INICIAR SESIÓNLEOBERT POVSanay ako sa ingay. Bilang isang MAPEH teacher, ang araw-araw na buhay ko ay umiikot sa tunog ng pito, sigawan ng mga estudyante sa basketball court, tawanan sa pasilyo, at ang malakas na paghampas ng bola sa sahig ng gymnasium. Sanay ako sa gulo. Sanay ako sa buhay.Pero ngayon, habang nakaupo ako sa pamilyar na silya ko sa loob ng faculty room, ang katahimikan ay nakabibingi.Tinitigan ko ang bakanteng desk sa kanan ko. Malinis na ito. Wala na ang mga nakasalansan na test papers, wala na ang lumang mug na may mantsa ng kape, at wala na ang mga pulang ballpen na palagi niyang kinakagat sa dulo kapag nag-iisip siya. Wala na ang nag-iisang babaeng nagbigay ng panibagong kahulugan sa bawat umaga ko dito sa San Isidro High School.Wala na si Catherine.Isang linggo na ang lumipas mula nang dumating ang tatlong itim na SUV at ang lalaking nagpakilalang fiancé niya. Isang linggo na rin mula nang durugin niya ang puso ko sa mismong pasilyo ng eskwelahang ito.“Wala kang alam sa
Matapos ang nakabibinging palakpakan at ang nakakapasong kislap ng libo-libong camera, tila isang malamig at madilim na kuweba ang loob ng limousine pabalik sa mansyon.Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng kalsada ay nag-iiwan ng mabilis na guhit sa salamin, sumasabay sa tahimik na pag-ugong ng makina. Sa tabi ko, nakasandal si Wilbert sa leather seat, isang baso ng mamahaling whiskey ang hawak ng kabilang kamay, habang ang isa ay mahigpit na nakapulupot sa aking baywang.Hindi niya ako kinakausap, ngunit nararamdaman ko ang mabigat at mapanuri niyang paningin. Hinihintay niyang gumuho ang maskara ko. Hinihintay niyang umiyak ako ngayon dahil wala na ang mga matang nakamasid sa amin.Ngunit nanatili akong tuwid at kalmado. Hindi ko ibibigay sa kanya ang kasiyahan ng pagkakita sa kahinaan ko.Nang marating namin ang mansyon, sinalubong kami ng pamilyar na hilera ng mga kasambahay at bodyguard. Sabay-sabay silang yumuko, ang kanilang mga anino ay humahaba sa ilalim
Walang tigil ang pag-ilaw ng mga camera. Kung sa ibang pagkakataon ito nangyari, marahil ay nabingi na ako sa mga sigawan ng mga reporter at nabulag na sa sunod-sunod na pagkidlat ng mga lente. Marahil ay yumuko na ako, nagtago sa likuran ni Wilbert, at hinayaan siyang maging panangga ko.Ngunit tapos na ang panahon ng pagtatago ko.Habang naglalakad kami sa kahabaan ng red carpet, pinanatili ko ang aking perpektong tindig. Ang mabigat na midnight black velvet gown ay sumusunod sa bawat hakbang ko, ang mga itim na crystal nito ay sumasalo sa mga ilaw, tila nag-aapoy sa gitna ng gabi. Bawat anggulo, bawat paglingon, ay kalkulado. Ngumiti ako sa mga camera, isang ngiting walang halong takot, kundi pure confidence lang ang pinapakita ko.Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng kamay ni Wilbert sa aking baywang. Hindi iyon pamilyar sa kanya. Sanay siyang ako ang kinakabahan. Sanay siyang siya ang kumokontrol sa bawat paghinga ko sa harap ng publiko.Bumagal ang hakbang niya at bahagyan
Limang oras akong nakaupo sa harap ng malaking vanity mirror sa master suite habang pinapalibutan ako ng anim na tao. Isang sikat na makeup artist, dalawang hairstylist, at tatlong personal dresser. Lahat sila ay nakasuot ng itim na uniporme, kumikilos nang mabilis at tahimik na parang mga makina.Walang small talk. Walang nagtangkang magtanong kung kumusta na ako o kung bakit ako nawala ng limang buwan. Alam ng mga taong ito kung paano magtrabaho para sa isang halimaw tulad ni Wilbert Vanguard, kailangan nilang maging bulag, bingi, at pipi. Para sa kanila, hindi ako isang tao. Isa akong mamahaling manika na kailangan nilang bihisan.Ipinikit ko ang aking mga mata habang marahan nilang inaayos ang buhok ko, itinatali ito sa isang masalimuot ngunit eleganteng chignon na nag-iiwan ng ilang takas na hibla upang bumagsak sa aking batok. Naramdaman ko ang malamig na brush sa aking mga pisngi at talukap, naglalagay ng mga kulay na sadyang pinili upang gawin akong perpekto at maganda.Magand
Ang unang gumising sa akin ay ang nakakapasong init ng isang mabigat na braso na nakapulupot sa aking baywang.Hindi ko pa man iminumulat ang aking mga mata, alam ko na kung nasaan ako. Amoy pa lang ng mamahaling fabric conditioner sa makapal na silk, at ang mahinang ugong ng aircon, pamilyar na pamilyar na sa akin. Wala na ako sa maliit at maalikabok kong apartment sa San Isidro.Nandito na ulit ako sa impyerno.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Ang unang sumalubong sa paningin ko ay ang malapad at hubad na dibdib ni Wilbert. Nakatagilid siya paharap sa akin. At nang mag-angat ako ng tingin, nakita kong kanina pa siya gising. Ang madilim at mapanuri niyang mga mata ay tahimik na nakatitig sa mukha ko, binabantayan ang bawat paggalaw ng aking mga pilikmata, hinihintay ang pamilyar na panginginig ng aking katawan sa tuwing magigising akong katabi siya.Ngunit pinatay ko na ang lumang Catherine.Sa halip na umiwas ng tingin at umatras, nanatili akong tahimik. Humugot ako ng
Ang bawat pag-ikot ng kamay ng malaking orasan sa gilid ng kwarto ay tila martilyong marahang ibinabaon sa aking utak.Lumipas ang buong maghapon na nakakulong lamang ako sa master suite. Walang bintanang maaring buksan, walang telebisyon na gumagana, at walang anumang komunikasyon sa labas ng mundong ito. Ang tanging ingay lamang na narinig ko ay ang tatlong beses na pagpasok ng mga kasambahay upang magdala ng pagkain at linisin ang banyo. Ni hindi nila ako kinakausap o tinitingnan sa mga mata. Mapapamura ka na lang talaga. Leche!Tinitigan ko ang malamig na truffle pasta at caviar sa ibabaw ng silver tray na iniwan nila para sa aking tanghalian. Kung ako ang lumang Catherine, ang babaeng umiiyak, nagmamakaawa, at nagpapagutom bilang protesta, marahil ay itinapon ko na ang buong tray sa pader.Ngunit tapos na ako sa pagiging mahina. Hindi ako makakalaya kung mamatay ako sa gutom. Hindi ako makakalaban kung wala akong lakas.Dahan-dahan akong tumayo, naglakad patungo sa mesa, at kinuh
“You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p







