Share

CHAPTER 3: Try

Author: winterbear
last update publish date: 2026-05-18 21:49:25

“Anong ginagawa mo nitong mga nakaraang araw?”

Sa malamig ngunit tila mahinahong tanong ni Vernon, saglit na tumigil ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Ang katahimikan ng silid ay parang mas lalong lumakas habang si Janella ay nanatiling nakatayo at kalmado sa panlaba pero magulo ang isip. Sa loob-loob niya, malinaw ang sagot.

“Syempre, abala ako sa paghahanap ng ebidensya para hiwalayan ka.” Ngunit hindi ito ang lumabas sa kanyang labi.

Sa halip, dahan-dahan niyang inayos ang ekspresyon ng mukha na parang isang babaeng sanay nang magtago ng totoo niyang iniisip. Nagpakita siya ng kaunting lungkot, bahagyang hinaing sa boses, at saka sumagot.

“Hindi ka na umuuwi nitong mga nakaraang araw at sobrang nababagot ako. Kaya lumalabas ako para mag-shopping at makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko. Sobrang tahimik sa bahay at ayoko mag-isa.”

Sandaling nagbago ang ekspresyon ni Vernon. Ang seryoso at malamig niyang anyo kanina ay tila natunaw at napalitan ng bahagyang pag-aalala.

“Janella, hindi sa pinupuna kita. Alam ko namang inosente ka. Natatakot lang ako na malinlang ka kapag lumalabas ka. Wala akong problema kung makikipagkita ka sa mga kaibigan mo pero delikado kung wala kang kasamang bodyguard o hindi ka nagsasabi kung saan ka pupunta at sino ang mga kasama mo”.

Ang boses niya ay hindi galit kundi may halong pag-aalaga na tila totoo. Ngunit para kay Janella, ang mga salitang iyon ay parang manipis na kurtinang madaling makita ang itinatagong pagkukunwari sa likod.

Bigla niyang naalala ang mga litrato mula sa private investigator. Magkasunod na pumasok sina Vernon at Elle sa isang private club. Malinaw sa kahit sinong tao na hindi iyon simpleng lakad lang.

Ano iyon? Nagkataon lang ba talaga? Halos mapangiti siya sa sarili niyang isip. Nakakatawa.

“Naunawaan ko. Sa susunod, may kasama na ako kapag lalabas ako. Salamat sa pag-aalala mo.”

Ngunit habang sinasabi niya iyon, pakiramdam niya ay unti-unti nang kumakalas ang kontrol niya sa sariling mukha. Kaya mabilis siyang yumuko, tumayo at iniwan ang mesa. Ang tunog ng upuan na kumaskas sa sahig ay sumingit sa katahimikan na parang patalim.

Mukhang may sasabihin pa si Vernon, ngunit nauuna na si Janella.

“Maliligo muna ako. Kung hindi mo ako kailangan puwede akong matulog sa ibang kwarto.”

Hindi na siya lumingon. Ang kanyang likod ay tila nagmamadali at parang takot na may pahabol  na sabihin ito sa kanya.

Si Vernon ay nanatiling nakaupo ngunit ang kanyang mga mata ay unti-unting lumamig. Hindi niya gustong aminin ngunit ramdam niya ang kakaiba sa kilos ni  Janella nitong mga nakaraang araw.

Ang tanong niya kanina ay hindi basta tanong lamang kundi isang pagsubok. Ngunit iniwasan iyon ni Janella at higit sa lahat tila sinubukan pang takasan ang usapan gamit ang paglayo.

Tiningnan niya ang mesa. Nandoon pa rin ang plato at halos hindi nagalaw na pagkain. Sa katahimikan, pumasok sa isip niya ang isang bagay’

“Alam na ni Janella na nandito na si Elle.”

Nakakaalarma.

Matagal na nanatili si Janella sa banyo.

Ang mainit na tubig ay dumadaloy sa kanyang balat ngunit kahit gaano pa iyon kainit hindi nito kayang tunawin ang bigat sa dibdib niya. Basang-basa ang kanyang buhok at mukha, ngunit hindi siya nagmamadaling lumabas.

Sa loob ng ilang taon na sila ay kasal, si Vernon ay bihirang lumapit sa kanya nang kusa. Tanging kapag nasa kanyang silid at nakahiga sa kanyang bisig lamang ito nagiging malambing. Isang tao na marunong magpanggap ng init ngunit laging may malamig na distansya pagkatapos.

Lumabas siya mula sa banyo, binalot ang sarili ng tuwalya at huminto sa harap ng salamin.

Sa mahabang sandal, tinitigan niya ang sarili. Bata pa siya. Malinis ang balat. Maliwanag ang mga mata. Wala pang bakas ng pagod ng buhay. Hindi niya napigilang ituwid ang kanyang likod. Maganda pa rin ako. Hinaplos niya ang salamin na parang kinakausap ang sariling repleksyon.

“Dalawampu’t lima pa lang ako, bata pa ako. Pagkatapos ng diborsyo, marami akong pera. Anong klaseng lalaking bayaran ang hindi ko mahahanap? Tatlumpu na si Vernon. Walang kwenta na ang lalaki pag lampas trenta. Dapat matagal ko na siyang iniwan. Wala akong pagsisisihan.”

Tahimik.

Ngunit matatag.

“Wala talaga akong pagsisisihan.”

Hindi siya pumunta sa kwarto ni Vernon. Sa halip, pumili siya ng pinakalayong kwarto. Doon siya natulog, mag-isa. At mahimbing itong nakatulog.

Kinabukasan, nagising siya na parang nakabalot sa sariling kumot na parang cocoon, basang-basa sa pawis.

Wala na si Vernon.

Pagbaba niya ay napansin niya si Manang Linda na tila hindi mapakali.

“Si Sir Vernon po ay mukhang hindi maganda ang mood kaninang umaga,” maingat nitong sabi.

Parang babala.

Si Manang Linda ay kasambahay lamang ngunit alam niyang kapag bumagsak ang kasal na ito, siya rin ang maaapektuhan.

Kalmado si Janella.

“Alam ko na.”

Walang dagdag na paliwanag.

Tatlong araw.

Hindi umuwi si Vernon. At sa mga araw na iyon ay unti-unting kumakabog ang dibdib ni Janella. Hanggang sa dumating ang mga mensahe.

[Nag-host si Sir Vernon ng isang event, pag-aari ng kanilang kompanya noong isang araw. Nandoon ang mga politiko at business elites kasama rin si Ms. Elle. Ayon sa balita, magkasama silang nag-usap at nagtawanan. Dahil bawal ang camera, wala kaming karagdagang ebidensya.]

Isa pa:

Umalis siya ng 3 PM at pumunta sa private club. Malamang kasama din si Elle.

Pumutok ang galit ni Janella.

“Mga reporter ba kayo o detective? Pwede bang kumpletong ebidensya muna bago magpadala ng mensahe?”

“Ang kailangan ko ay larawan at patunay ng panloloko niya. Ano silbi ng pag-send niyo ng lokasyon araw-araw? Wala kayong ebidensya kahit sabihin niyang naglalaro lang sila ng baraha doon, wala akong magagawa!”

[“Nagpapadala ng lokasyon araw-araw! Nagpapadala ng lokasyon araw-araw!! Aakyat ba ako doon para hulihin sila sa akto?!?!”]

Tahimik.

“typing…”

At pagkatapos—

【Eh…】

Subukan mo na lang.

“Subukan nga.”

Kinagabihan, nasa kamay na ni Janella ang address.

Isang malaking private club sa labas ng lungsod. Hindi ito mukhang club kundi isang hotel na may malawak na field.

Sobrang dami. Parang mas marami pa sa ilaw sa highway.

Si Janella mismo ang nagmaneho.

“Maam Janella, dito na lang po tayo,” sabi ng private investigator.

“Kapag lumagpas pa tayo, kita na tayo sa CCTV…”

Tumawa siya ng malamig.

“Natatakot kang mamatay?”

“Natatakot po akong ipalibing ako ni Sir Vernon sa semento at itapon sa dagat,” sagot nito ng may panginginig.

Napatawa si Janella.

Sa unang pagkakataon, totoo.

Tiningnan niya ito.

Bata. Maayos ang mukha. Hoodie. Mukhang estudyante, pero malinaw ang training sa katawan.

“Anong pangalan mo ulit?”

“Maam Janella, hindi niyo ba binasa ang kontrata noong pumirma kayo?”

Napatahimik siya.

“Christian po ang pangalan ko.”

“Linawin ko lang po, trabaho lang ito. Wala akong balak makipagrelasyon sa kliyente. Kung may kailangan kayo pwede akong magrekomenda ng male escorts. Kung mataas ang standard pwede rin mga minor celebrities pero may komisyon ako.”

Inaayos niya ang kwelyo niya at sa isang iglap ay isang maliit na camera ang na-adjust.

Tinabig ni Janella ang kamay niya.

“Pangarap mo lang!”

Tiningnan niya ito nang malamig.

“Lumayas ka na.”

Tahimik si Christian.

Tumalikod at umalis.

At si pinaharurot ni Janella ang sasakyan.

Alikabok ang iniwan niya sa likod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 97: Let's Dance

    Umalis si Vernon upang magpalit ng damit ngunit nagpatuloy pa rin ang banquet ayon sa iskedyul.Sa ilalim ng nakakasilaw na kristal na chandelier, makikita ang mga taong nagkakabentahan ng baso at masayang nag-uusap. Ang matingkad na champagne na may mga bula ay nasa tray ng waiter at agad ding kinukuha ng mga bisita na nauuwi rin sa mga sikat na personalidad na iniinom ito.Pamilyar na uri ng pakikisalamuha.Pagbalik ni Vernon, gaya ng dati ay sinalubong siya ni Vincent. Tinapik pa nito ang balikat at likod niya habang nakangiti.“Sinabi ni Bryan na mahilig ka raw sa babae pero hindi ako naniwala. Akala ko dati napakatahimik mo pero mukhang mali ako”, sabi nito.Pagkarinig nito, unang sinulyapan ni Vernon si Janella nang walang halatang reaksyon. Nang makita niyang wala itong kakaibang reaksyon, bahagya siyang nakahinga nang maluwag at ngumiti rin.Hindi pwede.Itinaas ni Vincent ang kamay para pigilan siya.“Wag ka nang magmatigas sa harap ng Uncle Vincent mo. Sa madaling salita, ak

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 96: Cufflink

    Si Vernon ay muling nagsalita.“Janella, makakapili ka na ba ngayon?”“Tutulungan mo ba akong i-unbutton ang damit ko o ibabawas ko na lang ang sahod mo...”Pinutol siya ni Janella.“Ipinangako mo na para sa akin ‘yon!”Walang pagbabago ang ekspresyon ni Vernon habang sinagot.“Nagkasundo tayo na kapag sumunod ka sa akin, ibibigay ko sa’yo. Janella, nabigo ka sa tungkulin mo.”Dagdag pa niya na parang wala lang.“At saka, wala tayong pinirmahang kontrata at wala kang recording ng verbal promise, honey. Dapat alam mo na walang legal effect ang ganitong klase ng regalo.”Kapag hindi siya gentleman, talagang nakakaubos siya ng pasensya.Anong klaseng mayaman ang makikipagtalo sa babae nang ganito? Magbibigay tapos babawiin? Wala ba silang hiya?Hindi—maraming ganitong walang hiya na mayayaman.May mga nagbibigay ng kung anu-ano, pinapaasa ang mga babae bilang guarantor o legal representative tapos hinahabol o hinahabla dahil sa utang. Sa huli, tinatakasan ang responsibilidad at inuubos a

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 95: Punishment

    Sinamantala ni Janella ang pagkakataon at sumagot.“Siyempre kasalanan mo ‘yan. Sino pa ba ang sisisihin ko? Bata pa ako noon, ikaw ang nanligaw sa akin.”Pinipigilan ni Vernon ang pagnanasang kurutin ang malambot na pisngi nito.Napansin ito ni Janella at agad siyang umatras, habang nag-iingat na tumingin sa kanya.“Huwag kang basta-basta gumalaw. Naka-makeup ako. Kapag nasira ‘yan, hindi na ako lalabas kasama mo ngayon!”Kaya pala ayaw niyang mahawakan, takot siyang masira ang makeup niya.Ibinalik ni Vernon ang kamay niya at tiningnan ang mukha nito.Maganda ito. Mas maayos pa ang kondisyon ng balat nito kaysa sa kanya, wala pang mukhang cakey o sobrang pulbos.Ibinuhos ni Janella ang lahat ng sisi sa kanya at wala namang pagtutol si Vernon.Ang mga taong nasa pinakamataas na antas ng posisyon ay hindi natatakot umako ng pagkakamali.Kakayahang magtrabaho, tumanggap ng pressure, magmuni-muni at magdesisyon—iyan ang batayan ng taong matagumpay. Ang iba pang katangian ay dagdag na la

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 94: Blame

    Hindi naman siya isang high school student na kailangang may kasamang kaibigan kapag pupunta sa banyo o magpapalit ng damit.Gustong-gusto talagang magreklamo ni Janella.Halata kay Vernon na may gusto itong ireklamo.Ngunit mas mabilis ang kilos niya kaysa sa mga salita nito.Direkta niyang hinawakan ang batok ni Janella at pinilit itong tumango.Pagkatapos ay magalang niyang sinabi sa lahat.Sa sandaling mawala ang mga paa niya sa sahig, bigla siyang naging napakabait.“Please excuse us.”Pagkasabi niyon, halos buhatin na niya si Janella habang hinihila palayo.Ngumiti pa siya kay Vernon na parang nanghihingi ng awa.Ang kapalit nito ay isang malamig na tinging may babala.Bihirang magpakita si Vernon ng ganoong ekspresyon sa harap ng ibang tao.Masama ang kanyang timpla ngayon.Kaya walang sinuman ang nangahas na lumapit upang makipag-usap sa kanya.Hindi rin gaanong nagsalita ang waiter na sumalubong sa kanila.Inihatid lamang sila nito sa silid-pampalit at nagsabi.“Kung kailanga

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 93: Gossip

    Naputol si Vincent at hindi na nagpatuloy sa pagsasalita.Sa halip, tahimik na lamang niyang minasdan ang nangyayari mula sa gilid.Sumulyap si Rafael sa ekspresyon ni Vernon.Ngunit agad niyang naunawaan ang sitwasyon at nagkunwaring wala siyang narinig.Ngumiti si Bryan nang may malalim na kahulugan.Umorder siya ng isang baso ng champagne mula sa waiter at pagkatapos ay kumindat sa isang magandang sosyalita sa likuran.Agad namula ang babae at bumilis ang tibok ng puso nito.Talagang kayang bilhin ng pera ang maraming bagay.Mayroon ding dalawang binata at dalagang halatang mas bata kaysa sa mga taong nakapaligid sa kanila.Masigla at puno sila ng sigla.Sila ang mga apo ni Vincent na sina Hanz at Hailey.Pareho pa silang menor de edad at mahilig makinig sa mga tsismis tungkol sa pag-ibig.Ang mga sosyalitang nasa pinakalabas ng grupo, pati na rin ang mga lokal na negosyanteng nasa medyo malayong bahagi ng bulwagan ay nakikinig nang mabuti.Lahat sila ay gustong malaman ang totoong

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 92: Young

    Hindi naman problema ang mahuli.Ang party ay ginanap sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pilipinas. Ang Okada Manila. Ito ay kilalang hotel na pinagdadaluhan ng mga sikat at yayamaning tao sa bansa.Ang Okada Manila ay isang marangyang five-star integrated resort na matatagpuan sa Entertainment City, Parañaque. Kilala ito bilang isa sa pinakamalalaking casino-hotel complex sa Pilipinas at dinarayo ng mga turista, negosyante at lokal na bisita.Ito ay isa sa mga pangunahing destinasyon ng turismo sa Metro Manila. Malaki ang ambag nito sa ekonomiya dahil sa trabaho, turismo, at negosyo na naaakit nito.Ito rin ay isang simbolo ng modernong luxury at entertainment sa Pilipinas—isang lugar kung saan pinagsasama ang pahinga, kasiyahan, at karangyaan sa iisang destinasyon.Tinulungan ni Vernon si Janella na bumaba ng sasakyan bago sila tumapak sa pulang karpet.Agad silang sinalubong ng mga waiter na nakabantay sa entrada ng bulwagan.Napakahusay ng kanilang serbisyo.Inihatid sina Janel

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 6: Confrontation

    Para maging isang hindi malilimutang white moonlight ni Vernon sa loob ng napakaraming taon, tiyak na napakaganda ni Elle. Mayroon siyang mukhang patok na patok sa masa ngayon, buhay na buhay, kahanga-hanga, at may kakaibang karisma na madaling makabihag ng puso. Siya ang apo ng mayamang pamilya sa

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 5: I've Long Admired You

    Tumingin si Janella sa direksyon ng pinanggalingan ng boses at hindi niya napigilang mapailing nang bahagya. Parang may inis na matagal nang kinikimkim ngunit hindi niya ipinapakita agad. Kilalang-kilala niya ang nagsalita. Si Kiel, ang pangalawang anak ng isang kilalang pamilya sa industriya ng bu

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 4: Catching Adultery

    Pumasok si Janella na dala ang kanyang sasakyan ngunit hinarang siya ng isang guwardiya bago pa man siya makarating sa entrada. Sa sandaling iyon, ramdam agad ang lamig ng lugar na parang kahit ang hangin ay may kasamang pagsusuri sa bawat dumadaan.Binuksan niya ang bintana at narinig ang sinabi n

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 2: Marriage

    May iba’t ibang paraan para kumita ng pera sa mundong ito—may marangal, may marumi, at may mga paraang nasa pagitan ng dalawa. Para kay Janella, hindi kailanman naging opsyon ang umasa lamang sa kapalaran. Para sa kanya, ang pag-aasawa ay hindi simpleng pagsasama ng dalawang puso—isa itong larangan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status