Share

CHAPTER 2: Marriage

Author: winterbear
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-18 21:48:45

May iba’t ibang paraan para kumita ng pera sa mundong ito—may marangal, may marumi, at may mga paraang nasa pagitan ng dalawa. Para kay Janella, hindi kailanman naging opsyon ang umasa lamang sa kapalaran. Para sa kanya, ang pag-aasawa ay hindi simpleng pagsasama ng dalawang puso—isa itong larangan ng digmaan kung saan ang bawat galaw ay kailangang planado, bawat hakbang ay may kapalit.

At si Janella… hindi kailanman lumalaban nang walang paghahanda.

Pagkatapos ng maingat na pakikipag-ugnayan kay Steph, hindi siya nag-aksaya ng oras. Kaagad siyang nagpaayos ng isang pribadong pagpupulong—isang tahimik ngunit kritikal na hakbang sa kanyang plano.

Sa pagkakataong iyon, hindi isa o dalawa kundi isang buong grupo ng mga pribadong imbestigador ang humarap sa kanya. Kilala sila sa industriya—hindi man sila ang pinakamatalino o pinakamabilis, ngunit may isang bagay na hindi matatawaran: ang kanilang kakayahang magtago ng lihim. Sa mundong puno ng panlilinlang, ang katahimikan ang kanilang puhunan.

Hindi na nagpaligoy-ligoy Janella. Diretsahan niyang inilatag ang kanyang layunin—ang bantayan ang bawat galaw ni Vernon. Partikular na ang koneksyon nito kay Elle.

“Kapag may nakita kayong lihim na pagkikita nila,” malamig ngunit malinaw ang kanyang tinig, “o kahit sinong babae ay kunan niyo agad ng litrato.”

Bahagya siyang tumigil, saka sumandal sa upuan. Ang mga mata niya ay kalmado, ngunit may lalim na hindi madaling basahin.

“Iminumungkahi kong panatilihin niyo ang inyong distansya. Hindi kailangang kunan ang mismong ginagawa nila. Ang mahalaga ay may ebidensya ng pagpasok at paglabas nila nang magkasama.”

Saglit siyang ngumiti.

“Maraming bodyguard si Vernon. Karamihan sa kanila ay dating militar. Magagaling at matatalas sila. Kung mahuli kayo ay hindi ko kayo mapoprotektahan ng ganoon kadali.”

Tahimik ang silid matapos ang kanyang babala.

Pagkatapos, sa parehong kalmadong tono, idinagdag niya, “Syempre, kung may mangyari, tutulong pa rin ako. Ngunit ang iyong pagbabayad ay mababawasan.”

Walang tumutol.

Sanay ang mga imbestigador sa ganitong kondisyon. Sa mundong pinasok nila, ang panganib ay kasama sa bayad.

Mabilis na natapos ang negosasyon. Napagkasunduan ang paunang bayad—tatlong milyong piso. Ang natitirang halaga ay ibibigay lamang kapag may malinaw nang resulta.

Ngunit bago tuluyang matapos ang usapan, isa sa kanila ang nagsalita tila nais linawin ang hangganan ng kanilang responsibilidad.

“Maam Janella, alam naman po ninyo na hindi maaaring gamitin sa korte ang ganitong klaseng ebidensya. Kung sakaling matalo kayo dahil dito wala na po kaming kinalaman.”

Isang sandaling katahimikan.

Pagkatapos ay bahagyang ngumiti si Janella.

“Huwag kayong mag-alala,” marahan niyang sagot. “Ako ang mismong gagamit ng mga litratong inyong makukuha.”

Tumitig siya sa kanila, isa-isa na para bang sinusukat ang kanilang kakayahan.

“Kuhanan lang ninyo ng litrato. At siyasatin ang kanyang mga ari-arian hangga't maaari. Hindi kailangang kumpleto pero gusto ko ay detalyado ito.”

Sa isip niya, malinaw ang lahat.

Si Vernon ay isang lalaking lubos na pinahahalagahan ang kanyang reputasyon. Sa sandaling mahawakan niya ang sapat na ebidensya, hindi na niya kailangang makipaglaban sa korte dahil sapat na ang moralidad.

Maaaring gamitin iyon bilang sandata—isang tahimik ngunit mapanirang panakot. Isang paraan upang makuha ang nararapat o higit pa roon.

Nang matapos ang pagpupulong, hindi niya maiwasang mapangiwi habang inaabot ang malaking halaga para sa deposito. Masakit man sa bulsa, ngunit nang maisip niya ang hinaharap—ang buhay na malaya, marangya, at wala na sa ilalim ng anino ni Vernon ay unti-unting napalitan ang sakit ng pag-asa.

Ngunit minsan, ang sobrang pag-asa ay nagdudulot lamang ng pagkadismaya.

Mahigit sampung araw ang lumipas.

Walang balita.

Walang progreso.

Sa wakas, hindi na napigilan ni Janella ang sarili. Tumawag siya at ang sagot na natanggap niya ay paulit-ulit na dahilan.

“Maam Janella napakarami pong bodyguard ng asawa ninyo. Mahirap pong makalapit.”

Mariin niyang pinisil ang telepono.

Hindi naman mga baguhan ang mga iyon. Kilala si Vernon bilang isang lalaking lumaki sa ilalim ng impluwensya ng mga kilala at malakas niyang pamilya na palaging nasa mga opisyal na okasyon, madalas makita sa balita, at sanay sa mata ng publiko.

Kung hindi nila kayang makilala ang ganitong klaseng tao, wala silang lugar sa industriyang iyon.

“Napakaregular ng schedule niya,” patuloy ng imbestigador. “Bahay at opisina lang. Minsan, pumupunta sa private club. Pero maraming CCTV at ginagawa naming ang lahat para hindi mahuli”

Mga walang silbi.

Halos lumabas iyon sa kanyang bibig.

Ngunit pinigilan niya ang sarili.

Alam niyang wala rin siyang pagpipilian.

“Ano, wala pa ding magandang balita?” malamig niyang tanong.

Dahil sa takot na mawalan ng kontrata agad silang nagpadala ng ilang litrato bilang patunay ng kanilang ginagawa.

Binuksan iyon ni Janella.

Isang kotse.

Ang kotse ni Vernon. May mga kasunod na sasakyan—at sa isa sa mga iyon ay may anino ng isang babae. Hindi malinaw, ngunit sapat para makilala ito.

Ito ay si Elle.

Kasama rin ang isang address. Bahagya siyang napahinto.Pipindutin na sana niya iyon ng may kumatok sa pinto.

“Sino ‘yan?” naiinip niyang sigaw.

Huminto ang katok saka marahang bumukas ang pinto. Naroon si Manang Linda.

“Maam,” magalang nitong sabi, “kakarating lang ni ng kotse ni Sir Vernon. Nakauwi na sila.”

Nanlamig ang kanyang kamay. Nakabalik na si Vernon kung ganun. Mabilis niyang isinave ang mga litrato at isinara ang telepono. Tumayo siya at humarap sa salamin.

Isang malalim na hinga.

Isa pang hinga.

Dahan-dahan niyang inayos ang sarili, ang buhok, ang damit, at ang ekspresyon ng mukha. Hindi siya magaling magtago ng lihim.

At si Vernon ay isang lalaking nakakabasa ng kahit kaunting pagbabago. Kailangan niyang maging perpekto. Pagdating nito, handa na siya. Nakatayo siya sa sala, tila kanina pa naghihintay. Ngunit ang bahagyang pagkainip sa kanyang mukha ay agad napalitan ng lambing nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti siya ng matamis, mahinahon, at tila walang anumang iniisip. Lumapit siya.

“Vernon,” malambing niyang bati.

“Bakit ang aga mo yatang nakauwi. Di mo man lang ako sinabihan.”

Sumulyap lamang si Vernon.

“Hmm.”

Iyon lang. Ganoon siya maikli, malamig, at hindi madaling basahin. Ang mukha nito ay halos perpekto ngunit may kasamang malamig na aura na kayang magpatahimik ng kahit sinong kaharap. Kapag tumitig ito, pakiramdam mo’y unti-unti kang nilulunod. Kahit wala itong sinasabi.

Hindi nagtagal ang titig ni Janella. Agad siyang umiwas at kunwari’y abala sa pag-aayos ng kuwelyo nito.

“Magpalit ka muna,” marahan niyang sabi.

Nang hindi tumanggi si Vernon, bahagya siyang nakahinga.

Tumayo siya sa dulo ng kanyang paa upang alisin ang coat nito ngunit bago pa niya iyon magawa, bigla siyang hinawakan sa braso.

Napahinto siya. Tahimik na kinuha ni Manang Linda ang coat at umalis na tila nauunawaan ang sitwasyon. Nanatili silang dalawa. Nararamdaman niya ang init ng hawak ni Vernon. Hindi siya kumawala. Sa halip, ngumiti siya at marahang kumapit sa braso nito.

“Namiss kita,” bulong niya. “Nitong mga nakaraang araw ay sobrang tahimik.”

Idinikit niya ang kanyang noo sa balikat nito. Isang simpleng kilos. Ngunit ayon sa sikolohiya, ang pisikal na paglapit ay nakababawas ng tensyon. At tila totoo nga. Unti-unting lumambot ang paligid. Hindi man nagsalita siVernon, hindi rin siya umiwas.

Hinayaan niya si Janella na manatili.mHanggang makarating sila sa hapag-kainan. Doon, tila biglang nagising si Janella. Marahan siyang bumitaw at umupo sa tapat nito na parang nahihiya.

Ang mesa ay puno ng pagkain na may perpektong presentasyon at kahanga-hangang amoy ng mga pagkain. Ang tagaluto sa kanilang mansion ay ang dating head chef ng isang five-star hotel na kilalang kilala sa husay nito .

Ngunit para kay Janella ay wala iyong lasa. Pinilit niyang kumain. Pinilit niyang ngumiti.

At nang ibaba ni Vernon ang kutsara’t tinodor, agad din siyang sumunod. Tahimik ang paligid. At sa katahimikang iyon, mas lalo niyang naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Karaniwan pagkatapos kumain, pareho ang daloy ng kanilang gabi.

Pahinga.

Paliligo.

At kung walang trabaho ay nasa kwarto lamang sila. Kung saan kadalasan inaanyayahan siya. At bihira siyang tumanggi. Para kay Janella, bahagi iyon ng kanyang “trabaho.”

Isang trabahong pitong taon na niyang ginagawa. Ngunit ngayon ay pagod na siya. Iniisip na niyang umalis. At ang ginagawa niya ngayon—ang lahat ng ito ay para sa kanyang “severance pay.”

Napangiti siya nang mapait. Karamihan ng ugnayan nila ay pisikal lamang. Maayos naman si Vernon.

Magalang.

Ngunit walang emosyon.

Walang pagmamahal.

Siguroito para mapanatili ang sarili niyang kalinisan para ito kay Elle, mapanuyang naisip niya.

“Janella.”

Napapitlag siya. Agad siyang tumingin.

Nakatingin si Vernon sa kanya ng direkta, matalim, at tila may hinahanap.

“Saan ka napupunta nitong mga nakaraang araw?”

Bahagyang kumunot ang noo nito.

“Sinabi ng kasambahay na napapadalas ang iyong pagkabas ng walang bodyguards. Tinanggihan mo pa ang driver.”

Tahimik siya. Pakiramdam niya’y unti-unting bumibigat ang paligid niya.

“Para wala ka sa sarili at may malalim na iniisip,” dagdag nito sa mas malamig na ngayon ang tono.

“Janella ano ba talaga ang ginagawa mo kamakailan?”

At sa sandaling iyon ay napagtanto ni Janella.

Na ang digmaan na pinili niyang pasukin…

Ay maaaring nagsimula na.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 97: Let's Dance

    Umalis si Vernon upang magpalit ng damit ngunit nagpatuloy pa rin ang banquet ayon sa iskedyul.Sa ilalim ng nakakasilaw na kristal na chandelier, makikita ang mga taong nagkakabentahan ng baso at masayang nag-uusap. Ang matingkad na champagne na may mga bula ay nasa tray ng waiter at agad ding kinukuha ng mga bisita na nauuwi rin sa mga sikat na personalidad na iniinom ito.Pamilyar na uri ng pakikisalamuha.Pagbalik ni Vernon, gaya ng dati ay sinalubong siya ni Vincent. Tinapik pa nito ang balikat at likod niya habang nakangiti.“Sinabi ni Bryan na mahilig ka raw sa babae pero hindi ako naniwala. Akala ko dati napakatahimik mo pero mukhang mali ako”, sabi nito.Pagkarinig nito, unang sinulyapan ni Vernon si Janella nang walang halatang reaksyon. Nang makita niyang wala itong kakaibang reaksyon, bahagya siyang nakahinga nang maluwag at ngumiti rin.Hindi pwede.Itinaas ni Vincent ang kamay para pigilan siya.“Wag ka nang magmatigas sa harap ng Uncle Vincent mo. Sa madaling salita, ak

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 96: Cufflink

    Si Vernon ay muling nagsalita.“Janella, makakapili ka na ba ngayon?”“Tutulungan mo ba akong i-unbutton ang damit ko o ibabawas ko na lang ang sahod mo...”Pinutol siya ni Janella.“Ipinangako mo na para sa akin ‘yon!”Walang pagbabago ang ekspresyon ni Vernon habang sinagot.“Nagkasundo tayo na kapag sumunod ka sa akin, ibibigay ko sa’yo. Janella, nabigo ka sa tungkulin mo.”Dagdag pa niya na parang wala lang.“At saka, wala tayong pinirmahang kontrata at wala kang recording ng verbal promise, honey. Dapat alam mo na walang legal effect ang ganitong klase ng regalo.”Kapag hindi siya gentleman, talagang nakakaubos siya ng pasensya.Anong klaseng mayaman ang makikipagtalo sa babae nang ganito? Magbibigay tapos babawiin? Wala ba silang hiya?Hindi—maraming ganitong walang hiya na mayayaman.May mga nagbibigay ng kung anu-ano, pinapaasa ang mga babae bilang guarantor o legal representative tapos hinahabol o hinahabla dahil sa utang. Sa huli, tinatakasan ang responsibilidad at inuubos a

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 95: Punishment

    Sinamantala ni Janella ang pagkakataon at sumagot.“Siyempre kasalanan mo ‘yan. Sino pa ba ang sisisihin ko? Bata pa ako noon, ikaw ang nanligaw sa akin.”Pinipigilan ni Vernon ang pagnanasang kurutin ang malambot na pisngi nito.Napansin ito ni Janella at agad siyang umatras, habang nag-iingat na tumingin sa kanya.“Huwag kang basta-basta gumalaw. Naka-makeup ako. Kapag nasira ‘yan, hindi na ako lalabas kasama mo ngayon!”Kaya pala ayaw niyang mahawakan, takot siyang masira ang makeup niya.Ibinalik ni Vernon ang kamay niya at tiningnan ang mukha nito.Maganda ito. Mas maayos pa ang kondisyon ng balat nito kaysa sa kanya, wala pang mukhang cakey o sobrang pulbos.Ibinuhos ni Janella ang lahat ng sisi sa kanya at wala namang pagtutol si Vernon.Ang mga taong nasa pinakamataas na antas ng posisyon ay hindi natatakot umako ng pagkakamali.Kakayahang magtrabaho, tumanggap ng pressure, magmuni-muni at magdesisyon—iyan ang batayan ng taong matagumpay. Ang iba pang katangian ay dagdag na la

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 94: Blame

    Hindi naman siya isang high school student na kailangang may kasamang kaibigan kapag pupunta sa banyo o magpapalit ng damit.Gustong-gusto talagang magreklamo ni Janella.Halata kay Vernon na may gusto itong ireklamo.Ngunit mas mabilis ang kilos niya kaysa sa mga salita nito.Direkta niyang hinawakan ang batok ni Janella at pinilit itong tumango.Pagkatapos ay magalang niyang sinabi sa lahat.Sa sandaling mawala ang mga paa niya sa sahig, bigla siyang naging napakabait.“Please excuse us.”Pagkasabi niyon, halos buhatin na niya si Janella habang hinihila palayo.Ngumiti pa siya kay Vernon na parang nanghihingi ng awa.Ang kapalit nito ay isang malamig na tinging may babala.Bihirang magpakita si Vernon ng ganoong ekspresyon sa harap ng ibang tao.Masama ang kanyang timpla ngayon.Kaya walang sinuman ang nangahas na lumapit upang makipag-usap sa kanya.Hindi rin gaanong nagsalita ang waiter na sumalubong sa kanila.Inihatid lamang sila nito sa silid-pampalit at nagsabi.“Kung kailanga

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 93: Gossip

    Naputol si Vincent at hindi na nagpatuloy sa pagsasalita.Sa halip, tahimik na lamang niyang minasdan ang nangyayari mula sa gilid.Sumulyap si Rafael sa ekspresyon ni Vernon.Ngunit agad niyang naunawaan ang sitwasyon at nagkunwaring wala siyang narinig.Ngumiti si Bryan nang may malalim na kahulugan.Umorder siya ng isang baso ng champagne mula sa waiter at pagkatapos ay kumindat sa isang magandang sosyalita sa likuran.Agad namula ang babae at bumilis ang tibok ng puso nito.Talagang kayang bilhin ng pera ang maraming bagay.Mayroon ding dalawang binata at dalagang halatang mas bata kaysa sa mga taong nakapaligid sa kanila.Masigla at puno sila ng sigla.Sila ang mga apo ni Vincent na sina Hanz at Hailey.Pareho pa silang menor de edad at mahilig makinig sa mga tsismis tungkol sa pag-ibig.Ang mga sosyalitang nasa pinakalabas ng grupo, pati na rin ang mga lokal na negosyanteng nasa medyo malayong bahagi ng bulwagan ay nakikinig nang mabuti.Lahat sila ay gustong malaman ang totoong

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 92: Young

    Hindi naman problema ang mahuli.Ang party ay ginanap sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pilipinas. Ang Okada Manila. Ito ay kilalang hotel na pinagdadaluhan ng mga sikat at yayamaning tao sa bansa.Ang Okada Manila ay isang marangyang five-star integrated resort na matatagpuan sa Entertainment City, Parañaque. Kilala ito bilang isa sa pinakamalalaking casino-hotel complex sa Pilipinas at dinarayo ng mga turista, negosyante at lokal na bisita.Ito ay isa sa mga pangunahing destinasyon ng turismo sa Metro Manila. Malaki ang ambag nito sa ekonomiya dahil sa trabaho, turismo, at negosyo na naaakit nito.Ito rin ay isang simbolo ng modernong luxury at entertainment sa Pilipinas—isang lugar kung saan pinagsasama ang pahinga, kasiyahan, at karangyaan sa iisang destinasyon.Tinulungan ni Vernon si Janella na bumaba ng sasakyan bago sila tumapak sa pulang karpet.Agad silang sinalubong ng mga waiter na nakabantay sa entrada ng bulwagan.Napakahusay ng kanilang serbisyo.Inihatid sina Janel

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 6: Confrontation

    Para maging isang hindi malilimutang white moonlight ni Vernon sa loob ng napakaraming taon, tiyak na napakaganda ni Elle. Mayroon siyang mukhang patok na patok sa masa ngayon, buhay na buhay, kahanga-hanga, at may kakaibang karisma na madaling makabihag ng puso. Siya ang apo ng mayamang pamilya sa

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 5: I've Long Admired You

    Tumingin si Janella sa direksyon ng pinanggalingan ng boses at hindi niya napigilang mapailing nang bahagya. Parang may inis na matagal nang kinikimkim ngunit hindi niya ipinapakita agad. Kilalang-kilala niya ang nagsalita. Si Kiel, ang pangalawang anak ng isang kilalang pamilya sa industriya ng bu

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 4: Catching Adultery

    Pumasok si Janella na dala ang kanyang sasakyan ngunit hinarang siya ng isang guwardiya bago pa man siya makarating sa entrada. Sa sandaling iyon, ramdam agad ang lamig ng lugar na parang kahit ang hangin ay may kasamang pagsusuri sa bawat dumadaan.Binuksan niya ang bintana at narinig ang sinabi n

  • Trapped on Unraveling Marriage: The Discarded Wife Wants Out   CHAPTER 3: Try

    “Anong ginagawa mo nitong mga nakaraang araw?”Sa malamig ngunit tila mahinahong tanong ni Vernon, saglit na tumigil ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Ang katahimikan ng silid ay parang mas lalong lumakas habang si Janella ay nanatiling nakatayo at kalmado sa panlaba pero magulo ang isip. Sa loo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status