LOGINRegretting the person you once loved is the most tragic kind of love. The butterflies, the heartbeats, and the gazes are all for nothing if you had already lost without even gearing up for a fight. In this world where happy ever after ends with a seal, tragedy is just about to begin, in which crying is its real ending.
View MoreKABANATA 1:
SUZETTE's POV "Suzette, tulinan mo riyan at maaga tayong pupunta ng bakery!" matinis na sigaw ni Betty ang matalik kong kaibigan. Siya ang naging kasama ko simula noong mamatay ang mga magulang ko noong bente anyos pa lamang ako. Nag-iisa lamang akong anak kaya't grabe ang hirap na pinagdaanan ko para mairaos ang aking pag-aaral at makatulong sa negosyo ng pamilya ng kaibigan ko na walang pag-aalinlangang kumupkop sa akin. "Heto na lalabas na ako!," sigaw ko pabalik sa kaibigan ko. Naging routine ko na ang tumulong sa bakery tuwing sabado at linggo kapag wala akong pasok sa eskwela. Bente-kwatro anyos na ako ngayon nasa third year college na rin sa kursong Business Administration. Isang taon na lamang at matatapos na ako sa pag-aaral. "Tapos mo na ba ang mga assignments mo, Suzette?" tanong ng kaibigan ko habang naglalakad kami papuntang bakery. "May isa pa akong tinatapos pero mamayang gabi ko na lang gagawin." nakangiting wika ko sa kanya. "Siguraduhin mo lang na isa na lang 'yon, pauuwiin talaga kita pag nalaman kong hindi," naka-ngiting wika niya sa akin. Hindi niya ako ino-obliga na tumulong kapag may mga kailangang tapusin sa eskwela, yun ang pinagpapasalamat ko sa pamilya nila dahil kahit iniwan na ako ng mga magulang ko ay may pamilya namang nagmamahal sa akin. "Oo nga, promise." "Nabalitaan mo ba yung tungkol sa pamangkin nila Aling Magda?" "Pamangkin? Wala naman akong nababalitaan, bespren, bakit ano bang meron?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Sila Aling Magda at Mang Lito ang kustomer na laging pumapakyaw ng paninda namin sa bakery lalo na tuwing anihan ng palay para ipameryenda sa mga trabahador nila. "Naku, mahina talaga ang radar mo pagdating sa mga lalake, bespren." "Alam mo namang hindi ako nakikipag-chismisan, bespren at lalong wala din akong balak alamin ang kung sinong poncio pilato na sinasabi mo," mahaba kong pahayag sa kanya. "At saka alam mong nakatuon lang ang buong atensyon ko sa pag-aaral, ayaw kong mawala ang scholarship ko." "Naks! Ang dami mo ng sinabi e nagkukwento lang naman ako," nakangising tugon nito sa mahabang litanyang sinabi ko. "Aba'y kilala kita Bettina! Hindi mo babanggitin ang isang lalake kung wala ka na namang balak na ipakilala ito sa akin." "Sabi ko nga, pero ang gwapo niya, bespren. Kahapon 'nong bumili siya ng tinapay halos malaglag ang panty ko noong ngumiti siya pagkaabot ko ng binili niyang pandesal." "Naku! tumigil tigil ka nga dyan, Betty." turan ko sa bespren kong hindi mapawi ang ngiti sa labi dahil sa pang-iimagine niya doon sa lalaking gwapo na sinasabi nito. Nakarating kami sa tapat ng bakery at agad na rin pumasok sa loob nito. Maaga itong nagbubukas dahil maagang nagsasalang ng ilulutong mga tinapay si Tiyo Ben ang ama ni Betty at siyang panadero sa bakery. "Magandang umaga po,Tiyo Ben." magalang kong bati rito nang madaanan ko siya sa may kusina ng bakery. "Magandang umaga rin, Suzette. Kayo ba'y kumain na?" tanong nito sa amin ni Betty. "Hindi pa ho, nagmamadali na po si Betty kanina kaya dito na lang po siguro kami kakain ng pandesal at kape." "O, siya may bagong luto na akong pandesal. Kumain muna kayo bago niyo buksan ang bakery." wika nito sabay talikod na sa amin para tingnan ang mga nakasalang na tinapay. Kumuha ako ng dalawang limang piso sa dala kong lumang pitaka para makapag-kape sa may vendo machine sa tapat ng bakery. Matapos naming mag-umagahan ni Betty ay nagbukas na kami ng bakery. Sunud-sunod na ang pagdating ng mga tao para bumili ng pandesal. "Sampung pirasong pandesal nga." baritonong wika ng lalaki sa harap ko sabay abot nito ng singkwenta pesos na buo. Inabot ko ito sabay talikod para kumuha ng sampung pirasong pandesal, hindi ko na ito tinapunan ng tingin. Hindi ko namalayan na nakasunod rin pala si Betty sa akin. "Bespren! Siya yun!" nakangising wika nito sabay sundot sa tagiliran ko. "Betty, ano ba! Sinong siya yun?" nagmamaang-maangan kong tanong kahit alam ko sa isip kong baka ito yung lalaking kinukwento niya kanina sa akin. "Yung poging lalaking 'yon yung sinasabi ko sayo kanina." "Pogi ba yun? Mukha namang hindi e," kamot ulo kong tugon sa kaibigan ko na parang inasinang bulate sa kilig "Hay naku, bespren, mukhang kailangan mo na talagang magpatingin sa espesyalista sa mata," naismid na wika nito. Matapos kong ilagay sa paper bag ang pandesal at kumuha ng panukli ay lumabas na ako at akmang iaabot ko na ang binili niyang tinapay nang magtama ang paningin namin. Nasulyapan ko ang itsura niya, makapal ang kilay, magulong buhok na bagay na bagay sa kanya, mapilantik na mga pilik-mata, matangos na ilong, manipis at mapulang labi. Gwapo nga siya. Hindi ko aakalaing magaling nga tumingin si Betty sa mga gwapong lalaki. "A-ah, Miss yung pandesal ko." bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses niya. "A-Ay! Sorry heto na yung pandesal at sukli mo," pilit na ngiti ko sa binata sabay abot sa tinapay at sukli niya. "Na-star-struck ka rin ano?" malapad ang ngiti na saad ni Betty. "M-Medyo," utal na sagot ko rito. "Sus, aminin mo na kasi, bespren, pogi siya no?" "Oo na, oo na!" nakangiti kong sagot rito, alam kong hindi niya na ako tatantanan dahil sa unang pagkakataon ay may pumasa na sa panlasa ko. "Hayaan mo, ipapakilala kita sa kanya sa susunod." "Pwede bang next year na lang kapag tapos na ako mag-aral?" "HINDI! SA LALONG MADALING PANAHON IPAPAKILALA KITA DOON SA POG----." sigaw nito sa akin, mabilis ko namang tinakpan ang bibig nito dahil nakakahiya baka marinig ni Tiyo Ben. "I'm Vince...Vince Sullivan," sabay kaming napamulagat ni Betty nang marinig namin ang boses ng binatang nagpakilalang Vince Sullivan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakatingin rin ito sa akin na may nakamamatay na ngiti sabay kindat sa akin saka ito tuluyang naglakad palayo.And that's a wrap! Thank you for reaching this far. I'm kinda nervous on how will I finish this, but yeah, here I am. Thank you so much.As always, I hope Jasper and Giovanna's story had somehow gave you an important lesson in your life. That not all things we wish will stay up until the end. That not all the facts we thought a fact will always be a truth up until the end. That's why learn to trust, understand, and cherish your relationship you have with your loved ones as long as you can. Just one careless conclusion will surely caused a thousand mistakes. Always.Anyway, again, thank you for another story we've shared. I am and will do more stories like this. Soon. I hope you'll stay with me until there. Bye-bye!
Tragic voiceIs marriage just a joke to her?Yumuko ako at literal na nanghina nang narinig iyon mula sa kanya. Mula... sa nanay na pinaka hinahangaan ko.As you can see, I came from an elite and noble family. My dad's family and ancestors rule Malolos for years now. Though hindi tuloy-tuloy dahil may iilan din namang namamahala sa syudad na hindi namin kamag-anak, pero siguro kung susumahin, halos kilala nga ang pangalan namin dahil sa politika. Hanggang ngayon ay ang pamilya pa rin namin ang namamahala sa buong syudad. Everyone just trusts our family. From how we run, how we manage, and how we lead each and every aspect of the city.Everything is just... perfect. It all matches up. One piece of puzzle to another. Saktong-sakto ang lahat. Pero... sa tingin ko ay may kulang pa rin. Sa tingin ko ay may ku
CourtIlang saglit akong hindi nagsalita. Hinayaan ko muna ang sarili ko na muling lumangoy sa malalim at mabibigat na pares ng mata niya.Jasper's set of eyes is sometimes fascinating, sometime's scary. Nakakamangha dahil siguro siya lang ang kilala kong may ganoong mata... at nakakatakot dahil lagi akong nakakaramdam ng pagwawala ng kalamnan ko kapag tumatama ang paningin ko doon. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam no'n. Minsan naiisip ko kung dadating ba ang araw na hindi na magiging mabigat sa paningin ko ang mga matang iyon. At mukhang malapit na nga ang araw na 'yon.Iniwas ko ang tingin sa nakakamangha niyang mata. Lumunok ako habang dahan-dahan ang paglakad papunta sa duyan na pinakita niya sa akin.I remember I once told Fiona about my love on these. I loved to use and play swings before, when I was still a child. Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala sa kanya iyon at natandaa
WhySumimsim ako sa tsaang nakalaan para sa akin. Ang tahimik na coffee shop na 'to ay umayon sa nagwawala kong utak. All of my thoughts ever since I've made that decision are now running wild again. Lagi naman. Tuwing tahimik ang paligid ay laging pinipili ng utak ko na sabihin ang mga hinaing pa nila.I am meeting my lawyer. Our divorce papers began processing three months ago. It's still on process though, but I still need to catch up with him. Isang beses sa isang buwan lang kasi kami mag-usap.Wala sa sarili kong binaling ang ulo sa harap ko. There, I saw my reflection on one corner of this huge coffee shop. Nasa sulok kasi ako nakapwesto kaya ang salamin na nasa sulok ay kitang-kita ako. Hindi naman iyon ganoon kalaki para maasiwa ako. Sakto lang para makita ko ang kalahati ng ayos ko ngayon.After six months, I noticed my natural brown curvy hair grew bigger. Ang dating hanggang dibdib ay luma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.