Mag-log inTahimik na lumabas si Franco sa opisina ni Dr. Gino. Ngunit paglabas niya sa pasilyo, may narinig siyang pamilyar na boses.Si Trixie.Agad siyang napahinto at naglakad papunta roon. Sa pantry ng ospital, kasalukuyang nagsasalin ng mainit na tubig si Stacey nang marahang lumapit si Trixie.May mapanuyang ngiti ito."Narinig kong nasa kritikal na kondisyon ang nanay mo.""Limang oras pa raw siyang inoperahan sa ICU."Huminto siya sandali bago muling nagsalita."Miss Stacey...""Hindi ko talaga maintindihan.""Labing-apat na taon na siyang nakaratay.""Kung magigising pa siya, matagal na sana siyang nagising.""Ngayon pa lang nagsisimula ulit maging maayos ang buhay mo...""Pero muli ka na namang hinihila pababa ng nanay mong wala nang pag-asa."Nanatiling kalmado si Stacey.Malamig ang kanyang titig."Hindi ako katulad mo.""Ikaw na pati sarili mong anak ay nagawa mong isakripisyo.""Ako...""Gagawin ko ang lahat para gumaling ang nanay ko."Malakas na natawa si Trixie."Napakaganda ng
Tahimik na nakatitig si Stacey kay Dr. Gino. Napansin iyon ni Dr. Charles at napangiti. Akala niya ay nag-aalinlangan ito dahil napakabata ng doktor. Agad niya itong ipinaliwanag.Samantala, may tumatawag pa din sa cellphone ni Stacey.Si Xin Xin iyon.Dahil abala siya sa pagpapasuri sa kanyang ina, agad niyang ibinaba ang tawag at nagpadala ng maikling mensahe."May ginagawa lang si Mommy. Tatawag ako mamaya, okay?"Mabait na bata si Xin Xin. Hindi na ito muling tumawag. Ngumiti si Dr. Charles."Miss Stacey, huwag mong maliitin si Dr. Gino dahil bata pa siya.""Treinta'y uno pa lang siya, pero isa na siya sa pinakamahuhusay na neurosurgeon sa buong mundo.""Nag-aral siya sa ilalim ng pinakasikat na eksperto sa neurorehabilitation sa Germany.""Sa larangan ng medisina, kilala siya bilang doktor na kayang agawin ang pasyente mula mismo sa bingit ng kamatayan.""Isa pa...""Labing-apat na taong gulang pa lang siya nang magsimula siyang mag-aral ng neurosurgery."Napanganga si Stacey. L
Kinabukasan…Maagang dumating si Franco sa ospital. May dala siyang isang mangkok ng mainit na lugaw na may kalabasa, kasama ang dalawa sa mga paboritong ulam ni Stacey.Marahan niya itong inilapag sa mesa."Dalawang araw ka nang walang kinakain.""Kumain ka muna.""Pagkatapos, sabay nating hahanapan ng paraan ang problema."Dahan-dahang tumingin si Stacey sa kanya. Namumula pa rin ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Malamig ang kanyang boses."Umalis ka.""Ayokong makita ka."Hindi umalis si Franco. Maingat siyang nagsalita."Hindi kita ginugulo.""Nag-aalala lang talaga ako sa'yo."Ngunit lalo lamang tumigas ang ekspresyon ni Stacey."Wala kang karapatang mag-alala.""Ang buhay ko ay wala nang kinalaman sa'yo.""Kaya sana, Mr. Franco...""Huwag mo na akong gambalain."Pagkasabi noon, tumayo siya at tahimik na lumabas ng ward. Diretso siyang nagtungo sa opisina ni Dr. Charles."Dr. Charles...""Labis na lumala ang kondisyon ng nanay ko kumpara noong nakaraang buwan."Napabuntong-hininga
Nang makita ni Franco na bahagya nang kumalma si Stacey, tahimik siyang umalis.Pagdating sa pasilyo, agad niyang tinawagan si Gino na nasa ibang bansa.Hindi sinagot ang unang tawag. Alam niyang kapag nasa research meeting ito o kasama ang adviser nito, hindi dapat istorbohin.Ngunit ngayon, hindi siya maaaring maghintay. Paulit-ulit siyang tumawag.Hanggang sa ikalimang tawag, sa wakas ay sinagot iyon."Ano ba'ng nangyayari sa'yo?""Limang beses kang tumawag! Pinagalitan tuloy ako ng adviser ko!"Malamig ngunit nagmamadaling sagot ni Franco,"Gino.""Hindi ka puwedeng maghintay ng isang buwan.""Kailangan mong umuwi ngayon din.""Bakit? Ano'ng nangyari?""Nasa ICU ngayon si Aunt Jaira.""Nagkaroon siya ng acute respiratory failure."Tahimik ang kabilang linya. Maya-maya ay nagsalita si Gino."Franco...""Matagal na kayong hiwalay ni Stacey.""Bakit mo pa pinoproblema kung mabubuhay o mamamatay ang nanay niya?"Mariing napapikit si Franco. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. Paos ang
Sa opisina ni Dr. Charles, tahimik na nakatingin ang doctor kay Stacey."Miss Stacey, ilang beses na nating napag-usapan ang kalagayan ng iyong ina.""Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para mailigtas siya.""Pero kailangan mo ring ihanda ang sarili mo sa anumang maaaring mangyari."Parang biglang nabingi si Stacey. Hindi siya makagalaw, hindi siya makapagsalita at pakiramdam niya, para siyang nahulog sa isang napakalalim na bangin.Nakakabinging katahimikan. Wala kahit isang luha ang lumabas. Marahang inilapag ni Dr. Charles ang Critical Condition Notice sa harap niya at iniabot ang ballpen."Ito ang consent form para sa operasyon.""Kung wala kang tanong, pirmahan mo rito."Tahimik na tinitigan ni Stacey ang mga salitang nakasulat sa papel. Alam niyang kapag napirmahan niya iyon, may pag-asa pang mabuhay ang kanyang ina.Ngunit nang hawakan na niya ang ballpen ay biglang nanigas ang kanyang kamay. Ayaw itong sumunod sa kanya. Hindi man lang siya makaguhit ng isang tuwid na li
Mariing tinapakan ni Stacey ang paa ni Franco. Napangiwi ang lalaki sa sakit.Sinamantala niya ang pagkakataon at buong lakas na itinulak ito palayo."Wala na tayong anumang relasyon!"Pagkasabi niya noon, mabilis siyang tumalikod. Kinuha niya ang bouquet ng champagne roses na dala ni Franco. Hindi man lang niya ito sinulyapan.Diretso niya itong inihagis sa basurahan sa tabi ng pinto. Nagkalat ang magagandang talulot ng rosas sa sahig. Mistulang larawan iyon ng pagmamahal na minsan niyang iningatan nang buong puso. Ngunit sa huli ay dinurog lamang at itinapon."Tangtang...""Pakiusap..."Mahina ang pagsusumamo ni Franco. Ngunit tila wala siyang narinig.Kinuha ni Stacey ang baso ng orange juice na hawak nito.Sa isang iglap...Ibinalibag niya ang laman nito sa mamahaling suit ni Franco. Agad na nabasa ang dibdib ng lalaki ng malamig na katas ng orange. Mahigpit na hawak ni Stacey ang walang lamang baso.May halong inis at galit habang malinaw niyang binigkas ang bawat salita."Franco
Hindi pa gaanong nakakalayo ang itim na Rolls-Royce nang mag-vibrate ang telepono sa loob ng sasakyan. Narinig nila ang mahinahong boses ni Trixie.“Franco, may naiwan bang mga dokumento si Stacey? Nakita at inayos ko na ang mga ito. Dadalhin ko ba ngayon para hindi na maantala ang trabaho ninyo?”
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita
Noong ikasal sila, may pinirmahan silang kasunduan.Isang malinaw pero hindi patas na kasunduan.Nakasulat doon na habang kasal sila, sasagutin ng Mondragon Corporation ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng mama niya.Pero dahil nahihiya sila ng lola niya, ang regular na bayarin lang ang hinayaang
“Ano ba ang tinatago mo?”Bahagyang yumuko ang lalaki at marahang hinalikan ang labi ni Stacey. Pigil ang kanyang mga kilos pero ramdam mo ang init ng mga labi nito .“Nasan na ang tapang mo? Parang kanina lang ang lakas ng loob mong halikan ang adam’s apple ko ah”Ang mapuputi at makinis na binti







