Share

Too Late To Regret, Mr. Billionaire
Too Late To Regret, Mr. Billionaire
Penulis: GennWrites

CHAPTER 1

Penulis: GennWrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-08 11:35:12

THREE years na silang secretly married at pinupunan ang obligasyon nila sa isa't-isa bilang mag-asawa. Twice a month pinapapunta ni Caden Montclair si Talia Marquez sa private villa niya sa Tagaytay, hindi para mag-date o magbakasyon kundi para mag-sex. Hindi sila nagsasama ni Caden bilang mag-asawa, at ang napagkasunduan nila ay mag-sex twice a month para maibsan ang kanilang mga sexual needs.

Gustong-gusto ni Talia ang mga white rose sa mini garden ng villa dahil simple pero elegante, katulad ng mga pangarap niyang matagal nang niyang ibinaon sa limot.

Pero ngayong araw, iba na ang dahilan ng pagpayag niyang pumunta muli roon. Iyon na kasi ang huli na papayag siya sa ganoong setup. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng ikasal sila ni Caden pero ngayon, dala na niya ang divorce paper at handa na siyang tapusin kung anu man ang meron sa kanila.

Pagpasok niya sa master's bedroom, kalalabas lang ni Caden sa banyo. Wala na itong pang-itaas, isang puting tuwalya lang ang nakapulupot sa baywang nito. Ang basa nitong buhok ay tumutulo pa sa matipuno nitong dibdib, pababa sa six-pack abs na parang perpektong hinulma sa Diyos ng mga Griyego. Pero kung noon, titig pa lang ng lalaki ay nanghihina na siya, hindi na ngayon. Hindi na siya ay Talia na nawawala sa sarili sa tuwing nakikita ito.

Maya-maya pa'y tahimik itong lumapit, saka walang sabi-sabi, binuhat siya patungo sa king size bed. Napatili si Talia, at bago pa siya makapagsalita ay mariin na siya nitong hinahalikan habang tinatanggal ang suot niyang manipis na evening gown.

Amoy niya ang pinagsamang tobacco at whisky sa hininga nito, pero sa halip na mailang ay nagdala iyon mg kakaibang init kay Talia. Mas marahas din ang bawat galaw nito, hindi katulad ng dati. Sabik na sabik ito sa kan'ya at kung halikan siya ay para bang gusto siyang lamunin nito ng buong-buo.

Ang temperatura sa loob ng masters bedroom ay para bang lalong naging mainit. Ang kanilang mga kamalayan ay unti-unti nang tinatangay ng hangin at pawang mga halinghing at pag-ungol na lang ang mauulinigan sa apat na sulok ng kwarto.

At doon, habang inaangkin siya ni Caden ay nanumbalik kay Talia ang divorce paper na dala-dala niya pagpunta niya roon. At naisip niyang siguro, iyon talaga ang kapalaran niya- ang hiramin si Caden Montclair maging asawa sa loob ng tatlong taon. At sa gabing iyon, doon ma magtatapos ang lahat...

---

Madaling-araw nang magising si Talia at makaramdam ng gutom. Paglingon niya sa kanyang tabi, bakante na iyon. Wala nang bakas ni Caden, at ang tanging naiwan na lang ay ang mainit na comforter na ginamit nito. Napangiti siya nang mapait at tinanggap sa sarili na iyon na ang huli na makakasama niya ang asawa.

Masakit ang buong katawan niya nang bumangon at bumababa sa kama. Nag-suot siya ng robe at lumabas ng kwarto para magpunta sa dining hall. Pagdating niya roon, naabutan niya ang mga maid na nagsisipaglinis. Simple siyang binati nang mga ito nang makita siya.

"Ma'am, gising na po kayo. Sabi ni Sir Caden, ipagluto ko kayo ng hapunan bago siya umalis."

Tumango naman si Talia saka simpleng ngumiti. "Thanks."

Naupo siya sa malaki at pahabang mesa habang naghihintay na i-served ang dinner. Maya-maya pa'y napansin niya ang cellphone niyang nakapatong sa estante. Kinuha niya iyon at binuksan para i-check kung may message mula kay Caden. Habang nag-i-scroll sa Faceboök, ilang trending posts ang agad na bumungad sa kan'ya.

#CadenMontclair throws a ₱10-million birthday party for Jessa Velasquez.

#Good things coming! Caden Montclair and Jessa spotted together in Singapore!

Napatigil siya. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya habang tinititigan ang mga headline. Her chest tightened, her breath caught halfway.

Si Jessa Velasquez.

Ang babaeng matagal na niyang naririnig na nali-link kay Caden, ang "first love" nito. Ang babaeng kahit kailan, hindi niya kayang tapatan sa puso ng asawa.

Biglang parang umiikot ang paligid ni Talia ng mga sandaling iyon. Napahawak siya sa gilid ng mesa, sinusubukang pigilan ang pagkahilo.

Naramdaman niyang bumigat ang loob niya habang unti-unting bumabalik ang mga alaala ng villa kung saan siya naroroon. Ang mga gabing akala niya'y kanya si Caden, pero sa totoo lang, isa lang pala siyang panakip-butas ng babaeng iyon.

Ang bawat sulok ng villa, mula sa mga white lilies hanggang sa amoy ng alak sa hangin, lahat pala ay tungkol kay Jessa.

At sa loob ng tatlong taon, nabuhay si Talia sa isang ilusyon, sa isang pag-ibig na hindi kailanman para sa kanya.

Talia slowly set down her spoon and went upstairs to change. Pagtingin niya sa kama, puro lamig at katahimikan na lang ang naiwan. She let out a tired sigh, her gaze hardening with quiet pain.

"Napakagaling mo talaga, Caden! Kanina lang, yakap-yakap mo pa ako. But now, you're probably in a private jet, heading to Singapore to celebrate your first love's birthday.

In ten minutes, she went back downstairs and told the housekeeper, "Sabihin mo kay Caden, hindi na ako babalik dito."

She knew it in her gut, she was never coming back to that villa again.

Pag-uwi niya sa condo sa Makati, tahimik niyang inilabas mula sa bag ang divorce papers na matagal nang nakatago. Isang buwan na niyang inihanda ang mga iyon, pero hindi niya alam kung saan at kailan niya ito maibibigay. Akala niya kanina na ang araw na iyon, pero siya pala itong iiwanan...

---

Kinabukasan ng tanghali, nagising si Talia sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone dahilan para mabulabog ang pagtulog niya. Pagtingin niya, 20 miscalls ang na-receive niya mula sa best friend niyang si Bea Santiago.

Nang makita iyon ay kaagad niya itong tinawagan pabalik. "Hello, besty? Sorry, ngayon ko lang nakita ang tawag mo."

"Finally! Akala ko kung ano'ng nangyari sa 'yo!" sigaw ni Bea sa kabilang linya.

"Girl, do you have any idea how worried I was? I called you twenty times!"

Napahawak si Talia sa sentido at napangiti ng marahan. "Don't worry, Bea. I'm fine. I'm still alive."

"Fine? Are you kidding me? You sounded like you were about to jump off a building last time we talked!"

Natawa siya kahit kaunti.

"I promise, I'm okay. I just needed some sleep."

"Good. Because I swear, if you don't text me later, I'm flying back to Manila to drag you out for coffee."

"Okay, okay. I'll wait for you," sabi niya, trying to sound light even though her chest still felt heavy.

Pagkababa niya ng tawag, muling binalot ng katahimikan ang buong unit.

Nakatitig lang siya sa kisame, parang sinusuri ang mga alaala ng nakaraan...

She remembered everything... every stupid, painful detail. Nang high school pa lang sila, sinundan niya na si Caden sa lahat ng activities.

When he skipped a grade, she worked harder para makasabay. When he studied abroad, she followed. When he studied medicine, she switched courses para lang mapalapit.

At noong nalaman niyang muntik na itong malunod sa isang yachting accident sa Subic, siya pa ang unang sumugod sa tubig. Wala siyang pakialam kung malunod man siya, basta't ang mahalaga ay mailigtas niya si Caden.

Pero kahit ganoon, parang wala pa rin siyang halaga.

"He never valued me the way I valued him. Ibinigay ko ang lahat pero tanging malamig na trato lang ang sinukli niya sa akin...”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
HMMM SANA HINDI OA
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Go lang laban
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 116

    ILANG oras matapos umalis si Talia sa opisina ni Lucas, sakto nang magsasara na ang huling report sa laptop niya nang biglang tumunog ang cellphone. Nakita niyang si Bea ang nasa caller ID. Napapikit si Talia sandali bago sinagot ang tawag.“Baba ka na, now na,” bungad ni Bea sa kabilang linya, walang pasakalye. “Nasa baba na ’ko. Kain tayo, ‘yung mabigat. Tapos manonood tayo ng boxing. Kailangan mo ng eye candy.”“Bea—” Hindi pa man siya tapos magsalita ay sumabat na ito. “Walang excuse,” putol ng kaibigan. “Naka-park na ’ko. Five minutes.”Napabuntong-hininga si Talia. Isinara niya ang laptop, kinuha ang bag, at tuluyang bumaba.Sa lobby, halos mapanganga siya nang makita si Bea.Nakasakay ito sa pulang sports car, naka-sunglasses kahit gabi na, at suot ang puting backless halter dress na halatang hindi pang-ordinaryong lakad. Head to toe, confident at flamboyant.Pagkakita pa lang sa ayos ng kaibigan, alam na agad ni Talia kung saan sila pupunta.“Let me guess,” aniya habang sumas

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 115

    SANDALING tumalim ang mga mata ni Caden. “Demon King?” marahan niyang inulit, halos hindi marinig. Isang pangalan na matagal na niyang narinig noon, isang multong dapat ay matagal nang nawala. Tumango si Liam. “Matagal na po siyang nagtatago. Ayon sa records, bigla siyang umatras sa illegal operations years ago at pumasok sa mga lehitimong negosyo tulad ng real estate, pharma, hospitality. Slowly, nilinis niya ang pangalan niya. Kung hindi dahil sa contact ko sa NBI Intelligence Division, hindi namin ’to mahuhukay.” Kinuha ni Caden ang folder. Mabilis niyang inisa-isa ang laman, mga litrato, financial trails, foreign bank movements, lumang kaso na biglang na-dismiss. Sa halip na magalit, bahagya siyang napangiti. Isang ngiting tuso. “I see...” marahan niyang sambit. “Kaya pala.” Ibinaba niya ang folder at marahang tinapik ang mesa. “Kahapon,” dugtong niya, mababa ang boses, “sobrang ingay ng pangalan ko sa internet...” Tumigil siya sandali, saka tumingin kay Liam. “Panahon

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 114

    KINABUKASAN, pasado alas-nueve ay naroon na si Caden sa Lee Pharmaceutical. Basta na lang siyang pumasok sa CEO office na madilim ang anyo at nakakuyom ang mga kamao.“Lucas Lee!” sigaw ni Caden na nagtatagis ang mga ngipin sa galit.Samantalang si Lucas naman ay kalmado lang na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakatalikod at nakaharap sa floor-to-ceilling window. Kaagad sinugod ni Caden ang lalaki at hinawakan sa kwelyo saka inundayan ng malakas na suntok sa panga. Pero nakakapagtaka na ni hindi man lang lumaban si Lucas ng mga sandaling iyon. Hinayaan lang niyang tanggapin ang mga suntok ni Caden, at nanatili lang siyang nakatingin sa lalaki habang nakangisi.“Layuan mo si Talia! Gago ka! Wala kang karapatan na lapitan siya!” galit na galit na saad pa ni Caden sabay unday muli ng suntok, na sa pagkakataong iyon ay tumama sa ilong nito dahilan para pumutok iyon at magdugo.Pero nanatiling hindi lumalaban si Lucas, at nakatingin lang sa kanya ng makahulugan habang nakangisi. Da

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 113

    HINDI nagtagal, kumalat ang mga larawan. Sa loob lamang ng ilang minuto, nagsimula nang gumalaw ang social media, mabagal sa una, halos hindi napapansin, pero eksaktong nasa ilalim ng isang mas malaking balita.Isang bagong trending topic. Hindi ito basta lantad. Parang sinadyang ilagay sa pagitan ng mga usaping showbiz at business news.#LucasLeeAndTaliaMarquezSpottedInFerrisWheelAtMidnightAng larawang kalakip ay isang silweta, isang lalaking yakap ang isang babae sa loob ng Ferris wheel cabin. Sa likuran, tanaw ang gabi ng Metro Manila, mga ilaw ng EDSA at Makati skyline na parang bituin sa lupa. Tahimik, pero punô ng emosyon.Ilan sa mga netizen na nakakita ay nag-comment kaagad. "Grabe. Hindi kailangang ipagsigawan. Ramdam mo 'yung sweetness." "Kung ganito naman ka-sweet, talo na talaga ang kahit sinong nag-propose sa stage."---Samantala, sa loob ng isang pribadong opisina, mahigpit na nakahawak si Caden sa cellphone niya. Kita sa screen niyon ang ang trending list. Nandoon pa

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 112

    SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gilid ng crowd, huminto si Talia. Ang ingay ng venue ay parang unti-unting lumalabo sa pandinig niya, habang ang mga ilaw ay tila nagiging malayo, parang panaginip na hindi niya sigurado kung gusto pa niyang tapusin.Ilang sandali pa'y biglang tumunog ang cellphone niya at isang pangalan ang lumitaw sa screen. Kay Caden.Natigilan siya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa screen, at parang may pumipiga sa dibdib niya habang pinipigilan siyang huminga. Pero sa huli, pinindot pa rin niya ang answer button upang sagutin ang tawag nito.“Talia, nasaan ka?” kaagad nitong tanong na may halong panic at pag-aalala ang boses.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Pinili niyang gawing kalmado ang to

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 111

    SA GITNA ikatlong palapag ay nakatayo ang babae sa entablado, nakatalikod sa karamihan. Bahagya niyang inangat ang ulo, sinusundan ng tingin ang drone performance sa itaas. Ang mga ilaw ay gumuguhit ng mga hugis sa langit, parang may sinisimulang kuwento na unti-unting binubuo sa harap ng lahat.Hindi niya napigilang mapahanga. Sa likod ng mga ilaw at engrandeng disenyo, ramdam niya ang bigat ng eksenang iyon na masyadong perpekto, masyadong planado. Isang setup na hindi basta-basta kayang ihanda ng kahit sino.Si Jessica.Bahagyang hinihingal, pinilit nitong makalusot sa pagitan ng mga bisita. Napahinto ito sandali, napatingin sa paligid at hindi nito napigilang mamangha sa eksenang bumungad sa kan'ya. Ang kisame na tila buhay, ang stage na puno ng bulaklak, ang moon-shaped archway na kumikislap sa ilalim ng mga ilaw.Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib niya. Parang may masamang pakiramdam na unti-unting umaakyat.Sa isip niya, bumalik ang mga pangyayari kanin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status