홈 / Romance / Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband / Chapter 9: Ang Emperatris na si Isadora Valemont

공유

Chapter 9: Ang Emperatris na si Isadora Valemont

작가: KAELORA
last update 게시일: 2026-10-23 21:25:52

Nakasandal sa gilid ng p***o ang lalaking may pulang buhok. May kakaiba siyang ngiti na para bang may binabalak na kalokohan.

Pinakalma ni Sebastian Sinclair ang sarili bago magtanong, “Bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka?”

Ang bisita ay si Adrian Foxworth, ang panganay na anak ng pamilya Foxworth, isa sa tatlong pinakamakapangyarihang pamilya sa imperyo.

Walang ganang pumasok si Adrian.

“Nakita kitang nakangiti habang nakatingin sa kristal na iyan. Akala ko tuloy, nababaliw ka na.”

Inilagay ni Sebastian ang kristal sa drawer.

“Ano'ng ginagawa mo rito?”

Hinubad ni Adrian ang pang-itaas niya at humiga sa kama sa tabi ni Sebastian.

“Ano pa ba? Magpapagamot ng mga sugat, siyempre.”

Napatingin si Sebastian sa likod ni Adrian.

Puno iyon ng mga latay. May mga bago at mayroon ding mga luma. May dugo pa sa ilan sa mga sugat niya.

“Ikaw… naparusahan ka na naman?”

Dalawang beses na umungol si Adrian habang nakapikit.

“Lagyan mo na lang ng gamot. Huwag ka nang magtanong nang magtanong. Mas maayos pa nga ang kalagayan ko kaysa sa iyo. Nagpaloko ka sa amain mo at napilitang makipagkontrata sa isang babaeng C-rank. Tsk, tsk…”

Habang naghahanda ng gamot si Sebastian, bigla siyang nagsalita.

“Sabi niya, aalagaan niya nang mabuti ang asawa niya.”

Dumilat si Adrian at nagtaka siyang tumingin kay Sebastian.

“Napanood mo ang video? At naniwala ka naman?” Napailing siya. “Kapag babae ang pinag-uusapan, huwag kang basta maniwala sa mga sinasabi nila. Makinig ka na lang, tapos huwag mo nang seryosohin.”

Hindi sumagot si Sebastian.

…

Nang makauwi sina Catalina at Azreil  sa villa, dapithapon na.

Pagpasok pa lang ni Catalina, tumunog agad ang personal terminal na suot niya sa pulso. May tumatawag sa kaniya sa video call, at si Javier iyon.

Biglang kinabahan si Catalina. Agad niyang itinulak si Azreil pababa sa sofa.

“Tumahimik ka lang! Huwag kang gagawa ng kahit anong ingay!”

Mabilis na tumakbo si Catalina papunta sa kuwarto. Hinubad niya ang panlabas niyang damit at humiga sa kama bago sinagot ang tawag.

“Catalina Valemont! Bakit ang tagal mong sumagot?”

Lumitaw sa screen ang guwapong mukha ni Javier.

“Kuya, kakagising ko lang,” sagot ni Catalina habang nakangiti, kahit kinakabahan siya. “May kailangan ka ba?”

Diretso nang sinabi ni Javier ang pakay niya.

“Babalik bukas ng gabi si Kuya Gabriel. Magdaraos ang palasyo ng salu-salo para salubungin siya. Inutusan ako ni Ina na sabihin sa iyo na kailangan mong pumunta.”

“Bukas na?!”

Ang bilis naman!

“Oo. Nakarating na sa kabisera ang sasakyang pangkalawakan ng Kuya mo. Bukas ng gabi, darating na siya. Bakit ganyan ang mukha mo?”

Mabilis na inayos ni Catalina ang ekspresyon niya. Pagkatapos, nagkunwari siyang natatakot.

“Natatakot na nga po ako kapag naiisip kong makikita ko si Kuya.”

Napatawa si Javier at iwinagayway ang kamay niya.

“Sige na. May susundo sa iyo bukas dahil iniutos iyon ni Ina. Huwag kang magtatangkang tumakas.”

“Oo na, oo na…”

Pagkababa ng tawag, hindi mapakali si Catalina.

May salu-salo para sa pagbabalik ng kapatid ko…

Ibig sabihin, kailangan niyang harapin ang mga magulang ng dating may-ari ng katawan niya!

Sinubukan na nga niyang magtago, pero hindi man lang siya nakatagal nang isang linggo!

Napahawak si Catalina sa ulo habang pilit na inaalala kung paano makitungo ang dating Catalina sa mga magulang nito.

“Prinsesa…”

Narinig niya ang malalim na boses ni Azreil mula sa labas ng p***o.

Saka lang natauhan si Catalina. Agad niya itong pinapasok.

Malamang ay narinig ni Azreil ang usapan nila ni Javier.

“Babalik po ba kayo sa palasyo bukas?” tanong ni Azreil.

Ngumiti si Catalina para pakalmahin siya.

“Oo. Susubukan kong makauwi agad. Magpakabait ka muna at hintayin mo ako rito. Pagbalik ko, mag-uuwi ako ng masarap na pagkain para sa iyo.”

Yumuko si Azreil at mahina siyang sumagot.

“Sige po.”

Bahay?

Kahapon lang, nagmamakaawa si Azreil na mamatay na lang habang nasa pamilihan ng mga alipin. Pero ngayon, iniligtas siya ni Catalina at binigyan ng lugar na maaari niyang tawaging tahanan.

Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

Palihim na sumulyap si Azreil kay Catalina.

Ano nga ba ang hitsura ni Catalina Valemont?

Nainis siya sa sarili dahil hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito. Lumuhod siya sa tabi ni Catalina habang bahagyang gumagalaw ang mga tainga ng lobo sa ibabaw ng ulo niya.

“Master…”

Nanginginig na napasagot si Catalina.

“Hindi ba sinabi kong huwag mo akong tawaging ganyan?”

“Salamat po,” mahinang sabi ni Azreil.

Maingat niyang hinawakan ang kamay ni Catalina.

“Salamat po, Master.”

Napatitig si Catalina sa kaniya.

Ang sakim naman ng batang ito! Bigyan mo lang ng kaunting pagkain, tuwang-tuwa na agad.

Kinabukasan ng gabi, eksaktong dumating ang hovercar sa harap ng villa.

Bago sumakay, binigyan muna ni Catalina si Azreil ng ilang tagubilin. Pagkatapos, umalis na siya papunta sa palasyo.

Hindi lang iisang gusali ang palasyo ng maharlikang pamilya. Napakalawak ng lugar at marami itong gusali para sa iba't ibang gawain.

Sa gitna nito matatagpuan ang mga tirahan ng maharlikang pamilya. Sa paligid naman ay may mga gusali para sa pananaliksik, pagpupulong, pagsasanay, at iba pang gawain.

Tatlong pangunahing grupo ang may hawak ng kapangyarihan sa imperyo.

Ang hari ang namamahala sa militar. Ang tatlong pinakamakapangyarihang pamilya naman ang may hawak sa negosyo, kalakalan, medisina, aliwan, at iba pang industriya.

Pero ang emperatris ang may kontrol sa lahat ng yaman at mahahalagang pinagkukunan ng imperyo.

Sa madaling salita, ang hari ang namamahala sa hukbo, ang mga marangal na pamilya ang namamahala sa negosyo, at ang emperatris ang may pinakamalaking kapangyarihan sa kanilang lahat.

Grabe! Siya talaga ang pinakamakapangyarihan!

Sa orihinal na kuwento, hindi kailanman natalo ng pangunahing tauhang babae ang emperatris, kahit sa dulo ng kuwento. Ganoon siya kalakas at kakapangyarihan.

Pagdating ng hovercar sa palasyo, sinalubong si Catalina ng isang utusan at inihatid sa isang kuwarto. May nakahanda nang damit para sa kaniya roon.

Natigilan si Catalina nang makita ang damit.

Hindi ba sobra naman ito?

Magalang na nagsalita ang utusan.

“Mahal na Prinsesa, iniutos po ng Emperatris na ito ang isuot ninyo sa salu-salo.”

Wala nang nagawa si Catalina kundi paalisin ang mga utusan at magpalit ng damit.

Diyos ko!

Napakabigat ng damit kaya nahirapan siyang gumalaw.

Makapal ang palda at punong-puno ng kumikislap na alahas ang buong kasuotan. Sa dami ng nakakabit na alahas, parang ilang kilo ang bigat nito.

Pero kung hindi naman magpapakitang-gilas ang isang maharlika, paano maipapakita ang yaman at katayuan niya?

Pumihit si Catalina sa harap ng salamin nang makarinig siya ng boses ng isang babae mula sa labas ng p***o.

“Hindi masama. Alam kong babagay sa iyo ang damit na iyan.”

Lumingon si Catalina at nakita ang emperatris na si Isadora.

Malamig at seryoso ang mukha nito. Sa unang tingin pa lang, halata nang hindi siya basta-bastang tao. Kahit nakangiti siya, ramdam pa rin ang kapangyarihan niya.

Kinabahan si Catalina. Agad siyang lumapit dito at nagkunwaring malambing.

“Ina! Miss na miss na po kita!”

Nagulat si Isadora.

Nang makitang hindi na lumalayo sa kaniya si Catalina gaya ng dati, lumambot ang mukha ng emperatris.

“Kung nami-miss mo ako, bumalik ka na lang dito at tumira sa palasyo.”

“Hehe…” Hinawakan ni Catalina ang braso ng kaniyang ina at marahang niyugyog iyon. “Pasensiya na po, Ina. Hindi na po ako kokontra sa inyo. Pero masaya rin po akong tumira sa labas, kaya hindi na muna ako babalik. Mas madalas na lang po akong bibisita rito, ha?”

Hindi agad sumagot si Isadora.

Biglang kinabahan si Catalina.

Huli na ba ako? Ang bilis naman!

Tumingala siya at napansin ang bahagyang ngiti ng emperatris.

“Malaki ka na talaga,” sabi nito habang marahang tinatapik ang ulo ni Catalina. “Noong una, akala ko peke lang ang mga video mo sa personal terminal. Pero ngayong nakikita na kita nang personal, mukhang natuto ka na ngang umayos.”

Lalong nalito si Catalina.

Anong video?

Tinapik ni Isadora ang balikat niya.

“Maghanda ka na. Susunduin kita mamaya para sa salu-salo.”

Pagkasabi niyon, umalis na ang emperatris.

Ngumiti si Catalina habang pinagmamasdan ang pag-alis ng kaniyang ina. Pagkatapos, kinuha niya ang personal terminal at binuksan iyon.

Matapos mag-scroll nang ilang sandali, nakita niya ang pangalan niya sa listahan ng mga pinakapinag-uusapang paksa sa social media. Nakasulat ito sa malalaki at makakapal na letra.

Pangatlo siya sa mga pinakapinag-uusapang paksa sa buong interstellar network!

Ang unang dalawang paksa ay tungkol sa militar.

Agad na pinindot ni Catalina ang pangalan niya at nakita ang video ng kaniyang “taos-pusong pahayag.”

Nang makita niya ang dami ng mga nag-like, muntik na siyang mapatalon.

22 milyong likes!

Wala pang limampung milyon ang kabuuang populasyon ng planetang kabisera!

Halos magkakapareho ang mga komento.

[Saan ba dapat lumuhod para magkaroon ng asawang tulad ng Ikatlong Prinsesa? Kung ayaw sa kaniya ng tatlong marangal na pamilya, ako na lang ang kukuha sa kaniya! Hindi ko na kailangan ng pampalubag-loob niya!]

[Napakabait niya sa magiging asawa niya… Naiyak ako. Kahapon lang, kumuha na naman ng dalawang kerida ang asawa ko… Hay naku.]

[Ako lang ba ang nakapansin kung gaano kaganda ang prinsesa? Akala ko noon, masungit siya, pero ang cute at ang lambing niya pala!]

Natigilan si Catalina habang nakatitig sa screen.

Sikat na ako?!

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband   Chapter 38: Ayaw Siya ng Prinsesa (Part 2)

    Nagsuka ng dugo si Cassian, umikot ang kanyang mga mata, at nawalan siya ng malay. Basang-basa sa pawis sa kaba ang ilang tauhan ng militar dahil hindi nila makontrol si Azreil. Matapos bugbugin ang lalaki, kalmado lamang na sinabi ni Azreil, “Maaari ninyo siyang ikulong sa solitary confinement.” Mga tauhan ng militar: “...” Sa huli, sinentensiyahan si Azreil ng 24 na oras na confinement. Samantala, agad na dinala si Cassian upang gamutin. Nagkatinginan ang grupo habang inilalayo si Cassian sa ganoong kalunos-lunos na kalagayan. “Deserve niya iyon.” “Nasa militar na silang lahat, pero naglalaro pa rin sila ng lumang sistema ng class stratification.” “Taon-taon, napakaraming mababang uri ng lalaki at alipin ang kinukuha ng militar. Para na rin niyang hinihingi na bugbugin siya. Kung hindi siya bubugbugin, sino ang bubugbugin nila?” Umiling ang isa pang beterano. “Walang awa ang batang iyon... pero gusto ko siya.” ... Samantala, sa research institute. Dumating si Catalina

  • Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband   Chapter 38: Ayaw Siya ng Prinsesa (Part 1)

    Chapter 38: Ayaw Siya ng Prinsesa Nasa training field si Azreil nang ihampas niya ang kanyang braso at paliparin ang dalawang trainer. Biglang tumahimik ang mga sigawan mula sa gilid ng training field. Mabigat na bumagsak sa lupa ang dalawang katawan. Nagngangalit ang kanilang mga ngipin habang pinipigilan ang sarili na mapasigaw sa sakit. Napakawalang-awa naman ng batang ito! Training lang ito! Hindi naman tayo totoong pupunta sa digmaan! “Tapós na ang unang round. Magpahinga muna tayo sandali at maghanda para sa susunod na round!” Nakatayo si Azreil sa gitna ng field. Malakas ang paghinga niya, at ang pawis ay dumadaloy mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang panga. Pinunasan niya ito gamit ang kamay bago lumabas ng training field. “Ang galing! Napakabilis ng reaction time!” “Uy, nakita mo ba iyong counter-pressure niya kanina? Ang ganda!” Sa labas ng venue, nakatanggap ng balita sina Instructor Logan at Instructor Matthew at agad silang pumunta roon upang tingnan kung ano

  • Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband   Chapter 37:  Maganda Siguro ang Samahan Ninyo ng Iyong Asawa? ( Part 2)

    “Prinsesa, hindi mo ba alam? Hindi ba ipinasa ng pamilya Sinclair ang karamihan sa kanilang mga ari-arian sa royal family?” Tuluyang nataranta si Catalina. Hindi niya alam. Kailan pa nangyari iyon? Ano ang kinalaman sa kanya ng paglilipat ng kapangyarihan sa royal family? Nang makita ang ekspresyon ng prinsesa, napagtanto ni Lily na mukhang tunay ngang walang alam si Catalina. Kaya ngumiti siya at nagpaliwanag. “Malapit nang makipagkontrata sa’yo si Sebastian, kaya siyempre kailangan niyang ilipat ang mga ari-arian niya sa babae. Kung hindi, hahamakin siya ng iba bilang asawang hindi kayang suportahan ang kanyang babae.” “Pagkatapos ng pagsabog sa sanatorium, bago pa man siya dalhin sa treatment ward, inilipat na ni Sebastian ang lahat ng ari-arian niya sa kinatawan ng royal family. Siguro nag-aalala siyang hindi mo siya magustuhan dahil sa malala niyang mga sugat.” Naging seryoso ang mukha ni Catalina. Hindi tama. Bakit ibinigay sa kanya ni Sebastian ang mga negosyo? Hindi

  • Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband   Chapter 37:  Maganda Siguro ang Samahan Ninyo ng Iyong Asawa? (Part 1)

    Tinitingnan ni Gabriel ang investigation report na kakapadala lamang sa kanya ng kanyang tauhan. Pagkaalis ni Catalina, agad niyang pinakilos ang kanyang team para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pamilya Montero, kasabay ng pagsubaybay sa mga mining record. Mula nang mapasakamay ng pamilya Montero ang mga minahan ng pamilya Grimwolf dalawang taon na ang nakalilipas, halos wala na itong pakundangan sa kanilang mga ginagawa. Ayon sa batas ng Imperyo, ang mga maharlika ay may karapatang magmina ng mga mineral vein. Siyamnapung porsiyento ng lahat ng namiminang ore ay kailangang ibigay sa militar, at isang-sampung bahagi lamang ang maaari nilang itago para sa sarili nilang gamit. Ngunit ayon sa imbestigasyon, halos kalahati ng dami ng ore na ibinigay ng pamilya Montero sa militar ay lihim nilang itinago. Isa itong lantaran at malakihang pagnanakaw ng mga likas na yaman ng Imperyo. Mas mahalaga pa rito ang usapin tungkol sa mga taong ginamit nila. Para makapagsagawa ng

  • Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband   Chapter 36: Halos Perpektong Marka (Part 2)

    Kakabangon lang ni Cassian mula sa isang virtual reality pod. Maputla ang mukha niya at puno ng malamig na pawis ang noo. Hinihingal siya habang nakatitig sa matingkad na pulang numerong "83" sa screen sa itaas ng pod. Pitong puntos pa... Pitong puntos na lang para maabot ang passing grade na hinihingi ng Kamahalan! Isang buwan na siyang pinahihirapan dito! Mayroon ba diyang makapagliligtas sa akin?! Nang marinig niya ang mga yabag, manhid na lumingon si Cassian at nakita si Azreil na ipinapasok ng mga sundalo. Nang mapansin niya ang tattoo sa mukha ng lalaki, bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. May halong panghahamak at dilim ang kanyang mga mata. Ano ba ang iniisip ng Kamahalan? Top student ako sa akademiyang militar. Bakit kailangan pa akong ipasuri kasama ng mga hamak na nilalang na gaya niya? Hindi pinansin ni Azreil ang tingin niya. Nang senyasan siya ng sundalo, pumasok siya sa isa pang virtual pod. Pagsara ng takip nito, agad na naikonekta ang kanyang kamalay

  • Transmigrated Into Interstellar World, I Got A Beast Husband   Chapter 36: Halos Perpektong Marka (Part 1)

    Pagkababa ni Catalina ng video call kay Sebastian, nakaramdam siya na parang may hindi tama.Pakiramdam niya, may nakalimutan o hindi siya napansing mahalagang bagay.Bago pa niya iyon maisip nang mabuti, biglang tumunog ang doorbell.Pagbukas niya ng pinto, apat na matataas na asul na haligi ang tila nakabantay sa may pasukan.Hindi pala mga haligi kundi apat na malalaking lalaking opisyal ng militar na nakasuot ng madilim na asul na uniporme."Ang Inyong Kamahalan." Yumuko ang lalaking nangunguna sa kanila. "Sa utos ng Heneral, susunduin namin ang alipin ninyong si Azreil Grimwolf upang sumailalim sa isang linggong pagsusuri sa mga operasyong militar at mga pagsubok sa kakayahang militar sa punong-himpilan ng hukbo."Catalina: "..."Suko na siya. Talagang suko na siya.Ngayong wala na sa kanya ang kontrol, hindi mapakali si Gabriel na hayaan siyang manatili kasama si Azreil kahit isang minuto lang.Pero wala pang isang oras mula nang makabalik siya, may ipinadala na agad itong mga s

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status