Mag-log in
Alas-onse na ng gabi, at tahimik na ang buong Baram Province. Karamihan sa mga bahay ay patay na ang ilaw, at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa halos walang lamang kalsada.
Pero sa isang sulok ng isang bahay, may isang kuwartong nananatiling maliwanag kahit dis-oras na ng gabi. Maririnig ang tuloy-tuloy na ugong ng sewing machine. Brrrrt... Punong-puno ng fashion sketches, magazines, at mga piraso ng tela ang mesa. Nakakalat din sa paligid ang ilang kahon na puno ng makukulay na materyales, habang nakabukas naman ang mga drawer na naglalaman ng iba't ibang zipper, buttons, at iba pang gamit sa pananahi. Sa gitna ng kuwarto ay may nakaupo ang isang dalaga na tutok na tutok sa ginagawa. Inalis niya ang makapal at kulot niyang buhok na nakaharang sa mukha bago iniangat ang katatapos lamang niyang tahiing coat. Inayos niya ang oversized glasses at maingat na sinuri ang bawat tahi at sulok nito, tinitiyak na walang kahit isang detalye ang pumalpak. Ilang sandali pa, isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, dahilan para mas lalong makita ang braces sa kanyang ngipin. "Finally!" Tumayo siya at kinuha ang hanger na nakalagay sa tabi ng mesa. Maingat niyang isinabit ang coat, inayos ang tela, at tinanggal ang ilang sobrang sinulid na nakasabit dito. Pagkatapos, umatras siya nang kaunti para masuri ang kanyang ginawa. Napahawak siya sa magkabilang baywang at ilang beses na tumango. "Not bad, Bambie. Not bad at all." Iniunat niya ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang ulo at iniikot ang leeg para maibsan ang tila naipon na tension sa kanyang balikat.Napasinghap siya nang bahagyang sumakit ang kanyang katawan. Nang mapatingin siya sa orasan, saka lamang niya napagtantong napasarap na naman siya sa pagtatrabaho. "Oh, goodness..Alas-onse na pala?" Umiling siya at nagsimulang magligpit ng mga gamit. Paminsan-minsan ay napapatingin pa rin siya sa coat na nakasabit sa tabi niya. Hindi niya maiwasang maging proud sa sarili niyang gawa. Ilang araw din kasi ang ginugol niya para masigurong maayos ang bawat detalye nito. Habang inililigpit niya ang mga gamit sa pananahi, isang mahinang katok ang narinig niya sa kanyang pintuan. Dahan-dahang bumukas iyon at lumitaw ang kanyang ina na halatang inaantok na at tila nagising sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog. "Ma? Bakit gising ka pa?" Napatingin ang kanyang ina sa magulong kuwarto bago napabuntong-hininga. Pumasok ito at lumapit sa kanya, at marahang ipinatong ang isang kamay sa kanyang balikat. "Sweetheart, hindi ka ba napapagod sa pagpupuyat nang ganito? Baka magkasakit ka sa ginagawa mo." Ngumiti si Bambie. "Ma, ito na talaga ang last. Besides, mas magiging busy pa ako bukas." "Na-pack mo na ba lahat ng kailangan mo?" Napatingin si Bambie sa mga maleta sa sulok ng kuwarto. "Of course! Hindi rin naman ako makatulog, kaya naisipan ko na lang tapusin yung coat." Umiling ang kanyang ina habang nakangiti. Sandali niya munang pinagmasdan ang anak bago muling nagsalita. "Well, dapat manalo ka bukas, ha." Napatawa si Bambie. "Don't worry, Ma. I'll try my best!" "Iyan ang gusto kong marinig. Now, matulog ka na. Ihahatid ka ng papa mo bukas." Tumango si Bambie at nagpatuloy sa pagliligpit. Pero nang isasara na sana niya ang isa sa mga drawer, may napansin siyang nakapaskil sa kanyang inspiration board. Isang maliit na sticky note. *MCL COUTURE COMPETITION-The winner receives a paid internship at MCL Couture House. Ilang sandali niya iyong tinitigan bago unti-unting ngumiti. Please, Lord. Sana ito na ang chance ko. Dahan-dahang nilibot ng kanyang paningin ang buong kuwarto. Napatingin siya sa mga sketches na nakapaskil sa dingding, sa mga coat na nakasabit sa clothing rack, at sa mga mannequin na nagpapakita ng mga disenyo at pattern na siya mismo ang gumawa. Sa maliit na kuwartong ito nakatago ang lahat ng pangarap niya. At bukas, magkakaroon na siya ng pagkakataong patunayan ang sarili. --- Kinabukasan, maaga nang nakabihis at handa na si Bambie para umalis. Suot niya ang brown floral maxi dress na ipinares sa oversized beige cardigan. Gaya ng dati, magulo pa rin ang kanyang kulot na buhok, pero hindi naman siya mukhang bothered dito. Hindi siya iyong tipo ng babaeng mapapalingon agad ang lahat kapag pumasok sa isang silid. Iba ang dating ng kanyang kagandahan—hindi man pasok sa karaniwang beauty standards, mayroon naman siyang sariling charm. Ang natural niyang kulot na buhok, malalaking salamin, braces, at nakasanayan niyang pagngiti kahit sa maliliit na bagay ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang personalidad. Kaya niyang gumugol ng maraming oras sa pagdidisenyo ng magagandang damit para sa ibang babae. Madalas niyang isipin kung gaano kaganda at ka-confident ang mga ito kapag sinuot na ang mga likha niya. Pero kapag siya na mismo ang nakatayo sa harap ng salamin, nahihirapan siyang makita ang ganoong kagandahan sa sarili. Alam na alam niya kung paano gawing maganda at confident ang isang babae sa pamamagitan ng fashion. Ang hindi pa niya alam ay kung paano matutunang mahalin ang sarili niyang itsura. Sa likod ng palangiti at masayahin niyang personalidad ay isang dalagang madalas makipaglaban sa sarili niyang insecurities. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili sa mga eleganteng babae at flawless na models na nakikita niya kung saan-saan. Para bang nasa kanila na ang lahat ng bagay na sa tingin niya ay wala sa kanya. At kahit anong pilit niya, madalas pa rin niyang maramdaman na isa lamang siyang ordinaryong babae sa mundong puno ng magagandang tao. Matapos suriin ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon, kinuha niya ang mga maleta at bumaba. Naabutan niya ang kanyang ama na naghihintay sa kanya, suot ang malapad na ngiting namana niya rito. "Tara na?!" bati nito. "Dad! Kanina pa ako ready." Napatawa ang kanyang ama at inabot ang mga maleta. "Alright, alright. Tara na bago mo pa ako sisihin kapag na-late tayo sa competition mo." Tumawa si Bambie at sumunod palabas ng bahay. Pero bago tuluyang sumakay sa kotse, napalingon muna siya sa kanilang bahay. Napatingala siya sa second floor kung saan naroon ang kanyang kuwarto. I'm going to miss my room. "Come on, sweetheart. Mahaba-haba pa ang biyahe natin." Napalingon siya sa kanyang ama nang biglang lumapit ang kanyang ina, may dalang maliit na bag. "Bambie, naghanda ako ng pagkain para sa iyo. Baka magutom ka sa biyahe." "Thank you, ma!" Agad niya itong niyakap. "Good luck sayo sweetheart. Galingan mo, okay?" Marahang hinaplos ng kanyang ina ang likod niya. "I will, Mom. Just wait until I come home. Magiging nanay ka ng isang sikat na fashion designer!" Kumalas si Bambie sa yakap at ngumiti nang may pagmamalaki. Napatawa ang kanyang ina sa sobrang confidence ng anak. "Alright, Miss Future Fashion Designer. Umalis ka na bago ka pa ma-late." "Bye, Ma!" Sumakay na si Bambie sa kotse at ibinaba ang bintana para kumaway sa kanyang ina. "BYE, MOMMY!" Patuloy na kumaway ang kanyang ina hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan. Pero nang tuluyan na itong makalayo, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Napaltan iyon ng pag-aalala habang nakatingin sa bakanteng kalsada. --- Limang oras ang biyahe ni Bambie mula Baram Province papuntang Rosewood City, isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa bansa. Malayo ito sa tahimik na probinsiyang kinalakihan niya. Sa Rosewood, may mga matatayog na gusali, mamahaling establishments, at mga prestihiyosong fashion boutiques ang makikita sa halos bawat kanto. Isa itong lugar na dati ay sa magazines, telebisyon, at social media niya lamang nakikita. Pagkababa niya ng bus, dumiretso siya sa susunod na terminal para sumakay ulit. Kailangan pa niyang bumiyahe papunta sa apartment na tutuluyan niya. Napatingin siya sa kanyang relo. Alas-nuwebe. Alas-diyes pa naman magsisimula ang competition, at habang naiisip niyang baka ma-late siya, lalo siyang kinakabahan. Please, huwag naman sana akong ma-late. Habang naghihintay sa bus stop, napansin niya ang dalawang lalaking papalapit. Pareho silang nakasuot ng mamahaling-looking suits at tila napansin agad ni Bambie at kagalang galang na itsura ng mga ito. Hindi niya napigilang mapatingin sa mga ito. So ganito pala sa city. Pati mayayaman, nagba-bus din. Napangiti siya sa sarili niyang obserbasyon. Sa kasamaang-palad, napansin ng isa sa mga lalaki ang ginagawa niya. Lumingon ito sa kanya at bahagyang kumunot ang noo, na para bang hindi nito maintindihan kung bakit nakangiti ang isang nang mag-isa ang babae. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang bus. Halos sabay-sabay silang tatlo na sumakay, pero nauna pa rin si Bambie dahilan para mapaatras ang dalawang lalaki. Pagpasok niya, agad siyang naghanap ng bakanteng upuan. May nakita siyang isa sa bandang gitna ng bus kaya nagmadali siyang lumapit doon habang maingat na hinihila ang mga maleta sa makitid na aisle. Nasa mismong harap na siya ng upuan at paupo na sana nang biglang may sumingit sa kanya. Nagulat si Bambie at muntik nang mawalan ng balanse. Agad siyang kumapit sa pinakamalapit na handrail para hindi tuluyang matumba. At sa isang iglap, naagaw na ang upuang kanina pa niya balak upuan. Isa iyon sa dalawang lalaking nakita niya sa bus stop. Walang kahit anong paghingi ng sorry, basta na lamang itong umupo, sumandal nang komportable, at pumikit. Samantala, nanatiling nakatayo sa tabi nito ang kasama niya. Hindi makapaniwalang tinitigan ni Bambie ang lalaki. Did he seriously just do that? Hindi niya kayang palampasin ang ginawa nito kaya nilapitan niya ito habang hinihila ang kanyang mga maleta. "Hoy!" Sapat ang talas ng boses niya para mapalingon ang kasama ng lalaki, pero ang mismong lalaki ay hindi man lang nag-abala na dumilat. Napairap si Bambie. "Hoy! Kinakausap kita." Iniabot niya ang kamay at tinapik ang balikat nito. Doon lamang ito nagmulat ng mga mata. Tiningnan siya ng lalaki nang halatang naiirita. Mula sa magulo niyang kulot na buhok, bumaba ang tingin nito sa malalaking salamin niya bago bahagyang kumunot ang noo. "Talk to my assistant. I'm busy." Itinuro nito ang lalaking nakatayo sa tabi niya bago muling pumikit. Napanganga si Bambie, muntik na ring matawa sa inis. Unbelievable. Sino ba ang akala niya sa sarili niya? "Didn't your mom ever teach you how to behave? Wala ka bang manners?” Dahan-dahang dumilat ang lalaki. "Do I know you?" tanong nito, halatang nauubos na ang pasensya. "What do you want?" Inayos ni Bambie ang salamin niya at diretso itong tinitigan. "Get up." Kumurap ang lalaki. "What? Are you out of your mind?" "That's my seat! Paupo nako diyang kanina ehhh. Bigka ka lang sumingit. Muntik pa kong matumba dahil sa ginawa mo! Paano kung nadamay pa ang ibang tao?" Walang emosyon ang mukha nitong tumingin sa kanya. "That's not my problem. This is public transportation. Anyone can sit wherever they want." Napatingin si Bambie rito nang hindi makapaniwala. Sandali siyang natahimik bago ito sinipat mula ulo hanggang paa. "You know, it's such a waste. You're actually handsome, pero mukhang kalahati ng utak mo nawawala. Edi sana alam mo kung paano umasal nang maayos." Biglang napa-ubo ang assistant nito, halatang pinipigilan ang tawa. May ilang pasaherong napalingon sa kanila. Lalong dumilim ang mukha ng lalaki. Halatang nainsulto at tumayo siya habang humakbang palapit kay Bambie. Napatingala siya rito dahil sa sobrang tangkad nito. Halos matakpan na siya ng lalaki sa laki ng pangangatawan nito. Pero hindi siya nagpatinag. "Do you even know who I am?" tanong nito sa tonong puno ng kayabangan. "I could buy this entire bus just so I wouldn't have to share it with anyone." Napataas ang kilay ni Bambie. Pagkatapos, natawa siya. "Go ahead. Kung gusto mo bilhin mona rin ang buong city." Tinapik pa niya ang balikat nito na para bang kinakausap lamang niya ang isang batang kailangang patahanin. Ilang sandali siyang tinitigan ng lalaki. Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa babaeng ito. Bago pa man siya makaisip ng isasagot, may isang pasaherong nakaupo sa likuran nila ang bumaba sa susunod na bus stop. Agad iyong sinamantala ni Bambie at kinuha niya ang mga maleta at lumipat sa bagong bakanteng upuan. Hindi na niya pinansin ang lalaki. Nang makaupo na siya nang maayos, binigyan niya ito ng huling masamang tingin bago humarap sa bintana. Sa kabila ng hindi magandang encounter, hindi niya maiwasang mamangha sa tanawin sa labas. Matatayog na gusali ang nakapaligid sa kalsada, habang nakahanay naman sa magkabilang gilid ang mga mamahaling boutiques at modernong establishments. Ibang-iba talaga ang lugar na ito kumpara sa kanilang probinsya. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid at naisip kung ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng career sa isang lungsod na ganito. Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang bus sa Station 3. Kinuha ni Bambie ang kanyang mga gamit at dumiretso sa exit. Habang naglalakad siya sa aisle, biglang tumayo ang lalaking nakaaway niya kanina. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero nang malagpasan niya ito, hindi niya napigilang gumanti sa huling pagkakataon. Sinadya niyang tapakan ang paa nito. "Ouch!" Napadaing ang lalaki at agad na napatingin sa kanyang paa. "Are you crazy?!" Mabilis na napalingon sa kanya ang assistant nito. "Sir! Are you alright?" Napalingon si Bambie sa kanyang likuran. "Oops. Sorry!" Binigyan niya ito ng inosenteng ngiti, dahilan para mas lalong makita ang braces niya. Pagkatapos, masaya siyang nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari.Pagdating ni Bambie sa apartment, agad niyang inihanda ang mga gamit na kakailanganin niya kinabukasan. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang favorite measuring tape niya. Matagal na niya itong ginagamit simula noong nag-aaral pa siya ng fashion designing, kaya halos hindi siya makapagtrabaho nang wala iyon.Habang inaayos ang mga gamit, kinuha niya ang phone niya para mag-check ng latest news. Ilang articles muna ang nadaanan niya bago siya napahinto sa isang headline tungkol sa MCL COUTURE.*MCL COUTURE OFFICIALLY ANNOUNCES SELECTED CANDIDATES FOR ITS PAID INTERNSHIP PROGRAM**The prestigious fashion house, MCL COUTURE, has officially announced the selected candidates for its Paid Internship Program, a groundbreaking competition initiated by its owner, Dreyfus Maclaurent. He is the first fashion house owner to offer such an opportunity to aspiring designers.*"Dreyfus Maclaurent?" mahina niyang bulong habang binabasa ang article.Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan bago bahagya
Pagpasok ni Bambie sa conference room, bumungad sa kanya ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang interviewers. Kabilang sa kanila ang magandang babaeng nagpapasok sa kanya sa MCL COUTURE.Napansin din niya ang ilang interviewers na tila nagpalitan ng tingin habang sinusuri ang kanyang itsura at tila may bahagyang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.Here we go again, Bambie.Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin mula sa ibang tao. Hindi na rin bago sa kanya ang husgahan agad siya dahil lang sa kanyang appearance.“Are you Barbie San Agustin?” tanong ng isang lalaki.“Yes, sir,” nakangiting sagot ni Bambie.“Well, we're from the Fashion and Design Department. I'm Gilbert, the Creative Director, and this is Lareina Maclaurent, the Design Director of MCL COUTURE.”Magalang na ngumiti si Bambie sa dalawa.I thought siya ang may-ari.Saglit na umikot ang tingin niya sa buong conference room hanggang sa mapansin niya ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna ng mesa.“Ms. Barb
Alas-nuwebe na ng gabi, pero gising pa rin si Bambie. Nakahiga siya sa kama habang paulit-ulit na chine-check ang kanyang phone, umaasang may update na tungkol sa results ng competition.“Ugh. Bakit wala paring nag email...“Umikot siya sa kabilang side ng kama at niyakap ang kanyang hotdog-shaped pillow.“I don't think I made it,” malungkot niyang bulong habang nakatitig sa sketch na nakapaskil sa dingding sa harap ng kanyang salamin.Unti-unting bumibigat ang kanyang mga talukap. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang notification. Pero dahil mahimbing ang tulog niya, hindi na niya iyon napansin.----Kinabukasan, around seven in the morning, unti-unting nagising si Bambie. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri bago tuluyang dumilat ang kanyang mga mata.Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at bahagyang kumunot ang kanyang noo.“Mmm? Paran
HIS POVKahit nakababa na ng bus ang babaeng nakaaway niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mariing pag-apak nito sa kanyang paa.Napangiwi siya habang maingat na bumababa ng bus at tila ramdam pa rin ang kirot sa kanyang paa. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang babae na naglalakad palayo habang panay ang lingon sa magkabilang direksyon na tila may hinahanap.Napailing siya.What an annoying woman."Jimmy..."Agad na lumingon sa kanya ang kanyang assistant."Is my car still not ready?"Chineck ni Jimmy ang kanyang relo bago inilabas ang phone para tingnan kung may bagong update. Bahagya itong napangiti nang mabasa ang latest message."Tapos na raw po, sir. On his way na po ang driver."Napabuntong-hininga siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang."This is the first and last time na magco-commute ako."Napakamot sa ulo si Jimmy at bahagyang nag-alangan bago nagsalita."Well, sir... kung hindi po kayo magagalit, kayo rin naman po talaga ang may kasala
Alas-onse na ng gabi, at tahimik na ang buong Baram Province. Karamihan sa mga bahay ay patay na ang ilaw, at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa halos walang lamang kalsada.Pero sa isang sulok ng isang bahay, may isang kuwartong nananatiling maliwanag kahit dis-oras na ng gabi.Maririnig ang tuloy-tuloy na ugong ng sewing machine.Brrrrt...Punong-puno ng fashion sketches, magazines, at mga piraso ng tela ang mesa. Nakakalat din sa paligid ang ilang kahon na puno ng makukulay na materyales, habang nakabukas naman ang mga drawer na naglalaman ng iba't ibang zipper, buttons, at iba pang gamit sa pananahi.Sa gitna ng kuwarto ay may nakaupo ang isang dalaga na tutok na tutok sa ginagawa.Inalis niya ang makapal at kulot niyang buhok na nakaharang sa mukha bago iniangat ang katatapos lamang niyang tahiing coat. Inayos niya ang oversized glasses at maingat na sinuri ang bawat tahi at sulok nito, tinitiyak na walang kahit isang detalye ang pumalpak.Ilang sandali pa, isang malap







