로그인HIS POV
Kahit nakababa na ng bus ang babaeng nakaaway niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mariing pag-apak nito sa kanyang paa. Napangiwi siya habang maingat na bumababa ng bus at tila ramdam pa rin ang kirot sa kanyang paa. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang babae na naglalakad palayo habang panay ang lingon sa magkabilang direksyon na tila may hinahanap. Napailing siya. What an annoying woman. "Jimmy..." Agad na lumingon sa kanya ang kanyang assistant. "Is my car still not ready?" Chineck ni Jimmy ang kanyang relo bago inilabas ang phone para tingnan kung may bagong update. Bahagya itong napangiti nang mabasa ang latest message. "Tapos na raw po, sir. On his way na po ang driver." Napabuntong-hininga siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang. "This is the first and last time na magco-commute ako." Napakamot sa ulo si Jimmy at bahagyang nag-alangan bago nagsalita. "Well, sir... kung hindi po kayo magagalit, kayo rin naman po talaga ang may kasalanan kanina." Dahan-dahang napalingon sa kanya si Dreyfus. "What do you mean?" "Nauna po siyang sumakay sa inyo, sir. So technically, siya po talaga ang may karapatang umupo sa seat na iyon." "Whatever. Pasalamat siya at nagmamadali ako kanina. Otherwise, pinatulan ko talaga siya." Napangiti na lang nang pilit si Jimmy. Ilang sandali pa, nakita ni Jimmy ang isang makintab na luxury car na papalapit sa kanila. Huminto ito sa kanilang harapan at agad na bumaba ang driver upang pagbuksan ng p***o ang kanyang Amo. Pagkaupo niya sa backseat, agad niyang hinubad ang kanang sapatos at marahang hinimas ang paang kumikirot pa rin. Damn that woman. "Sir Dreyfus, your next event is scheduled at ten," paalala ni Jimmy mula sa front passenger seat. "Alright," matipid niyang sagot. "How's the venue? Maayos ba ang lahat?" "Yes, sir. Nag-send na po ng update ang organizer. Everything is going smoothly." Tumango si Dreyfus at sumandal sa kanyang kinauupuan. --- BAMBIE Paghinto ng taxi sa tapat ng isang maliit na apartment building, agad na kinuha ni Bambie ang kanyang mga maleta at bumaba. Bago tuluyang pumasok, inilabas niya ang phone at muling chineck ang address para masigurong tama ang lugar na pinuntahan niya. Nang makumpirma na niya iyon, hinila na niya ang kanyang mga maleta papunta sa entrance. May isang lalaking pamilyar ang mukha na naghihintay sa labas ng building. Pagkakita sa kanya, bahagyang nagbago ang ekspresyon nito. Tila hindi makapaniwala ang lalaki sa kaharap niya. "Are you Barbie San Agustin?" tanong nito, halatang naguguluhan. Napatawa nang bahagya si Bambie. "Yes, that's me." Seriously ma??? bakit kasi Barbie ang pinangalan mo sa akin? "Uh... come on. I'll show you your apartment." Muli siyang tiningnan ng lalaki mula ulo hanggang paa, tila hindi pa rin sanay sa itsura niya, bago siya inalalayan papasok sa building. Nang makarating sila sa apartment, iniabot ng landlord ang susi at iniwan na siya upang makapag-ayos ng mga gamit. Pagbukas ni Bambie ng p***o, agad niyang inikot ang paningin sa buong lugar. Simple lang ang apartment at hindi ganoon kalawak, pero sapat na iyon para sa mga kailangan niya. Napabuntong-hininga siya at inilapag ang mga maleta sa sahig. Muli siyang napatingin sa kanyang relo. Nanlaki ang mga mata niya. “Oh no..Nine thirty na pala!“ Mabilis niyang kinuha ang mga gamit at nagmadaling lumabas ng apartment. Halos patakbo siyang bumaba ng hagdan bago pumara ng taxi. "San tayo miss?" tanong ng driver. "Sa MCL COUTURE po." "Oh! Kasali ka ba sa competition?" "Hehe, opo." Napatawa ang driver. "Well, good luck! Hindi madaling makapasok sa kumpanyang iyan. Usually, mga mayayaman at may connections ang pinapaboran nila." Napangiti na lang nang alanganin si Bambie. "I'll do my best po." Ilang minuto lang ang biyahe mula sa apartment niya hanggang MCL COUTURE. Pagkababa niya ng taxi, agad siyang natigilan nang makita ang napakalaking building na ilang palapag ang taas. Sa ground floor nito ay may malawak na clothing store, kung saan naka-display sa malalaking glass windows ang latest collections ng kumpanya. Kahit nasa labas pa lang siya, tanaw na niya ang magagandang damit na nakaayos sa loob. Huminga siya nang malalim bago naglakad papalapit sa entrance. Pero bago pa man siya tuluyang makapasok, agad siyang hinarang ng isang security guard. "Where are you going, ma'am?" "Ah, I'm here to join the competition." Tiningnan siya ng guard mula ulo hanggang paa. "Are you sure?" Bahagyang napataas ang kilay ni Bambie. What does he mean by that? "Let her in." Napalingon siya nang marinig ang boses ng isang babaeng papalapit sa kanila. Saglit siyang natulala. The woman was incredibly beautiful. Makinis ang balat nito, wavy ang buhok, at napakaamo ng mukha. Maging ang suot nitong damit ay halatang mamahalin. "There's no dress code or special requirements for joining the competition," dagdag pa nito. Oh my God... Is she the owner of MCL COUTURE? Ngumiti ang babae kay Bambie bago tuluyang pumasok sa building. Agad naman siyang sumunod. Habang naglalakad sa loob ng store, hindi maiwasan ni Bambie na mapatingin sa mga damit na naka-display. Makikita rin sa iba't ibang bahagi ng building ang black-and-gold logo ng kumpanya, pati na ang mga promotional banners tungkol sa gaganaping fashion design competition. Pagdating niya sa fourth floor, agad siyang sinalubong ng isang coordinator. "Hi, miss! Are you one of our competitors?" nakangiting tanong nito. "Yes po." "Great! Please follow me." Dumaan sila sa ilang working tables na may kani-kaniyang fashion designers na nakapuwesto. Halos lahat ng participants ay mukhang confident at may malawak nang kaalaman sa fashion designing. May ilan na ring abalang inaayos ang kanilang mga materials, habang ang iba naman ay busy sa pag-review ng kanilang sketches. Inilagay siya ng coordinator sa isang bakanteng table sa bandang gitna. Inilabas ni Bambie ang kanyang sketchbook at inilapag iyon sa mesa. Isinabit din niya sa kanyang leeg ang measuring tape bago umupo at magsimulang mag-sketch habang hinihintay ang pagsisimula ng competition. Maya-maya, nagtungo na sa harapan ang isang host at isa-isang ipinakilala ang mga sponsors ng event, gayundin ang mga judges na susuri sa kanilang mga designs. Hindi nagtagal, nagsilabasan ang ilang staff na may dalang iba't ibang klase ng tela, sewing materials, at decorative accessories. "Good morning, everyone! Nandito na ang lahat ng materials na kakailanganin ninyo. You're free to create any design you want, but remember, you only have three hours to complete your masterpiece. Make every minute count. Your time starts now!" Pagkarinig sa announcement, agad na nagsipuntahan ang mga participants sa mga telang nakahanda. Sumunod din si Bambie at nagsimulang mamili ng mga materials na gagamitin niya. Pero tila nag-unahan ang lahat sa pagpili ng pinakamagaganda at kakaibang tela. Pagdating niya sa harapan, halos mga basic colors na lang ang natira. Napatingin siya sa isang plain white satin fabric. Well, this will have to do. Kinuha niya iyon at bumalik sa kanyang working table. Pagkalatag ng tela sa mesa, nagsimula na siyang mag-sketch ng design na gagawin niya. Ilang minuto siyang nag-isip bago tuluyang magdesisyon na gumawa ng simple cocktail dress na may umbrella-cut skirt. Tatlong oras lang ang ibinigay sa kanila, kaya wala siyang balak gumawa ng sobrang complicated na design. Itinali ni Bambie ang makapal at kulot niyang buhok bago nagsimulang magtabas ng tela ayon sa kanyang pattern. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa ibang participants. Malayo ang designs ng mga ito sa simpleng ginagawa niya. May ilan na gumagamit ng intricate patterns, habang ang iba naman ay nag-e-experiment sa kakaibang cuts, layers, at elaborate details. For a moment, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting intimidation. Compared to their creations, hers seemed almost too simple. Napabuntong-hininga siya bago muling ibinaling ang atensyon sa kanyang ginagawa. Don't get distracted, Bambie. Just focus on your own design. Maingat niyang pinagdugtong-dugtong ang mga tela, sinisiguradong pantay ang bawat tahi at tama ang measurements. Mabilis na lumipas ang oras. "Time's up!" Umalingawngaw ang announcement ng host sa buong venue. Agad na tumigil ang mga participants sa kani-kanilang ginagawa habang nagsimulang maglibot ang mga judges upang suriin ang bawat natapos na design. May ilan sa kanila na nag-uusap habang maingat na tinitingnan ang stitching, fabric choices, at overall construction ng mga damit. Halos lahat ng entries ay nakakuha ng kanilang atensyon. Nang makarating na sila sa workstation ni Bambie, hindi napigilan ng ilang kalapit na participants na magtawanan. "Is that supposed to be her masterpiece? Parang pang-ukay naman ang dating," bulong ng isang kalahok na sadyang nilakasan ang boses para marinig ni Bambie at ng mga judges. Nagkunwari na lamang siyang walang narinig. Kasama sa mga judges ang magandang babaeng nagpahintulot sa kanya na makapasok sa building kanina. Lumapit ito sa mannequin at maingat na sinuri ang white cocktail dress. "I like it," komento nito. Marahan nitong hinawakan ang tela at sinuri ang mga tahi pati na ang maliliit na detalye sa neckline. "I could actually see myself wearing this on the runway. I love its simplicity, and the stitching is incredibly neat. The floral beads around the neckline add just the right amount of detail without making the dress look too busy. It's elegant, understated, and beautifully made." Bahagyang napangiti si Bambie sa narinig. "Thank you," mahina niyang sagot. "However, Mr. Maclaurent will still have the final say." "Of course. Thank you," magalang niyang sagot. Nang matapos ang pagsusuri sa lahat ng entries, muling nagsalita ang host sa harapan. "That concludes today's competition! Thank you all for participating. The results will be sent to your registered email addresses within the day. We wish you all the best of luck, and have a wonderful afternoon!" Agad na nagpalakpakan ang lahat habang nagsisimulang magligpit ang mga participants. Habang inaayos ni Bambie ang kanyang mga gamit, may narinig siyang grupo ng mga babae na nag-uusap sa hindi kalayuan. "You're definitely going to win! I absolutely love your design." "Haha! Thank you. Honestly, kahit hindi ako sumali sa competition, after graduation, sa MCL COUTURE din naman ang bagsak ko." Bahagyang tinakpan ng babae ang bibig niya at lumapit sa mga kausap upang bumulong. "They actually sent me a letter asking if I'd be interested in working for them." "Wooooow! Really?!" Sabay-sabay na napaingay ang mga kasama nito. Nang matapos nang magligpit si Bambie, lumapit siya sa grupo upang magpaalam. "Hi! Mauna na ako. Good luck sa results!" nakangiting sabi niya. Nagtinginan ang mga babae nang bigla siyang sumali sa usapan. Muli siyang tiningnan ng mga ito mula ulo hanggang paa, pero walang sinuman ang sumagot. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Bambie. "Well... see you around." Hindi na siya naghintay ng sagot at tuluyan nang naglakad palabas ng building. Pagdating sa labas, nag-abang siya ng taxi upang makabalik na sa kanyang apartment. --- DREYFUS Abalang nagre-review ng ilang documents si Dreyfus sa kanyang opisina nang biglang may kumatok sa p***o. "Come in." Bumukas ang p***o at pumasok ang isang magandang babae na may dalang maraming folders. Nakangiti itong lumapit sa kanyang desk bago basta na lamang ibinagsak ang mga folder sa harapan niya. "Kuya! These are the top ten contestants we selected from the competition. You need to choose three of them for the paid internship program." Binitawan ni Dreyfus ang hawak niyang ballpen at sinulyapan ang mga folder. Sa halip na buksan ang mga ito, itinabi niya lamang sa gilid ng kanyang desk. "I'll check them later." Napairap ang babae. "Just make sure na makapili ka bago matapos ang araw, okay?" "Just go, Lareina. Dad's been waiting for you. You've kept him waiting long enough." Napabuntong-hininga si Lareina bago padabog na lumabas ng opisina. "That spoiled brat," nakangiting bulong ni Dreyfus. ---- Alas-otso na ng gabi nang matapos ni Dreyfus ang kanyang trabaho at mapirmahan ang mga natitirang documents. Iniunat niya ang kanyang leeg bago sumandal sa office chair. Maya-maya, napatingin siya sa mga folder na nakatambak sa gilid ng kanyang desktop. Right. Those folders. Napabuntong-hininga siya, kinuha ang mga iyon at lumabas ng opisina. Sa halip na suriin ang profiles ng mga contestants sa kanyang desk, nagdesisyon siyang personal na tingnan ang kanilang mga entries sa event hall. Isa-isa niyang nilibot ang mga mannequin habang sinusuri ang mga damit na nakadisplay. May ilang designs na nakakuha ng kanyang atensyon, pero mas marami ang hindi pumasa sa standards niya. May mga sobrang complicated ang pagkakagawa, habang ang iba naman ay kulang sa precision na inaasahan niya mula sa mga aspiring designers. Hanggang sa bigla siyang natigilan. Isang mannequin sa bandang gitna ang pumukaw sa kanyang interes. A plain white cocktail dress. Lumapit siya rito at maingat na sinuri ang pagkakagawa. Malinis at pantay ang mga tahi. Maayos ang pagkakagupit ng mga pattern, at maging ang pagkakalagay ng zipper ay pulido. May maliliit ding floral beads sa neckline na nagbibigay ng simpleng detalye sa damit. Marahan niyang hinaplos ang tela habang sinusuri ang pagkakagawa nito. For something so simple, it was surprisingly well-made. Walang unnecessary embellishments o sobrang detalye. Just a clean and elegant design with carefully executed stitching. Napatingin siya sa mga folder na hawak niya at nagsimulang isa-isahin ang profiles ng mga contestants. Itinabi niya ang mga hindi pumasa sa standards niya. Ngunit bigla siyang natigilan. May isang partikular na profile ang nakakuha ng kanyang atensyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa litrato. A familiar face. Kulot at makapal na buhok. Malaking salamin. At ang nakakainis nitong bungisngis na tila hindi niya makakalimutan. Muli niyang tiningnan ang pangalan sa ilalim ng litrato. "Barbie San Agustin?" Napatawa siya nang bahagya. Well, well... Isn't this interesting? Agad niyang kinuha ang ballpen sa loob ng kanyang coat at pinirmahan ang papel sa bandang ibaba. Unti-unting lumawak ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "Let the game begin."Pagdating ni Bambie sa apartment, agad niyang inihanda ang mga gamit na kakailanganin niya kinabukasan. Siyempre, hindi puwedeng mawala ang favorite measuring tape niya. Matagal na niya itong ginagamit simula noong nag-aaral pa siya ng fashion designing, kaya halos hindi siya makapagtrabaho nang wala iyon.Habang inaayos ang mga gamit, kinuha niya ang phone niya para mag-check ng latest news. Ilang articles muna ang nadaanan niya bago siya napahinto sa isang headline tungkol sa MCL COUTURE.*MCL COUTURE OFFICIALLY ANNOUNCES SELECTED CANDIDATES FOR ITS PAID INTERNSHIP PROGRAM**The prestigious fashion house, MCL COUTURE, has officially announced the selected candidates for its Paid Internship Program, a groundbreaking competition initiated by its owner, Dreyfus Maclaurent. He is the first fashion house owner to offer such an opportunity to aspiring designers.*"Dreyfus Maclaurent?" mahina niyang bulong habang binabasa ang article.Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan bago bahagya
Pagpasok ni Bambie sa conference room, bumungad sa kanya ang isang mahabang mesa kung saan nakaupo ang ilang interviewers. Kabilang sa kanila ang magandang babaeng nagpapasok sa kanya sa MCL COUTURE.Napansin din niya ang ilang interviewers na tila nagpalitan ng tingin habang sinusuri ang kanyang itsura at tila may bahagyang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.Here we go again, Bambie.Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin mula sa ibang tao. Hindi na rin bago sa kanya ang husgahan agad siya dahil lang sa kanyang appearance.“Are you Barbie San Agustin?” tanong ng isang lalaki.“Yes, sir,” nakangiting sagot ni Bambie.“Well, we're from the Fashion and Design Department. I'm Gilbert, the Creative Director, and this is Lareina Maclaurent, the Design Director of MCL COUTURE.”Magalang na ngumiti si Bambie sa dalawa.I thought siya ang may-ari.Saglit na umikot ang tingin niya sa buong conference room hanggang sa mapansin niya ang isang bakanteng upuan sa bandang gitna ng mesa.“Ms. Barb
Alas-nuwebe na ng gabi, pero gising pa rin si Bambie. Nakahiga siya sa kama habang paulit-ulit na chine-check ang kanyang phone, umaasang may update na tungkol sa results ng competition.“Ugh. Bakit wala paring nag email...“Umikot siya sa kabilang side ng kama at niyakap ang kanyang hotdog-shaped pillow.“I don't think I made it,” malungkot niyang bulong habang nakatitig sa sketch na nakapaskil sa dingding sa harap ng kanyang salamin.Unti-unting bumibigat ang kanyang mga talukap. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog, biglang umilaw ang kanyang phone dahil sa isang notification. Pero dahil mahimbing ang tulog niya, hindi na niya iyon napansin.----Kinabukasan, around seven in the morning, unti-unting nagising si Bambie. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri bago tuluyang dumilat ang kanyang mga mata.Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at bahagyang kumunot ang kanyang noo.“Mmm? Paran
HIS POVKahit nakababa na ng bus ang babaeng nakaaway niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mariing pag-apak nito sa kanyang paa.Napangiwi siya habang maingat na bumababa ng bus at tila ramdam pa rin ang kirot sa kanyang paa. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang babae na naglalakad palayo habang panay ang lingon sa magkabilang direksyon na tila may hinahanap.Napailing siya.What an annoying woman."Jimmy..."Agad na lumingon sa kanya ang kanyang assistant."Is my car still not ready?"Chineck ni Jimmy ang kanyang relo bago inilabas ang phone para tingnan kung may bagong update. Bahagya itong napangiti nang mabasa ang latest message."Tapos na raw po, sir. On his way na po ang driver."Napabuntong-hininga siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang."This is the first and last time na magco-commute ako."Napakamot sa ulo si Jimmy at bahagyang nag-alangan bago nagsalita."Well, sir... kung hindi po kayo magagalit, kayo rin naman po talaga ang may kasala
Alas-onse na ng gabi, at tahimik na ang buong Baram Province. Karamihan sa mga bahay ay patay na ang ilaw, at iilan na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa halos walang lamang kalsada.Pero sa isang sulok ng isang bahay, may isang kuwartong nananatiling maliwanag kahit dis-oras na ng gabi.Maririnig ang tuloy-tuloy na ugong ng sewing machine.Brrrrt...Punong-puno ng fashion sketches, magazines, at mga piraso ng tela ang mesa. Nakakalat din sa paligid ang ilang kahon na puno ng makukulay na materyales, habang nakabukas naman ang mga drawer na naglalaman ng iba't ibang zipper, buttons, at iba pang gamit sa pananahi.Sa gitna ng kuwarto ay may nakaupo ang isang dalaga na tutok na tutok sa ginagawa.Inalis niya ang makapal at kulot niyang buhok na nakaharang sa mukha bago iniangat ang katatapos lamang niyang tahiing coat. Inayos niya ang oversized glasses at maingat na sinuri ang bawat tahi at sulok nito, tinitiyak na walang kahit isang detalye ang pumalpak.Ilang sandali pa, isang malap







