LOGIN"Leave the country by tom. Or your son suffers the consequences. Choose. Your son's life, or your life with Marcus?"
Tila isang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang binitawan ng donya. Nangingisay ang buo kong katawan dahil wala pa akong kain magmula ng muli akong pagbantaan ng ina ni Marcus. Alas dos na ng umaga, tahimik na ang buong manor. Tulog na ang lahat, maliban sa akin. Gising na gising ang buong diwa ko habang iniimpake ang mga gamit na dadalhin. Nais kong umiyak at humikbi ng malakas, subalit tanging tahimik na pagluha lang ang kaya kong gawin. Kailangan ko ang trabahong 'to. Pero dahil sa patuloy na pangangambala ng nakaraan, hanggang ngayon ay kailangan kong magdusa at magpaubaya. Tumayo ako at napatitig sa bag na punong-puno ng damit at personal kong gamit, kasama na ang chekeng malinaw na pinirmahan ni Donya Solana bago ibinigay sa kaniya. Four years ago, ganitong-ganito rin ang eksena bago niya iniwan si Marcus. Pero kailangan kong gawin. Kailangan kong umalis ulit, para sa kapakanan ni Andrei. Lumabas na ako sa maliit na kong kwarto at binagtas ang madilim na pasilyo patungo sa hagdan patungong third floor. Mayro'n kasing locker doon ang mga maid, nakalagay ang ibang mga importanteng gamit. Doon nakalagay ang iba kong pameles na kailangan kong madala. Ngunit bago pa man ako makarating sa patutunguhan ko, biglang bumukas ang ilaw. Napahinto ako at nanlaki ang mga matang napatingin sa direksyon ng taong dahilan kung bakit nagkaroon ng liwanag. Napaatras ako ng niluwa ng dilim si Marcus. Wala siyang pang itaas na damit, basang-basa ng pawis ang katawan—mula sa mukha niya hanggang sa matipuno niyang dibdib. Magulo rin ang buhok niya, tila kagagaling lang sa gym. Subalit madilim ang mga matang nakatingin sa aking direksyon, pinagmamasdan ang bawat kong galaw. Ang mga paa ko ay 'di makahakbang at nanigas na sa kinatatayuan. Namanhid ang kamay ko. Kusang dumulas ang hawak kong bag dahilan upang kumalat ang laman sa sahig dahil 'di ko ito naisara kanina. “Care to explain why you’re here at this hour, Yllana?” malamig pa sa yelong tanong niya sa akin. Natauhan ako nang marinig ang boses niya. Gusto kong tumakbo subalit huli na dahil mabilis siyang humakbang papalapit sa akin. Marahas niya akong hinawakan sa dalawa kong braso. "Anong binabalak mong gawin? Huh, Yllana?! Pagkatapos ng nangyari ulit sa tain, balak mo na naman bang iwan ako?!" nag-aalab sa galit na tanong ni Marcus. "Bitawan mo ako, Marcus! At huwag mo akong pigilan! Gusto ko ng umalis dito!" pinilit kong hilahin ang sarili kong kamay mula sa kaniya. Subalit hindi ko man lang napantayan ang kaniyang lakas. Wala akong magawa kundi ang mapaiyak na lang. "No! Mark my words, Yllana. Hinding-hindi ka na makakaalis dito! 'Di na kita papakawalan ulit! Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwan?!" Mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa akin. "Dahil sawang-sawa na ako sa panggigipin ng ina mo! Ayoko na sa impyernong bahay na 'to! Kahit isang segundo lang, hindi ko kayang manatili rito! At mas ayoko ng makaharap ang pamilya mo! Lalong-lalo na ang ina mo, Marcus!" Lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso, nalilito sa mga sinasabi ko. "W-what?" Pinahiran ko ang mga luhang traydor na lumalabas sa aking mga mata at matapang siyang tiningnan. "Tingin mo ba talaga, kusa akong umalis ng gabing 'yon?! Hirap na hirap akong iwanan ka! Bakit ba hindi ka man lang nagkahinala na ang ina mo ang may pakana ng lahat?!"malakas kong sigaw sa kaniya, puno ng katanungan. Halos manghina ako, humihikbing napakapit sa kaniya. Walang nagsalita. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot. Tanging mahihinang hikbi ko lang ang naririnig. Matagal na nakatitig sa akin si Marcus. “S-she... she actually did that to you?” bulong niya, nanginginig ang boses sa matinding galit. "Oo! Kaya hayaan mo na akong umalis, Marcus! Ayokong umabot pa sa puntong magkasakita ka—" Napahinto ako sa pagsasalita ng tumunog ng malakas ang ringtone ng cellphone ni Marcus. Tumingin muna siya sa akin bago sinagot. "Sir Marcus!" Umalingawngaw ang malakas na tawag ng isang lalaki ang marinig mula sa kabilang linya. "Pasensya na po sa istorbo pero nakuha ko napo ang medical records at travel background ni Ms. Yllana Navarro." Natigilan ako at napasinghap. Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Anong ibig niyang sabihin? “Say it, Nathan," utos ni Marcus, habang seryosong nakatingin sa kaniya. "Sir... four years ago, pumasok si Ms. Yllana sa isang private clinic. At base birth registry records na nakuha ko... Ms. Yllana delivered a healthy baby boy. Exactly nine months after your night together in Cresta de Gallo.” Naikuyom ko ang dalawa kong kamay sa matinding kaba. Ang hawak na cellphone ni Marcus ay bumagsak sa sahig. Ang malumay niyang titig kanina ay napalitan ng nangangalit habang unti-unting napapalitan ng pagkamuhi. Ramdam ko ang pagkabigla niya, at pagtataka. Mabigat ang bawat paghinga na tila nahihirapang lumanghap ng hangin. "N-nine months..." bulong ni Marcus, tila nagpipigil na sumabog ang galit. "The child on your phone..." nanginginig ang labi, habang umaasang tama ang hinala. “Is that... is that my son?""Walang kahit na sino ang makakagalaw sa inyo. Dadaan muna sa bangkay ko ang sinumang gustong manakit sa pamilya ko." Nananatili pa rin ang matinding tensyon kahit wala na ang bakas ni Donya Solana. Sa gitna ng kwarto ay nakatayo pa rin ang matikas na anyo ni Marcus. Mahigpit na nakakuyom ang kamay habang mabilis na umaakyat baba ang dibdib sa galit. Malalim siyang napabuntong hininga habang nakapikit ang mga mata, at ng idilat muli, naglaho na lang na parang bula. Isang nakakakilabot at malamig pa sa yelong ang pumalit na emosyon. Humarap siya sa akin. "Mula ngayon, sa guest room na sa ikalawang palapag mananatili ang mama mo. Ipapalipat ko na roon ang mga gamit niya. Mas makakapagpahinga siya ro'n, at walang gugulo sa kaniya," malamig niyang pahayag. "H-huh? Bakit?!" agaran kong tanong, puno ng pagtataka at katanungan ang aking boses. "Paano kami ni Andrei? Kasama rin ba kami ni mama sa paglipat?" Isang pilit ngiti ang lumabas sa mga labi ni Marcus habang dahan-dahan siy
"Nandito na si papa. Hinding-hindi na ako aalis. Hinding-hindi mo na ako ma-miss, dahil magkasama na tayo palagi."Isinubsob ni Marcus ang kaniyang mukha sa maliit na balikat ni Andrei. Ang kaniyang balikat ay tumataas baba, tanda na umiiyak. Puno ng katanungan at pagtataka ang mga mata ni Andrei, subalit dahan-dahan din nitong itinaas ang kamay atsaka niyakap ng maliliit na braso si Marcus.Nagtaas baba ang balikat niya ng 'di mapigilang humikbi. Napatingala ako ng mayro'ng traydor na luhang gustong umagos mula sa 'king mga mata. "Forgive me... it took me four whole years to find you, my son. My little boy," bulong ni Marcus habang nakayakap pa rin kay Andrei. Maging si mama na nagmamasid lang sa tabi ay napaiyak na rin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, at sa kabila ng pangamba, umuusbong ang kakaibang damdamin sa puso ko.Biglang tumayo si Marcus, kasabay nang pag-angat at pagkarga sa braso niya si Andrei. Humarap siya sa amin at tiningnan kami ni mama."Papasok na tayo. Kailang
"Mama, natatakot po ako! May malalaking pumasok sa bahay ni Nanay Tonya! Pinipilit nilang summaa kami ni Nanay. Ang sabi nila, pupuntahan ka namin..."Napakagat labi ako upang pigilan ang hikbi ko. Inaasahan ko nang ganito ang magiging reaksyon ng anak ko subalit ang makita mismo ng dalawa kong mga mata, parang dinudurog ang puso ko."Tahan na, anak... Huwag ka ng matakot, nandito na si mama." Poprotektahan kita laban sa mga taong mananakit sa 'yo... Hindi ko napigilang mapahagulgol bago niyakap si Andrei. "Ligtas na tayo rito, 'nak."Ibinaba muna ni mama si Andrei bago ako hinarap at seryosong kinausap. "Yllana, 'nak, ano bang kaguluhan 'to? Bakit mayro'ng mga lalake at helikopter na sumundo sa amin?" sunod-sunod na tanong ni mama, ramdam ang panginginig sa boses dahil sa takot.Walang sumagot. Tumigil na rin ang ugong ng chopper, kung kaya ay isang nakakabinging katahimikan ang umusbong. Isang mabibigat na hakbang ang namartsa mula sa aking likuran patungo sa amin. Napatingin doon
Buong gabing gising ang diwa ako. Hindi ako pinatulog ng pag-alala habang taimtim na binabantayan ako ni Marcus sa loob ng master suit ng third floor. Bawat galaw, bawat mahinang tunog, at pahinga ko ay 'di makatakas sa kaniyang mga mata. Hindi siya pumikit kahit isang segundo, may hawak siyang whisky sa isang kamay. Paminsan-minsan ay tumatayo siya at naglalakad habang ako ay tahimik lamang na nakahiga, binabantayan rin ang kaniyang bawat galaw.Sumisilip palang ang bukang liwayway nang makarinig sila ng ugong at malalakas ng hampas ng hanging nagmumula sa helipad.Napabangon ako mula sa aking kama. Si Marcus ay tahimik lang na tumayo at inisang lagok ang natitirang alak sa kaniyang baso. Tulad pa rin ito kagabi, malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Gusto ko siyang lapitan, ngunit nanghihina pa ang katawan ko sa matinding kabang nararamdaman."They already here. Lets go. Salubungin natin sila." Hindi niya 'ko hinintay na sumabog at basta na lang akong tinalikuran. Subalit 'di
"Wala akong alam! N-Natatakot lang ako—" "I don't care!" marahas niyang putol sa akin.Iniyuko niya ang kanyang mukha at marahas, punong-puno ng galit at sabik na hinalikan ang aking mga labi. Napasinghap ako sa matinding gulat, at ginamit niya ang pagkakataong iyon para laliman ang halik. Ang kanyang kamay ay mabilis na pumulupot sa likod ng aking leeg, hinihila ako lalo papalapit sa kanyang matipuno at maiinit na dibdib."Mmmph! M-marcus..." pilit kong itinutulak ang kanyang dibdib gamit ang aking mga nanginginig na kamay, pero ang kanyang katawan ay parang pader na hindi natitinag.Walang ingat, at sa pamamagitan ng halik ay pinaparamdam niya sa akin kung gaano siya kagutom sa pagmamahal, nangungulit at galit. Ang bawat haplos ng kanyang mga daliri sa aking mukha at balikat ay nag-iiwan ng kakaibang kilabot na nagpalambot sa lahat ng aking depensa. Kahit galit ako, kahit takot ako sa pamilya niya, ang katawan ko mismo ang nagt-traydor sa akin at mabilis na tumutugon sa kanya. Napa
"N-nine months..." nakakatakot at puno ng poot ang boses ni Marcus. Ang bawat salitang binibitawan ay parang punyal na tumatarak sa dibdib ko. Tumatayo lahat ng balahibo ko sa tindi ng pagkakatitig niya sa akin. Kahit anong sandali ay gusto niya akong sunggaban. Umigting ang kaniyang panga, malinaw ang gustong iparating. Galit siya. Galit sa pagsisinungaling, pagtatago at pang-iiwan ko. Dahan-dahan siyang yumuko patungo sa harap ko hanggang sa pumantay ang mga mata namin. Nanginginig pa rin ang kamay ko, nababalisa at napapaisip kung anong gagawin niya. "The child on your phone..." nanginginig ang labi, habang umaasang tama ang hinala. “Is that... is that my son?" Walang salitang lumabas sa bibig ko. Natuyo ang lalamunan ko. Umusbong ang ng paninikip ang dibdib ko at kinakapos ng hangin sa matinding kabang nararamdaman. "Answer me right now, Yllana!" marahas niyang sigaw na umalingawngaw sa mataas na kisame ng mansyon. Napaigtad ako sa pagkakagulat at naitakip ang aking mga







