Share

Trapped by the Billionaire's Touch
Trapped by the Billionaire's Touch
Penulis: trecie13

Chapter 1

Penulis: trecie13
last update Tanggal publikasi: 2026-08-01 11:06:40

"Sign here and your first month's advance will be credited to your account immediately."

Nanginginig at mabigat sa kamay ang hawak kong mamahaling fountain ballpen habang pinagmamasdan ko ang documento. Sa harap ko, nakaupo si Mr. Tan, ang agency coordinator na nagmamasid at hindi man lang naitago ang panliliit niya sa akin. Para sa kaniya, isang lamang akong isang bagay na pwede niyang pagkakakitaan at desperadang babaeng gagawin ang lahat para sa kakarampot na pera.

Ngunit wala na akong pakialam kung anumang panghuhusga ang ibabato niya sa akin. Desperada na kung desperada subalit sa kalagayn ko ngayon, wala na akong karapatan para ipagtanggol ang sarili at mag-inarte.

Labing limang milyon. Labing limang milyong peso ang kailangan kong bayaran simula nang ma-banckrupt ang maliit na negosyo ni papa, bago siya pumanaw matapos atakehin sa puso. Walang araw na hindi nakabaon sa hukay ang isang paa namin. Idagdag pa ang bills sa hospital at gamot ni mama, at pang-araw-araw na gastosin ng apat na taong anak kong si Andrei.

Tinitigan kong mabuti ang makapal na contract na nakapatong sa lamesa. Nakalagay sa unang page ang bahay na pagsisilbihan ko. Del Hierro Manor – Private Housekeepin Contract.

Limang daang libong piso kada buwan. Napakalaking halaga. Para sa isang katulong na katulad ko, para na iyon swerteng ibinagsak mula sa langit. Ngunit mayro'ng kapalit, isang strictly confidential, stay-in job na walang kahit anong day-off o leave sa loob ng anim na buwan.

Anim na buwan na hindi ko man lang mahahawakan o mayayakap ang anak ko. At sa tuwing naiisip ko 'yon, parang pinupunit ang puso ko. Paano ko kaya matitiis na hindi man lang makita si Andrei? Paano kung hahanapin niya ako bago matulog? Ngunit lahat ng 'to ay para rin sa kaniya. Para kay mama. Nang maibigay ko man ang mga pangangailangan nila.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Kailangan kong tiisin. Kailangan kong harapin. Hawak ang panulat, pumirma ako sa huling pahina gamit ang hindi ko totoong pangalan.

Leana Castillo. 

"Welcome to Del Hierro," malamig at walang kagana-ganang bati ni Mr. Tan bago mabilis na hinablot ang kontrata mula sa mesa. "Naghihintay na ang sundo mo sa labas. Magsisimula ka na ngayon din."

Pagkalipas ng kalahating oras na byahe, dahan-dahang bumukas ang napakalaking iron gates ng Del Hierro estate.

Nakatitig lang ako sa labas ng tinted na bintana ng van, paminsan-minsan ay napapasinghap. Napapalibutan ng matataas na pader at mayayamang hardin ang buong mansyon, isang modernong gusali na gawa sa mamahaling marble, salamin, at bakal. Mga bagay na 'di ko dapat pangarapin.

Sinalubong ako ng isang matandang babae na nakasuot ng simpleng black head housekeeper uniform pagkababa ko palang ng van. Bitbit ng dalawa kong kamay ang isang mabigat na lumang duffel bag.

"You must be Leana," nakataas ang kilay na sabi ng matanda habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. "Ako si Aling Rosa, ang head housekeeper dito. Huli ka ng dalawang minuto."

"Pasensya na po, Aling Rosa. Nagmamadali rin po ako galing sa agency, kaso—"

"Hindi ako tumatanggap ng dahilan," putol niya sa paliwanag ko sa malamig na boses bago tumatalikod at iwinagayway ang kamay para sumunod sa kanya. "Sa bahay na ito, bawal ang mabagal at lampas-oras kung dumating. Master Marcus does not tolerate incompetence. Isang pagkakamali mo lang, lalayas ka nang walang mahahawakang sweldo."

Napalunok ako nang malalim habang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag ko.

Marcus. Ang marinig ang pangalan niya pagkatapos ng apat na taon ay sapat na upang sumikip ang dibdib ko sa pamilyar na kaba at sakit. Tila biglang naubos ang hangin sa paligid ko. Tulad noon, kakaibang pakiramdam pa rin ang hatid niya.

Siguradong hindi niya na ako makilala. Pilit kong nilalakas ang loob ko habang naglalakad sa maluwag na hallway. Apat na taon na ang nakalipas, Yllana. Malaki na ang pinagbago mo, at siguradong maraming babae ng dumaan sa buhay niya, kaya hindi ka na no'n natatandaan. Isang ordinaryong katulong ka lang, hindi siya mag-aaksaya ng panahon para sulyapan ka.

"Ito ang magiging uniform mo." Inabot ni Aling Rosa ang nakatuping kulay itim na damit at puting apron nang makarating kami sa isang maliit na staff room. "Magpalit ka na kaagad dahil pagkatapos ng labing isang minuto ay magsisimula ka ng linisin ang study room sa second floor."

Aalis na sana siya nang tila mayro'n itong naalala dahil huminto siya sa harap ko. "Tandaan mong mabuti ang sasabihin ko, Leana. May isang mahalagang patakaran dito sa loob ng mansyon. Huwag na huwag kang tatapak sa third floor," may babalang bilin niya sa akin habang nakaturo ang hintuturo sa itaas na palapag.

Napatitig ako sa kaniya ng may pagtataka. "Sa third floor po?"

"Oo. 'Yan ang private room at office ni Sir Marcus. Walang sinumang kasambahay ang pwedeng pumasok o pumuslit ng walang pahintulot. Dahil kapag malaman niyang may nagtakang pumasok, matatanggal kaagad dito sa mansyon at hinding-hindi na ulit makakahanap ng trabaho. Naintindihan mo ba?"

"Naintindihan ko po, Aling Rosa."

"Mabuti kung gano'n. Magtrabaho ka na."

Maingat kong sinimulan ang pagpupunas sa malaking bookshelves gamit ang basahan habang nasa tabi ko ang isang timba ng tubig. Sobrang tahimik ng mansyon, tanging paghinga at galaw ko lang ang aking naririnig. Pilit kong tinutuon ang atensyon sa ginagawa ko subalit paminsan-minsan ay napapatingin ako sa aking cellphone na nakatago sa bulsa ng apron.

Kumakain na kaya sila? Nakainom na kaya ng gamot si mama? Kumusta na kaya si Andrei?

Habang inaabot ko ang pinakadulong bahagi ng estante para punasan ang alikabok, isang malakas na tunog ang sumira sa katahimikan ng silid.

BAM!

Natabig ko ang isang balde ng tubig sa gulat dahil sa lakas ng pagkakatama ng double door sa pader. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng kumalat sa sahig ang maruming tubig at basahan.

"The board's opinion doesn't matter to me at all, Nathan!" Isang malalim at nakakatakot na boses ang umalingawngaw sa apat na sulok ng study room habang hawak ang cellphone at nakatapat sa tainga. "Inform them that if the contract is not signed by five in the afternoon, I will proceed with canceling their shares."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at 'di alam kung anong gagawin. Hindi... Hindi maaari.

Hindi ba't wala siya rito?! Malinaw na sinabi sa akin sa agency, nasa ibang bansa ang amo ng bahay para sa isang napakahalagang business summit sa London at sa isang linggo pa ang balik niya! Bakit siya nandito?!

Mabibigat na tunog ang naiiwan sa kaniyang bawat hakbang. Nakasuot siya ng mamahaling gray suit, magulo ang buhok, at malamig ang mga matang nakatitig sa kawalan. Mabilis na tumibok ang puso ko na parang gustong lumabas sa dibdib ko sa sobrang takot. Yumuko ako at tinakpan ang mukha gamit ang buhok bago pinagsiksikan ang katawan sa madilim na sulok. Pinagmamasdan ko ang kaniyang bawat galaw.

Please, huwag kang tumingin sa akin. Magtago ka, Yllana. Pakiusap, palabasin niyo na siya!

In-end niya na ang tawag at basta na lang itinapon ang cellphone sa malambot na sofa. Habang ako, mariing nagdadasal na hindi mapansin. Hinilot niya ang bridge ng kanyang ilong habang nagpapakawala ng isang mabigat at iritadong buntong-hininga.

Walang ingay akong umatras, at nagbabalak na dumaan sa maliit na side door para makatakas nang hindi niya namamalayan.

CLANG!

Nanlaki ang mga mata ko ng matamaan ng suot kong sapatos ang stainless na timba! Maingay iyong gumulong sa sahig hanggang tumigil sa tapat ng sofa na inuupuan niya! Tila huminto ang paligid at paghinga ko sa matinding kaba!

Mabagal at mabibigat na hakbang ang narinig ko papalapit sa kinaroroonan ko. Isang pares ng mamahaling leather shoes ang huminto sa aking harapan. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Nasaksihan ko kung paano niya malayang pinagmasdan ang bawat anggulo ng aking mukha. Mula sa labi hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

Ang malamig at walang emosyong mga mata ay napalitan at napuno ng galit, gulat, at 'di makapaniwala sa nakikita. Humakbang siya papalapit hanggang isang dangkal na lang ang pagitan namin.

"Yllana?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 7

    "Wala akong alam! N-Natatakot lang ako—" "I don't care!" marahas niyang putol sa akin.Iniyuko niya ang kanyang mukha at marahas, punong-puno ng galit at sabik na hinalikan ang aking mga labi. Napasinghap ako sa matinding gulat, at ginamit niya ang pagkakataong iyon para laliman ang halik. Ang kanyang kamay ay mabilis na pumulupot sa likod ng aking leeg, hinihila ako lalo papalapit sa kanyang matipuno at maiinit na dibdib.​"Mmmph! M-marcus..." pilit kong itinutulak ang kanyang dibdib gamit ang aking mga nanginginig na kamay, pero ang kanyang katawan ay parang pader na hindi natitinag.Walang ingat, at sa pamamagitan ng halik ay pinaparamdam niya sa akin kung gaano siya kagutom sa pagmamahal, nangungulit at galit. Ang bawat haplos ng kanyang mga daliri sa aking mukha at balikat ay nag-iiwan ng kakaibang kilabot na nagpalambot sa lahat ng aking depensa. Kahit galit ako, kahit takot ako sa pamilya niya, ang katawan ko mismo ang nagt-traydor sa akin at mabilis na tumutugon sa kanya. Napa

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 6

    ​"N-nine months..." nakakatakot at puno ng poot ang boses ni Marcus. Ang bawat salitang binibitawan ay parang punyal na tumatarak sa dibdib ko. Tumatayo lahat ng balahibo ko sa tindi ng pagkakatitig niya sa akin. Kahit anong sandali ay gusto niya akong sunggaban. Umigting ang kaniyang panga, malinaw ang gustong iparating. Galit siya. Galit sa pagsisinungaling, pagtatago at pang-iiwan ko. Dahan-dahan siyang yumuko patungo sa harap ko hanggang sa pumantay ang mga mata namin. Nanginginig pa rin ang kamay ko, nababalisa at napapaisip kung anong gagawin niya. "The child on your phone..." nanginginig ang labi, habang umaasang tama ang hinala. “Is that... is that my son?" ​Walang salitang lumabas sa bibig ko. Natuyo ang lalamunan ko. Umusbong ang ng paninikip ang dibdib ko at kinakapos ng hangin sa matinding kabang nararamdaman. ​"Answer me right now, Yllana!" marahas niyang sigaw na umalingawngaw sa mataas na kisame ng mansyon. ​Napaigtad ako sa pagkakagulat at naitakip ang aking mga

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 5

    "Leave the country by tom. Or your son suffers the consequences. Choose. Your son's life, or your life with Marcus?"Tila isang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang binitawan ng donya.Nangingisay ang buo kong katawan dahil wala pa akong kain magmula ng muli akong pagbantaan ng ina ni Marcus. Alas dos na ng umaga, tahimik na ang buong manor. Tulog na ang lahat, maliban sa akin. Gising na gising ang buong diwa ko habang iniimpake ang mga gamit na dadalhin.Nais kong umiyak at humikbi ng malakas, subalit tanging tahimik na pagluha lang ang kaya kong gawin. Kailangan ko ang trabahong 'to. Pero dahil sa patuloy na pangangambala ng nakaraan, hanggang ngayon ay kailangan kong magdusa at magpaubaya.Tumayo ako at napatitig sa bag na punong-puno ng damit at personal kong gamit, kasama na ang chekeng malinaw na pinirmahan ni Donya Solana bago ibinigay sa kaniya. Four years ago, ganitong-ganito rin ang eksena bago niya iniwan si Marcus.Pero kailangan kong gawin

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 4

    “Whose child is that?”Kumabog ng mabilis ang puso ko habang nakatingin sa kaniyang mga matang naghihintay ng sagot. Agaran kong tinapos ang tawag atsaka itinago ang cellphone sa aking likuran. Nababasaling wala siyang nakita na kahit ano sa screen."S-sir M-marcus?! Kanina ka pa po diyan?!" pasigaw kong tanong. napahawak ako sa hawakan ng hagdan mula sa panghihina. Una, dahil sa balita mula kay mama. Pangalawa, natatakot na baka magkahinala si Marcus."Sa tingin mo?" Humakbang siya pababa hanggang isang baitang na lang ang pagitan namin. “I asked you a question, Yllana. Who was that child I saw on your screen?” malamig at mapang-akusa niyang tanong. Yumuko siya, at inilapit ang mukha sa akin. Napatingala ako.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isang maling pagkakasabi ko lang, maaari siyang maghinala, at baka imbestigahan pa niya ang tungkol kay Andrei. Hindi ako papayag na malaman niya ang tungkol sa anak ko."Anak po siya ng ate ko, sir! Pamangkin ko po siya. May mataas po kasi

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 3

    "You lied. I knew it was you all along, Yllana."Naging mabigat ang kaniyang bawat paghinga, maging ang daloy ng hangin sa loob ng study. Tila isang kidlat na tumama sa buong pagkatao ko ang bawat salitang binibitawan niya.Ang madidilim niyang mata ay matalim siyang nakatitig lang sa akin. Tila bakal na nakakulong ang pulso ko sa kamay niya sa higpit ng kaniyang pagkakahawak. Hindi binibigyan ng pagkakataong makatakas sa kaniya."S-sir M-marcus... H-hindi po kita maintindihan... P-pakawalan niyo po a-ako... Hi-hindi po ako si Yllana! Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!" nauutal na pakiusap ko habang pilit na hinihila ang kamay ko.“Cut the bullshit and tell me the truth!” Isang nakakabinging sigaw ni Marcus ang umalingawngaw sa silid. Puno ng galit ang boses niya. Umatras siya at bahagya akong itinulak bago marahas na tumayo. Walang pakundangang hinila niya ako, at mabilis na humawak sa sulok ng lamesang nasa likuran ko. Mariin niya ak

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 2

    "Yllana?"Para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot ng tawagin niya ako sa pangalang 'yan. Hindi... Hindi niya 'ko pwedeng makilala. Umiwas ako ng tingin at iniyuko ang ulo, pinipilit na takpan ng aking buhok ang mukha. "P-pasensya na po, sir!" mabilis ngunit nanginginig ang boses kong sabi bago lumuhod. Iniba ko rin ang tono ng aking boses.Naramdaman ko ang mabigat niyang hakbang papalapit sa akin. Huminto ang dulo ng sapatos niya ilang pulgada mula sa mga kamay kong nakapatong sa malamig na sahig."Look at me," utos niya, malamig ang boses."P-pasensya na po talaga, Sir Marcus. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko nang aksiente ko pong natapon ang—""I said, look at me!"Halos mapatalon ako sa gulat nang umalingawngaw ang galit niyang boses sa buong kwarto. Wala akong magawa. Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting inangat ang aking paningin. Kaba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status