Share

Chapter 4

Penulis: trecie13
last update Tanggal publikasi: 2026-08-03 05:00:01

“Whose child is that?”

Kumabog ng mabilis ang puso ko habang nakatingin sa kaniyang mga matang naghihintay ng sagot. Agaran kong tinapos ang tawag atsaka itinago ang cellphone sa aking likuran. Nababasaling wala siyang nakita na kahit ano sa screen.

"S-sir M-marcus?! Kanina ka pa po diyan?!" pasigaw kong tanong. napahawak ako sa hawakan ng hagdan mula sa panghihina. Una, dahil sa balita mula kay mama. Pangalawa, natatakot na baka magkahinala si Marcus.

"Sa tingin mo?" Humakbang siya pababa hanggang isang baitang na lang ang pagitan namin. “I asked you a question, Yllana. Who was that child I saw on your screen?” malamig at mapang-akusa niyang tanong. Yumuko siya, at inilapit ang mukha sa akin. Napatingala ako.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isang maling pagkakasabi ko lang, maaari siyang maghinala, at baka imbestigahan pa niya ang tungkol kay Andrei. Hindi ako papayag na malaman niya ang tungkol sa anak ko.

"Anak po siya ng ate ko, sir! Pamangkin ko po siya. May mataas po kasi siyang lagnat, at dinala nila sa hospital kaya humihingi sila ng tulong sa akin!" pagsisinguling kong sagot nang makita kong kumunot ang kaniyang noo.

"Pamangkin? Sigurado ka?" ulit niya. Matagal siyang nakatitig sa akin, tila pinagdududahan ang naging dahilan ko. “Tell me, Yllana. Why should I believe you? You were sobbing like a mother whose whole world collapsed, Calista. For just a nephew?”

"N-napalapit na po kasi sa akin ang pamangkin ko, k-kaya ganito na lang ako mag-alala, s-sir. Para ko na rin po kasi siyang anak, kaya ganito na lang ako kung mag-alala," sagot ko, habang pilit na huwag manginig ang boses ko.

Umigting ang kaniyang panga. Matagal bago nagsalita. Ang nakakatakot siyang titig ang lalong nanginig sa mga kamay ko. Tila gust ko na lang tumakas, at magtago sa lugar na hindi niya 'ko mahanap.

"Kung wala ka na pong itatanong, sir. Babalik na po ako sa trabaho ko." Tatalikod na sana ako ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang hawak niya ako sa dalawang braso upang pigilan sa balak kong pag-alis.

“And where exactly do you think you're going?”

"S-sir..." Umangat ang sulok ng labi niya, na kaagad ding nawala at napalitan ng isang kakaibang emosyon. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay patungo sa aking pisngi. Halos mapapikit ako ng maramdaman ang mga daliri niya na maingat at marahang pagpunas ng luha kong halos matuyo na sa balat ko.

“You cry like that every time you’re helpless. Apat na taon, Yllana. Lagi kong tinatanong kung bakit mo ako iniwan. At kahit binigay mo ulit sa akin ang sarili mo, ramdam ko pa ring napakalayo mo."

Tila hindi ako makahinga sa mga narinig ko. Pilit kong iyuko ang ulo upang hindi makasalubong ang tingin niya. Laking gulat ko lang ng hawakan niya ang pulso ko at mabilis na hinablot ang hawak kong cellphone.

"A-anong ginagawa mo?! Ibalik mo sa akin 'yan!" asik ko, bakas ang gulat sa boses.

"I'm keeping this. And starting tomorrow, you'll stay here on the third floor. I want you close. If your nephew needs medical help, my private doctor will see to it. Just don't even think about leaving again," malamig nyang saad habang itinatago ang cellphone ko sa kaniyang bulsa ng robe.

"Pero, sir—"

"I'm your employer, Yllana. That means you do as I say. No questions," putol niya sa sasabihin ko bago ako iniwan at bumalik sa kaniyang kwarto.

KINAUMAGAHAN, nasa malawak na kusina ako sa first floor habang naghahanda ng almusal. Nang magsidatingan ang mamahaling sasakyan, papasok sa bakuran ng Del Hierro.

Ilang minuto ang lumipas, umalingawngaw ang malalakas at matatapang na yapak ang maririnig sa buong manor.

"Nasaan na ang bagong katulong na sinasabi ni Katrina?!" isang galit na matapang na sigaw mula sa matandang babae.

Pumasok si Donya Solana sa malaking kusina, ang ina ni Marcus. Kasama si Katrina, nakangiti ito na tila nakahanap ng kakampi.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Ang babaeng kaharap ko ngayon ay ang babaeng umalipusta at tumakot sa pamilya ko, apat na taon na ang nakakalipas. Walang ipinagbago ang awra niya, maliban na lang sa kulubot na nitong mukha na sinisingil na ng panahon.

Napatayo ang lahat ng kasambahay, kabilang na si Aling Rosa nang makita ang matandang Donya. Humakbang ito papalapit, huminto sa harap ko bago tinitigan mula ulo hanggang paa.

"I knew it," malamig na sabi ni Solana, ang kaniyang boses ay wala man lang bakas ng pagkagulat. "Ang lakas din naman ng loob mo para magpakita pa, pagkatapos kitang bayaran ng milyon, Yllana."

"M-madam Solana..." nanginginig kong bulong habang pinagdikit ang mga palat at ibinagsak ang tingin sa sahig. Doon humuhugot ng lakas.

Iwinagayway ng donya ang palad, "Aling Rosa, iwan niyo kami rito. Now."

"Opo, madam," mabilis na sagot nito, habang takot na umalis kasama ang ibang katulong. Ni hindi man lang ako sinulyapan.

Mas lalo akong kinabahan ng kaming tatlo na lang ang natira. Mahigpit akong napahawak sa damit ko.

Kinuha ni Donya Solana ang kaniyang mamahaling bag. Mula roon, inilabas niya ang isang kulay puting sobre at itinapon ito sa ibabaw ng stainless na lamesang nasa harap ko.

BAM! Naglikha iyon ng ingay, sapat na upang malaman na mabigat ang laman ng sobre. Kasabay no'n ang mga picture ko, kasama si Andrei.

"A-ano pong ibig s-sabihin nito?" tanong ko kahit alam ko na ang nais niyang iparating.

"Did you really think you could fool me, Yllana? Nahanap ng tauhan ko kung saan ka nakatira, sino ang kasama mo at... ang tungkol sa bastardong bata na 'yan," bulong ni Solana sa akin, malapit sa tainga ko.

Natataranta akong humarap sa kaniya at desperadang nakiusap sa kaniya, "pakiusap, madam. Huwag niyo pong idamay ang anak ko! Gagawin ko lahat ng gusto mo! Kahit ano!"

Ipinatong niya ang cheke sa mesa na may nakasulat na isang milyon. "Isang milyon. Kunin mo ang perang 'yan at dapat bago sumapit ang umaga bukas, hinding-hindi ko na makikita ang pagmumukha mo rito. Umalis ka ng bansa kasama ang anak mo."

Yumuko siya at hinawakan ako sa baba bago bumulong malapit sa mukha ko. "Leave the country by tom. Or your son suffers the consequences. Choose. Your son's life, or your life with Marcus?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 7

    "Wala akong alam! N-Natatakot lang ako—" "I don't care!" marahas niyang putol sa akin.Iniyuko niya ang kanyang mukha at marahas, punong-puno ng galit at sabik na hinalikan ang aking mga labi. Napasinghap ako sa matinding gulat, at ginamit niya ang pagkakataong iyon para laliman ang halik. Ang kanyang kamay ay mabilis na pumulupot sa likod ng aking leeg, hinihila ako lalo papalapit sa kanyang matipuno at maiinit na dibdib.​"Mmmph! M-marcus..." pilit kong itinutulak ang kanyang dibdib gamit ang aking mga nanginginig na kamay, pero ang kanyang katawan ay parang pader na hindi natitinag.Walang ingat, at sa pamamagitan ng halik ay pinaparamdam niya sa akin kung gaano siya kagutom sa pagmamahal, nangungulit at galit. Ang bawat haplos ng kanyang mga daliri sa aking mukha at balikat ay nag-iiwan ng kakaibang kilabot na nagpalambot sa lahat ng aking depensa. Kahit galit ako, kahit takot ako sa pamilya niya, ang katawan ko mismo ang nagt-traydor sa akin at mabilis na tumutugon sa kanya. Napa

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 6

    ​"N-nine months..." nakakatakot at puno ng poot ang boses ni Marcus. Ang bawat salitang binibitawan ay parang punyal na tumatarak sa dibdib ko. Tumatayo lahat ng balahibo ko sa tindi ng pagkakatitig niya sa akin. Kahit anong sandali ay gusto niya akong sunggaban. Umigting ang kaniyang panga, malinaw ang gustong iparating. Galit siya. Galit sa pagsisinungaling, pagtatago at pang-iiwan ko. Dahan-dahan siyang yumuko patungo sa harap ko hanggang sa pumantay ang mga mata namin. Nanginginig pa rin ang kamay ko, nababalisa at napapaisip kung anong gagawin niya. "The child on your phone..." nanginginig ang labi, habang umaasang tama ang hinala. “Is that... is that my son?" ​Walang salitang lumabas sa bibig ko. Natuyo ang lalamunan ko. Umusbong ang ng paninikip ang dibdib ko at kinakapos ng hangin sa matinding kabang nararamdaman. ​"Answer me right now, Yllana!" marahas niyang sigaw na umalingawngaw sa mataas na kisame ng mansyon. ​Napaigtad ako sa pagkakagulat at naitakip ang aking mga

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 5

    "Leave the country by tom. Or your son suffers the consequences. Choose. Your son's life, or your life with Marcus?"Tila isang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang binitawan ng donya.Nangingisay ang buo kong katawan dahil wala pa akong kain magmula ng muli akong pagbantaan ng ina ni Marcus. Alas dos na ng umaga, tahimik na ang buong manor. Tulog na ang lahat, maliban sa akin. Gising na gising ang buong diwa ko habang iniimpake ang mga gamit na dadalhin.Nais kong umiyak at humikbi ng malakas, subalit tanging tahimik na pagluha lang ang kaya kong gawin. Kailangan ko ang trabahong 'to. Pero dahil sa patuloy na pangangambala ng nakaraan, hanggang ngayon ay kailangan kong magdusa at magpaubaya.Tumayo ako at napatitig sa bag na punong-puno ng damit at personal kong gamit, kasama na ang chekeng malinaw na pinirmahan ni Donya Solana bago ibinigay sa kaniya. Four years ago, ganitong-ganito rin ang eksena bago niya iniwan si Marcus.Pero kailangan kong gawin

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 4

    “Whose child is that?”Kumabog ng mabilis ang puso ko habang nakatingin sa kaniyang mga matang naghihintay ng sagot. Agaran kong tinapos ang tawag atsaka itinago ang cellphone sa aking likuran. Nababasaling wala siyang nakita na kahit ano sa screen."S-sir M-marcus?! Kanina ka pa po diyan?!" pasigaw kong tanong. napahawak ako sa hawakan ng hagdan mula sa panghihina. Una, dahil sa balita mula kay mama. Pangalawa, natatakot na baka magkahinala si Marcus."Sa tingin mo?" Humakbang siya pababa hanggang isang baitang na lang ang pagitan namin. “I asked you a question, Yllana. Who was that child I saw on your screen?” malamig at mapang-akusa niyang tanong. Yumuko siya, at inilapit ang mukha sa akin. Napatingala ako.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isang maling pagkakasabi ko lang, maaari siyang maghinala, at baka imbestigahan pa niya ang tungkol kay Andrei. Hindi ako papayag na malaman niya ang tungkol sa anak ko."Anak po siya ng ate ko, sir! Pamangkin ko po siya. May mataas po kasi

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 3

    "You lied. I knew it was you all along, Yllana."Naging mabigat ang kaniyang bawat paghinga, maging ang daloy ng hangin sa loob ng study. Tila isang kidlat na tumama sa buong pagkatao ko ang bawat salitang binibitawan niya.Ang madidilim niyang mata ay matalim siyang nakatitig lang sa akin. Tila bakal na nakakulong ang pulso ko sa kamay niya sa higpit ng kaniyang pagkakahawak. Hindi binibigyan ng pagkakataong makatakas sa kaniya."S-sir M-marcus... H-hindi po kita maintindihan... P-pakawalan niyo po a-ako... Hi-hindi po ako si Yllana! Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!" nauutal na pakiusap ko habang pilit na hinihila ang kamay ko.“Cut the bullshit and tell me the truth!” Isang nakakabinging sigaw ni Marcus ang umalingawngaw sa silid. Puno ng galit ang boses niya. Umatras siya at bahagya akong itinulak bago marahas na tumayo. Walang pakundangang hinila niya ako, at mabilis na humawak sa sulok ng lamesang nasa likuran ko. Mariin niya ak

  • Trapped by the Billionaire's Touch    Chapter 2

    "Yllana?"Para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot ng tawagin niya ako sa pangalang 'yan. Hindi... Hindi niya 'ko pwedeng makilala. Umiwas ako ng tingin at iniyuko ang ulo, pinipilit na takpan ng aking buhok ang mukha. "P-pasensya na po, sir!" mabilis ngunit nanginginig ang boses kong sabi bago lumuhod. Iniba ko rin ang tono ng aking boses.Naramdaman ko ang mabigat niyang hakbang papalapit sa akin. Huminto ang dulo ng sapatos niya ilang pulgada mula sa mga kamay kong nakapatong sa malamig na sahig."Look at me," utos niya, malamig ang boses."P-pasensya na po talaga, Sir Marcus. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko nang aksiente ko pong natapon ang—""I said, look at me!"Halos mapatalon ako sa gulat nang umalingawngaw ang galit niyang boses sa buong kwarto. Wala akong magawa. Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting inangat ang aking paningin. Kaba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status