Share

CHAPTER 43

Penulis: Athena Beatrice
last update Tanggal publikasi: 2026-05-23 08:55:00

Ang buong akala ni Cassy ay malinaw sa mga bata na hindi sila gagastos masyado ng mga bata pero mukhang mali siya.

Pagpasok pa lang kasi nila sa mall ay kung anu-ano na ang binili ni Martin para sa bata. Damit, gamit sa school, laruan at kung anu-ano pa. Masaya man si Cassy pero may kung ano sa isip at puso niyang nagsasabi na sayang ang perang ginastos ni Martin para sa mga bata.

Agad na nilapitan ni Hazel ang kaibigan dahil alam niya na ang iniisip nito.

“O, kilala ko ang mukhang iyan. Hay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 43

    Ang buong akala ni Cassy ay malinaw sa mga bata na hindi sila gagastos masyado ng mga bata pero mukhang mali siya. Pagpasok pa lang kasi nila sa mall ay kung anu-ano na ang binili ni Martin para sa bata. Damit, gamit sa school, laruan at kung anu-ano pa. Masaya man si Cassy pero may kung ano sa isip at puso niyang nagsasabi na sayang ang perang ginastos ni Martin para sa mga bata. Agad na nilapitan ni Hazel ang kaibigan dahil alam niya na ang iniisip nito. “O, kilala ko ang mukhang iyan. Hayaan mo na si Sir Martin na bilhin ang lahat ng gusto ng mga anak niya. Limang taon siyang nawala. Okay na iyon.” “Okay? Tingnan mo nga. Kung anu-ano ang binibili niya para sa mga bata. Kailangan ba ng mga bata iyan? Saka, nag-usap na kami ng kambal. Kung alam ko lang na hindi sila makikinig sa akin, e di sana ay hindi ko na sila kinausap,” inis na sabi ni Cassy. Natatawa namang sumagot si Hazel. “Minsan lang iyan, isipin mo na lang na bumabawi siya sa mga bata. Syempre, na-excite din iyang mag

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 42

    Inis na inis si Cassy dahil sa tawaag ni Martin sa kanya. She was hopeful that everything will be alright between them. Pero, mali siya. Nasa isip niya lang pala ang lahat ng iyon at hindi iyon mangyayari kahit gustuhin pa niya. Napansin siya ni Hazel, agad itong lumapit sa kaibigan para tanungin ito pero hindi pa man siya nagsasalita ay nagsalita na agad si Cassy. “Iyong lalaking iyon talaga, kahit kailan! Ang sabi niya, ilalabas niya ang mga bata. Tapos ngayon, reschedule na raw dahil doon sa Portia na iyon?!” “Uy, girl. Kalma. Baka naman talagang urgent iyon para puntahan niya. Okay lang naman siguro na ire-schedule niya, di ba?” sagot ni Hazel. “Naiintindihan ko naman iyon. Busy siyang tao dahil CEO siya ng kumpanya. Pero, bakit ngayon pa? Ang timing naman, di ba? Sige nga, paano ko na sasabihin ito sa mga anak ko?” “Ipapaliwanag mo naman, di ba? Siguro naman, maiintindihan ng mga bata iyon. Matatalino naman sina Liam at Levi, e,” pag-comfort pa ni Hazel sa kanyang kaibigan.

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 41

    Dumating na ang araw kung saan ilalabas na ni Martin ang mga bata. Excited ang kambal dahil first time iyon mangyayari sa kanila. Nailalabas man kasi sila ni Cassy ay hindi pa rin sapat iyon dahil wala naman sila gaanong pera. “Excited na excited ang kambal ah. Sasabihin na ba ni Martin sa kanila na siya ang ama nila?” tanong ni Hazel pagkatapos ay pinagdilatan siya ng mata ni Cassy. “Hazel, ano ba? Baka marinig ka nila. Tigilan mo nga iyang sinasabi mo.” “Bakit? Kaya nga nagtatanong ako,” natatawang sagot ni Hazel. “Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang totoo. Nag-usap naman na kami ni Martin. Ayaw din niyang biglain ang mga bata kaya okay na kami sa ganito.” Bahagyang napangiti si Hazel, may kilig siyang nararamdaman para sa dalawa. “Wow, Martin na lang ang tawag mo sa kanya, ah? Hindi na Sir Martin?” Nang-aasar pa ang itsura nito kaya lalong asar si Cassy noong mga oras na iyon. “A-Ah, tinawag ko lang siyang Martin dahil siya ang ama ng mga anak ko. Ano ka ba? H

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 40

    “Hindi. Hindi mo sila pwedeng ilayo sa akin. Ngayon pa kung kailan alam ko na ang katotohanan? Please, Cassy. Alam kong wala tayong relasyon pero hayaan mo naman akong maging ama sa mga anak ko,” sabi ni Martin, malinaw iyon.“Hayaan? Paano kita hahayaan kung pakiramdam ko ay kukunin mo sa akin ang mga anak ko? Mapera ka at makapangyarihan. Sa isang iglap lang, pwede mong dalhin sa kung saan ang mga anak ko,” sabi ni Cassy, may takot sa boses niya, hindi na maitago.“Hindi ba’t sinabi ko na sayo kahapon? Hindi ko kukunin ang mga bata sa'yo dahil alam kong hindi ganun kadali ang lahat. Isa pa, ikaw ang nanay nila. Bakit ko iyon ipagkakait sa mga anak ko, ha?” may inis na sa boses ni Martin noon.Natahimik si Cassy. Alam niyang mali ang gagawin niya pero may takot pa rin siyang nararamdaman dahil alam niyang tuluyan nang magbabago ang buhay ng kambal niya kapag nakilala na nila kung sino ang ama nila.“H-Hindi mo talaga

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 39

    Umaga pa lang ay kabado na si Cassy dahil balak niyang umalis sa HappyHatch Baby Co at ibalik ang bahay na binigay ni Martin para sa kanila ng kanyang mga anak. Habang nagkakape ay hindi naiwasan ni Hazel na tanungin ang kaibigan habang busy pa ang kambal sa mga ginagawa nila. “Sure ka na bang ibabalik mo ang bahay na ‘to?” “Hmm, oo. Bakit?” sagot ni Cassy. “Wala naman. Iniisip ko lang kasi, kailangan niyo ito ng mga bata. Kung aalis tayo rito, saan tayo titira? I mean, okay naman tayo dito, di ba?” may pag-aalalang sabi ni Hazel. “Well, totoo naman ang sinasabi mo. Pero, gusto ko na talagang ilayo ang mga bata rito. Oo, unfair para kay Martin na hindi ko ipapakita sa kanya ang mga bata pero natatakot kasi ako.” Napabuntong-hininga na lang si Hazel bago tuluyang sumagot kay Cassy. “Pero di ba, sinabi mo kagabi na deserve ng mga bata na makilala si Martin? Anong nangyari at nagbago na ang isip mo ngayon?” Natahimik saglit si Cassy. “Sa totoo lang, hindi ako nakatulog sa kakais

  • Twins With The Disabled CEO   CHAPTER 38

    Takot na takot si Cassy noon. Pakiramdam niya, sinabi lang ni Martin iyon para hindi siya mag-alala. Pero darating ang araw na kukunin ng kanyang boss ang mga bata at ilalayo sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya. Kung kanina ay naiintindihan pa niya ang sinasabi ni Martin, ngayon ay ayaw na niyang makinig sa kung ano mang sabihin nito. “Kung sinasabi mo lang ang lahat ng iyan para ipagkatiwala ko sayo ang mga bata, sorry ka. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Mahal ko ang mga anak ko. Hindi ko sila ipagkakatiwala sa isang lalaki na ngayon ko lang nakilala,” sabi ni Cassy. “Gabriel, pakibigay kay Cassy,” utos ni Martin. Nagtataka man pero hinayaan ni Cassy kung ano man ang ibibigay ni Gabriel sa kanya. May binigay itong papel, pagsilip ni Cassy ay nanlaki ang mga mata niya. “What? Five million pesos? Ano ito, Sir Martin? Binabayaran mo ba ko para ibigay ko sayo ang mga bata? Ano iyon? Binibili mo–” Hindi natapos kung ano man ang sasabihin ni Cassy dahil sumagot si Martin sa kanya. “I'

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status