LOGINNapahilot ako sa aking sentido bago napabuga ng malalim na buntong hininga. “May problema ba? O may sakit ka?”
Bago pa ako makasagot ay idinikit na ni Alex ang kamay niya sa noo ko maybe to check if I do have a fever. Pero wala akong sakit. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin na medyo nakataas pa ang kilay. “What?” asik kong tanong sa kaniya dahil hindi na siya nagsalita pa. Nang hindi ko pa rin mahintay ang sagot niya ay napakunot na ang noo ko. “What? Why are you looking at me like that?” ako naman ang nagtaas ng kilay. Ipinilig niya ang kanyang ulo bago umiling. “Nothing. It’s just that…” “What?” “Nevermind.” sagot niya sa akin na mas lalo lang nagpalalim ng pagkakakunot ko ng noo. Umupo siya sa harapan ko at inabot ang ilang documents. “I thought you’re pursuing Denise Montereal?” tanong niya sa akin pagkalipas ng ilang sandali. Natigilan ako. Nang lingunin ko siya ay hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatutok ang mga mata nito sa cellphone. The first time I ever saw her was at a party. I was captivated by her charming face and elegant way of talking. Of course I fell in love. Hindi ko iyon itinago kahit na sa isang miyembro ng pamilya ko at bukod pa doon, I confess to her too. But everything changed because of one dream. There is a woman in my dream. She was beautiful too, at halos gabi-gabi ay siya na lang ang laman ng panaginip ko. Ang bawat oras at minuto na magkasama kami sa panaginip ay parang totoo, na para bang paggising ko ay katabi ko talaga siya kagabi. It’s been months since that dream started. Hindi ko alam kung sino siya. Wala akong ideya. Hindi ko alam kung totoo bang tao siya o ano pero hindi ko matanggal sa isip ko ang nga ngiti niya. Ang bawat pagsasalita niya at ang bawat ngiti niya sa akin. “Nagpadala sila ng invitation para sa isang dinner.” Narinig kong sabi pang muli ng kapatid ko. Napa buntong hininga na lang ako ulit at pagkatapos ay napasandal sa aking kinauupuan. “Tell them I am busy. I can’t go.” Sa pagkakataong iyon ay nilingon na ako ni Alex. Bakas ang gulat sa kanyang mukha at medyo nakaawang pa ang mga labi niyang nakatingin sa akin. “What is wrong with you?” This time ay naniningkit na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. This time ay hindi na niya itinago pa ang ekspresyon. “Ni minsan ay hindi mo siya tinanggihan. Isang sabi, isang aya at isang pakiusap niya lang sayo ay pumupunta ka na kaagad habang nagkukumahog pa pero…” hindi pa rin siya makapaniwalang nakatitig sa akin. Takang-taka siya at parang nakakita ng multo. “Akala ko talaga ay guni-guni ko lang ang lahat pero matagal ko ng napapansin na medyo lumalayo ka sa babaeng iyon at umiiwas ka. Nag-away ba kayo?” Huminga na lang ako ng malalim. Paano ko sasabihin sa kaniya na simula noong mapanaginipan ko ang babaeng iyon ay nagbago na ang lahat? Hindi na si Denise ang hinahanap ko at unti-unti na akong nawalan ng interes sa kaniya. Kapag kwinento ko sa iba ang bagay na iyon, tiyak na pagtatawanan nila ako. Tiyak na iisipin nilang nababaliw na ako dahil sino nga ba naman ang maniniwala sa ganung bagay hindi ba? “Bakit parang gulat na gulat ka? Pwede namang magbago ang lahat ah.” sagot ko sa kaniya. “Yes but you? That’s impossible. You even showered her with expensive gifts and nagpagawa ka na din ng singsing na pang propose sa kaniya right?” Napakunot ang noo ko ng wala sa oras. “How did you know that?” Nakita ko kung paano siya nagulat. Nag iwas siya kaagad ng tingin sa akin. “I… I…” she strummered. Hindi na niya alam pa kung paano niya sasagutin ang tanong ko. “Sinabi ng gumawa sayo?” Kaagad na nagtagis ang aking mga bagang. How dare they tell everyone about that? “I’m sorry Damien. Nagtataka lang din kase ako sayo sa totoo lang. I know kung gaano ka kabaliw sa kaniya and then, bigla kang magiging ganito. I am just concerned, okay.” paliwanag niya sa akin na ikinahilot ko na lang ng aking sentido. “It’s a long story…” sagot ko pagkalipas ng ilang sandali. Ngunit sa halip na tumigil na ay bigla pa siyang lumapit sa mesa ko. “Tell me, niloko ka ba niya? Or she dumped you? Tell me.” “No, no and no.” sagot ko. Napaka persistent ni Alex at mas nagiging makulit pa ito kaysa sa ate naming si Cassandra. “Then tell me the reason. Tell me kung bakit nawawalan ka ng interes sa kaniya?” “Alex…” sumasakit na ang ulo ko sa pangungulit niya sa totoo lang. Tiyak na hindi niya maiintindihan ang lahat. “Just tell them I can’t go.” sabi kong muli sa kaniya at gusto ko ng matapos ang usapan naming iyon. Ngumuso lang siya at humalukipkip sa harapan ko habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin. “I know there is a reason and whatever it is, aalamin ko iyon.” “You're so persistent. There is no other reason.” napapailing na lang na sagot ko. “Lokohin mo na ang lahat Damien, huwag lang ako…” pinaningkitan niya pa ako ng mga mata na para bang siguradong sigurado ito sa sinasabi, pero ako syempre alam ko sa sarili ko kung anong totoo pero hinding-hindi ko iyon sasabihin sa kaniya dahil baka isipin niyang nababaliw na ako. “Ewan ko sayo, Alex. Ang dami mong napapansin. Why don’t you put your attention sa mga bagay na ipinapagawa sayo ni Dad kaysa nandito ka at ginugulo ako?” Mas umasim lang lalo ang mukha niya dahil sa sinabi ko. “Ewan ko sayo Damien!” Nakairap na usal niya bago tuluyang tumayo at lumabas ng opisina ko. Iniikot ko ang aking swivel chair at tumanaw sa labas ng opisina ko mula sa floor to ceiling window. Minsan, sumasagi na rin sa isip ko na magpakonsulta na sa doktor dahil ba nababaliw na ako. Pero pagkabaliw nga lang ba talaga iyon? It felt real. Her sweet voice, her soft moans and her touch. Habang iniisip ko siya ay bigla na lang gumapang ang mainit na pakiramdam sa buo kong katawan na kailanman ay hindi ko naramdaman kay Denise. Ilang beses akong humugot ng mahabang buntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Sino ka ba talaga? Bakit ginugulo mo ang isip ko ng ganito? …Buong akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Isang malaking kalokohan iyon. Walang tao na nakakakita sa future ng isang tao dahil napaka imposible na mangyari iyon.Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin at seryoso ang mukha. Na para bang naniwala sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumiti sa akin hanggang sa napatawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, nagtataka at naguguluhan. Pinagtatawanan niya ba ako?“Sorry…” paghingi niya ng paumanhin pagkalipas ng ilang sandali pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.“It’s ridiculous right?” tanong ko sa kaniya ngunit mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.“Ridiculous? Of course not!” Ngumiti siya sa akin. “You think na hindi ako maniniwala right? But you’re wrong.”What the?! Nababaliw na ba siya?“Let’s say naniniwala ako na hindi.” Muli niya akong hinila, this time ay papasok na kami sa loob ng villa. Sa labas pa lang ay napakarangya na nito at tiyak na mas marangya na na
Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang gate. Kung wala si Damien sa bahay niya, tiyak na nasa private villa niya ito.Paano ko nalaman iyon? Palaging pinagkwekwentuhan ito ni Denise at Henry noon at sadyang ipinaparinig sa akin. Sayang saya sila pareho dalawa baliw na baliw ang lalaki kay Denise. Bukod sa piniperahan lang ito ni Denise ay halos malugi din ang kumpanya nito bago mamatay dahil sa isang malagim na aksidente.Aksidenteng hindi ko na alam pa kung tunay nga bang aksidente lang o plinano lang din ng dalawa. Kaya ako pumunta doon ay dahil gusto ko siyang balaan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung maaari, huwag na siyang magpakasal pa kay Denise at maghanap na lang ng ibang babae para maging masaya at hindi mamatay pero…Hindi ko lubos akalaing na si Damien pala ay ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili sa nakaraan kong buhay.Paanong nangyari ito? Bakit hindi ko man lang naisip na iisang tao sila?Bakit hindi ko siya nakilala?Nang hawakan niya ang le
“Pasensya na po kayo ma’am pero wala pa po si sir Damien. Kung gusto niyo po ay tawagan ko po muna siya kung anong oras po siya makakauwi.” sabi ng kasambahay sa akin na lumabas mula sa gate. Mabilis naman akong tumango.“Sige po. Maghihintay na lang po ako dito.” sagot ko sa kaniya.Pagkaalis ko kanina sa park ay dito na ako dumiretso. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong mag-iwan ng babala kay Damien, ang magiging asawa ni Denise na ni minsan ay hindi ko man lang nakita dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.Noong kinasal silang dalawa ni Denise ay hindi ako nakapunta o mas tamang sabihin na hindi ako imbitado sa kasal ng sarili kong kapatid. Yes, ganun nila ako ituring at ni hindi man lang ako kasali sa mga dinner sa bahay namin dahil simula ng ikasal ako kay Henry, hindi na ako nagkaroon pa ng access sa labas ng bahay kung saan ako nakatira. Para akong isang hayop sa hawla at hindi makalabas. Ikinulong nila ako para hindi ko makita at malaman kung ano ang ginagawa nila.Kung
“Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tanong ko?” tanong niya sa akin dahilan para mahila ako sa malalim na pag-iisip. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya noong mga oras na iyon.Sinalubong ko ang mga mata niya at umatras ng ilang hakbang. Ang buong akala ko talaga ay hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa pero, mukhang nagkamali ako. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalubong o makita, bakit siya? Tyaka bakit parang kilala niya ako? May naaalala kaya siya? Pero imposible namang mangyari iyon hindi ba? Tanging ako lang ang nakakaalam na nauulit ang lahat ng pangyayaring iyon. Tanging ako lang ang nakakaalam kung paano tumatakbo ang mga buhay ng mga main characters sa kwento.“I’m sorry. Pero hindi kita kilala.” sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.Kaya lang ay parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at sa halip ay muli siyang humakbang
Wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit na sobrang lakas ng tugtog at napaka ingay sa paligid ko, tahimik pa rin akong nakaupo sa isang sulok.Hindi ako mahilig sa mga ganitong lugar, in fact dalawang beses pa lang akong nakapasok noon sa isang bar. Pero si Daniela, halos linggo linggo na nasa bar. Sinulat ko siya na may pagka rebellious talaga dahil sino naman ang hindi magrerebelde kung ganun ang sarili niyang pamilya sa kaniya, right?Well, oo na. Kasalanan ko na. Pero part lang naman talaga iyon ng kwento. Idagdag pa na tuwang-tuwa pa naman ako noon sa nga comments regarding sa kaniya dahil inis na inis sila sa kaniya not knowing na mapupunta ako sa sitwasyon niya.Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Kung makakabalik pa ba ako o dito na lang ako. Pauulit-ulit na lang ba akong mabubuhay at pagdadaanan ang lahat ng iyon?What if baguhin ko ang kwento? Baguhin ko ang buhay ni Daniela at ang mga choices niya? May karapatan ba akong gawin iyon?Bakit hindi?Ako ang nagsulat ng kw
Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak ng lalaking nasa harap ko.Sa totoo lang, alam ko namang malawak ang mundo. Akala ko, hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa lalo na at sinabi ko sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay mabubuhay ako ng tahimik at masaya.Pero… paano ko pa iyon ngayon gagawin?“Tell me… who are you, really?” naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. Napuno ng takot ang dibdib ko dahil sa buhay na ito ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakilala. Pero bakit ang mga titig niya ay iba at ang way ng pagsasalita niya?Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sana pero walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko.Literal na napipi ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng tanong at kalituhan ay bigla na l







