LOGINPagdating ni Bambie sa apartment, agad niyang inihanda ang mga gamit na kakailanganin niya kinabukasan. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang favorite measuring tape niya. Matagal na niya itong ginagamit simula noong nag-aaral pa siya ng fashion designing, kaya halos hindi siya makapagtrabaho nang wala iyon.Habang inaayos ang mga gamit, kinuha niya ang phone niya para mag-check ng latest news. Ilang articles muna ang nadaanan niya bago siya napahinto sa isang headline tungkol sa MCL COUTURE.*MCL COUTURE OFFICIALLY ANNOUNCES SELECTED CANDIDATES FOR ITS PAID INTERNSHIP PROGRAM**The prestigious fashion house, MCL COUTURE, has officially announced the selected candidates for its Paid Internship Program, a groundbreaking competition initiated by its owner, Dreyfus Maclaurent. He is the first fashion house owner to offer such an opportunity to aspiring designers.*"Dreyfus Maclaurent?" mahina niyang bulong habang binabasa ang article.Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan bago bahagya
Pagpasok ni Bambie sa conference room, bumungad sa kanya ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang interviewers. Kabilang sa kanila ang magandang babaeng nagpapasok sa kanya sa MCL COUTURE.Napansin din niya ang ilang interviewers na tila nagpalitan ng tingin habang sinusuri ang kanyang itsura at tila may bahagyang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.Here we go again, Bambie.Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin mula sa ibang tao. Hindi na rin bago sa kanya ang husgahan agad siya dahil lang sa kanyang appearance.“Are you Barbie San Agustin?” tanong ng isang lalaki.“Yes, sir,” nakangiting sagot ni Bambie.“Well, we're from the Fashion and Design Department. I'm Gilbert, the Creative Director, and this is Lareina Maclaurent, the Design Director of MCL COUTURE.”Magalang na ngumiti si Bambie sa dalawa.I thought siya ang may-ari.Saglit na umikot ang tingin niya sa buong conference room hanggang sa mapansin niya ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna ng mesa.“Ms. Barb
Alas-nuwebe na ng gabi, pero gising pa rin si Bambie. Nakahiga siya sa kama habang paulit-ulit na chine-check ang kanyang phone, umaasang may update na tungkol sa results ng competition.“Ugh. Bakit wala paring nag email...“Umikot siya sa kabilang side ng kama at niyakap ang kanyang hotdog-shaped pillow.“I don't think I made it,” malungkot niyang bulong habang nakatitig sa sketch na nakapaskil sa dingding sa harap ng kanyang salamin.Unti-unting bumibigat ang kanyang mga talukap. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang notification. Pero dahil mahimbing ang tulog niya, hindi na niya iyon napansin.----Kinabukasan, around seven in the morning, unti-unting nagising si Bambie. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri bago tuluyang dumilat ang kanyang mga mata.Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at bahagyang kumunot ang kanyang noo.“Mmm? Paran
HIS POVKahit nakababa na ng bus ang babaeng nakaaway niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mariing pag-apak nito sa kanyang paa.Napangiwi siya habang maingat na bumababa ng bus at tila ramdam pa rin ang kirot sa kanyang paa. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang babae na naglalakad palayo habang panay ang lingon sa magkabilang direksyon na tila may hinahanap.Napailing siya.What an annoying woman."Jimmy..."Agad na lumingon sa kanya ang kanyang assistant."Is my car still not ready?"Chineck ni Jimmy ang kanyang relo bago inilabas ang phone para tingnan kung may bagong update. Bahagya itong napangiti nang mabasa ang latest message."Tapos na raw po, sir. On his way na po ang driver."Napabuntong-hininga siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang."This is the first and last time na magco-commute ako."Napakamot sa ulo si Jimmy at bahagyang nag-alangan bago nagsalita."Well, sir... kung hindi po kayo magagalit, kayo rin naman po talaga ang may kasala
Alas-onse na ng gabi, at tahimik na ang buong Baram Province. Karamihan sa mga bahay ay patay na ang ilaw, at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa halos walang lamang kalsada.Pero sa isang sulok ng isang bahay, may isang kuwartong nananatiling maliwanag kahit dis-oras na ng gabi.Maririnig ang tuloy-tuloy na ugong ng sewing machine.Brrrrt...Punong-puno ng fashion sketches, magazines, at mga piraso ng tela ang mesa. Nakakalat din sa paligid ang ilang kahon na puno ng makukulay na materyales, habang nakabukas naman ang mga drawer na naglalaman ng iba't ibang zipper, buttons, at iba pang gamit sa pananahi.Sa gitna ng kuwarto ay may nakaupo ang isang dalaga na tutok na tutok sa ginagawa.Inalis niya ang makapal at kulot niyang buhok na nakaharang sa mukha bago iniangat ang katatapos lamang niyang tahiing coat. Inayos niya ang oversized glasses at maingat na sinuri ang bawat tahi at sulok nito, tinitiyak na walang kahit isang detalye ang pumalpak.Ilang sandali pa, isang malap







