LOGINBuong akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Isang malaking kalokohan iyon. Walang tao na nakakakita sa future ng isang tao dahil napaka imposible na mangyari iyon.Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin at seryoso ang mukha. Na para bang naniwala sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumiti sa akin hanggang sa napatawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, nagtataka at naguguluhan. Pinagtatawanan niya ba ako?“Sorry…” paghingi niya ng paumanhin pagkalipas ng ilang sandali pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.“It’s ridiculous right?” tanong ko sa kaniya ngunit mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.“Ridiculous? Of course not!” Ngumiti siya sa akin. “You think na hindi ako maniniwala right? But you’re wrong.”What the?! Nababaliw na ba siya?“Let’s say naniniwala ako na hindi.” Muli niya akong hinila, this time ay papasok na kami sa loob ng villa. Sa labas pa lang ay napakarangya na nito at tiyak na mas marangya na na
Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang gate. Kung wala si Damien sa bahay niya, tiyak na nasa private villa niya ito.Paano ko nalaman iyon? Palaging pinagkwekwentuhan ito ni Denise at Henry noon at sadyang ipinaparinig sa akin. Sayang saya sila pareho dalawa baliw na baliw ang lalaki kay Denise. Bukod sa piniperahan lang ito ni Denise ay halos malugi din ang kumpanya nito bago mamatay dahil sa isang malagim na aksidente.Aksidenteng hindi ko na alam pa kung tunay nga bang aksidente lang o plinano lang din ng dalawa. Kaya ako pumunta doon ay dahil gusto ko siyang balaan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung maaari, huwag na siyang magpakasal pa kay Denise at maghanap na lang ng ibang babae para maging masaya at hindi mamatay pero…Hindi ko lubos akalaing na si Damien pala ay ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili sa nakaraan kong buhay.Paanong nangyari ito? Bakit hindi ko man lang naisip na iisang tao sila?Bakit hindi ko siya nakilala?Nang hawakan niya ang le
“Pasensya na po kayo ma’am pero wala pa po si sir Damien. Kung gusto niyo po ay tawagan ko po muna siya kung anong oras po siya makakauwi.” sabi ng kasambahay sa akin na lumabas mula sa gate. Mabilis naman akong tumango.“Sige po. Maghihintay na lang po ako dito.” sagot ko sa kaniya.Pagkaalis ko kanina sa park ay dito na ako dumiretso. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong mag-iwan ng babala kay Damien, ang magiging asawa ni Denise na ni minsan ay hindi ko man lang nakita dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.Noong kinasal silang dalawa ni Denise ay hindi ako nakapunta o mas tamang sabihin na hindi ako imbitado sa kasal ng sarili kong kapatid. Yes, ganun nila ako ituring at ni hindi man lang ako kasali sa mga dinner sa bahay namin dahil simula ng ikasal ako kay Henry, hindi na ako nagkaroon pa ng access sa labas ng bahay kung saan ako nakatira. Para akong isang hayop sa hawla at hindi makalabas. Ikinulong nila ako para hindi ko makita at malaman kung ano ang ginagawa nila.Kung
“Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tanong ko?” tanong niya sa akin dahilan para mahila ako sa malalim na pag-iisip. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya noong mga oras na iyon.Sinalubong ko ang mga mata niya at umatras ng ilang hakbang. Ang buong akala ko talaga ay hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa pero, mukhang nagkamali ako. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalubong o makita, bakit siya? Tyaka bakit parang kilala niya ako? May naaalala kaya siya? Pero imposible namang mangyari iyon hindi ba? Tanging ako lang ang nakakaalam na nauulit ang lahat ng pangyayaring iyon. Tanging ako lang ang nakakaalam kung paano tumatakbo ang mga buhay ng mga main characters sa kwento.“I’m sorry. Pero hindi kita kilala.” sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.Kaya lang ay parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at sa halip ay muli siyang humakbang
Wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit na sobrang lakas ng tugtog at napaka ingay sa paligid ko, tahimik pa rin akong nakaupo sa isang sulok.Hindi ako mahilig sa mga ganitong lugar, in fact dalawang beses pa lang akong nakapasok noon sa isang bar. Pero si Daniela, halos linggo linggo na nasa bar. Sinulat ko siya na may pagka rebellious talaga dahil sino naman ang hindi magrerebelde kung ganun ang sarili niyang pamilya sa kaniya, right?Well, oo na. Kasalanan ko na. Pero part lang naman talaga iyon ng kwento. Idagdag pa na tuwang-tuwa pa naman ako noon sa nga comments regarding sa kaniya dahil inis na inis sila sa kaniya not knowing na mapupunta ako sa sitwasyon niya.Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Kung makakabalik pa ba ako o dito na lang ako. Pauulit-ulit na lang ba akong mabubuhay at pagdadaanan ang lahat ng iyon?What if baguhin ko ang kwento? Baguhin ko ang buhay ni Daniela at ang mga choices niya? May karapatan ba akong gawin iyon?Bakit hindi?Ako ang nagsulat ng kw
Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak ng lalaking nasa harap ko.Sa totoo lang, alam ko namang malawak ang mundo. Akala ko, hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa lalo na at sinabi ko sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay mabubuhay ako ng tahimik at masaya.Pero… paano ko pa iyon ngayon gagawin?“Tell me… who are you, really?” naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. Napuno ng takot ang dibdib ko dahil sa buhay na ito ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakilala. Pero bakit ang mga titig niya ay iba at ang way ng pagsasalita niya?Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sana pero walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko.Literal na napipi ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng tanong at kalituhan ay bigla na l







