Share

Kabanata 13 - Forbidden Necklace

"Hiling ko na sana ay mahuli na ang may sala sa pagnakaw ng portal. Hayaan n'yong samahan at alalayan kayo ng ilang Guerrero para marating n'yo ang inyong patutunguhan." Lihim akong napasipol dahil hindi ko kinakaya ang lalim ng boses no'ng malaking bampirang kaharap ng prinsipe.

Boses n'ya palang ay nakakatakot na, ano pa kaya kung umbagan ako nito, talagang hihimatayin ako.

"Salamat pinuno ng mga Guerrero ng Rialacande, ang iyong hukbo ay kakailanganin ko para sa pagtugis sa magnanakaw. Pag-usapan natin ang bagay na ito pagkatapos ng kasiyahan sa loob ng Regno," wika ni Prinsipe Lucas.

"Walang pag-aalinlangang ibibigay namin ang serbisyo sa 'yo mahal na Prinsipe," sagot nito. "Sino ba kami para tanggihan ang pinaka-sikat at nangungunang bampira sa kahiraan ng Faber."

"Nagagalak ako na marinig 'yan, Oswald." Tumungo ang bampirang tinawag ng Prinsipe na Oswald.

"Kailangan na naming umalis, magkita na lamang tayo sa kasiyahan."

"Nauunawaan ko, salamat Mahal na Prinsipe." Walang ano-ano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status