Share

Chapter 5

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-11-02 14:07:54

“Sir, ayaw pa rin pong lumabas ni Miss Daniela sa kwarto niya.” 

Kaagad na nagdilim ang aking mukha nang marinig ko iyon. “Ano na naman ba ang pakulo niyang ito?” inis na bulalas niya at pagkatapos ay pabagsak na umupo sa sofa. Kaagad naman niyang naramdaman ay paghawak ni Denise sa kamay niya.

“Huwag mo na lang siyang pansinin Dad, isa pa mamaya lang ay nandito na ang pamilya Montefalco. We need to greet them.” 

Tumango-tango ako kay Denise. “Yes, yes my lovely daughter.” ngumiti ako sa kaniya. “Kapag nag-propose sayo si Damien Montefalco ay hindi mo naman siguro tatanggihan hindi ba?” 

Sandali naman akong natigilan sa tanong ng aking ama. Of course, sinong hindi gugustuhin na maging asawa ng isang Damien Montefalco right? Bukod na nga sa mayaman ito ay gwapo din  siya at halos yata ng babaeng makakita rito ay naglalaway at gustong mapalapit rito. Pero ako, naiiba ako sa lahat dahil siya mismo ang interesado sa akin kahit na wala akong ginagawa. Ni hindi nga ako nagpapansin sa kaniya. Siguro ay ganun talaga kalakas ang aking karisma kaya sa unang tingin niya pa lang sa akin noon ay kaagad na nahulog ang loob niya.

Pero kahit na gaano pa ito kagwapo ito at kayaman ay hindi siya ng tinitibok ng puso ko kundi si Henry. Siya ang gusto kong mapangasawa kaya lang ay hindi ako gustong payagan ni Dad dahil mas kailangan daw na si Damien ang mapangasawa ko para mapakinabangan namin ang kanilang kumpanya at kapangyarihan since kilalang-kilala ang pamilya nila sa bansa.

Isang pilit na ngiti ang ipinaskil ko sa aking labi. “Of course Dad.” sagot ko kahit na anong totoo ay napipilitan na lang din akong sabihin iyon.

Ngunit kasabay nun ang pagtatagis ng aking mga ngipin. Kung pwede ko lang ipilit ang gusto ko ay hindi ko gugustuhing magpakasal kay Damien. Ang isiping nababaliw na siya sa akin ay para na aong sinasakal. Oo nga at ibinibigay niya ang lahat ng hilingin ko sa kaniya pero hindi ko pa rin makuhang maging masaya.

Pakiramdam ko kapag naging asawa niya ako ay makukulong ako sa isang hawla kahit pa puno iyon ng kayamanan dahil tiyak na ibibigay niya ang lahat ng gusto ko kaya lang ay kung papipiliin ako ay si Henry pa rin ang pipiliin ko at hindi si Damien.

“Mabuti ka pa, wala kang katutol tutol sa gusto ko. Alam na alam mo talaga kung paano ako pasayahin. Napaka swerte ko talaga sayo Denise.” sabi sa akin ni Dad at hindi ako sumagot hanggang sa ngumiti lang ako sa kaniya.

Maaga pa lang kanina ay naghanda na sila para sa dinner mamaya kasama ang pamilya Montefalco. Kahit na hindi pa pormal na nagpopropose sa akin si Damien ay gusto na ni Dad na pag-usapan ang pagpapakasal naming dalawa lalo na at nasa alanganing lagay ngayon ang aming kumpanya. 

Hindi naman ito kayang isalba ng kumpanya nila Henry since medyo maliit lang iyon. Kaya ang tanging paraan ay ang magpakasal ako sa pamilya Montefalco kahit na labag sa loob ko.

Ayos lang sa akin iyon, hindi naman ako tututol dahil naiintindihan ko ang sitwasyon.

Ilang sandali pa ay biglang may pumasok na maid at nilapitan kami. “Sir, Miss Denise… tumawag po ang mga Montefalco at sinabi nilang hindi po sila makakarating.” sabi nito na ikinagulat ko lalo na si Dad.

“What?! Anong hindi sila makakarating? Alam ba nila kung anong oras kami naghanda? Alam ba nila na simula pa kaninang umaga ay busy na ang lahat para sa hapunang magaganap tapos ay sasabihin lang nilang hindi sila makakapunta?!” galit na tanong ni DAd rito.

Naging malamig din ang aking mga mata. Nitong mga nakaraan ay napansin kong hindi nga ako masyadong kinukulit ni Damien. Samantalang madalas ay wala na itong ginawa kundi ang kulitin ako kahit na palagi kong sinasabi na busy ako.

Napaka persistent nito pero nitong mga nakaraan ay kakaiba ang ikinikilos niya sa totoo lang. Ibang-iba.

“Ako na ang bahalang tumawag kay Damien, Dad.” sabi ko kay Dad at tumayo mula sa kinauupuan ko at lumabas habang tinatawagan ang number ni Damien.

~~~~~

KAAGAD na naging madilim ang mukha ko nang makita ko ang pangalan ni Denise sa screen ng cellphone ko. Hindi ko ito sinagot at wala akong balak na sagutin kahit na anong tawag pa ang gawin niya. Sinabi ko ng wala akong balak na pumunta sa dinner na magaganap ngayon sa bahay nila.

Kung noon ay baka kanina pa ako naroon at higit sa lahat ay hindi na niya ako kailangan pang tawagan ng tawagan dahil tiyak na pupunta ako pero ngayon ay iba na. Wala akong balak na pumunta lalo na at sinabi sa akin ni Dad na baka ang dahilan kung bakit kamii biglang inimbitahan ng pamilya nila para sa isang salo-salo ay dahil baka plano na nilang ipakasal sa akin si Denise.

Kung noong mga nakaraang buwan siguro nila ginawa iyon, wala akong pagdadalawang isip na tumanggi. Baka nga sobrang saya ko pa at magtatalon pa ako pero dahil sa babaeng iyon sa panaginip ko ay nagbago ang lahat. 

Akala ko ay guni-guni ko lang na unti-unti na talaga akong nawalan ng interes sa kaniya pero totoo pala talaga. Napakalakas ng epekto sa akin ng babaeng iyon.

Para hindi na niya ako matawagan pa ay pinatay ko ang aking cellphone at lumabas ng aking opisina. Alam niya kung nasaan ang opisina ko kaya tiyak na kapag hindi niya ako natawagan ay pupuntahan niya ako. Kung totoo man na kasal na ang ang pag-uusapan sa salo-salong iyon, hindi ako dapat pumunta dahil wala akong balak na magpakasal sa kaniya.

Sabi akin ni Dad ay parang hindi daw maganda ang lagay ng kumpanya nila kaya naghahanap sila ng paraan para i-save iyon. Baka nawalan na sila ng choice kaya gusto na nilang maging isa ang aming pamilya na hindi ko naman gusto.

Wala akong alam na lugar kung saan pwedeng pumunta. Sumakay ako ng sasakyan ko at nagmaneho kahit na wala akong ideya kung saan muna ako tatambay. Hindi naman ako pwedeng tumambay ngayon sa club dahil baka masundan pa rin niya ako doon. 

Napadaan ako sa isang park kung saan may mangilan-ngilan na tao. Parang napakatahimik lalo na at medyo padilim pa lang noong mga oras na iyon kaya doon ko naisipang pumunta.

Umupo ako sa isa mga bench at ilang beses na humugot ng buntong hininga. Napapikit ako at nanatili sa ganung pwesto ng ilang minuto bago muling nagmulat ng mga mata at nang imulat ko ang mga ko ay napakurap ako ng ilang beses.

Nananaginip pa rin ba ako?

Dahil sa harap ko, ilang metro ang layo mula sa akin ay may isang babaeng nakaupo din sa bench. Tahimik na nakayuko at hawak ang notebook.

Hindi ko alam ngunit kusa na lang gumalaw ang mga paa ko at tumayo, naglakad palapit sa babaeng nasa harapan ko hanggang sa tuluyan na akong tumigil sa harap niya mismo.

Nakayuko siya noong una at unti-unting nagtaas ng ulo. Para akong naestatwa at tumigil ang paghinga ko nang makita ko ng malinaw ang kanyang mukha. Kitang-kita ko rin kung paano namilog ang mga mata niya dahil sa gulat. Na para bang nakilala niya ako kaagad.

Ang babaeng nasa harap ko noong mga oras na iyon ay walang iba kundi ang babaeng gumugulo ko sa isip ko, ang babaeng palaging nasa panaginip ko. 

Sa sobrang taranta niya ay bigla siyang tumayo at aalis na sana ngunit mabilis kong hinawakan ang kamay niya habang naniningkit ang aking mga mata. “Who are you?” mahina ngunit puno ng tanong ang aking mga mata.

Who is she really?

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 11

    Buong akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Isang malaking kalokohan iyon. Walang tao na nakakakita sa future ng isang tao dahil napaka imposible na mangyari iyon.Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin at seryoso ang mukha. Na para bang naniwala sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumiti sa akin hanggang sa napatawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, nagtataka at naguguluhan. Pinagtatawanan niya ba ako?“Sorry…” paghingi niya ng paumanhin pagkalipas ng ilang sandali pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.“It’s ridiculous right?” tanong ko sa kaniya ngunit mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.“Ridiculous? Of course not!” Ngumiti siya sa akin. “You think na hindi ako maniniwala right? But you’re wrong.”What the?! Nababaliw na ba siya?“Let’s say naniniwala ako na hindi.” Muli niya akong hinila, this time ay papasok na kami sa loob ng villa. Sa labas pa lang ay napakarangya na nito at tiyak na mas marangya na na

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 10

    Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang gate. Kung wala si Damien sa bahay niya, tiyak na nasa private villa niya ito.Paano ko nalaman iyon? Palaging pinagkwekwentuhan ito ni Denise at Henry noon at sadyang ipinaparinig sa akin. Sayang saya sila pareho dalawa baliw na baliw ang lalaki kay Denise. Bukod sa piniperahan lang ito ni Denise ay halos malugi din ang kumpanya nito bago mamatay dahil sa isang malagim na aksidente.Aksidenteng hindi ko na alam pa kung tunay nga bang aksidente lang o plinano lang din ng dalawa. Kaya ako pumunta doon ay dahil gusto ko siyang balaan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung maaari, huwag na siyang magpakasal pa kay Denise at maghanap na lang ng ibang babae para maging masaya at hindi mamatay pero…Hindi ko lubos akalaing na si Damien pala ay ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili sa nakaraan kong buhay.Paanong nangyari ito? Bakit hindi ko man lang naisip na iisang tao sila?Bakit hindi ko siya nakilala?Nang hawakan niya ang le

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 9

    “Pasensya na po kayo ma’am pero wala pa po si sir Damien. Kung gusto niyo po ay tawagan ko po muna siya kung anong oras po siya makakauwi.” sabi ng kasambahay sa akin na lumabas mula sa gate. Mabilis naman akong tumango.“Sige po. Maghihintay na lang po ako dito.” sagot ko sa kaniya.Pagkaalis ko kanina sa park ay dito na ako dumiretso. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong mag-iwan ng babala kay Damien, ang magiging asawa ni Denise na ni minsan ay hindi ko man lang nakita dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.Noong kinasal silang dalawa ni Denise ay hindi ako nakapunta o mas tamang sabihin na hindi ako imbitado sa kasal ng sarili kong kapatid. Yes, ganun nila ako ituring at ni hindi man lang ako kasali sa mga dinner sa bahay namin dahil simula ng ikasal ako kay Henry, hindi na ako nagkaroon pa ng access sa labas ng bahay kung saan ako nakatira. Para akong isang hayop sa hawla at hindi makalabas. Ikinulong nila ako para hindi ko makita at malaman kung ano ang ginagawa nila.Kung

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 8

    “Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tanong ko?” tanong niya sa akin dahilan para mahila ako sa malalim na pag-iisip. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya noong mga oras na iyon.Sinalubong ko ang mga mata niya at umatras ng ilang hakbang. Ang buong akala ko talaga ay hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa pero, mukhang nagkamali ako. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalubong o makita, bakit siya? Tyaka bakit parang kilala niya ako? May naaalala kaya siya? Pero imposible namang mangyari iyon hindi ba? Tanging ako lang ang nakakaalam na nauulit ang lahat ng pangyayaring iyon. Tanging ako lang ang nakakaalam kung paano tumatakbo ang mga buhay ng mga main characters sa kwento.“I’m sorry. Pero hindi kita kilala.” sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.Kaya lang ay parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at sa halip ay muli siyang humakbang

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 7

    Wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit na sobrang lakas ng tugtog at napaka ingay sa paligid ko, tahimik pa rin akong nakaupo sa isang sulok.Hindi ako mahilig sa mga ganitong lugar, in fact dalawang beses pa lang akong nakapasok noon sa isang bar. Pero si Daniela, halos linggo linggo na nasa bar. Sinulat ko siya na may pagka rebellious talaga dahil sino naman ang hindi magrerebelde kung ganun ang sarili niyang pamilya sa kaniya, right?Well, oo na. Kasalanan ko na. Pero part lang naman talaga iyon ng kwento. Idagdag pa na tuwang-tuwa pa naman ako noon sa nga comments regarding sa kaniya dahil inis na inis sila sa kaniya not knowing na mapupunta ako sa sitwasyon niya.Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Kung makakabalik pa ba ako o dito na lang ako. Pauulit-ulit na lang ba akong mabubuhay at pagdadaanan ang lahat ng iyon?What if baguhin ko ang kwento? Baguhin ko ang buhay ni Daniela at ang mga choices niya? May karapatan ba akong gawin iyon?Bakit hindi?Ako ang nagsulat ng kw

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 6

    Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak ng lalaking nasa harap ko.Sa totoo lang, alam ko namang malawak ang mundo. Akala ko, hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa lalo na at sinabi ko sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay mabubuhay ako ng tahimik at masaya.Pero… paano ko pa iyon ngayon gagawin?“Tell me… who are you, really?” naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. Napuno ng takot ang dibdib ko dahil sa buhay na ito ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakilala. Pero bakit ang mga titig niya ay iba at ang way ng pagsasalita niya?Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sana pero walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko.Literal na napipi ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng tanong at kalituhan ay bigla na l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status