Share

CHAPTER 1: Property

Author: winterbear
last update publish date: 2026-05-18 21:48:05

Kinabukasan, matapos niyang magsalita nang may halong galit at hinanakit ay maagang umalis si Vernon na parang walang nangyari. Ito ay parang isang karaniwang araw lamang.

At gaya ng inaasahan, wala ring pagtutol dito si Janella.

Sa pananaw nito, ganoon naman talaga si Vernon—isang lalaking laging abala, laging may hinahabol, laging may kailangang tapusin. Ang oras nito ay parang hindi kailanman naging sapat. Madalas, nasa opisina ito, nakabaon sa mga dokumento at kontrata, o kaya nama’y nasa meeting room at nakikipag-usap sa mga taong katulad niya. Kung hindi man, nasa labas ito at umiikot sa iba’t ibang lugar para mag-inspeksyon.

May mga araw pa nga na sa loob lamang ng isang araw, nakakarating ito sa ilang lungsod na parang walang kapaguran.

Ganito ang mundo ng negosyo.

Hindi ito para sa mahihina ang loob. Kailangan mong matutong makisalamuha, makipagplastikan kung kinakailangan, at magbigay ng ngiti kahit pagod na pagod kana. Ang social gatherings ay hindi lamang kasiyahan dahil ito ay isang obligasyon para sa kanya.

At sa ganitong mga pagkakataon, minsan ay ipinapatawag niya si Janella para makatulong niya dito.

Una, upang ipakita sa mga tao na maayos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Isang imahe na kailangan nilang panatilihin.

Pangalawa, para makatulong si Janella sa pakikisalamuha—ngumiti, makipag-usap, maging kaaya-aya sa mata ng iba.

At pangatlo—

Para matugunan ang kanyang pisikal na pangangailangan.

Sa puntong iyon, hindi na nagulat si Janella. Hindi na rin siya nasaktan.Hindi naman sa nahuhumaling si Vernon sa kanya. Hindi rin siya yung tipo ng lalaking hindi kayang mabuhay nang wala siya.

Sa totoo lang, si Vernon ay isang taong mapili—mapili sa tao, mapili sa sitwasyon, at higit sa lahat ayaw nito ng gulo.

At ang totoo?

Mahal na mahal niya si Elle.

Ang pagpapakasal kay Janella ay isang impulsibong desisyon—isang galaw na puno ng kayabangan at paghihiganti. Isang paraan upang saktan ang babaeng tunay niyang minahal. At kung magdadagdag pa siya ng ibang babae sa buhay niya, kung magpapaka-skandaloso pa siya ay siguradong tuluyan na siyang mawawala sa mundo ni Elle.

Napangiti si Janella sa sarili niyang naiisip. Ang gagaling talaga nila, mahina niyang bulong na may halong pangungutya. “They love you with their heart but their bodies belong to someone else.”Napailing siya.

Kung ganoon din lang, bakit hindi na lang nila putulin ang kanilang mga pagsasama? Para maging tapat kahit papaano.

Pagkatapos uminom ng kanyang gamot, tahimik siyang pumasok sa banyo. Tumagal ang kanyang paliligo parang hinahayaan niyang tangayin ng tubig ang lahat ng iniisip niya. Paglabas ay nagpalit siya ng damit at umupo sa kama. Saglit na nag-scroll sa kanyang cellphone. Walang laman ang kanyang mga mata parang ginagawa lang niya ito para may magawa.

Makalipas ang ilang sandali, tumayo siya at nagtungo sa dining room. Pagkakita pa lamang niya sa kasambahay, kusa nang lumabas ang kanyang tanong parang isang nakasanayang ritwal.

“Medyo late akong nagising kanina,” saad niya sa kalmadong boses.

“Hindi kami sabay nag-agahan ni Vernon. May iniwan ba siyang mensahe?”

Tatlong taon nang nagtatrabaho sa villa si Manang Linda. Sanay na siya. Sanay sa katahimikan ng bahay. Sanay sa pagitan ng mag-asawang tila hindi kailanman naging tunay na magkasama.

Sandali siyang nag-isip bago sumagot.

“Sinabi lang po ni Sir Vernon na may pupuntahan siyang meeting mamaya at baka gabihin ang kanyang uwi.”

Bahagyang tumango si Janella.

“Sige.”

Sa loob-loob ni Manang Linda, napabuntong-hininga siya.

Sa kanyang paningin, si Janella ay isang perpektong asawa—mahinahon, maayos, walang reklamo. Ngunit sa likod ng katahimikan nito, ramdam niya ang pilit na pagkapit at pagtitiis.

Dahil sa pinanggalingan nito, malinaw na pinahahalagahan nito ang kasal nila. Gusto nitong mapanatili ang posisyon nito—ang manatiling asawa ni Vernon.

Lalo na ngayon.

Ngayon na bumalik na ang pinakamamahal ng kanyang asawa na si Elle.

Mula noon, naging mas mapagmatyag na si Janella. Mas madalas itong magtanong. Mas halata ang pag-aalala. At hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng mga tauhan.

“Ah, ganun ba,” muling sabi ni Janella at bahagyang ngumiti.

“Naiintindihan ko.”

Kapag may meeting ito sa labas ay ibig sabihin  hindi ito uuwi. At sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. Ngunit sa huli, napagtanto niyang mas madali ang lahat kapag wala si Vernon.

Mas payapa.

“Base sa bagong batas sa pakikipaghiwalay, ang maibibigay kong suhestiyon ay magpasa kayo ng mutual divorve para mas malinis at ligtas.” mahinahong paliwanag ni Steph habang inaayos ang kanilang mga papel.

Nakasuot siya ng isang maayos na suit, bagay sa kanyang propesyon. Ang kanyang buhok ay mahigpit na nakatali bagamat halata ang pagnipis nito.

Hindi napigilan ni Janella ang sarili.

“Alam mo,” nakangiting sabi niya, “parang napapansin ko na numinipis ang iyong buhok.”

Agad siyang pinandilatan ni Steph.

“Excuse me? At di ko ba nabanggit na mas nadadagdagan ang mga itim sa ilalim na yung mga mata!” balik nito.

“Nagtatrabaho ako ng sagadan sa loob ng isang araw na parang mauubos na ang aking mga buhok dahil sa stress. Hindi tulad mo na ang problema lang ay lovelife.” sabi pa nito.

Napakamot si Janella at bahagyang natawa.

“Sigee sigee, sorry na” aniya habang itinaas ang kamay na parang sumusuko.

“Attorney Steph, ituloy mo na. Pangako di na ako manggulo ulit.”

Huminga nang malalim si Steph bago ipinagpatuloy ang paliwanag. Isa-isa niyang inilatag ang mga dokumento sa harap ni Janella.Tahimik na nagbasa ito, ngunit halata ang kanyang pag-aalinlangan. Matagal na siyang wala sa mundo ng trabaho at lalong wala siyang alam sa batas.

Kaya naman paminsan-minsan, napapatanong siya.

Hanggang sa may isang bahagi na nagpatigil sa kanya.

“Ibig sabihin…” dahan-dahan niyang sabi, “since wala kaming prenuptial agreement ni Vernon… mas lamang ako sa hatian?”

“Ano?!” napalakas ang boses ni Steph.

“Wait—seryoso ka? Wala kayong prenuptial agreement? Totoo ba?”

Tumaas ang kilay ni Janella.

“Totoo nga iyan. Wala kaming napirmahang prenuptial agreement dahil masyado siyang nagmamadali  magpakasal para asarin yung ex niya. Hindi nga man lang nag isip ng mabuti.”

Napailing siya, naaalala ang nakaraan.

“Hindi pa nga alam ng mga magulang niya noon. At ang kasal?” bahagya siyang ngumiti. “One day bago umalis yung ex niya.”

Sandaling natahimik ang dalawa.

Pagkatapos, mahina siyang tumawa.

“Mabuting hindi mo nakita ang mukha niya noong araw na yun. Dahil wasak na wasak dahil sa ex niya”

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Steph.

“Napakahirap siguro yun para sayo,” mahina nitong sabi.

Ngunit agad na umiling si Janella.

“Huwag mo akong kaawaan,” diretsong sagot niya.

“Oo manloloko siya. Pero gwapo at mayaman siya kaya ayos na yun”

Bahagya siyang ngumiti.

“Marami akong naipon dahil sa kasal na ito.”

Huminga siya nang malalim.

“Nandito lang naman ako dahil bumalik na dito ang ex niya. At hindi ko hahayaang mawala kung anong meron ako ngayon.”

Tahimik si Steph habang pinapakinggan siya.

Sa panahon ngayon, hindi na uso ang pagiging martyr.

At si Janella—

Hindi kailanman naging ganoong babae.

“Hindi ako tanga,” diretso niyang sabi.

“Hindi ko hahayaang magutom ang aking sarili dahil lamang hindi siya umuwi. Hindi din ako magkakasakit… at mas lalong hindi ako mamamatay para sa kanya.”

Bahagya siyang natawa, ngunit walang saya iyon.

“Kung mamamatay man ako, ito ay di dahil sa pagmamahal. It’ll be murder.”

Napatingin siya kay Steph, seryoso ang mga mata.

“At si Vernon ang prime suspect.”

Saglit na natahimik ang silid.

Pagkatapos, tumango si Steph.

“Noted,” biro nito. “Ako ang hahanap ng ebidensiya. Pero gusto ng fifty percent.”

Napahalakhak si Janella.

“In your dreams!”

Muling bumalik sa kanilang usapan ang dalawa, tila ba walang nangyaring seryosong pag-uusap.

Ngunit sa likod ng kanilang mga ngiti, pareho nilang alam na hindi ito biro.

Habang inaayos ni Steph ang mga dokumento, muling nagsalita ito.

“Sa totoo lang, malaking advantage sa’yo ito. Madali kang makukuha ng milyones.”

Bahagya siyang tumigil.

“Pero wag mo masyado itong isagad.”

Napatingin si Janella.

“Hindi basta bastang tao lang si Vernon.”

Tahimik siyang nakinig.

“Galing sila sa isang makapangyarihang pamilya na kahit sino ay hindi sila kakanaing banggain dahil sa takot na lamang ng mga tao”.

Hindi na nito kailangang ipaliwanag pa. Alam na ni Janella ang ibig sabihin. Legal man o hindi, maymalaking impluwensya ang pamilya ni Vernon.

“At kapag sinagad mo siya…” mahinang sabi ni Steph, “hindi lang ito magiging tungkol sa hiwalayan nila”

Naging seryoso ang mukha ni Janella.

“Alam ko,” sagot niya.

Tahimik siyang tumingin sa mesa, saka bahagyang ngumiti.

“Hindi ako sakim.”sandali siyang tumigil.

Pagkatapos ay tumingin muli sa kaibigan.

“Gusto ko lang ng pera,” diretsong sabi niya.

“At hindi ko itataya ang aking buhay para sa anumang bagay”.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 97: Let's Dance

    Umalis si Vernon upang magpalit ng damit ngunit nagpatuloy pa rin ang banquet ayon sa iskedyul.Sa ilalim ng nakakasilaw na kristal na chandelier, makikita ang mga taong nagkakabentahan ng baso at masayang nag-uusap. Ang matingkad na champagne na may mga bula ay nasa tray ng waiter at agad ding kinukuha ng mga bisita na nauuwi rin sa mga sikat na personalidad na iniinom ito.Pamilyar na uri ng pakikisalamuha.Pagbalik ni Vernon, gaya ng dati ay sinalubong siya ni Vincent. Tinapik pa nito ang balikat at likod niya habang nakangiti.“Sinabi ni Bryan na mahilig ka raw sa babae pero hindi ako naniwala. Akala ko dati napakatahimik mo pero mukhang mali ako”, sabi nito.Pagkarinig nito, unang sinulyapan ni Vernon si Janella nang walang halatang reaksyon. Nang makita niyang wala itong kakaibang reaksyon, bahagya siyang nakahinga nang maluwag at ngumiti rin.Hindi pwede.Itinaas ni Vincent ang kamay para pigilan siya.“Wag ka nang magmatigas sa harap ng Uncle Vincent mo. Sa madaling salita, ak

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 96: Cufflink

    Si Vernon ay muling nagsalita.“Janella, makakapili ka na ba ngayon?”“Tutulungan mo ba akong i-unbutton ang damit ko o ibabawas ko na lang ang sahod mo...”Pinutol siya ni Janella.“Ipinangako mo na para sa akin ‘yon!”Walang pagbabago ang ekspresyon ni Vernon habang sinagot.“Nagkasundo tayo na kapag sumunod ka sa akin, ibibigay ko sa’yo. Janella, nabigo ka sa tungkulin mo.”Dagdag pa niya na parang wala lang.“At saka, wala tayong pinirmahang kontrata at wala kang recording ng verbal promise, honey. Dapat alam mo na walang legal effect ang ganitong klase ng regalo.”Kapag hindi siya gentleman, talagang nakakaubos siya ng pasensya.Anong klaseng mayaman ang makikipagtalo sa babae nang ganito? Magbibigay tapos babawiin? Wala ba silang hiya?Hindi—maraming ganitong walang hiya na mayayaman.May mga nagbibigay ng kung anu-ano, pinapaasa ang mga babae bilang guarantor o legal representative tapos hinahabol o hinahabla dahil sa utang. Sa huli, tinatakasan ang responsibilidad at inuubos a

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 95: Punishment

    Sinamantala ni Janella ang pagkakataon at sumagot.“Siyempre kasalanan mo ‘yan. Sino pa ba ang sisisihin ko? Bata pa ako noon, ikaw ang nanligaw sa akin.”Pinipigilan ni Vernon ang pagnanasang kurutin ang malambot na pisngi nito.Napansin ito ni Janella at agad siyang umatras, habang nag-iingat na tumingin sa kanya.“Huwag kang basta-basta gumalaw. Naka-makeup ako. Kapag nasira ‘yan, hindi na ako lalabas kasama mo ngayon!”Kaya pala ayaw niyang mahawakan, takot siyang masira ang makeup niya.Ibinalik ni Vernon ang kamay niya at tiningnan ang mukha nito.Maganda ito. Mas maayos pa ang kondisyon ng balat nito kaysa sa kanya, wala pang mukhang cakey o sobrang pulbos.Ibinuhos ni Janella ang lahat ng sisi sa kanya at wala namang pagtutol si Vernon.Ang mga taong nasa pinakamataas na antas ng posisyon ay hindi natatakot umako ng pagkakamali.Kakayahang magtrabaho, tumanggap ng pressure, magmuni-muni at magdesisyon—iyan ang batayan ng taong matagumpay. Ang iba pang katangian ay dagdag na la

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 94: Blame

    Hindi naman siya isang high school student na kailangang may kasamang kaibigan kapag pupunta sa banyo o magpapalit ng damit.Gustong-gusto talagang magreklamo ni Janella.Halata kay Vernon na may gusto itong ireklamo.Ngunit mas mabilis ang kilos niya kaysa sa mga salita nito.Direkta niyang hinawakan ang batok ni Janella at pinilit itong tumango.Pagkatapos ay magalang niyang sinabi sa lahat.Sa sandaling mawala ang mga paa niya sa sahig, bigla siyang naging napakabait.“Please excuse us.”Pagkasabi niyon, halos buhatin na niya si Janella habang hinihila palayo.Ngumiti pa siya kay Vernon na parang nanghihingi ng awa.Ang kapalit nito ay isang malamig na tinging may babala.Bihirang magpakita si Vernon ng ganoong ekspresyon sa harap ng ibang tao.Masama ang kanyang timpla ngayon.Kaya walang sinuman ang nangahas na lumapit upang makipag-usap sa kanya.Hindi rin gaanong nagsalita ang waiter na sumalubong sa kanila.Inihatid lamang sila nito sa silid-pampalit at nagsabi.“Kung kailanga

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 93: Gossip

    Naputol si Vincent at hindi na nagpatuloy sa pagsasalita.Sa halip, tahimik na lamang niyang minasdan ang nangyayari mula sa gilid.Sumulyap si Rafael sa ekspresyon ni Vernon.Ngunit agad niyang naunawaan ang sitwasyon at nagkunwaring wala siyang narinig.Ngumiti si Bryan nang may malalim na kahulugan.Umorder siya ng isang baso ng champagne mula sa waiter at pagkatapos ay kumindat sa isang magandang sosyalita sa likuran.Agad namula ang babae at bumilis ang tibok ng puso nito.Talagang kayang bilhin ng pera ang maraming bagay.Mayroon ding dalawang binata at dalagang halatang mas bata kaysa sa mga taong nakapaligid sa kanila.Masigla at puno sila ng sigla.Sila ang mga apo ni Vincent na sina Hanz at Hailey.Pareho pa silang menor de edad at mahilig makinig sa mga tsismis tungkol sa pag-ibig.Ang mga sosyalitang nasa pinakalabas ng grupo, pati na rin ang mga lokal na negosyanteng nasa medyo malayong bahagi ng bulwagan ay nakikinig nang mabuti.Lahat sila ay gustong malaman ang totoong

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 92: Young

    Hindi naman problema ang mahuli.Ang party ay ginanap sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pilipinas. Ang Okada Manila. Ito ay kilalang hotel na pinagdadaluhan ng mga sikat at yayamaning tao sa bansa.Ang Okada Manila ay isang marangyang five-star integrated resort na matatagpuan sa Entertainment City, Parañaque. Kilala ito bilang isa sa pinakamalalaking casino-hotel complex sa Pilipinas at dinarayo ng mga turista, negosyante at lokal na bisita.Ito ay isa sa mga pangunahing destinasyon ng turismo sa Metro Manila. Malaki ang ambag nito sa ekonomiya dahil sa trabaho, turismo, at negosyo na naaakit nito.Ito rin ay isang simbolo ng modernong luxury at entertainment sa Pilipinas—isang lugar kung saan pinagsasama ang pahinga, kasiyahan, at karangyaan sa iisang destinasyon.Tinulungan ni Vernon si Janella na bumaba ng sasakyan bago sila tumapak sa pulang karpet.Agad silang sinalubong ng mga waiter na nakabantay sa entrada ng bulwagan.Napakahusay ng kanilang serbisyo.Inihatid sina Janel

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 6: Confrontation

    Para maging isang hindi malilimutang white moonlight ni Vernon sa loob ng napakaraming taon, tiyak na napakaganda ni Elle. Mayroon siyang mukhang patok na patok sa masa ngayon, buhay na buhay, kahanga-hanga, at may kakaibang karisma na madaling makabihag ng puso. Siya ang apo ng mayamang pamilya sa

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 5: I've Long Admired You

    Tumingin si Janella sa direksyon ng pinanggalingan ng boses at hindi niya napigilang mapailing nang bahagya. Parang may inis na matagal nang kinikimkim ngunit hindi niya ipinapakita agad. Kilalang-kilala niya ang nagsalita. Si Kiel, ang pangalawang anak ng isang kilalang pamilya sa industriya ng bu

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 4: Catching Adultery

    Pumasok si Janella na dala ang kanyang sasakyan ngunit hinarang siya ng isang guwardiya bago pa man siya makarating sa entrada. Sa sandaling iyon, ramdam agad ang lamig ng lugar na parang kahit ang hangin ay may kasamang pagsusuri sa bawat dumadaan.Binuksan niya ang bintana at narinig ang sinabi n

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 3: Try

    “Anong ginagawa mo nitong mga nakaraang araw?”Sa malamig ngunit tila mahinahong tanong ni Vernon, saglit na tumigil ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Ang katahimikan ng silid ay parang mas lalong lumakas habang si Janella ay nanatiling nakatayo at kalmado sa panlaba pero magulo ang isip. Sa loo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status