FAZER LOGINHindi ako makagalaw, hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak ng lalaking nasa harap ko.
Sa totoo lang, alam ko namang malawak ang mundo. Akala ko, hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa lalo na at sinabi ko sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay mabubuhay ako ng tahimik at masaya. Pero… paano ko pa iyon ngayon gagawin? “Tell me… who are you, really?” naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. Napuno ng takot ang dibdib ko dahil sa buhay na ito ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakilala. Pero bakit ang mga titig niya ay iba at ang way ng pagsasalita niya? Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sana pero walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko. Literal na napipi ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng tanong at kalituhan ay bigla na lang rumagasa sa isip ko ang mga alaalang malinaw na malinaw pa rin sa isip ko. ~~~FLASHBACK~~~ Akala ko ay may magbabago sa takbo ng kwento. Akala ko, kapag nag-ingat ako at sinunod ko ang plot at walang binago sa pangalawang pagkakataon ay matatapos na ang lahat ng ito. Matatapos na ang paghihirap at pagtitiis ko sa lahat pero… isa pa lang pagkakamali ang lahat ng iyon. Ito ang araw na nilo-look forward ko dahil it was our third wedding anniversary. Ipinangako sa akin ni Henry na dadalhin niya ako sa private resort niya para mag-celebrate pero ni hindi siya dumating. Ang pangako niyang private resort ay naging isang hotel, hotel na mumurahin pa. Hindi naman ako nagrereklamo dahil doon pero ang pangako niya ay pangako niya. Sinubukan kong gawin ang lahat ng gusto niya dahil nagbakasakali ako na dumating ang araw na mahalin niya rin ako. Baka dumating ang araw at mag-work ang relasyon namin ngunit isang malaking kahangalan pala ang pangarapin ko ang isang napaka imposibleng mangyari. Ang sabi niya sa akin ay hintayin ko siya rito pero haloa limang oras na akong naghihintay ngunit hindi pa rin siya dumarating. Ilang beses na akong napa buntong hininga dahil nag-uumpisa na akong mainip kaya sa huli ay dinampot ko na ang cellphone ko tyaka ko siya tinawagan. Nakailang ring din ito bago niya ito sagutin. Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita sana ngunit naunahan na ako ng taong nasa kabilang linya. “Do you really think na may plano si Henry na puntahan na diyan, Daniela?” Napahigpit ako ng hawak sa aking cellphone nang marinig ko ang boses ni Denise sa kabilang linya. “Wala siyang plano na puntahan ka diyan.” tumawa pa siya, tawang puno ng pang-uuyam at panghahamak na para bang isa lang ako malaking joke sa buhay nila. “Ganun ba…” huminga ako ng malalim. Wala na rin naman akong magagawa, how foolish am I to think na darating siya rito at magcecelebrate kaming dalawa. How foolish I am. Gusto kong matawa sa sarili ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko ng pauulit-ulit dahil sa katangahan ko. Araw-araw ipinamumukha sa akin ni Henry na hindi niya ako gusto. Araw-araw niyang sinasabi sa akin na kung hindi ko lang siya pinakasalan, baka silang dalawa ang nagpakasal. “You’re such a fool Daniela. Nakakaawa ka.” muling sabi sa akin ni Denise mula sa kabilang linya. “Sa dami ng lalaking magugustuhan mo, yung wala pa talagang interes sayo. Tyaka… kahit na anong gawin mo, kahit na ipagsiksikan mo pa ang sarili mo sa kaniya ay hinding-hindi ka niya magugustuhan. Naiintindihan mo ba?” Hindi ako sumagot. Gusto ko ng patayin ang tawag. Gusto ko ng ilayo ang cellphone mula sa tenga ko pero hindi ko magawa. “You know what, hindi ka pa ba nagsasawa sa buhay mong ganyan Daniela? Why don’t you end your life na lang kesa nagtitiis ka sa paghihirap mo?” Tanong niya sa akin na para bang isang basura lang ang buhay ko. Isang mapaklang ngiti ang unti-unting sumilay sa labi ko. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagtitiis sa buhay kong mala impyerno? Bakit kailangan kong maging si Daniela kung pwede namang iba na lang. Biglang napuno ng tanong ang isip at dibdib ko, kwinekwestiyon ang sitwasyon ko. Bakit ako nandito? Ano bang naging kasalanan ko? Pinaparusahan ba ako dahil napaka brutal ng ginawa ko sa buhay ng totoong Daniela? Pero kung ganun nga, bakit? Anong kasalanan ko doon e parte naman talaga iyon ng kwento? “Even Dad, doesn’t like you. No one did.” dagdag niya pang sabi na mas lalong nagpabigat ng nararamdaman ko. Para akong sinampal ng katotohanan. Para akong pilit ginigising sa sarili kong pantasya. Hindi ko namamalayan ay nag-iinit na pala ang sulok ng aking mga mata. Hindi ko namamalayan ay unti-unti na pala akong binabalot ng sakit na pilit kong hindi pinapansin. Kahit na sobra na akong nahihirapan at nasasaktan, pilit ko pa ring pinapatatag ang sarili ko dahil ayokong mawalan ng pag-asa. Gusto kong bumalik sa dati kong buhay bilang si Danica kahit na hindi ko alam kung may babalikan pa nga ba ako o wala na. Hindi ko alam kung buhay pa ba ako sa totoong mundo o ano, pero gusto ko pa ring umasa. Ayoko rito, ayoko sa mundong ako mismo ang gumawa kung ganito naman kasalimoot ang buhay ko. “Sino yang kausap mo?” tanong ng isang pamilyar na tinig mula sa kabilang linya. Alam ko na kaagad kung sino yun, walang iba kundi si Henry. Hindi naman na nakakapagtaka na magkasama silang dalawa since unang-una ay nang tawagan ko si Henry ay si Denise ang sumagot. Doon pa lang ay alam ko ng magkasama sila. “Sino pa sana?” puno ng pang-uuyam na tanong niya kay Henry. “Turn off that. Istorbo lang yan sa atin.” rinig kong sabi nito kay Denise. “Narinig mo ba yun? Isa ka lang daw istorbo kaya don’t ever call him.” sabi niya sa akin bago tuluyang ibinaba ang tawag. Halos manginig ang buong katawan ko bago ko binuksan ang calendar ng cellphone ko kung saan ay isang date ang hinding-hindi ko makakalimutan. Sa araw na iyon ay mamamatay ako sa kamay ng dalawa. They will trap me inside a room with no food and water. Wala akong takas alam ko lalo na at nakahanda na ang lahat pero bago dumating ang araw na iyon, baka pwede akong magsaya? Baka pwede kong i-explore ang mundo ng hindi ko sila iniintindi? Kaya hindi na ako nagdalawang isip na nagbihis at lumabas. …Nang ibaba ng lalaking nasa harap ko ang cellphone ay mas lalo pang kumabog ang dibdib ko. Paano ba naman ay nakatingin siya sa akin, may ngiti sa mga labi na para bang nasasapian. Wala naman akong kapangyarihan para basahin kung anuman ang iniisip niya pero mukhang hindi ito maganda.Nang muling tumunog ang cellphone niya ay dali-dali nito iyong pinatay tyaka muling lumingon sa akin. Wala ng ngiti sa labi niya at napuno na ng kaseryosohan ang mukha.“Let’s have a deal.”Napakunot ako ng noo ng wala sa oras. Anong deal naman kaya ang sinasabi niya? At bakit sakin pa?“Let’s get married.”Napatigil ako sa paghinga at nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. “What?” Anong klaseng kalokohan iyon? Nababaliw na ba siya? Married? Like what?“Why not?”Sumandal siya sa sofa at tumitig sa akin. Na para bang seryoso talaga sa sinasabi. Akala ba talaga niya ay ganun ganun lang ang lahat?“Are you kidding me?” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sumimangot ako. “Ayoko ng gulo.”Narinig ko
Buong akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Isang malaking kalokohan iyon. Walang tao na nakakakita sa future ng isang tao dahil napaka imposible na mangyari iyon.Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin at seryoso ang mukha. Na para bang naniwala sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumiti sa akin hanggang sa napatawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, nagtataka at naguguluhan. Pinagtatawanan niya ba ako?“Sorry…” paghingi niya ng paumanhin pagkalipas ng ilang sandali pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.“It’s ridiculous right?” tanong ko sa kaniya ngunit mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.“Ridiculous? Of course not!” Ngumiti siya sa akin. “You think na hindi ako maniniwala right? But you’re wrong.”What the?! Nababaliw na ba siya?“Let’s say naniniwala ako na hindi.” Muli niya akong hinila, this time ay papasok na kami sa loob ng villa. Sa labas pa lang ay napakarangya na nito at tiyak na mas marangya na na
Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang gate. Kung wala si Damien sa bahay niya, tiyak na nasa private villa niya ito.Paano ko nalaman iyon? Palaging pinagkwekwentuhan ito ni Denise at Henry noon at sadyang ipinaparinig sa akin. Sayang saya sila pareho dalawa baliw na baliw ang lalaki kay Denise. Bukod sa piniperahan lang ito ni Denise ay halos malugi din ang kumpanya nito bago mamatay dahil sa isang malagim na aksidente.Aksidenteng hindi ko na alam pa kung tunay nga bang aksidente lang o plinano lang din ng dalawa. Kaya ako pumunta doon ay dahil gusto ko siyang balaan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung maaari, huwag na siyang magpakasal pa kay Denise at maghanap na lang ng ibang babae para maging masaya at hindi mamatay pero…Hindi ko lubos akalaing na si Damien pala ay ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili sa nakaraan kong buhay.Paanong nangyari ito? Bakit hindi ko man lang naisip na iisang tao sila?Bakit hindi ko siya nakilala?Nang hawakan niya ang le
“Pasensya na po kayo ma’am pero wala pa po si sir Damien. Kung gusto niyo po ay tawagan ko po muna siya kung anong oras po siya makakauwi.” sabi ng kasambahay sa akin na lumabas mula sa gate. Mabilis naman akong tumango.“Sige po. Maghihintay na lang po ako dito.” sagot ko sa kaniya.Pagkaalis ko kanina sa park ay dito na ako dumiretso. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong mag-iwan ng babala kay Damien, ang magiging asawa ni Denise na ni minsan ay hindi ko man lang nakita dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.Noong kinasal silang dalawa ni Denise ay hindi ako nakapunta o mas tamang sabihin na hindi ako imbitado sa kasal ng sarili kong kapatid. Yes, ganun nila ako ituring at ni hindi man lang ako kasali sa mga dinner sa bahay namin dahil simula ng ikasal ako kay Henry, hindi na ako nagkaroon pa ng access sa labas ng bahay kung saan ako nakatira. Para akong isang hayop sa hawla at hindi makalabas. Ikinulong nila ako para hindi ko makita at malaman kung ano ang ginagawa nila.Kung
“Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tanong ko?” tanong niya sa akin dahilan para mahila ako sa malalim na pag-iisip. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya noong mga oras na iyon.Sinalubong ko ang mga mata niya at umatras ng ilang hakbang. Ang buong akala ko talaga ay hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa pero, mukhang nagkamali ako. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalubong o makita, bakit siya? Tyaka bakit parang kilala niya ako? May naaalala kaya siya? Pero imposible namang mangyari iyon hindi ba? Tanging ako lang ang nakakaalam na nauulit ang lahat ng pangyayaring iyon. Tanging ako lang ang nakakaalam kung paano tumatakbo ang mga buhay ng mga main characters sa kwento.“I’m sorry. Pero hindi kita kilala.” sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.Kaya lang ay parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at sa halip ay muli siyang humakbang
Wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit na sobrang lakas ng tugtog at napaka ingay sa paligid ko, tahimik pa rin akong nakaupo sa isang sulok.Hindi ako mahilig sa mga ganitong lugar, in fact dalawang beses pa lang akong nakapasok noon sa isang bar. Pero si Daniela, halos linggo linggo na nasa bar. Sinulat ko siya na may pagka rebellious talaga dahil sino naman ang hindi magrerebelde kung ganun ang sarili niyang pamilya sa kaniya, right?Well, oo na. Kasalanan ko na. Pero part lang naman talaga iyon ng kwento. Idagdag pa na tuwang-tuwa pa naman ako noon sa nga comments regarding sa kaniya dahil inis na inis sila sa kaniya not knowing na mapupunta ako sa sitwasyon niya.Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Kung makakabalik pa ba ako o dito na lang ako. Pauulit-ulit na lang ba akong mabubuhay at pagdadaanan ang lahat ng iyon?What if baguhin ko ang kwento? Baguhin ko ang buhay ni Daniela at ang mga choices niya? May karapatan ba akong gawin iyon?Bakit hindi?Ako ang nagsulat ng kw







