Mag-log in
Isang oras.
Isang buong oras na akong nakaupo sa VIP section ng Le Blanc, isa sa pinakamahal at pinakasikat na French restaurant sa siyudad.
Tinitigan ko ang malamig na tubig sa baso ko. Umiikot ang yelo, unti-unting natutunaw—katulad ng pasensya ko.
Sabi ni Richard, may mahalaga siyang sasabihin ngayon. Ikatlong anibersaryo namin.
Tatlong taon ng pag-ibig, pag-unawa, at paghihintay. Nagsuot pa ako ng paborito niyang pulang dress na hinulugan ko pa ng tatlong buwan sa credit card para lang maging perpekto ang gabing ito.
“Ma'am, gusto niyo na po bang umorder? Kanina pa po kayo naghihintay,” magalang na tanong ng waiter.
Tipid akong ngumiti. “Hindi na muna. Hihintayin ko na lang ang boyfriend ko. Papunta na raw siya.”
Tumango ang waiter at umalis. Bumuntong-hininga ako. Malamang ay na-traffic lang si Richard. O baka naman meron din siyang surprise.
Pag-iisip ko pa lang doon, hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Sa wakas, pagkatapos ng tatlong taon, magiging pormal na ang lahat sa amin.
Magpapakasal na kami.
Sa wakas, pagkatapos ng ilang taon kong paghihintay ay magiging official na akong asawa ng lalaking pinakamamahal ko.
Makakasama ko na siya ng mas matagal dahil titira na kami sa iisang bahay. Hindi na ako maghihintay kung kelan lang siya dadalaw o kung kelan kami lalabas para sa isang simpleng date.
Richard is just a simple busy man, he’s hard working kaya alam kong kahit wala siya gaanong oras sa akin ay bawing-bawi na siya kapag magkasama kami— at kahit gano’n, hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa kan’ya, mas lalo lamang akog nanabik na mas makasama pa siya.
Ngunit napabalik ako sa realidad nang isang malakas na sampal ang biglang dumapo sa pisngi ko ng hindi ko inaasahan.
Pakkk!
Halos pumitik ang leeg ko sa lakas ng sampal na iyon.
Nabitawan ko ang hawak kong baso at tuluyan itong nabasag sa sahig. Biglang nag-init ang pisngi ko, kasabay ng matinding pag-ugong sa magkabilang tainga ko.
Nang mag-angat ako ng tingin, bumungad sa akin ang pamilyar at galit na mukha ng isang babae—si Stephanie.
Anak siya ng isa sa mga pinakamalaking business tycoons sa bansa, at madalas ko siyang makita sa mga magazine. Sa pagkakaalam ko ay kasal na ito ngunit masyadong private ang marriage life nito.
Pero bakit siya nandito? At bakit niya ako sinampal? At bakit para akong kontrabida sa paningin niyang nanlilisik at galit na galit.
At sa likod niya? Nagkikislapan ang mga camera ng hindi bababa sa sampung reporter na tila nag-aabang ng eksena.
“Kabit! Shameless homewrecker!” biglang sigaw niya, sapat para makuha ang atensyon ng buong restaurant. “Desperadang gold-digger!”
Nanlaki ang mga mata ko! Halos tumigil ang paghinga ko dahil sa sinabi niya!
Pakiramdam ko'y ang buong langit na ang bumagsak sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang pilit pino-proseso ng utak ko ang nangyayari.
“A-Ano'ng sinasabi mo?” nanginginig ang boses na tanong ko, sapo ang pisngi ko parin ang namumula na ngayon dahil sa sampal niya.
“Huwag ka nang mag-maang-maangan, b*tch!” Matulis ang kuko ni Stephanie nang duruin niya ako. “Tatlong taon! Tatlong taon mong nilalandi ang asawa ko! Akala mo ba hindi ko malalaman?!”
Asawa?
Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Sino ang ibig niyang sabihin? Imposible naman si Richard dahil matagal ko na itong kilala at ako lang ang mahal nito! Paano ito ikakasal sa iba gayong nagpropose na ito sa akin, nakaraang linggo.
Nanlamig ang katawan ko! Pakiramdam ko’y na-ho-hotseat ako! Hindi kaya prank lang ito? Social experiment? O baka nagkamali lang ng inapproach itong si Stephanie?
Pero base sa mga tingin niya, siguradong-sigurado siya.
Nagsimulang magbulungan ang mga mayayamang customer sa paligid. Ang mga reporter ay walang tigil sa pagkuha ng video at pictures sa akin. Parang hinihiwa nang buhay ang buong pagkatao ko sa bawat flash ng camera.
“M-miss, b-baka nagkakamali ka lang… h-hindi ako kabit.” Pilit kong saad habang pinapatatag ang boses ko.
Pero sa halip na makinig ay tumawa ito ng pagak, “Really? You’re not Richard Cortez’ lover?”
Pakiramdam ko’y binagsakan ako ng boung mundo nang marinig ang pangalan ng lalaking mahal ko.
Anong ibig sabihin nito?
Saktong pahgkasabi niya, isang pamilyar na bulto ang naglalakad papasok sa loob ng restaurant, kahit papaano nabuhayan ako ng loob.
Si Richard! Nagkamali lang si Stephanie. Alam ko sa sarili kong hindi ako kabit!
Dali-dali akong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko.
“Richard!” tawag ko sa kaniya.
“Richard, sabihin mo sa kanila—sabihin mo sa baliw na babaeng 'to, na hindi totoo ang sinasabi niya! H-hindi mo naman siya asawa hindi ba? I’m your fiancée.”
Tumingin ako sa kaniya, naluluha dahil sa kakaibang kaba na gumapang sa dibdib ko. Malaki ang tiwala ko sa kan’ya pero hindi ko mapigilang pagpawisan ng malagkit.
Paano kung totoong asawa niya si Stephanie? Paanong hindi ko alam? Paanong nagpropose pa siya kung may asawa na pala siya?
Iniisip ko palang na totoo ang lahat ng iyon ay pakiramdam ko, pigang -piga na ang dibdib ko. Nauubusan ako ng hanging lalanghapin sa sobrang kaba!
Ilang segundo akong naghinatay na masgsalita siya at sabihing baka prank lang ito or pagkakamali.
Pero si Richard... paanong...
Imbis na ipagtanggol ako, nanlaki ang mga mata nito nang makita ang mga camera at si Stephanie.
Namutla siya.
Umiwas siya ng tingin sa akin at mabilis na lumapit kay Stephanie.
“Babe, let me explain...” nanginginig ang boses ni Richard. Hinawakan niya ang braso ni Stephanie.
Babe?!
“Explain what, Richard?!” sigaw ni Stephanie. “Na mas pinili mong makipag-date sa cheap na empleyadong 'to kaysa umuwi sa bahay natin?!”
Dahan-dahang nanlambot ang tuhod ko kasabay ng pagsabog ng sakit sa dibdib ko.
Gumuho lahat.
Tumingin si Richard sa akin—hindi ang mga tingin kadalasan niyang pinupukol sa akin napuno ng pagmamahal, ngayon pakiramdam ko’y hindi ko siya kilala.
Itinuro ako ni Richard, habang ako ay namumutla parin sa bilis ng pangyayari.
“I'm sorry, Stephanie. Siya... siya ang nagpumilit sa akin. Na-tempt lang ako. Matagal na nagpapapansin sakin kahit alam niyang may asawa na ako. I was weak. I'm sorry.”
What? After 3 years of acting in love with me? Sasabihin niyang nilandi ko siya? Ni hindi na niya ako pinagtanggol ngayon pinagmukha pa niya akong masama.
Ito ba talaga ang lalaking minahal ko?!
Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihing sinungaling siya. Na siya ang nanligaw! Na siya ang nag-alok ng kasal! Pero walang lalabas na boses sa lalamunan ko dahil sa tindi ng pandidiri at pagtataksil na nararamdaman ko.
“Narinig niyo 'yun?!” sigaw ni Stephanie sa mga reporter. “Ganiyan kadesperada ang babaeng 'yan! Isang linta!”
Pakiramdam ko, lahat ng matang nakatingin sa akin nang mga oras na iyon ay nangunutya, kahit hindi ko lubos maiproseso ang nangyari, wala akong nagawa kundi pahiran ang mga luha ko pagkuwa’y nagmadali akong tumalikod.
Rinig na rinig ko ang mga tawanan at pangungutya ng mga tao, kasabay ng walang humpay na click ng mga camera.
Tumakbo ako palabas, hindi alintana ang matataas kong takong.
Sa halip na umuwi sa apartment kong magpapaalala lang sa mga kasinungalingan niya, nagtungo ako sa Lumina, isang high-end bar sa kabilang kanto.
Gusto kong magpakalasing. Gusto kong kalimutan ang lalaking sumira sa dignidad ko at ang babaeng umapak sa pagkatao ko.
Hindi ako makapaniwalang ang kasal na inaasahan ko ay nauwi sa isang rebelasyong, ako pala ang kabit!
Nakalabas kami sa press conference sa gitna ng matinding kaguluhan ng media. Binuhat at inalalayan ako ni Reiner papasok sa kaniyang private elevator na papunta sa top-floor penthouse office ng Romanov Building.Pagpasok sa malawak at marangyang opisina, pinalabas ni Reiner ang kaniyang mga bodyguard at pinalalock ang pinto.Nakatayo lang ako sa gitna ng mamahaling Persian rug, lutang at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Mula sa pagiging ‘kabit’ na pinagpipyestahan sa social media, sa isang iglap, ako na ang Mrs. Romanov.“Sit,” malamig na utos ni Reiner habang tinatanggal ang kaniyang suit jacket at inilalapag ito sa swivel chair.Naupo ako sa leather sofa, nanginginig pa rin ang mga kamay. “S-Sir... b-bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo sinabing asawa mo ako?!”Lumapit si Reiner sa kaniyang malaking mahogany desk at may kinuhing isang folder na kulay itim. Nilakad niya ang distansya patungo sa akin at ibinagsak ang folder sa glass table sa harap ko.“Read it,” maikling saad niya hab
Ang grand hall ng Romanov Group Headquarters ay puno ng liwanag ng mga ilaw at sunod-sunod na tunog ng mga camera. Dumadagundong ang bulungan ng napakaraming reporter, journalists, at board members na nag-aabang sa pormal na pahayag ng kumpanya.Nakatayo ako sa gilid ng stage. Bagamat pilit kong itinataas ang aking baba, nararamdaman ko ang matatalim at mapanghusgang tingin ng aking mga katrabaho.“Nandiyan na pala ang pambansang kabit,” bulong ng isang executive assistant na malapit sa akin.“Kapal din ng mukha niyang pumasok, 'no? Siguradong ipapahiya at tatanggalin siya ni CEO Romanov ngayon.”Hindi ko sila pinansin. Binalaling ko ang aking tingin sa kabilang bahagi ng stage kung saan nakaupo sina Stephanie at Richard. Ang ganda ng ngiti ni Stephanie habang nakaayos ang kaniyang mamahaling terno. Si Richard naman ay nakasuot ng pormal na suit, ngunit bakas pa rin sa kaniyang mga mata ang kaunting panginginig habang paminsan-minsang tumitingin sa akin.Nang mag-10:00 AM, biglang t
Sariwa pa ang malamig na hangin ng umaga nang makalabas ako sa automatic doors ng mamahaling hotel na iyon. Wala pa ring suot na sapatos ang mga paa ko.Nanghihina ako at pakiramdam ko ay lutang ang isip ko.Tumigil ako sa gilid ng kalsada para pumara ng taxi, pero napansin ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko mula sa loob ng bag ko.Kinuha ko ito.57 Missed Calls. 142 Unread Messages. Kumunot ang noo ko. Galing sa mga katrabaho ko, sa HR department ng Romanov Group, at maging sa mga numerong hindi ko kilala. Binuksan ko ang isa sa mga mensahe mula sa kaibigan ko sa opisina na si Liza.Liza: Armea! Nasaan ka?! My god, magtago ka muna! Viral na viral ka sa Facebook at X! Nagkakagulo na sa opisina! Viral?Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Nanginginig ang mga daliri ko nang buksan ko ang X (Twitter) app. At doon, sasalubong sa akin ang isa pang matinding bangungot na tuluyang wawasak sa natitira kong buhay.#ArmeaMondagonGoldDigger #MistressExposed#JusticeForStephanie
Madilim. Maingay. Puno ng usok at amoy ng mamahaling alak.Ganoon ang bumungad sa akin sa loob ng bar. Wala akong pakialam kung magkano ang aabutin ng bill ko. Kinuha ko ang nag-iisang bakanteng upuan sa counter.“Tequila. 'Yung pinakamatapang. At huwag mo nang lagyan ng baso. Ibigay mo sa akin ang buong bote,” utos ko sa bartender.Bumakas ang pagtataka sa mukha ng bartender pero hindi na siya nagtanong. Nilapag niya ang isang malaking bote ng Cuervo sa harap ko. Agad ko itong binuksan at tumungga nang direkta mula sa bote.Mainit. Nakakasunog ng lalamunan. Pero mas masakit ang nararamdaman ko sa dibdib ko.“Walang hiya...” bulong ko habang umiiyak. “Walang hiya ka, Richard. Pinagmukha mo kong tanga!!”Paulit-ulit kong nilulunod ang sarili ko sa alak. Umiikot na ang paningin ko, at paminsan-minsan ay muntik na akong mahulog mula sa mataas na upuan. Maraming lalaki ang nagtatangkang lumapit sa akin. May mga humahawak sa bewang ko, may mga bumubulong ng pambabastos, pero lahat sila a
Isang oras.Isang buong oras na akong nakaupo sa VIP section ng Le Blanc, isa sa pinakamahal at pinakasikat na French restaurant sa siyudad.Tinitigan ko ang malamig na tubig sa baso ko. Umiikot ang yelo, unti-unting natutunaw—katulad ng pasensya ko.Sabi ni Richard, may mahalaga siyang sasabihin ngayon. Ikatlong anibersaryo namin.Tatlong taon ng pag-ibig, pag-unawa, at paghihintay. Nagsuot pa ako ng paborito niyang pulang dress na hinulugan ko pa ng tatlong buwan sa credit card para lang maging perpekto ang gabing ito.“Ma'am, gusto niyo na po bang umorder? Kanina pa po kayo naghihintay,” magalang na tanong ng waiter.Tipid akong ngumiti. “Hindi na muna. Hihintayin ko na lang ang boyfriend ko. Papunta na raw siya.”Tumango ang waiter at umalis. Bumuntong-hininga ako. Malamang ay na-traffic lang si Richard. O baka naman meron din siyang surprise.Pag-iisip ko pa lang doon, hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Sa wakas, pagkatapos ng tatlong taon, magiging pormal na ang lahat sa amin.







