Home / Romance / Too Insecure To be His / CHAPTER 4: Rough Edges

Share

CHAPTER 4: Rough Edges

Author: Aiko Garcia
last update publish date: 2026-11-05 17:01:02

Pagpasok ni Bambie sa conference room, bumungad sa kanya ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang interviewers. Kabilang sa kanila ang magandang babaeng nagpapasok sa kanya sa MCL COUTURE.

Napansin din niya ang ilang interviewers na tila nagpalitan ng tingin habang sinusuri ang kanyang itsura at tila may bahagyang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.

Here we go again, Bambie.

Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin mula sa ibang tao. Hindi na rin bago sa kanya ang husgahan agad siya dahil lang sa kanyang appearance.

“Are you Barbie San Agustin?” tanong ng isang lalaki.

“Yes, sir,” nakangiting sagot ni Bambie.

“Well, we're from the Fashion and Design Department. I'm Gilbert, the Creative Director, and this is Lareina Maclaurent, the Design Director of MCL COUTURE.”

Magalang na ngumiti si Bambie sa dalawa.

I thought siya ang may-ari.

Saglit na umikot ang tingin niya sa buong conference room hanggang sa mapansin niya ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna ng mesa.

“Ms. Barbie, I have to admit, I was quite surprised by your name. I was actually expecting someone who looked like Barbie,” pabirong sabi ni Gilbert sabay tawa.

Napangiti na lang nang awkward si Bambie. Hindi niya alam kung dapat ba siyang makitawa o balewalain na lang ang biro nito.

“Well, as you may already know, you're one of the candidates selected for MCL COUTURE's paid internship program,” panimula ni Lareina. “What are your plans after completing your internship?”

“Um... I haven't really made any plans yet. For now, gusto ko lang po munang ma-improve ang skills ko and gain more experience in the fashion industry.”

Napatango ang ilan sa mga interviewers.

“I'm actually curious about your design. Why did you choose to create such a simple white cocktail dress?” tanong ni Lareina.

Huminga muna nang malalim si Bambie bago sumagot.

“Actually po, pagpasok ko sa building kahapon, napansin ko agad 'yung mga products na naka-display sa showroom ng MCL COUTURE. Based on my observation, you really focus on the quality of the fabrics and the precision of every stitch. Kaya po iyon ang naging focus ko sa design ko. I didn't want to add too many details that might take away from the quality and craftsmanship of the dress.”

Napatango si Lareina habang nakikinig sa kanya.

“That's a very good observation. And you're right. That's actually what MCL COUTURE stands for. We believe that quality and craftsmanship should always come first.”

Saglit siyang tumingin sa ibang interviewers bago muling ibinalik ang atensyon kay Bambie.

“Well, that's all for today. You can start your internship tomorrow.”

Agad na lumiwanag ang mukha ni Bambie.

“Thank you so much, ma'am!”

Magalang siyang yumuko bago kunin ang mga gamit niya at tuluyang lumabas ng conference room.

---

Pagkalabas ni Bambie sa conference room, saka naman lumabas si Dreyfus mula sa isang gilid ng silid kung saan siya kanina tahimik na nagmamasid.

“Sir, may I ask kung bakit ayaw n'yo pong magpakita sa mga interns” tanong ng isa sa mga fashion designers.

Dreyfus casually slipped his hands into his pockets.

“I didn't want them to get nervous,” sagot niya na may bahagyang ngiti.

Napangiti rin ang designer at tumango.

Muling napatingin si Dreyfus sa pintuan kung saan huling lumabas si Bambie.

He was curious to see how the new interns would perform, especially the girl who had just left the room.

----

BAMBIE

Patuloy sa paglalakad si Bambie sa gilid ng kalsada, habang may maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Good job, Bambie," bulong niya sa sarili habang bahagyang tumango.

Grrrrr!

Napatingin siya sa tiyan niya nang bigla itong kumalam.

"Oh, right. Lunch!"

Napangiti siya at agad na hinanap ng tingin ang pinakamalapit na mauupuan. Nang makakita siya ng bakanteng bench, dumiretso siya roon at umupo.

"Finally. Some peace and quiet," bulong niya.

Kinalkal niya ang bag at inilabas ang sandwich na inihanda niya kanina. Maingat niyang tinanggal ang wrapper at isusubo na sana ang unang kagat nang biglang may humintong kotse sa harap niya.

Natigilan siya.

Dahan-dahang bumaba ang car window.

Kumunot ang noo niya nang makilala ang lalaking nasa driver's seat.

Oh, great. The guy from the bus.

"Ikaw nanaman?" bulalas niya, halatang hindi natutuwa.

Napatawa si Dreyfus sa naging reaksyon niya. Binuksan nito ang p***o ng kotse at kaswal na bumaba.

Inayos pa nito ang suot na jacket bago tuluyang lumapit sa kanya, na para bang wala itong ibang importanteng ginagawa kundi puntahan siya.

Napabuntong-hininga si Bambie at inilapag muna ang sandwich sa tabi niya. Tumayo siya, saka nag-cross arms habang nakatingin nang masama sa lalaki.

"What do you want?"tila naiinis na tono nito.

Huminto si Dreyfus sa harap niya. Mula ulo hanggang paa ay sinuri siya nito. Bahagyang tumaas ang isang kilay nito nang mapansin ang unusual outfit niya.

"Don't you have something to say to me?" seryosong tanong nito.

Kumunot ang noo ni Bambie.

"Like what?"

Napabuntong-hininga si Dreyfus na para bang nahihirapan itong makipag-usap sa isang napakabagal umintindi.

"An apology. Obviously."

"Excuse me?"

"You heard me. You stepped on my foot back there, remember?" nakataas ang kilay na sabi nito. "Or do you make a habit of hurting people and walking away without apologizing?"

Napatingin lang sa kanya si Bambie bago umirap.

"Oh, please.You're acting like I ran over your foot with a truck. Besides, you deserve it."

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Dreyfus.

"You should apologize. Otherwise—"

"Otherwise, what?" mabilis siyang putulin ni Bambie.

Napangisi si Dreyfus at humakbang palapit sa kanya. Bahagya nitong inilapit ang mukha sa babae, dahilan para mapaatras ito nang kaunti.

"Otherwise, your job might be affected."

Napataas ang kilay ni Bambie bago natawa.

"Seriously?Sa tingin mo matatakot ako diyan?"

Hindi sumabay sa pagtawa si Dreyfus. Sa halip, tinitigan lang siya nito na may bahagyang ngisi sa labi.

"You're quite confident for someone who doesn't even know who she's talking to."

Bahagyang nagkibit-balikat si Bambie.

"Wow, dapat ba akong ma-impress?"

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Dreyfus.

"You don't seem to understand how things work. People usually think twice before talking to me like that."

"Well, congratulations. I'm not like most people."

Bahagyang itinagilid ni Dreyfus ang ulo habang nakatingin sa kanya. Halatang naaaliw ito sa pagiging mataray ng babae.

"You really have no idea who I am, do you?"

Sa halip na sumagot, bumalik si Bambie sa pagkakaupo at muling kinuha ang sandwich niya.

"Honestly? Wala akong pakialam. Kahit anak ka pa ng presidente, I couldn't care less."

Natigilan sandali si Dreyfus.

Hindi siya sanay na may babaeng basta na lang nagdi-disregard sa kanya, lalo na't karamihan sa mga taong nakakasalamuha niya ay maingat sa bawat salitang binibitawan sa harap niya.

"Fine." Napailing siya habang nakangising mapanukso. "I hope you don't regret those words. I'm giving you one last chance. All you have to do is apologize."

Dahan-dahang ngumunguya si Bambie bago muling tumingin sa kanya.

"Wow. Hindi ka talaga susuko, ano?"

Umiling si Dreyfus at tuluyan nang naglakad pabalik sa kanyang kotse.

"Don't say I didn't warn you."

"Don't worry!" malakas na sigaw ni Bambie. "Hindi na tayo magkikita ulit! And just so we're clear, I'm NEVER apologizing to you!"

Saglit na huminto si Dreyfus sa tabi ng kotse niya at lumingon sa babae.

Isang mapagmataas na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"We'll see about that."

Sumakay siya sa kotse at pinaandar iyon palayo.

Sinundan lamang iyon ng tingin ni Bambie bago umirap.

"Unbelievable. What an arrogant jerk!"

Muli siyang naupo nang maayos at kinuha ang sandwich niya.

"Sino ba siya sa tingin niya!?“

Napailing siya habang muling kumagat sa sandwich.

"Nababaliw na yata siya."

At ipinagpatuloy niya ang kanyang lunch na para bang walang nangyari.

Wala siyang kaalam-alam na ang mayabang na lalaking iyon ay malapit nang maging isang malaking problema sa buhay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Insecure To be His    Chapter 5

    Pagdating ni Bambie sa apartment, agad niyang inihanda ang mga gamit na kakailanganin niya kinabukasan. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang favorite measuring tape niya. Matagal na niya itong ginagamit simula noong nag-aaral pa siya ng fashion designing, kaya halos hindi siya makapagtrabaho nang wala iyon.Habang inaayos ang mga gamit, kinuha niya ang phone niya para mag-check ng latest news. Ilang articles muna ang nadaanan niya bago siya napahinto sa isang headline tungkol sa MCL COUTURE.*MCL COUTURE OFFICIALLY ANNOUNCES SELECTED CANDIDATES FOR ITS PAID INTERNSHIP PROGRAM**The prestigious fashion house, MCL COUTURE, has officially announced the selected candidates for its Paid Internship Program, a groundbreaking competition initiated by its owner, Dreyfus Maclaurent. He is the first fashion house owner to offer such an opportunity to aspiring designers.*"Dreyfus Maclaurent?" mahina niyang bulong habang binabasa ang article.Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan bago bahagya

  • Too Insecure To be His    CHAPTER 4: Rough Edges

    Pagpasok ni Bambie sa conference room, bumungad sa kanya ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang interviewers. Kabilang sa kanila ang magandang babaeng nagpapasok sa kanya sa MCL COUTURE.Napansin din niya ang ilang interviewers na tila nagpalitan ng tingin habang sinusuri ang kanyang itsura at tila may bahagyang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.Here we go again, Bambie.Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin mula sa ibang tao. Hindi na rin bago sa kanya ang husgahan agad siya dahil lang sa kanyang appearance.“Are you Barbie San Agustin?” tanong ng isang lalaki.“Yes, sir,” nakangiting sagot ni Bambie.“Well, we're from the Fashion and Design Department. I'm Gilbert, the Creative Director, and this is Lareina Maclaurent, the Design Director of MCL COUTURE.”Magalang na ngumiti si Bambie sa dalawa.I thought siya ang may-ari.Saglit na umikot ang tingin niya sa buong conference room hanggang sa mapansin niya ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna ng mesa.“Ms. Barb

  • Too Insecure To be His    Chapter 3 When our threads cross

    Alas-nuwebe na ng gabi, pero gising pa rin si Bambie. Nakahiga siya sa kama habang paulit-ulit na chine-check ang kanyang phone, umaasang may update na tungkol sa results ng competition.“Ugh. Bakit wala paring nag email...“Umikot siya sa kabilang side ng kama at niyakap ang kanyang hotdog-shaped pillow.“I don't think I made it,” malungkot niyang bulong habang nakatitig sa sketch na nakapaskil sa dingding sa harap ng kanyang salamin.Unti-unting bumibigat ang kanyang mga talukap. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang notification. Pero dahil mahimbing ang tulog niya, hindi na niya iyon napansin.----Kinabukasan, around seven in the morning, unti-unting nagising si Bambie. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri bago tuluyang dumilat ang kanyang mga mata.Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at bahagyang kumunot ang kanyang noo.“Mmm? Paran

  • Too Insecure To be His    Chapter 2 Seams Like Fate

    HIS POVKahit nakababa na ng bus ang babaeng nakaaway niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mariing pag-apak nito sa kanyang paa.Napangiwi siya habang maingat na bumababa ng bus at tila ramdam pa rin ang kirot sa kanyang paa. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang babae na naglalakad palayo habang panay ang lingon sa magkabilang direksyon na tila may hinahanap.Napailing siya.What an annoying woman."Jimmy..."Agad na lumingon sa kanya ang kanyang assistant."Is my car still not ready?"Chineck ni Jimmy ang kanyang relo bago inilabas ang phone para tingnan kung may bagong update. Bahagya itong napangiti nang mabasa ang latest message."Tapos na raw po, sir. On his way na po ang driver."Napabuntong-hininga siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang."This is the first and last time na magco-commute ako."Napakamot sa ulo si Jimmy at bahagyang nag-alangan bago nagsalita."Well, sir... kung hindi po kayo magagalit, kayo rin naman po talaga ang may kasala

  • Too Insecure To be His    Chapter 1 The First Stitch

    Alas-onse na ng gabi, at tahimik na ang buong Baram Province. Karamihan sa mga bahay ay patay na ang ilaw, at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa halos walang lamang kalsada.Pero sa isang sulok ng isang bahay, may isang kuwartong nananatiling maliwanag kahit dis-oras na ng gabi.Maririnig ang tuloy-tuloy na ugong ng sewing machine.Brrrrt...Punong-puno ng fashion sketches, magazines, at mga piraso ng tela ang mesa. Nakakalat din sa paligid ang ilang kahon na puno ng makukulay na materyales, habang nakabukas naman ang mga drawer na naglalaman ng iba't ibang zipper, buttons, at iba pang gamit sa pananahi.Sa gitna ng kuwarto ay may nakaupo ang isang dalaga na tutok na tutok sa ginagawa.Inalis niya ang makapal at kulot niyang buhok na nakaharang sa mukha bago iniangat ang katatapos lamang niyang tahiing coat. Inayos niya ang oversized glasses at maingat na sinuri ang bawat tahi at sulok nito, tinitiyak na walang kahit isang detalye ang pumalpak.Ilang sandali pa, isang malap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status