Share

Her Vengeance Kabanata 34

Author: Docky
last update publish date: 2026-11-19 21:44:02

Yael’s POV

Dahan-dahan akong bumaba sa kama ni Yohan ng sa wakas ay napatulog ko na siya, ilang minuto rin akong nagbasa ng k’wentong pangbata ay hindi ko akalain na mas sasakit pa ang lalamunan ko doon kaysa ang magsalita sa meeting.

Ganito pala ang pakiramdam ng mga magulang na kailangang patulugin ang mga anak nila ngunit ang tagal matulog, hindi pala biro. Kaya naman pala may mga magulang na puyat na puyat, akala ko ay overreact lang sila.

Last day na ng business trip nila ngayong araw at b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 36

    Yael’s POVNakatulala siyang nakatingin sa akin, hindi ginagalaw at hindi rin inaalis ang mga palad ko na nakahawak sa magkabilang pisngi niya. Tanging ang mga mata lang niyang ang malikot na nangungusap at naghahanap ng sagot, tinitignan kung magbabago ang ekspresyon ng mukha ko.“Hana, I’m not up for a prank right now… If it’s a joke, it’s not funny,” nanginginig ang boses niyang saad, may nagbabadya na rin na luha sa gilid ng mata niya.Kahit hindi tuloy ako naiiyak kanina ay nagsimula na rin na manlabo ang paningin ko habang hindi iniiwas ang tingin ko sa kaniya, pinanatili ko lang ang tingin ko para maipakitang seryoso ako sa sinasabi ko ngayon sa kaniya.“At sino ang nagsabi na nagbibiro ako?” Pakunwari na galit na tanong ko at tinaasan siya ng kilay. “Sinasabi ko lang ang totoo, Yael. Tinatama ko ang mali mo na akala,” huminga ako ng malalim. “Hindi si Larry ang papa ni Yohan kundi ikaw, ang lalaking gusto na mapalapit ni Yohan sa kaniya ay ikaw.”“N-No way…”“Yes way! Sa tingi

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 35

    Hana’s POV“Yael, gusto ko lang sabihin na—"“Alam ko na!”Putol niya sa akin at napayuko, agad naman na nagsalubong ang kilay ko sa biglaan niyang pagputol sa sasabihin ko. Ano ang alam na niya?Napahakbang ako paatras, ang lakas na inipon ko sa buong byahe ay parang bula na nawala. H’wag niyang sabihin na habang nasa business trip ako ay naimbestigahan na niya ang katotohanan, at ngayon ay alam na niya ang lahat ng tinatago ko sa kaniya.Ano nalang ang nararamdaman niya ngayon, ganoon ba siya kagalit sa akin para tumaas ang tono ng boses niya?Paano kung kunin niya sa akin si Yohan, alam ko na tutulungan ako ni Larry kahit na anong mangyari, pero hindi kakayanin ng kumpanya niya kung kakalabanin niya ang Miller lalo na at ang iba naming collaboration project ay halos kilala ng Miller.“P-Paano mo nalaman?” Utal ko na tanong, takot at kaba ang nangibabaw sa dibdib ko. “Pinaimbestigahan mo ba ako habang wala ako rito?”Sa pagkakataon na lumabas lumabas ang tanong na ‘yon sa bibig ko a

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 34

    Yael’s POVDahan-dahan akong bumaba sa kama ni Yohan ng sa wakas ay napatulog ko na siya, ilang minuto rin akong nagbasa ng k’wentong pangbata ay hindi ko akalain na mas sasakit pa ang lalamunan ko doon kaysa ang magsalita sa meeting.Ganito pala ang pakiramdam ng mga magulang na kailangang patulugin ang mga anak nila ngunit ang tagal matulog, hindi pala biro. Kaya naman pala may mga magulang na puyat na puyat, akala ko ay overreact lang sila.Last day na ng business trip nila ngayong araw at bukas ay uuwi na sila, siguro naman ay hindi niya nakakalimutan ang pangako niya na maguusap kaming dalawa.Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ay hinanap agad ang numero niya, hindi naman siguro niya mamasamain kung tatawagan ko siya ngayon? Hindi pa naman gano’ng late, panigurado ay gising pa siya ng mga ganitong oras.Pero paano kung busy pa siya, ano nalang ang sasabihin niya pag nakita niyang may missed call ako? Baka mag-aalala pa siya, pero kung hindi ko susubukan na tawagan siya ng

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 33

    Hana’s POV“Finally!” Pagod ngunit nakahinga ng maluwag si Larry na napasandal ng tuluyan ng mawala sa paningin namin ang mga kotse ng kabusiness meeting naming dalawa. “Parang pinipilipit ang bituka ko kanina pa, hindi ko nga malasahan ang pagkain. Sayang, ang sasarap at ang mamahal pa naman ng order.”“Oh…” Simpleng saad ko at tinignan ang hawak niyang paper bag na may tatak pa ng restaurant. “Kaya pala may take out ka, talaga ba na kinakabahan ka sa meeting o nahihiya ka lang makita nila kung gaano ka kalakas kumain at matakot na makipag-collaboration ng project?” Biro ko.Sa totoo lang ay pareho lang kami ng nararamdaman, kung tutuusin ay hindi ko nga rin malunok ng maayos ang bawat subo na ginagawa ko kanina at baka nga maempatso pa ako dahil halos pilitin ko nalang ang sarili ko.Hindi naman ‘yon ang unang beses na makipag-collaboration ang kumpanya pero iba pa rin talaga pag malalaking kumpanya ang kausap namin, at aminin man namin o hindi ay nag magkaroon ng collaboration ang

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 32

    Yael’s POV “You can’t do that!” Malakas na humampas ang palad ni Mr. Benitez sa lamesa. “Kahapon lang ay ang sabi mo ay pagiisipan mo ng mabuti ang tungkol sa project na pino-propose ng kumpanya namin, ngayon ay biglang wala ng mangyayari?” Namumula ang mukha niya at nanginginig ang buong katawan, nanlilisik din ang tingin niya sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangisi habang nakasandal sa swivel chair ko at nakatingin sa kaniya, walang kahit na anong bakas ng emosyon ang pinaskil ko roon. Nakatitig lang ako sa kaniya, pinapanood kung ano ang susunod na babakas sa mukha niya. “Mr. Benitez, anong ibig mo na sabihin? Ano ang hindi ko p’wede na gawin kung wala naman akong pinangako tungkol sa project na sinasabi mo?” Pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking dibdib at tumingin isa-isa sa mga nasa meeting. Umagang-umaga ay nagpatawag na agad ako ng emergency meeting para sa mga proposal project at collaboration, hindi para asikasuhin ang mga pending na trabaho ko kundi para tapusin ang si

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Her Vengeance Kabanata 31

    Yael’s POV“Sabihin mo, saan ka nagtratrabaho?” Pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib, bumalik ang kumpyansa niya sa sarili. Ang kanina pa niyang namumula na mukha ay muling nagkaroon ng pagmamataas ekspresyon. “Hindi mo masabi, bakit? Pangalan pa lang ay kilala mo na ang asawa ko, tama?”Humakbang siya pasulong hanggang ilang hakbang na lang ang layo niya sa amin ni Yohan, na agad na ikinahakbang ni Yohan papunta sa likuran ko. Ang maliit niyang kamay ay mahigpit na humawak sa dulo ng suits ko, nanginginig ‘yon at sigurado akong hindi ‘to ang unang beses na ginawa ‘to na kaniya ng mga tsismosa na ‘to.“Well, kung titignan ang suot mo ay mukhang sa business industry din gumagalaw ang mundo mo. Pero mukhang ‘to na ang last day mo na masuot ang business suits na ‘yan,” nanunudyo niya muling saad, kasabay noon ang nangungutya naman na tawa ng ilan sa kanila.Hindi ko na gusto noon pa man ang tabas ng dila ni Benitez, ngunit ngayon ay narealize ko na hindi lang pala siya kundi m

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 5 Failed Plan

    Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 4 Her First Dance

    Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 3 Father and Son

    Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 1 Kidnapping His Ideal Mommy

    Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status