Share

Kabanata 34 - Leader

Mas naliwanagan ako sa mga nangyayari sa aking paligid habang ang aking mata ay pinagmamasdan ang apat na miyembro ng Tres na nag-uusap. Hindi ko pa man tuluyang kilala ang Tres ay malinaw na sa akin na hindi nila katulad ang Uno. Madaling pakisamahan ang Tres habang ang Uno ay hindi. Hindi ko pa man tuluyang nalalaman ang ganap o tungkulin nila sa Faber ay masaya ako dahil nakilala ko na sila. Napaisip naman ako kung ano ang ugaling meron pa ang iba pang taga-Tres.

Narinig ko ang katok sa malaking pinto. Mabilis ang pagkakakatok ngunit ramdam na walang galit sa mga katok na 'yon.

"Ang amoy na 'yon," rinig kong nagsalita si Zale. Napatayo naman ako dahil ramdam kong kilala ko ang bampirang nasa likod ng pinto na 'yon.

"Tila sinusundo ka na Cenn ng tagapangalaga ng Prinsipe," wika ni Yuka. Bahagya akong napatango.

"Pasok ka Leonardo," sigaw ni Fox.

Walang ano-ano ay biglang pumasok ang katawan ni Leonardo. Napadapo ang tingin nito sa akin. "Hindi nga nagkakamali ang Prinsipe Lucas at n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status