登入MATAPOS ng mga gabing halos hindi na niya maintindihan ang sarili, si Bea ang unang napagod sa katahimikan.Kaya isang hapon, habang nasa penthouse pa rin siya at nakaupo sa sofa na parang estatwa, bigla siyang nag-chat kay Talia.Bea: Club tayo mamaya.Hindi pa man nagre-reply si Talia ay nakatingin na si Bea sa sariling repleksyon sa black screen ng phone. Maputla pa rin siya. Medyo namamaga ang mata dahil sa kakaiyak at kakaisip. Pero kahit ganoon, pilit niyang binubuhat ang sarili na para bang hindi niya alam ang bigat ng balita na iniingatan niya sa dibdib.Hindi pa rin niya sinasabi kahit kanino. Hindi pa rin niya sinasabi na buntis siya. At lalong hindi niya sasabihin kay Mr. Crest.Hindi pa ngayon.Hindi pa habang gulong-gulo ang isip niya sa pangalan ni Aliyah. Hindi pa habang may ibang babaeng nakasabit sa pagitan nila ni Mr. Crest na hindi niya alam kung paano tatanggapin.Makalipas ang ilang segundo, nag-vibrate ang phone niya.Talia: Girl, ngayon ba talaga?Bea: Oo. Kaila
MULA noong gabing iyon sa harbor, hindi na naging normal ang mga sumunod na araw ni Bea. Hindi niya agad inamin kahit sa sarili niya, pero may kakaiba nang gumagalaw sa katawan niya.Una, akala niya puyat lang.Kasi sino ba namang hindi mapupuyat sa isang lalaking gaya ni Mr. Crest? Misteryoso na, nakaka-stress pa. Dagdag mo pa ang kaguluhan sa Grey Wharf, ang narinig niyang usapan tungkol kay Aliyah, at ang biglaang halik sa gitna ng barilan na parang wala lang.Pero pagdaan ng umaga, doon na siya nagtaka. Pagmulat niya ng mata, may biglang pagkahilo. Hindi iyong tipong “uy, kulang lang ako sa tulog.”Mas iyong klase ng pagkahilo na parang may sumasayaw sa loob ng ulo niya.Napapahawak pa siya minsan sa gilid ng kama bago bumangon. May mga umagang gusto niyang sumuka kahit wala namang laman ang sikmura niya. May mga oras na bigla siyang naaamoy ang pagkain sa kusina at parang gusto niyang takasan ang buong mundo.At ang pinaka-nakakainis sa lahat— ang bilis niyang mapagod.Si Bea na
KINABUKASAN...Maaga pa lang ay ramdam na ni Bea na may mali. Hindi niya alam kung bakit.Wala namang sinasabi si Mr. Crest. Wala ring kakaiba sa mukha nitong natatakpan ng silver mask. Tahimik lang ito habang nakaupo sa dulo ng kama, suot ang black long sleeves na tila mas lalo pang nagpapalakas ng misteryoso nitong aura.Pero sa isang tulad ni Bea na likas ang pagiging mapansin sa maliliit na bagay, halata agad niya.May bigat sa hangin.May tensyon sa paligid.At sa tuwing gagalaw si Mr. Crest, para bang may iniisip itong ayaw ilabas.“Pwede bang tanungin kita?” sabi niya habang inaayos ang strap ng sandals niya.Nilingon siya nito. “Depends.”“Bakit parang ang seryoso mo ngayon?”Sandaling tumahimik si Mr. Crest. Pagkatapos ay tumayo ito at lumapit sa kanya.“May aasikasuhin lang ako.”Napakunot ang noo ni Bea. “Aasikasuhin saan?”“Sa harbor.”Parang may kung anong biglang tumama sa dibdib niya.“Sa Grey Wharf harbor?” tanong niya, seryosong-seryoso na rin ngayon ang boses.Tumang
HINDI agad nakapagsalita si Bea matapos ang halik sa kanyang noo.Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa dibdib ni Mr. Crest, habang unti-unting bumabagal ang tibok ng puso niya. Sa kung anong dahilan, may kakaiba sa paraan ng pagkakahawak nito sa kanya ngayon. Hindi iyon yung usual na asar, hindi rin yung playful na pang-aakit na sanay na siyang makita. Mas mahigpit iyon. Mas tahimik. Mas mabigat.Parang may gustong itago.Parang may gustong pigilan.At sa gitna ng katahimikang iyon, bigla na lang sumagi sa isip ni Bea ang sinabi nito kanina.I’ll bring her home.Her.Hindi niya alam kung sino ang “her” na iyon. Pero sa unang pagkakataon, may kung anong bahagyang kumurot sa loob niya. Hindi niya gustong aminin, pero may bahaging na-curious siya. May mahalaga pala itong hinahanap. May tao pala itong kayang ipaglaban nang ganito kalalim. Hindi lang pala siya ang may hawak ng mga lihim sa kwartong ito.“Mr. Crest,” mahina niyang tawag.“Hm?” paos ang boses nito.Umangat ang tingin niya
"I promise."Iyon ang huling salitang narinig ni Bea bago niya muling isinandal ang ulo sa balikat ni Mr. Crest. At sa kung anong dahilan, sapat na iyon para mapanatag ang loob niya. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tiwala niya sa lalaking halos wala naman siyang alam. Hindi niya alam ang tunay nitong pangalan. Hindi niya alam kung ano talaga ang trabaho nito. Hindi niya alam kung ano ang itsura ng buong mukha nito.Pero sa tuwing kasama niya ito, pakiramdam niya ay ligtas siya. At sapat na iyon.---MAKALIPAS ang ilang oras ay nagpasya silang lumabas. Ayon kay Mr. Crest, masyado na raw siyang nakakulong sa penthouse. Ayon naman kay Bea, baka raw tumubo na ang ugat niya sa sofa kung hindi siya makakalabas.Kaya heto sila ngayon. Naglalakad sa isa sa mga commercial streets ng Grey Wharf. Nakatagong mabuti ang pagkakakilanlan ni Mr. Crest. Nakasuot ito ng simpleng itim na polo, baseball cap, at siyempre, ang paborito nitong silver mask.Samant
MADALING-ARAW na nang tuluyang makatulog si Bea. Samantalang tahimik lang na nakahiga si Mr. Crest sa kama habang nakasandal ang babae sa kanyang dibdib. Mahimbing na ang tulog nito, ngunit siya ay nananatiling gising. Nakatitig lang siya sa kisame, habang nag-iisip.Ilang sandali pa'y marahan niyang ibinaba ang tingin sa babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Magulo ang mahabang buhok nito, at nakahawak pa sa laylayan ng kanyang damit na para bang isang bata na natatakot maiwan nang wala sa oras.Napangiti siya nang bahagya. Si Bea ang klase ng babae na kabaliktaran ng type niya. Makulit ito, madaldal, at masyadong hyper. At marahil ay ang pinakamagandang problemang dumating sa buhay niya.Ilang sandali pa'y maingat niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nito. Pero dahil sa ginaa niya ay bahagyang gumalaw ang babae."Akin ka lang..." mahinang bulong nito habang natutulog.Napahinto siya sa narinig at napakunot-noo. "What?""Akin ka lang Mr. Crest..." us
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilali
SA BUONG durasyon ng lunch, ni hindi man lang lumingon si Talia kay Caden. Para siyang hangin sa tabi nito na naroon nga pero hindi napapansin.Habang ang atensyon ni Talia ay buo sa professor at sa specimen box, paminsan-minsan ay sumasagot siya sa tanong ni Lucas. Halatang komportable ito, natura
“SINCE she saved your life,” mariing sabi ng matandang Montclair, bahagyang bumababa ang tono. “Pwede mo naman siyang suklian sa ibang paraan. Gustong-gusto niyang maging artista, ‘di ba? Tulungan mo siya. Bigyan mo ng pera, connections, kahit resources! Pero—”Tinuro niya si Caden gamit ang tungko
TAHIMIK na ibinaba ni Caden ang tingin sa suot niyang coat na nabahiran ng kape. Saglit niyang tiningnan si Jessica na halatang kinakabahan.“It doesn’t matter,” mahinahon niyang sabi. “I’ll change my clothes.” Pagkasabi niya no’n, tumalikod siya at diretso pumasok sa private lounge sa loob ng opis







