"So, isa kang bampirang may dugong bughaw since mommy at daddy mo ang Rex at Regina?" Mabilis na kumunot ang noo n'ya sa narinig mula sa akin, napatawa naman ako ng bahagya."Ah, ibig kong sabihin ay isang kang bampirang may dugong bughaw kasi ang iyong ina at ama ay ang Rex at Regina?" Napaiwas ito ng tingin, tiningnan ko naman si Leonardo sa aming likod dahil katabi ko na ngayon ang Prinsipe. Umiwas lamang ito ng tingin, ha?"Ang iba pang lahi ay may kakayahan ding mabuhay na matagal katulad ng may mga dugong bughaw kung may sumusuportang banal na dugo na galing sa mga tao. Ngunit imposible na 'yon mangyari. Hindi tulad ng mga may dugong bughaw na kaya nilang mabuhay ng ilang siglo na wala no'n." Napatango na lang ako habang nagdududa ako sa mga ikinilos nila."Ito ay ang mga Rialacande at Ssillacc." Inilagay ko ang kamay ko sa aking likod na parang katulad ng sa Prinsipe at itinuwid ang aking likod at seryosong tumingin sa aking unahan.Argh, ang hirap naman. Ang sakit sa likod."P
Tumaas ang makapal nitong kilay. "Isa 'yan sa dapat mong tatandaan, kahit kailan ay walang natanggi sa gusto ng mga Prinsipe at Prinsesa gano'n din sa Rex at Regina."Ako naman ang tumaas ang kilay. "Sa inyo 'yong mga bampira pero tao ako, pasensya na," tamad kong tugon sa sinabi n'ya.Lalampasan ko na sana s'ya no'ng mahigpit n'ya akong hawakan sa braso. "Prinsipe Lucas!" Napasigaw ako dahil sa sakit."Hindi ko hinahayaan ang mga matitigas ang ulo na tulad mo sa ilalim ng aking pangalan kaya susunod ka sa akin kahit anong mangyari." Kitang kita ko ang mga gigil n'yang mata."O-oo, nagbibiro lang ako." Binitawan n'ya ako at tiningnan ako ng seryoso. Bakit ba hindi s'ya ma-joke."Susundan mo kami hanggang makarating tayo sa Regno." Nagtaka naman ako."Hindi ba 'yon 'yung kanina ko pang ginagawa?" tanong ko."At kapag nagawa mo 'yon, bibigyan kita ng masarap na pagkain at tulugan." Hindi n'ya sinagot ang tanong ko. Napatawa naman ako, easy."'Yon lang pala," mayabang kong saad."Parte n
Napadako ang mga mata ko sa katawan n'ya. Kulang ang salitang malinis sa porma n'ya ngayon. Tuwid ang tindig nito at mga matang nakakailang. Hindi ko alam kung bakit ganito s'ya tumingin, maganda ang mga mata n'ya pero hindi rin maitatangging nanghuhusga ang mga iyon. Hindi s'ya nagsasalita pero sapat na ang mga mata n'ya para masabi kong pinag-aaralan n'ya ako.Makapal at maganda ang suot n'yang may kulay na pinagternong puti at maroon. Nakakadadag ng karisma n'ya ang malaki n'yang katawan at maliit na labi. Muli akong napaatras sa aking kinakatayuan."Si Leonardo ba ang pakay mo?"Awtomatikong napalaki ang mga mata ko, bakit kilala n'ya si Leonardo? At bakit alam n'ya kung sino ang hinahanap ko? Lihim akong napamura sa aking isip, bakit kasi kailangan pa nila ako iwan? Timo ang nangyayari ngayon."Ipagpaumanhin mo pero wala akong oras na makipag-usap," tugon ko at mabilis na s'yang tinalikuran. Ayokong magkaroon kami ng ugnayan dahil 'yon ang pinakabillin sa akin ng Prinsipe. Saka k
Isang maliit na ngiti ang ginanti nito sa akin. "Kung ganoon ay bukas ang karwaheng dala namin at handa kayong dalhin sa loob ng Regno para na rin makapag-tanghalian na kayo."Iiling na sana ako para tumanggi ngunit napatigil ako ng hawakan ako ni Atlas sa kamay, mabilis na pala itong napunta sa aking tabi na hindi ko man lang namalayan."Ang iyong alok ay nakaka-engganyo, Kumander Conall. Sakto dahil kumakalam na rin ang aking t'yan sa gutom."Magsasalita na sana ako pero mariing piniga ni Atlas ang kamay ko kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko."Natutuwa ako na tinanggap mo Atlas ang aking alok gayunpaman ay maaari na kayong pumasok sa karwahe."Wala na akong nagawa ng hilahin na ako ni Atlas, sobrang higpit ng hawak n'ya na hindi ko man lang magawang makawala. Umalalay ang ilang Guerrero sa akin na maayos na makapasok sa karwahe pero itong kasama ko ay walang habas lamang akong tinulak paupo at mariing umupo sa aking tabi.Hindi ko na naiwasang mapaikot ang aking mga mata dahil s
Hindi ako makagalaw ng ayos at nakatimpi lang ako sa aking kinauupuan. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pressure sa paligid, ang ngalay ng likod ko at kalam ng tiyan ay ayaw magpaawat. Dahan-dahan ko silang tiningnan ngunit muli kong naibato sa ibang direksyon ang aking tingin, ang pawis ay lalong tumulo sa aking noo at kamay.Oo, nakasama ko na sila pero ang takot ko ngayon ay 'di mawala. Pinaglaruan ko na lamang ang ibang bahagi ng telang nakalagay sa isang maliit na mesa sa aking tabi. Ang ganda ng kwartong ito ay 'di matawaran pero ang kabog ng dibdib ko ay 'di rin matawaran. Napapalibutan ng mga antik na kagamitan ang paligid, ang kwartong aming tinutuluyan ay hindi ganoong kalakihan at hindi rin ganoong kaliitan. Tamang-tama lamang sa bilang namin. May malalaking bintana ito habang may makakapal at niyutral na kurtina. May malaking lamesa sa aming gitna na may mga naka-ukit na ilang anyo ng hayop habang yung apat ay 'di maawat ang tingin sa akin.Medyo madilim ang pali
Nabalik ang atensyon ko sa Prinsipe dahil sa sinabi n'ya, ang kabog ng dibdib ko ay lalong domoble dahil baka kung ano ang parusang ibigay n'ya sa akin. Handa naman akong tanggapin 'yon pero hindi naman naaalis ang katotohanang malupit s'ya at baka hindi ko kayanin ang ipagawa n'ya."Alam kung nakarating ka sa Regno pero ang matagpuan si Leonardo sa likod ng kastilyo ay hindi, sa makatuwid hindi mo nagawa ang hamon ko sa 'yo." Unti-unting lumapit sa akin ang Prinsipe na ikinaurong ko. Hindi ko kayang lapitan n'ya ako gayong galit s'ya."Walang pagkain..."Isang mabilis na hangin ang dumaan sa aking tabi. "Walang tulugan."Napako ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang malambot na labi ng prinsipe sa aking leeg at bumulong."Hindi ako marunong magbigay ng konsiderasyon, maging aral sana ito sa 'yo."Napalanghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga ano mang oras. Napakalapit n'ya at ang mainit nitong hininga ay dumadaloy sa aking balat."Ayon naman sa nan
"Ang sabi ng Prinsipe Lucas ay kasama mo raw s'ya Monica," wika nito.Gusto kong magsalita para makita n'ya ako pero inuunahan ako ng hiya. Napatingin ako kay Monica no'ng ito'y tumayo, dumapo ang mga mata nito sa akin. Nakatingin lang s'ya sa mga mata ko at mayamaya pa ay napa-irap ito.Tumalikod ito sa akin saka pumunta sa isang bintana at doon dumungaw. Kailan kaya matatanggal ang galit n'ya sa akin? Hindi ko kasi kayang may nilalang na may galit sa akin at sa katotohanan pang lagi ko s'yang makakasama, ang hirap gumalaw."Ikaw ba si Cenn?"Nalipat ang tingin ko sa nagsalitang si Thana.Napatango ako. "Oo, ako nga."Sumilay na naman ang ngiti n'ya. "Kung ganoon ay ikaw ang bago naming makakasama sa akademya?" tanong n'ya habang binubuksan ang bag na kanyang daladala.Hindi ko naman s'ya mapunto dahil ito lang naman ang una naming pagkikita. "Paano mo nakilala ang Prinsipe Lucas?"Lihim akong napakagat sa aking labi, heto na naman ako sa mga ganyang tanong. Ano isasagot ko? Hindi ko
Hiling ko lang ay wala sanang masamang mangyari.Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at lumabas na ako sa banyo na may tapis sa aking katawan. Mabilis na hinanap ng aking mata si Thana. "Thana?""Ikaw pala ang panauhing laman ng kwento ng buong palasyo."Mabilis akong naging alerto at napatingin sa isang bahagi ng kwartong ito. Naabutan ko ang isang lalaking naka-squat sa bukas na bintana habang ang tingin sa akin ay napakalagkit. Napa-atras ako at mas napahigpit ang hawak sa tuwalyang nakabalot sa aking katawan."Sino ka?" lakas loob kong tanong.Sa isang iglap ay nakababa na agad ito sa kanyang pwesto at mas lalo akong pinagkatitigan."Paanong ang isang tulad mo ay napadpad sa mundong 'to?"Ang kaba ay bumalot sa akin, kilala n'ya ako?"Nakakatawang isipin dahil sa rami-raming bampira dito sa Faber ay ikaw pa ang nilalang na nakakuha ng atensyon ng isa sa mga Prinsipe."Malalim ang boses n'ya at napakalamig, napakamisteryoso n'ya na sinabayan pa ng damit na suot-suot n'ya. Isang