FAZER LOGINHindi pa man tuluyang nilalamon ng antok si Lorraine, naramdaman na niya ang magaspang ngunit mainit na palad ni Tyron na gumagapang sa kaniyang hubad na balakang.Akala niya ay tapos na sila. Akala niya ay sapat na ang isang beses para pawiin ang matinding kaba at takot ni Tyron na baka tuluyan siyang mawala dahil sa ilang oras nilang pagkakahiwalay. Pero mali siya. Para sa isang bilyonaryong tulad ni Tyron na muntik nang gumuho ang mundo noong mag-walk out siya, hindi kailanman magiging sapat ang isang beses.Napabuntong-hininga si Lorraine nang maramdaman ang maiinit na labi ni Tyron na nag-iiwan ng sunod-sunod na halik sa kaniyang batok, pababa sa kaniyang balikat. Ang isang braso nito ay nakaipit sa ilalim niya, habang ang kabilang kamay naman ay pilit siyang inihaharap dito."Tyron..." inaantok ngunit may halong lambing na reklamo niya nang tuluyan siyang ihiga nito nang patihaya."I'm not done with you yet, honey," paos at madilim ang boses na bulong nito.Nang imulat niya ang
Nang lumalim ang gabi, tuluyan nang binalot ng katahimikan ang Isla Verde. Tanging ang malamig na simoy ng hangin at ang ritmo ng mga alon sa pampang ang naririnig.Tahimik na naglakad sina Tyron at Lorraine papasok sa loob ng bahay. Walang nagsasalita, pero mahigpit na magkahawak ang kanilang mga kamay. Parang pareho silang natatakot na kapag bumitaw sila, baka magising sila mula sa isang panaginip.Pagpasok nila sa kwarto ni Lorraine, agad na isinara ng lalaki ang pinto at ni-lock iyon. Tanging ang dim light mula sa lampshade sa gilid ng kama ang nagbibigay ng kulay-kahel na liwanag sa kabuuan ng silid.Sumandal si Lorraine sa pinto, ang dibdib ay mabilis na umaangat-baba dahil sa kaba at pananabik. Nakatayo lang si Tyron sa harapan niya. Ang mga mata nito ay madilim, seryoso, at puno ng nag-aalab na emosyong matagal nitong pinigilan."Are you okay?" paos na tanong ni Tyron, nakatingin nang diretso sa mga mata niya.Tumango si Lorraine. Dahan-dahan niyang inangat ang mga kamay at ip
Hindi agad nakapagsalita si Lorraine.Nakatayo lamang siya sa veranda, mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kaniyang white summer dress. Hindi niya maalis ang paningin kay Tyron. Tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan habang nililipad ng malambot na hangin mula sa dagat ang kaniyang buhok.Hindi niya inaasahang makikita ang lalaki rito. Lalo na matapos ang mabigat na usapan nila kagabi. Akala niya, bibigyan muna siya nito ng oras para makapag-isip. Akala niya, hahayaan muna siyang mapag-isa sa isla.Pero he was here. In front of her.At ang mas nakakagulat pa, mukhang naglakad ito nang napakalayo bago siya natagpuan. Magulo ang perpektong buhok nito. Bahagyang gusot at may mantsa ng alikabok ang mamahaling polo nito. May maliit na gasgas sa palad nito at tila pagod na pagod ang mukha, pero ang mga mata nito ay nakatitig lang sa kaniya na parang siya lang ang mahalagang bagay sa mundo."Anong ginagawa mo rito?" sa wakas ay basag niya sa katahimikan, mahina at nanginginig ang boses.
Hindi sanay si Tyron na maligaw.Sa buong buhay niya, nakasanayan na niyang planado ang lahat. Halos lahat ng pupuntahan niya ay may naghihintay na driver, may naka-standby na assistant, may high-tech na GPS, o may taong nakahandang sumundo at mag-asikaso sa kaniya. Sanay siyang nagbibigay ng utos at nakukuha agad ang gusto niya.Pero ngayong araw, wala sa mga iyon ang mayroon siya.At higit sa lahat, wala siyang pakialam. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay kailangan niyang makarating sa Isla Verde. Kailangan niyang makita si Lorraine ngayon din.Matapos ang mahaba at nakakapagod na biyahe mula sa siyudad, sa wakas ay narating niya ang maliit na pantalan kung saan sinabi ni Regine na maaari siyang sumakay ng bangka patungo sa isla. Pagkababa niya ng sasakyan, sumalubong agad sa kaniya ang maalat na amoy ng dagat at ang mainit na sikat ng araw. Agad niyang hinanap ang taong maaaring maghatid sa kaniya."Excuse me."Napalingon ang isang matandang lalaki na nag-aayos ng lubid malapit
Maaga pa lang ay naka-park na ang itim na SUV ni Tyron sa tapat ng school.Hindi naman talaga siya dapat ganoon kaaga. Alam niyang alas-singko pa ang dismissal ni Lorraine, pero matapos ang mabigat na usapan nila ni Emelyn kanina, parang gusto niyang makita agad ang babae. Hindi para sabihin ang tungkol sa nangyari. Ayaw niyang dalhin ang gulong iyon kay Lorraine.Ang gusto niya lang gawin ay sunduin ito, isakay sa kotse, dalhin sa paborito nilang café, at tahimik na makinig sa mga kuwento nito tungkol sa naging araw nito. Simple lang. Gusto niya lang maramdaman na kasama niya ito.At least, iyon sana ang plano niya.Lumabas siya at sumandal sa gilid ng SUV habang hinihintay ang oras. Pinapanood niya ang ilang mga estudyanteng naglalabasan na mula sa gate. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang may pamilyar na bulto siyang nakita.Si Regine. May hawak itong maliit na brown paper bag at tila abalang-abala sa pag-nguya ng isang malaking piraso ng banana maruya.Nang mapansin siya nito, b
Tatlong taon na niyang pilit inililibing sa limot ang gabing iyon. Pero ngayon, habang nakaupo si Tyron sa loob ng tahimik niyang sasakyan at nakatitig sa glass window ng café kung saan naghihintay si Emelyn, pakiramdam niya ay muling umaalon pabalik ang lahat.Ang galit, ang pakiramdam ng pagtataksil, at ang mismong gabi na tuluyang sumira sa buhay niya noon.Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Nangibabaw sa isip niya ang mukha ni Lorraine, ang maamo nitong ngiti at ang takot sa mga mata nito nitong mga nakaraang araw. Hindi niya kayang hayaang madamay si Lorraine sa gulong matagal na niyang iniwan sa nakaraan.Kailangan na niya itong tapusin. Once and for all.Pagpasok niya sa café, tumunog ang maliit na bell sa pinto. Agad na hinanap ng mga mata niya si Emelyn, at nakita niya itong nakaupo sa isang medyo tago at tahimik na sulok. Nang magtagpo ang mga paningin nila, kapansin-pansin ang kaba na dumaan sa mukha ng babae. Umayos ito ng upo."Tyron."Wala ni isang bakas ng ngiti sa
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p







