Se connecterHindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay. Minsan may liwanag, minsan may dilim. Minsan may boses, minsan katahimikan. Pero sa bawat pagbalik ng ulirat ni Martin, isang mukha lang ang sumasalubong sa kanya, ang babaeng hindi niya kilala pero nasa iisa silang kama.
Nakalipas na ang ilang linggo nang tuluyan niyang idilat ang mga mata, puting kisame ang unang nag-anyaya sa kanya pabalik sa realidad. Kasunod ang tunog ng monitor at mahihinang yabag sa paligid niya. At saka ang katotohanang pinakamabigat sa lahat, ay yung hindi na niya maramdaman ang kalahati ng katawan niya. Parang may malalim na hukay sa loob niya. Parang may tinakpan na pintuan ng buhay niya, at hindi na niya ito mabubuksan kahit anong pagpupumilit. Nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya, tumingin siya sa kanan. Si Mang Froi iyon, nakaupo at nakayuko. Halatang ilang beses nang umiyak. May benda ang noo at braso, at nangingitim ang mga mata. “Sir… salamat sa Diyos at gising na kayo,” nanginginig nitong sabi. Sandaling tumigil si Martin, pilit inaalala ang lahat. Ang pag-alis niya sa hotel. Ang babaeng kasama niya sa kama. Ang pakiusap niya kay Mang Froi. At ang nangyari sa kanya sa kotse. “M-Mang Froi…” basag ang boses niya. “Ano’ng nangyari?” Bago pa man makasagot ang driver, pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse. Pare-pareho ang ekspresyon. Seryoso, may pag-aalala, at walang kahit katiting na pag-asa sa kanilang mga mata. “Mr. Monteclaro,” bungad ng doktor, “narito ang resulta ng lahat ng test na ginawa namin sa iyo. Kailangan po nating maging malinaw sa kundisyon ninyo ngayon.” Huminto ang mundo ni Martin sa sandaling iyon. “Dahil sa impact ng aksidente,” mahinahong paliwanag ng doktor, “napuruhan ang gulugod niyo. Severely. Marami pong nabasag na vertebra at naapektuhan ang nerves mula baywang pababa.” Napahigpit ang hawak ni Mang Froi sa bakal. Parang humigop ng lamig ang buong silid. “Ginawa namin ang lahat para maibalik ang function ng inyong mga paa…” patuloy ng doktor, “pero—” “Hindi na ako makakalakad,” bulong ni Martin, halos hindi na buo ang boses. Nagkatinginan ang mga nurse. Dahan-dahang tumango ang doktor. “Hindi na po. Permanenteng paralysis na po mula baywang pababa. Hindi na rin po kayo magkakaroon ng sensation o kontrol sa inyong legs. Kakailanganin n’yo ng therapy, wheelchair at long-term care.” Parang sinuntok ang sikmura ni Martin. Pumikit siya, pilit iniipon ang lakas, pero ang totoo’y gusto niyang mawala na lang sa mundong iyon. Gusto niyang sumigaw, pero wala siyang boses. Gusto niyang bumangon, pero wala siyang pakiramdam. “Mang Froi…” pabulong niyang tanong, “nakita mo na ba kung sino ang babaeng pinapahanap ko sa'yo?” Nag-angat ng tingin ang matanda, puno ng guilt at lungkot. “Sir, hindi ko po nahanap ang tao sa likod ng pagloloko ng preno ninyo. Pero ipinapa-imbestigahan ko na po. Pinuntahan ko rin yung hotel, pero sir, walang lumabas na pangalan doon. At ‘yung babaeng kasama n’yo sa kwarto, wala pong description, wala pong footage sa hallway na malinaw kaya hindi ko rin nalaman ang pangalan niya.” Tumigil ito, nauutal. “Kukunan ko rin po sana ng picture para mapahanap natin, kaso… sir, hindi ko rin siya nakita pagbalik ko. Wala na po siya sa room.” Parang biglang lumubog ang puso ni Martin. “Huwag mo sabihing… wala na tayong pag-asa para makita natin siya?” Nanginginig na tumango si Mang Froi. At doon, lalo niyang naramdaman ang sakit. Hindi dahil sa paa niya o dahil hindi na siya makakalakad. Kundi dahil may babaeng nasaktan at posibleng nagamit niya nang hindi sinasadya, na bigla na lang siyang umalis nang mag-isa, at wala siyang nagawa para protektahan man lang ito. “Hindi ako pwedeng huminto sa paghahanap sa kanya,” mariin niyang bulong, kahit na nanginginig ang boses. “Kailangan kong hanapin siya.” “Sir…” malungkot na sagot ni Mang Froi, “sa kalagayan n’yo ngayon—” “Hindi.” Nawala ang hina sa boses ni Martin. Muli siyang humigop ng hangin. “Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, bakit siya nandoon, kung sinong nagdala sa kanya roon. Pero… may nangyari sa amin kagabi. May maling nangyari.” Napatingin sa sahig si Mang Froi. Kita sa mukha nito ang takot, hindi lang para sa batang matagal na niyang inaalagaan, kundi para sa katotohanang alam niyang hindi susuko si Martin. Ang gusto niyang mangyari, mangyayari. “Mang Froi,” patuloy ni Martin, “Kahit hindi na ako makalakad, ikaw, pwede pa. Pwede ka pa ring magtanong, maghanap, bumalik sa hotel, kausapin ang staff, kahit sino. Kailangan kong malaman kung sino siya.” “Sir…” “Hanapin mo siya,” mariin niyang utos, kahit halos maubos ang lakas niya. “Hanapin mo ang babaeng nakatabi ko sa kama.” Namula ang mata ni Mang Froi. Tumulo ang luha. “Sir… gagawin ko ang lahat. Hindi kita pababayaan. Pangako ko iyan sa'yo.” Nakanganga si Martin, humihingal, pero tuloy-tuloy ang luha sa gilid ng mata niya. Iniangat niya ang kamay niya, mahina at nanginginig, pero sinalubong naman iyon ni Mang Froi. “Mang Froi, pakisabi sa kanya, kapag nakita mo siya, sabihin mong gusto kong mag-sorry. At babawi ako. Kahit… kahit ganito na ako.” “Tao pa rin po kayo, sir. Hindi niyo kasalanan ang aksidenteng nangyari sa inyo. Hindi niyo kasalanan kung ano man ang nangyari sa babae—” “Pero ako ang nandun. Ako ang huling taong kasama niya. May nangyari pa sa amin,” sagot ni Martin, sa basag na boses. “At ngayon… ako ang huling dapat maghanap sa kanya. Hindi ko kayang hindi malaman kung ayos lang siya.” Humigpit ang hawak niya kay Mang Froi. “Kahit hindi niya ko patawarin sa nangyari sa amin, kailangan ko pa rin siyang mahanap.” Tumayo si Mang Froi, pinunasan ang luha, at buong bigat na sumaludo sa kanya. “Sisimulan ko agad ang paghahanap ulit sa kanya, sir.” Paglabas ng matanda, naiwan si Martin sa katahimikan ng kwarto. Humigpit ang sakit na parang malaking puwang sa dibdib niya.(Martin’s POV) Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing direkta kay Gabriel ang tunay na rason kung bakit kailangan kong malaman ang tungkol doon sa babae. “Alamin mo kung taga saan siya.” Mahina pero matigas ang boses ko, at alam kong sapat na iyon para malaman ni Gabriel na hindi ako nagbibiro. “Taga saan, sir? Ibig sabihin ay…” Ramdam ko ang pagkalito niya. Wala namang bago. Hindi ako basta nagbibigay ng utos na walang paliwanag, pero ngayon… hindi ko kayang bigyan siya ng kahit anong clue. “Alamin mo ang address niya. Background. Pero wala kang gagawin oras na malaman mo. Wala kang lalapitan. Wala kang kukunin na kung ano man sa kanya. Alamin mo lang.” Hindi ko tiningnan si Gabriel. Ayokong makita ang reaksyon sa mukha niya, dahil masyado nang halata ang tensyon sa dibdib ko. Kahit ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, e. “Warning po ba ‘yon para sa kanya?” tanong niya ulit, hindi makapaniwala. Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kailangan na sumagot. Ang
(Martin's POV) Tahimik ang umagang iyon, o at least, gano’n ang gusto kong paniwalain ang sarili ko. Sa totoo lang, wala ni isang araw na naging tahimik para sa’kin mula nang hindi na ako makalakad. Kung hindi board meetings, deadlines, o mga mata ng mga empleyado kong laging nakaabang sa bawat kibot ko. Limang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ulit akong maghanap. Tatlong buwan mula nang bumalik ang isang alaala na matagal ko nang sinubukang ilibing, o baka hindi ko talaga kailangang ilibing, dahil kahit pilitin ko, hindi ko siya makalimutan. Limang taon na ang lumipas, pero sariwa pa rin sa isip ko ang gabi na ‘yon. Hindi ko alam ang pangalan niya noon. Hindi ko alam ang buhay niya, ang pamilya niya, o kung kasama ba siya ng iba. Ang tanging naiwan sa akin ay ang mukha niya, iyong simpleng mukha na may mapungay na matang nakatingin sa akin. Pero habang tumatagal, imbes na mawala siya sa isip ko, mas lalo ko siyang naaalala. Minsan iniisip ko, totoo ba talaga ang nang
“Maghanap ka nang matutuluyan ni Miss Dela Vera bukas. Update me about it,” malinaw na utos ni Martin kay Gabriel pero labis siyang nagulat. “Pero, Sir.. Binayaran niyo na po ang kulang na renta niya, di ba? Okay na po siguro iyon para sa kanila,” tutol ni Gabriel. Masama tuloy ang tingin ni Martin sa kanyang bodyguard. Pagkatapos ay umulit siya ng sabi, “Hanapan mo sila o ikaw ang maghahanap ng bago mong trabaho? Mamili ka.” Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa sinambit ng kanyang amo. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito. Hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit biglang nag-utos si Martin na humanap ng bagong tutuluyan para kina Cassy at ng kambal nitong sina Liam at Levi. Sanay siya na sumusunod sa bawat utos ng kanyang amo, mula sa pagbabantay sa opisina hanggang sa pag-asikaso sa personal nitong seguridad. Pero, kakaiba ang request na ito. Hindi pangkaraniwan, hindi rin simple. At lalong hindi niya alam kung bakit biglang ganito ka-protective si Mart
Wala nang nagawa ang landlady kundi tumango. At nang lumapit si Gabriel at iniabot ang envelope, ngumiti agad ito, yung ngiting napaka-ayos bigla pagkatapos sumigaw kanina. “Salamat po, Sir! Pasensya na po sa gulong dala ko…” Tapos mabilis itong umalis. Tumayo si Cassy nang mahinang-mahina ang tuhod niya. “S-Sir… hindi ko po alam kung bakit niyo ginawa iyon pero hindi ko po hinihiling na bayaran niyo—” hindi na natapos ang kanyang sinasabi. Tumingin si Martin sa kanya, malamig, diretso, at walang emosyon. “Hindi libre ang tulong ko sa'yo.” Napalunok si Cassy. Napaatras. Parang biglang lumitaw ang malinaw na dahilan ng pangamba niya. Hindi siya sanay tumanggap ng tulong mula sa isang estranghero. Lalo na mula sa isang lalaking tulad ni Martin, na kitang-kita sa postura, sa bihis, sa kilos, na may kapangyarihan ito. Kapangyarihang hindi basta nalalapitan. “A-ano pong ibig sabihin?” tanong niya, napakababa ng boses. Hindi agad sumagot si Martin. Parang pinag-iisipan pa kung sasagu
Maagang-maaga. Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, ngunit binulabog na ang katahimikan ng buong apartment complex.Malakas ang katok mula sa pinto.Kasunod ang malakas at nakakabusang sigaw.“Cassy! Cassy Dela Vera! Lumabas ka riyan, kundi wawasakin ko talaga ito!”Napabalikwas si Cassy mula sa kanyang manipis na kutson. Nagkatinginan sina Levi at Liam, parehong nagising at kinakabahan.“Mama… sino po ba ‘yan?” halos bulong ni Liam.“Ah, yung landlady lang, pero don’t worry, Mama will talk to her,” pilit na kalmado niyang sagot kahit ang puso niya’y kumakabog.Tumayo siya, mabilis na inayos ang buhok, at lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa galit na mukha ng landlady na si Aling Mercy, pulang-pula ang pisngi at singhigpit ng bakal ang titig.“Ayan ka pala! Dalawang buwan kang hindi nagbabayad! Akala mo siguro pwede mo akong paikutin, ano?!” sig
Pagkadating nila sa mansyon, mabilis na bumaba ang mga staff para salubungin si Martin. Tahimik siyang itinulak ng isa pang bodyguard papasok sa grand foyer, habang si Gabriel naman ay nasa likod, hawak ang daily report tablet. Malawak ang loob ng mansyon. Ito ay marmol ang sahig, malalaking chandelier, at malalamig na kulay ng ilaw na sumasalamin sa katahimikan ng tirahan ng isang CEO. Pero sa likod ng katahimikan na iyon, kumukulo ang dugo ni Gabriel sa tanong na kanina pa niya pinipigilang bitawan. Hindi na niya kinaya. “Sir,” mahinahon ngunit ramdam ang pag-aalinlangan niyang sabi, “pwede ko po bang itanong… bakit hindi n’yo pinarusahan yung babae kanina sa elevator?” Hindi tumingin si Martin. Sa halip, dahan-dahan niyang tinanggal ang blazer at ipinatong sa armrest ng wheelchair. Tahimik. Matipid. Parang wala siyang naririnig. Pero hindi pwedeng bingi si Martin. Lalo na kapag siyang C







