LOGINTroy’s POVAkmang palabas na ako ng bahay ng habulin ako ni mama at papa, hawak ni mama ang braso ko at umiling-iling.“Anak, sa tingin ko ay mas mainam kung aayusin mo muna ang sarili mo. Hindi ka namin hahayaan na mag drive na hindi kalmado, kaya please lang kumalma ka muna. Maraming oras o araw na p’wede mo siyang makausap, kung gusto mo ay mamaya o bukas basta kalmado kang b-byahe at makikipagusap sa kaniya,” mahabang sambit ni mama at mariin na hinawakan ako sa braso.“Pero mama, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong marinig ang tungkol dito at anong dahilan niya bakit niya tinago sa akin ang totoo, at bakit…” Napatigil ako sa pagsasalita, hindi ko masabi ang huling tanong na tumatakbo sa isip ko.Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan at biglang naglaho, bakit siya umalis at tinago sa akin ang pagkakaroon namin ng anak.Maayos naman kami bago siya biglang nawala, kaya hindi ko alam kung bakit pinagdimot niya sa akin ang buong taon ng paglaki ni Vyron sa akin.“Anak
Troy’s POVTahimik lang akong nakaupo ngayon sa driver’s seat, halos walang lakas ang mga katawan ko para mag drive paalis. Kung p’wede lang akong gumawa ng eksena at makipagtalo na ako na ang maghatid kila Venice at Vyron ay gagawin ko, ngunit wala.Napayuko na lang ako at mariin na pumikit, hindi lang sintido ko ang kumikirot ngayon dahil sa hangover kundi pati ang dibdib ko.Ang saya-saya nilang panoorin, wala akong laban doon.Ilang minuto yata ako sa ganoong p’westo ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa, agad ko ‘yon na kinuha. Umaasa akong baka may nakalimutang sabihin sa akin ni Venice o Vyron, o baka aayain din nila akong kumain ng hapunan sa bahay nila…Hindi naman maling umasa.Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng makita ang pangalan ni mama sa screen ng cellphone ko, tiyak na galit ‘to sa akin dahil hindi ako umuwi kahapon at wala pa akong paramdam ngayong araw.“Mama…” Mahina kong bulong ng sagutin ko ang tawag niya.“Aba’y mabuti naman at sumago
Venice’s POV“Gusto ko lang linawin ang huli mong sinabi, hindi lang ako basta kung sinong tao lang sa buhay ni Vyron,” sambit ni Troy na ikinatigil namin pareho ni Geo.Anong ibig niyang sabihin doon, may alam na ba talaga siya sa totoong pagkatao ni Vyron at kung ano siya sa buhay ng anak ko?Kabado akong napatingin kay Geo, pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko palabas sa dibdib ko. Imposible, walang kahit na impormasyon na naiwan tungkol sa pagbubuntis ko. Ginawaan na ng paraan ni Geo ‘yon at pinakiusapan ang kaibigan niyang doctor na si Rafael kaya imposible.“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Geo ng pagkatapos ng ilang minuto na niyang pananahimik, mukhang kahit siya ay nakaramdam ng kaba na maaring alam n ani Troy ang sekreto na matagal na naming tinatago kahit na kanino.Huminga ng malalim si Troy at sumulyap sa akin saglit na parang tinatansya kung sasagot ba siya o hindi, nilapag niya ang huling nabalatan na hipon sa plato ni Vyron at kumuha muna ng tissue at pinunasan a
Venice’s POV“Dito ka na maupo,” sabay nilang saad pagkatapos humila ng upuan, nagkatinginan tuloy kami ni Vyron at hinihintay niya kung saan ako mauupo. Ngunit bago pa ako makapili ay nauna ng magsalita si Troy at nilapitan si Vyron, binuhat niya ‘to ay pinaupo sa bangko na hinila niya.“Ako po?” Gulat na tanong ni Vyron at tinuro pa ang sarili ng siya ang kunin ni Troy.Tumango naman si Troy at ngumiti, inayos na niya ang tela sa dibdib niya Vyron para hindi marumihan ang uniform nito.“Diba gusto mo akong kasabay na kumain, kaya dito ka sa tabi ko para mas ramdam mo na sabay tayong kumakain. Nagpadagdag ako ng shrimp na paborito mo, ipagbabalat kita hanggang mabusog ka,” dagdag pa niya.“Wow! Thank you, Uncle Troy!” Masaya niyang sambit at napapalakpak pa.Napatingin naman ako kay Geo na humaba na ang nguso at salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya, alam kong marami siyang gustong sabihin kay Troy pero pinipigilan lang niya ang sarili niya. Pinatong ko ang palad ko sa likuran n
Troy’s POVTanging tingin lang ang kaya kong gawin habang magkasama silang tatlo, kung napadaan lang ako ay iisipin kong sobrang saya nilang pamilya pero hindi ‘yon ang sitwasyon. Tiim ang bagang kong iniwas ang tingin ko lalo na ng ngumiti na sila sa isa’t-isa, masayang nag-uusap dahil sa wakas ay magkakasama na sila.“Uncle Troy!” Napaangat lang muli ang tingin ko ng tumakbo palapit sa akin si Vyron, may kung ano sa ekspresyon niya na hindi ko mapaliwanag.“Anong problema, bakit bumalik ka rito? May nakalimutan ka ba?” Marahan na tanong ko, hindi na ako makikipagtalo na maghatid sa kanila dahil alam ko naman na kahit na makipag-agawan ako ay may mananalo na. Lalo na ngayon na iniiwasan ko ni Venice dahil sa nangyari kagabi, alam kong hindi niya ako pipiliin.Natawa ako sa sarili ko.Iba rin pala talaga makaramdam ng lalaki, kung kailan nagkaroon ako ng lakas ng loob na unti-unting maging vocal sa nararamdaman ko ay saka siya bumalik. Anong laban ko, may anak sila at sa aming dalawa
Venice’s POV“Venice! Vyron!” Isang pamilyar na boses ang pumukaw ng atensyon ko at agad na napatingin sa lalaking kakalabas lang sa kulay gray na kotse, nanlalaki ang mata ko ng makita si Geo na nakatayo sa tapat ng bahay habang kumakaway.Bago pa man ako makapag react ay tumalon-talon na si Vyron sa pagka excite at agad na tumakbo palapit sa kaniya habang nakadipa ang mga kamay sa ere.“Geo!” Masaya niyang sigaw at patalon na yumakap sa kaniya, mabilis naman siyang sinapo si Geo at binigyan din ng mahigpit na yakap si Vyron dahilan para mapahagikgik si ‘to. “Nakabalik ka na, kailan ka pa dumating?!”Ang malambing na boses ni Vyron ang nangibabaw sa paligid, halata na tuwang-tuwa siyang makita ngayon si Geo sa harapan niya. Hindi ko siya masisisi dahil ilang taon din na hindi niya nakita si Geo, kaya ngayon na nabalik na ‘to ay siya ang pinakamasaya.“Mommy, andito na ulit si Geo!” Sigaw niya sa akin habang nakakarga na sa braso ni Geo at kumakaway, tinatawag akong lumapit sa kanila.
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas







