Share

Kabanata 27

Author: Jhantida
last update Last Updated: 2025-06-28 19:27:28

"Hindi mo ba talaga susubukang mag-apply, anak?"

Parang mapupudpod na ang tainga ni Hashana sa ilang ulit na tanong na iyon ng ginang. Napag-usapan na nila ito ngunit talagang pursigido itong kombinsihin siya.

"Ma, ilang ulit na ba natin itong pinag-usapan? Hindi po talaga ako interasado doon. Saka mahirap maging personal nurse. Ayos na po ako sa hospital."

Tinapos niya ang paglalagay ng pagkain sa lunch box ni Jelrex at inilagay iyon sa bag ng bata. Tapos na silang mag-almusal at papaalis na rin.

Nagpaalam siya sa ginang at sa ama bago tinawag si Jelrex. Inihabilin din niya sa ina si Cheslyn na hanggang ngayon ay mahimbing pang natutulog sa crib nito.

Gaya ng nakagawian, hinatid niya si Jelrex sa school saka tumungo sa hospital. Ang kakaibang ngisi agad ni Gerly ang sumalubong sa kanya.

Inismiran ito ni Hashana ngunit agad nagtaka sa gansal na titig ng mga kasamahan. Napailing na naglog-in siya at tumulak sa locker. Nakasalubong pa niya si doc Bayones na tila naaawang nakatitig s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Little_Sunny
ang ganda po! next pleaseeee
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Trap In His Arms   Kabanata 66

    "Ikaw ang naglalagay ng bulaklak sa locker ko?"Hindi makapaniwalang tanong ni Hashana. Malalaking hakbang na nilapitan nito ang binata na nabigla paglingon sa kanya. Nagkamot batok ito at ngumiti. Umusog ang lalaki para bigyan siya ng space sa nakabukas niyang locker. Dumapo ang paningin niya sa puting tulips na maayos ang pagkakapatong sa kinalalagyan nito. Kung noon ay isang tangkay ng puting rosas ang nakukuha niya, ngunit ngayon ay isang pumpon na ng tulips na bulaklak ang naroon. A bouquet of white tulips flower was fixedly occupied the whole area of her locker room. Tumikwas ang kilay niya saka nilingon si doc Bayones na nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya. Kinuha niya ang bulaklak bago ito tinaasan ng kilay para magtanong kung anong trip nito. Ang tagal niyang nanghula kung sinong bastardo ang nangingialam sa personal space niya tapos ito lang pala. Anong pakulo nito?"Sa iyo 'to galing?" ulit niyang paglilinaw dito.Hindi pa din siya nakahuma. All this time, it was

  • Trap In His Arms   Kabanata 65

    "Naghahanap ka ng yaya ni Cheslyn?"Weekends ngayon. Tuwing linggo ay walang trabaho si Hashana kaya malaya nitong nagagawa ang gustong gawin kapag sunday. Nakipagkita siya sa kaibigan sa isang coffee shop upang kumuha dito ng opinyon tungkol sa pagkuha ng yaya ni Cheslyn. Ilang gabi na din niya iyong inaalala. Alam niyang marami itong kakilala na puwedeng irekomenda. "Oo,"Mahina itong natawa. "Ngayon ka pa talaga kukuha na malaki na si Cheslyn?""Walang magbabantay sa kanya sa school. Hindi ko naman puwedeng iasa kila mama ang pagbabantay. Alam mo ng matatanda na ang mga 'yun.""Sabagay, madami ka namang pera."Sinamaan niya ito ng tingin sa huling tinuran. Hindi lingid sa kaalaman nito ang perang pumapasok sa bank account niya kada buwan. May kalakihan iyon. Wala mang impormasyon kung kanino iyon galing subalit may hinala siyang kay Clifton nanggaling ang pera. Wala siyang ibang taong maisip pa. At sino pa bang ibang tao na pwedeng gumawa nun? Tanging ang lalaki lang naman ang may

  • Trap In His Arms   Kabanata 64

    "Mama, it's unicorn!" Papasok na sila sa loob nang mahagip ni Cheslyn ang isang batang may bitbit na unicorn."Marami ka ng ganyan sa bahay.""But I love unicorns." Lumungkot ang boses nito.Nilingon niya ang bata na kasalukuyang karga ni doc Bayones. Nagboluntaryo itong umakay sa bata nang magpakarga si Cheslyn sa kanya."Sa susunod na lang, Cheslyn. Ibibili kita ng ganyan."Sa halip na sumang-ayon ay humaba ang nguso nito. Nahilot niya ang sentido sapagkat umandar na naman ang pagiging spoiled ni Cheslyn. Kung anong gusto dapat makuha agad-agad."Do you really love that doll, baby girl? Tito can buy you another one like that." Ginatulan na naman ng binata.Nagliwanag ang mata ni Cheslyn sa narinig. "Really po? I really love unicorn dolls, Tito. I have collections po in the house!""Then we will buy unicorns after we eat."Pinandilatan ni Hashana ang lalaki. Ngunit ngumisi lang ito at nakipag-apir sa anak niya. Nawawalang pasensyang hinayaan na lang niya ang mga ito.Magana ang kain

  • Trap In His Arms   Kabanata 63

    "Last patient mo na 'to? Sabay na tayong mag-lunch.""Susunduin ko ang anak ko."Nagpatiuna ang dalaga samantalang nakasunod pa din ang doktor. Lukot ang noong tinaasan niya ito ng kilay upang ipahiwatig kung ano pa ang kailangan ng lalaki."Puwede ba akong sumama sa 'yo sa pagsundo? I can also treat you and your daughter for a lunch. If it's okay with you. Promise steady lang ako. I just want to meet her."Pinagdikit nito ang dalawang palad na animo'y nagmamakaawang payagan niya. Napailing si Hashana, saka nito pinagpatuloy ang paghakbang patungo sa lounge nilang mga nurses para ilagay ang bitbit niyang papel na profile ng mga pasyente at para na din kunin ang susi ng sasakyan."Huwag ka ng sumama," pagtanggi niya. "Why? Hindi ba puwede? Gusto kong makita ang anak mo. Libre ko kayo ng lunch, please."Nagtagpo na ang kilay niyang nilingon ulit ito. "Wala ka bang trabaho?""Wala, tapos ko na kanina. Payag ka na?""Ewan ko sa'yo." Nasabi na lang niya. Kinuha niya sa locker ang susi p

  • Trap In His Arms   Kabanata 63

    The day ended that fast. At kinabukasan ay normal na araw na namang hinatid ni Hashana ang mga anak bago pumasok sa ospital. Gladly walang anino ni doc Bayones ang nangulit sa kanya sa umagang iyon. Naging payapa tuloy ang daloy ng trabaho niya sa pagrorounds sa mga patients. Nasa kalagitnaan ng paglalakad sa hallway si Hashana patungo sa silid ng huling pasyente nang makasalubong niya si doc Galo. He is one of senior doctors from ob-gyne department. Isa itong matandang binatang doktor na tinaguriang may pagkamanyak. Bali-balita sa hospital na nanghihipo ito ma pa pasyente man o empleyado, walang pinipili. Wala lang naglakas loob na magsumbong dahil malakas ang kapit nito sa kataas-taasan. Kahit ilang metro pa lang ay malawak na ang ngisi ng doktor papalapit sa kanya. Napangiwi si Hashana at agad tumabi upang bigyan ito ng malawak na daan. "Good morning, doc." Bati niya na sinabayan ng pagyuko pagkakitang huminto ito mismo sa harap niya."Good morning, nurse Romero. Kumusta umaga

  • Trap In His Arms   Kabanata 61

    Ipinilig ni Hashana ulo saka ito nilagpasan nang makaabot sa binata. "Sungit naman. Wala bang pa good morning diyan?" Binuntunan siya nito. Napairap si Hashana at naniningkit ang matang nilingon ang huli. Pero ang luko, ngumisi lang. Iniusog pa nito ang mukha sa kanya na mabilis niyang ikinaurong. "Good morning," at malawak na ulit ang ngiti. Umikot ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. "Umalis ka nga. May trabaho pa ako."Inismiran niya ang lalaki saka dumiretso sa locker nilang mga nurses. Sinundan pa rin siya nito, may pasipol-sipol pa. Napailing na hinarap niya ulit ang binata upang itaboy. Iksaktong may tumawag ditong kasamahang doktor kaya nilubayan din siya sa wakas. Lapat ang labing tinanaw niya ang lalaki at kinuha ang schedule sa araw na iyon bago nag-log in. Matiwasay na ang kalagayan niya dito dahil wala na si Gerly. Ang sabi sa kanya, nasa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Napag-alaman din ng dalaga na ilang buwan pagkatapos niyang magresign sa ospital ay nalaman n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status