Share

Kabanata 33 - New Acquaintance

Napadighal ako sa sarap ng pagkain. Napapunas ako sa aking noo na may iilang pawis. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil makaraan ang ilang araw ay nakakain na ako ng matino. Naramdaman ko naman ang tingin ni Aine sa aming tabi ni Guide. Nakatingin ito sa akin na mahahalata ang mangha sa kanyang biluging mata. Kahit na mata lamang ang makikita sa kanyang mukha ay hindi natatabunan ang kanyang emosyon.

Dinaan ng hinlalaki ko ang gilid ng aking labi sa duming naandon. Kahit ako ay mangha pa rin sa pisikal na anyo ni Aine. Hindi ko alam na may nabubuhay pa lang ganoon. Narinig ko naman ang mahinang pagbagsak ng mangkok sa kahoy na lamesa sa aking harapan.

Nakita ko si Guiden na busog na busog na. Tulad ko ay kumain lamang ito nang kumain, wala kaming imikan habang si Aine ay labas masok sa tila kusina para magbigay pa ng pagkain.

"Ang bayad ng mga ito ay sabihin mo kay Cleeve. S'ya ang bahala dito," saad ni Guiden habang ang kanyang ulo ay nakatingala sa mataas na kisame at nakahawak sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status