung matutuwa ba siya sa magiging kapalit nito, kaya hindi ko nalang sasabihin ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Zack. Baka kasi tumutol pa.“Pabalik na rin ‘yon dito, Ate. Pinauwi ko lang saglit para makapagpahinga siya ng maayos.” Tumango ako bilang sagot. “Ate, siya nga pala. Hindi na muna ako papasok sa susunod na pasukan. Maghahanap muna ako ng trabaho para matulungan ko kayo ni Mamang.” Kahit na nakangiti siya, alam ko parin na labag sa kanyang kalooban ang huminto sa pag-aaral. Nakikita ko sa mga mata niyang hindi manlang umabot doon ang ngiti.Kilala ko ang kapatid ko. Napaka importante sa kanya ng pag-aaral niya. Kahit nga napakabigat ng pinagdadaanan ng pamilya namin ngayon, nana
BELLAHindi ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa higaan ko. Kanina ko pa iniisip kung tatanggapin ko ba o hindi ang alok na kasal ni Zack. Hindi naman kasi biro ang pagpapakasal, at para sa akin ay napaka sagrado no’n.Napakabilis! Ni hindi manlang ginawang romantic ni Zack ang proposal! Hindi nga muna n’ya ako tinanong kung gusto ko ba’ng magpakasal sa kan’ya. Hindi ‘yon tanong, kundi utos!“Pero kung ang kapalit naman no’n ay para sa operasyon ni Papang, why not?” Sambit ko sa sarili.Magpapakasal lang ako, tapos solve na ang problema ko kay Papang. Tsaka hindi naman na ako talo kay Zack. Itsura palang panalo na! Choosy pa ako? Bonus nalang ang yaman.“Tama, tama! Bukas na bukas ay kakausapin ko s’ya tungkol doon.”°°°°°°ZACK“Sir, Mr. Salazar is requesting your presence to his house. He wants to talk to you about his current case.” Kumunot ang noo ko sa ibinalita sa akin ng secretary kong si Camilla. Nang matapos ko ang isinusulat ko ay tsaka ko lang s’ya hinarap a
BELLAPalagi akong sumusulyap sa direksyon ni Zack. Gusto kong tumingin din sya sa direksyon ko at magtanong kung bakit ako nakatingin sa kanya. Pero mukhang manhid ang lalaking ito dahil hindi manlang yata nakakaramdam na may mga mata nang nakamasid sa kanya!Katatapos lang ng lesson namin ni Zoe at niyaya na nila ako na dito na mag-lunch. Hindi na ako tumanggi dahil bukod sa nagugutom na ako, ay pagkakataon ko na rin 'yon para gawin ang pakay ko."Ahh..." Natapos na kami sa pagkain at magpapalam muna sana ako para mag-CR saglit."What is it?" Biglang tanong ni Liam kaya naputol ang pagsasalita ko."Pupunta lang ako sa banyo." Paalam ko. Masuyo ko ring hinaplos sa buhok si Zoe at nginitian bago ako umalis sa harapan nila.Babalik na sana ako sa kusina para tumulong saglit nang makita ko si Zack na nakasandal sa pader na katapat lang ng CR. Naisip ko pang baka gagamit din s'ya ng banyo kaya hininatay n'ya akong matapos."Ahh.. Gagamit ka rin ba?" Ayaw ko pa sana syang papasukin sa loo
ZACKI’m currently in my office, reviewing my client’s data, when my daughter, Zoe, enters the room carrying a teddy bear. She’s wearing her usual pajamas, which look cute on her."Daddy." Saglit akong lumingon sa kanya para malaman nyang nakuha nya ang atensyon ko."Yes, sweety?" Tanong ko sa mababang boses. I gently pulled Zoe onto my lap and hugged her. She hugged me back."I can't sleep. Could you read me story until I fall asleep?" She sweetly asked. Bilang isang abogado ay kailangan kong tutukan at pag-aralan ang legal documents ng mga clients ko. I'm also managing multiple cases with its own sets of demands and deadlines. Also, I need to meet the clients, attend hearings and dealing with unexpected changes in case schedule.In short, I'm a very busy man. To the point, na nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Masyado akong nakatutok sa trabaho at hindi ko manlang magawang bigyan ng kahit kaunting oras si Zoe. Somehow, I felt a pang of guilt in my heart."Alright. I'll read you s
BELLA"Mommy!" Agad akong lumingon sa batang babaeng tumatakbo palapit sa akin. Bakas sa mukha nya ang tuwa nang makita ako.Hindi ko akalain na pagtatagpuin ulit kami ng landas ng batang ito.—FLASHBACK—Napakainit dito sa Maynila! Kararating ko lang dito galing sa probinsya, kaya pumasok muna ako sa mall para magpalamig. Isang bag lang naman ang dala ko at puro damit ko lang ang laman kaya madali nalang sa akin ang makakilos at makagala.Busy ako sa pagwi-window shopping nang may makita akong batang umiiyak. Naka upo sya sa sulok papunta sa CR ng mga babae kaya wala masyadong nakakapansin sa kanya."Bata, nawawala ka ba?" Nilapitan ko sya at umupo rin ako sa harapan nya nang nakatalungko para magpantay lang ang mga mukha namin.Nag-angat sya ng mukha at mabagal na umiling habang sumisinghot. Ang cute naman ng batang ito!"I ran away." Aba! At english speaking pa!"Bakit naman? Baka hinahanap ka na ng mommy't daddy mo." Sabi ko sa malambing na tono."I don't have a mommy. I'm with my
BELLA "Hmmp!... Good morning!" Nasa second floor ang kwarto ko sa boarding house na inuupahan ko, kaya kitang-kita sa bintana ko ang bubong ng mga katabi naming bahay. Ilang segundo pa akong nag-inat bago saglit na inayos ang magulo kong buhok. "Huy, Bella! Bumaba ka na at maki-agaw ka na ng almusal sa kusina! Mauubusan ka nanaman, bahala ka!" Si Ate Beth, may-ari ng boarding house. Tuwing umaga ay ipinagluluto kami ng almusal ni Ate Beth. Nag-aambag lang kami para sa pagkain. Maswerte ako at nakita ko 'tong paupahan nya at nakilala ko sya. Kahit papa'no ay nakakatipid ako sa gastos. "Huy, Kristina! Magtira ka naman. Meron pang mga hindi kumakain!" "H'wag kasi masiba, Tinay!" "Anong masiba? Binabawi ko lang 'yong mga pagkaing inubos n'yo na dapat ay sa'kin, 'no!" "Natural! Hindi ka naman nag-aambag eh!" "Hoy! Tumigil na kayo! Magsikain na nga lang kayo dyan!" Saway ni Ate Beth. Nakasunod naman ako sa kanya na kabababa rin lang ng hagdan. "Huy, Bella kumain ka na dit