Share

Chapter 5

Author: Aiko Garcia
last update publish date: 2026-11-06 06:36:12

Pagdating ni Bambie sa apartment, agad niyang inihanda ang mga gamit na kakailanganin niya kinabukasan. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang favorite measuring tape niya. Matagal na niya itong ginagamit simula noong nag-aaral pa siya ng fashion designing, kaya halos hindi siya makapagtrabaho nang wala iyon.

Habang inaayos ang mga gamit, kinuha niya ang phone niya para mag-check ng latest news. Ilang articles muna ang nadaanan niya bago siya napahinto sa isang headline tungkol sa MCL COUTURE.

*MCL COUTURE OFFICIALLY ANNOUNCES SELECTED CANDIDATES FOR ITS PAID INTERNSHIP PROGRAM*

*The prestigious fashion house, MCL COUTURE, has officially announced the selected candidates for its Paid Internship Program, a groundbreaking competition initiated by its owner, Dreyfus Maclaurent. He is the first fashion house owner to offer such an opportunity to aspiring designers.*

"Dreyfus Maclaurent?" mahina niyang bulong habang binabasa ang article.

Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan bago bahagyang nagkibit-balikat.

"Siguro matanda na siya. Kaya siguro nag-o-offer ng paid internship."

She placed her phone on the bedside table before lying down. Tinanggal niya ang makapal niyang salamin at tumitig sa kisame. Unti-unting naging blurry ang lahat sa paningin niya.

"Tomorrow's the big day," nakangiting bulong niya.

For the first time in a while, genuinely excited siya sa kung anong naghihintay sa kanya.

--

Pagpatak ng alas syete ng umaga

Isang malakas na alarm ang biglang umalingawngaw sa buong kwarto.

Unfortunately, mukhang hindi pa handang harapin ni Bambie ang bagong araw.

Nakahiga siya sa kama sa isang position na mahirap ipaliwanag. Nakalaylay ang isang paa niya sa gilid habang halos matakpan na ng makapal niyang buhok ang kalahati ng mukha niya. Kahit sa pagtulog, mukha pa rin siyang nakipag-wrestling.

Dahan-dahang gumalaw ang kamay niya at hinanap ang phone sa bedside table. Ilang beses muna siyang pumalya bago niya ito tuluyang nahawakan at napindot ang alarm.

She squinted at the screen, pero puro blurry shapes lang ang nakikita niya.

"Where are my glasses?" antok na tanong niya sa sarili.

Kinapa niya ang bedside table hanggang sa wakas ay nahawakan niya ang salamin. Nang maisuot niya iyon, unti-unting luminaw ang paligid.

"Finally."

Bumangon na siya at dumiretso sa bathroom.

Paglabas niya, medyo maayos na ang bagsak ng makapal niyang curls hanggang sa kanyang balikat. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Napansin niya ang ilang pimples at acne marks sa kanyang pisngi.

Napabuntong-hininga siya.

"Well, at least consistent ako."

Kinuha niya ang hairbrush at sinimulang suklayin ang kanyang buhok. It took her several minutes just to get through the thickest parts. Isa talaga sa challenges ng pagkakaroon ng makapal na buhok ang matagal na paghahanda tuwing umaga.

Kaya naman kailangan niyang gumising nang maaga.

For her first day at MCL COUTURE, she decided to wear her usual outfit: a yellow floral maxi dress paired with a loose white cardigan. Kinuha rin niya ang lumang tote bag na halos araw-araw niyang ginagamit at sinuot ang chunky black shoes niya.

After checking everything, humarap siya ulit sa salamin.

"Okay, Bambie. You can do this."

Ngumiti siya sa sarili bago tuluyang lumabas ng apartment.

Habang naglalakad sa hallway at papunta sa main street, napansin niyang may ilang taong napapatingin sa kanya. May naririnig din siyang mahihinang bulungan mula sa mga taong nadadaanan niya.

She knew what they were looking at.

Her thick curls, oversized glasses, and unusual fashion choices weren't exactly easy to miss.

Pero sanay na siyang hindi pansinin ang mga ganoong bagay. She had learned not to let other people's opinions ruin her day.

Besides, mas importante ang kailangan niyang gawin ngayon.

Nagtaas siya ng kamay at nag-abang ng taxi papuntang MCL COUTURE.

---

After a few minutes, huminto ang taxi sa harap ng impressive building ng MCL COUTURE.

Sandali siyang napatingala sa napakataas na structure bago tuluyang bumaba.

"Wow..."

Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng tote bag niya at pumasok sa building.

Hindi siya sanay sa ganoong lugar. Everything looked expensive, from the polished marble floors to the elegant reception area. Pati ang mga taong naglalakad sa paligid ay mukhang galing sa isang fashion magazine.

Bigla tuloy niyang napansin ang suot niyang yellow floral dress.

Still, she lifted her chin and headed toward the elevator.

Pagpasok niya, pinindot niya ang button para sa fifth floor kung saan matatagpuan ang Fashion Department.

Sasara na sana ang elevator nang biglang may humabol na isang staff na may bitbit na napakaraming garment bags.

"Excuse me! Coming through!"

Agad na umatras si Bambie para bigyan ito ng space.

Sunod-sunod pang pumasok ang ibang employees. May mga may dalang fabric rolls, boxes, at kung anu-ano pang kailangan sa trabaho.

Before she knew it, naitulak na siya hanggang sa pinakalikod ng elevator.

Halos wala na siyang makita sa dami ng taong nakaharang sa harapan niya.

*Great. First day ko pa lang, trapped na agad ako.*

Ilang floors pa ang dinaanan nila bago muling bumukas ang elevator.

Dalawang lalaki ang pumasok at biglang nagbago ang atmosphere sa loob.

"Good morning, Sir Dreyfus."

"Good morning, Sir."

Napataas ang kilay ni Bambie.

*Sir Dreyfus?*

Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga taong nasa harapan niya, pero likuran lang ng dalawang lalaki ang nakikita niya.

*Wait... Is that Dreyfus Maclaurent?*

Bahagya siyang tumagilid para sana makita ang mukha nito, pero may isang staff na may dalang malaking box na humarang ulit sa paningin niya.

*Seriously?*

"Sir, the interns will be starting today," sabi ng isang lalaki na mukhang assistant nito.

"Alright. Make sure they come to my office. One at a time."

Napahinto si Bambie sa pagtatangkang sumilip.

May something sa boses ng lalaki na parang familiar sa kanya.

She frowned.

*Wait. Bakit parang narinig ko na 'yung boses niya?*

Sinubukan niyang alalahanin kung saan niya iyon narinig, pero bago pa siya makapag-isip nang maayos, bumukas na ang elevator.

Lumabas ang dalawang lalaki kasunod ang ilang employees.

Finally, nakahinga nang maluwag si Bambie.

"Thank goodness," mahina niyang bulong habang inaayos ang strap ng tote bag niya.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang curiosity niya tungkol sa owner, pero itinabi muna niya ang tanong na iyon.

She had a first day to survive.

---

Pagdating niya sa Fashion Department, nakita niya ang dalawa pa niyang fellow interns na naghihintay malapit sa mga workstation.

One of them was a pretty young woman with an effortlessly polished appearance. The other girl was standing beside her, looking just as well put together.

Napansin ni Bambie na pareho silang may suot nang nameplate.

Bago pa siya makalapit sa dalawa, isang female staff ang lumapit sa kanya na may hawak na blankong nameplate.

"You're one of the new interns, right?"

"Yes, ma'am."

"Great! Anong pangalan ang ilalagay ko rito?"

Sandaling napaisip si Bambie.

Bigla niyang naalala ang creative director na nagbiro tungkol sa pangalan niya. Ayaw na niyang maranasan ulit na pagtawanan iyon, lalo na ng mga taong ngayon pa lang niya makikilala.

Kaya mas pinili niyang gamitin ang nickname niya.

"Bambie nalang po."

The staff smiled and wrote it down.

"Alright, Bambie."

Isinuot nito ang temporary nameplate sa cardigan niya.

"This is just temporary. I'll give you your official nameplate tomorrow. Everyone here wears one, especially the employees in higher positions."

"Oh, I see."

"Make sure you wear it all the time. It's one of Mr. Dreyfus's rules. Ayaw niyang nanghuhula pa ng pangalan ng mga tao."

Tumango si Bambie.

"Got it, ma'am."

"Good. Come with me. I'll show you where you'll be working."

Sumunod ang tatlong interns sa staff.

Pagpasok nila sa working area, agad na napatingin si Bambie sa paligid. There were several workstations arranged in neat rows, with sewing machines, sketching materials, fabric samples, and neatly organized design portfolios.

Hindi niya maiwasang mamangha.

This was exactly the kind of place she'd always dreamed of working in.

Huminto ang staff sa harap ng isang table.

"Bambie, this one's yours."

Itinuro nito ang workstation niya.

"You'll do your sketches here. That's your sewing machine, and you can use the materials provided by the company for your designs. Once you're done, submit your work to Ms. Lareina for approval. After that, Mr. Dreyfus will have the final say."

Maingat na nakinig si Bambie habang ipinapaliwanag nito ang mga kailangan niyang gawin.

"You'll also be assigned to assist with the company's ongoing projects, so don't expect to spend all your time designing your own clothes."

"Of course. Thank you!"

Ngumiti ang staff bago lumipat sa susunod na workstation para ipaliwanag naman ang trabaho ng ibang interns.

Napatingin si Bambie sa dalawa niyang kasama.

Ang magandang babae na una niyang napansin ay si Sofia, habang ang isa naman ay si Jane. Mukhang nagkakasundo na agad ang dalawa dahil abala sila sa pag-uusap habang inaayos ang kani-kanilang gamit.

Binigyan niya ang mga ito ng polite smile bago inilapag ang tote bag sa gilid ng kanyang table.

Habang tinitingnan ang mga materials sa workstation, napansin niya ang sewing department sa kabilang bahagi ng room.

Dahil sa curiosity, nagpasya siyang tingnan iyon.

Pagpasok niya, nakita niya ang ilang employees na abala sa kani-kanilang ginagawa. Maririnig ang sunod-sunod na tunog ng sewing machines habang nagpapasahan naman sila ng iba't ibang tela at garments.

Everyone seemed busy.

Sandali siyang natigilan habang pinagmamasdan ang maingat na pagtatrabaho ng mga ito.

"Hey!"

Napalingon siya sa isang babaeng nakatingin sa kanya nang masama.

"Are you the new intern?"

"Yes."

"Then why are you just standing there? Don't you have work to do?"

Agad na inayos ni Bambie ang kanyang tayo.

"Oh! I'm sorry. Is there anything I can help with?"

Kumuha ang babae ng isang pirasong tela at iniabot iyon sa kanya.

"Here. Sew this. Make sure the stitches are clean and even. Everything goes through inspection, so don't make careless mistakes."

"Alright. I'll do my best."

Tinanggap ni Bambie ang tela at umupo sa pinakamalapit na sewing machine.

Maingat niyang sinuri ang edges bago ipuwesto ang tela sa ilalim ng needle.

At least, ito ang isang bagay na hindi niya kailangang pag-aralan mula sa simula.

Unlike the unfamiliar faces and intimidating surroundings, the sewing machine felt like home.

Inayos niya ang thread, ipinatong ang paa sa pedal, at sinimulan nang manahi.

For the next few hours, naging focus siya sa ginagawa niya. Sinigurado niyang pantay ang stitches at walang anumang sablay sa bawat tahi.

Halos hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

Hanggang sa biglang may narinig siyang boses mula sa entrance.

"Good morning, Sofia!"

Napatingin siya sa may pintuan.

Kakarating lang nina Sofia at Jane sa sewing department.

Agad silang nilapitan ng ilang employees.

"Oh, look at you! You're getting prettier every time I see you," masayang bati ng isang babae. "You really take after your mother."

Napangiti si Sofia.

"You're exaggerating. I just came in to say hello."

"How's your mother, by the way?"

"She's doing well. I'll tell her you asked."

Patuloy ang pag-uusap ng mga ito na parang matagal na silang magkakakilala.

Sandaling pinanood iyon ni Bambie bago muling ibinalik ang attention sa sewing machine.

*Well, someone certainly has a lot of friends here.*

Bahagya siyang nagkibit-balikat at ipinagpatuloy ang pagtatahi.

Hindi naman niya kailangang alamin ang lahat ng nangyayari sa paligid niya.

For the next few hours, napansin niyang mas maraming oras ang ginugol nina Sofia at Jane sa pakikipagkuwentuhan sa mga employees kaysa sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan ay may naririnig siyang bahagi ng conversations nila, pero hindi na siya nakisali.

She had more important things to do.

Ayaw niyang magkaroon ng kahit anong mistake sa unang araw niya.

---

Makalipas ang ilang oras, biglang bumukas ang p***o ng sewing department.

Pumasok ang creative director na si Gilbert.

"Where are the interns?"

Agad na napatingin sa kanya ang tatlong babae.

"You're the three new interns, right?" tanong niya.

Tumango sila.

"Come with me. Mr. Dreyfus wants to meet you."

Agad na tumigil si Bambie sa ginagawa niya.

*Mr. Dreyfus?*

Napatingin muna siya kina Sofia at Jane bago tuluyang patayin ang sewing machine.

Tumayo siya at inayos ang suot niyang cardigan bago sumunod kay Gilbert.

Hindi niya maiwasang kabahan.

She wasn't sure what to expect from the owner. Magtatanong ba ito tungkol sa kanilang skills? Iche-check ba nito ang mga ginawa nila? Or would he simply remind them about the company's rules?

Whatever it was, sana lang ay hindi siya mapahiya.

After all, malaking opportunity ang ibinigay sa kanya, at determinado siyang sulitin iyon.

Habang naglalakad sila sa hallway, paulit-ulit lang ang isang bagay sa isip niya.

*I should at least thank him for giving people like me a chance.*

Hindi niya alam na ang lalaking makikilala niya sa araw na iyon ang siya ring magiging pinakamalaking challenge niya sa buong internship.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Insecure To be His    Chapter 5

    Pagdating ni Bambie sa apartment, agad niyang inihanda ang mga gamit na kakailanganin niya kinabukasan. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang favorite measuring tape niya. Matagal na niya itong ginagamit simula noong nag-aaral pa siya ng fashion designing, kaya halos hindi siya makapagtrabaho nang wala iyon.Habang inaayos ang mga gamit, kinuha niya ang phone niya para mag-check ng latest news. Ilang articles muna ang nadaanan niya bago siya napahinto sa isang headline tungkol sa MCL COUTURE.*MCL COUTURE OFFICIALLY ANNOUNCES SELECTED CANDIDATES FOR ITS PAID INTERNSHIP PROGRAM**The prestigious fashion house, MCL COUTURE, has officially announced the selected candidates for its Paid Internship Program, a groundbreaking competition initiated by its owner, Dreyfus Maclaurent. He is the first fashion house owner to offer such an opportunity to aspiring designers.*"Dreyfus Maclaurent?" mahina niyang bulong habang binabasa ang article.Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan bago bahagya

  • Too Insecure To be His    CHAPTER 4: Rough Edges

    Pagpasok ni Bambie sa conference room, bumungad sa kanya ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang interviewers. Kabilang sa kanila ang magandang babaeng nagpapasok sa kanya sa MCL COUTURE.Napansin din niya ang ilang interviewers na tila nagpalitan ng tingin habang sinusuri ang kanyang itsura at tila may bahagyang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.Here we go again, Bambie.Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin mula sa ibang tao. Hindi na rin bago sa kanya ang husgahan agad siya dahil lang sa kanyang appearance.“Are you Barbie San Agustin?” tanong ng isang lalaki.“Yes, sir,” nakangiting sagot ni Bambie.“Well, we're from the Fashion and Design Department. I'm Gilbert, the Creative Director, and this is Lareina Maclaurent, the Design Director of MCL COUTURE.”Magalang na ngumiti si Bambie sa dalawa.I thought siya ang may-ari.Saglit na umikot ang tingin niya sa buong conference room hanggang sa mapansin niya ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna ng mesa.“Ms. Barb

  • Too Insecure To be His    Chapter 3 When our threads cross

    Alas-nuwebe na ng gabi, pero gising pa rin si Bambie. Nakahiga siya sa kama habang paulit-ulit na chine-check ang kanyang phone, umaasang may update na tungkol sa results ng competition.“Ugh. Bakit wala paring nag email...“Umikot siya sa kabilang side ng kama at niyakap ang kanyang hotdog-shaped pillow.“I don't think I made it,” malungkot niyang bulong habang nakatitig sa sketch na nakapaskil sa dingding sa harap ng kanyang salamin.Unti-unting bumibigat ang kanyang mga talukap. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang notification. Pero dahil mahimbing ang tulog niya, hindi na niya iyon napansin.----Kinabukasan, around seven in the morning, unti-unting nagising si Bambie. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri bago tuluyang dumilat ang kanyang mga mata.Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at bahagyang kumunot ang kanyang noo.“Mmm? Paran

  • Too Insecure To be His    Chapter 2 Seams Like Fate

    HIS POVKahit nakababa na ng bus ang babaeng nakaaway niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mariing pag-apak nito sa kanyang paa.Napangiwi siya habang maingat na bumababa ng bus at tila ramdam pa rin ang kirot sa kanyang paa. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang babae na naglalakad palayo habang panay ang lingon sa magkabilang direksyon na tila may hinahanap.Napailing siya.What an annoying woman."Jimmy..."Agad na lumingon sa kanya ang kanyang assistant."Is my car still not ready?"Chineck ni Jimmy ang kanyang relo bago inilabas ang phone para tingnan kung may bagong update. Bahagya itong napangiti nang mabasa ang latest message."Tapos na raw po, sir. On his way na po ang driver."Napabuntong-hininga siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang."This is the first and last time na magco-commute ako."Napakamot sa ulo si Jimmy at bahagyang nag-alangan bago nagsalita."Well, sir... kung hindi po kayo magagalit, kayo rin naman po talaga ang may kasala

  • Too Insecure To be His    Chapter 1 The First Stitch

    Alas-onse na ng gabi, at tahimik na ang buong Baram Province. Karamihan sa mga bahay ay patay na ang ilaw, at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa halos walang lamang kalsada.Pero sa isang sulok ng isang bahay, may isang kuwartong nananatiling maliwanag kahit dis-oras na ng gabi.Maririnig ang tuloy-tuloy na ugong ng sewing machine.Brrrrt...Punong-puno ng fashion sketches, magazines, at mga piraso ng tela ang mesa. Nakakalat din sa paligid ang ilang kahon na puno ng makukulay na materyales, habang nakabukas naman ang mga drawer na naglalaman ng iba't ibang zipper, buttons, at iba pang gamit sa pananahi.Sa gitna ng kuwarto ay may nakaupo ang isang dalaga na tutok na tutok sa ginagawa.Inalis niya ang makapal at kulot niyang buhok na nakaharang sa mukha bago iniangat ang katatapos lamang niyang tahiing coat. Inayos niya ang oversized glasses at maingat na sinuri ang bawat tahi at sulok nito, tinitiyak na walang kahit isang detalye ang pumalpak.Ilang sandali pa, isang malap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status