Share

Two Hearts Victim of Lies: Tagalog
Two Hearts Victim of Lies: Tagalog
Author: Reidpurplelh

Chapter 1

Author: Reidpurplelh
last update Last Updated: 2025-02-28 14:38:32

"Z! Are you coming tonight?"

Pinanlakihan ko ng mata si Lexy at sumenyas sa kaniya na 'wag siyang maingay. It's Friday and my friends want to have fun tonight sa bar hindi kalayuan sa school namin dahil celebration na rin ng birthday ng isa naming team.

Nasa closed gym kami ng school. Nakaupo lang ako sa bench para uminom ng tubig at magpahinga sandali. I just finished my volleyball training and waiting for Ate Bettina. She's a cheerleader in our school. Of course, she's beautiful and talented kaya naman halos karamihan sa boys sa campus ay nililigawan siya.

"I need your answer now, para naman ma-prepare ko na agad ang isusuot ko!" maarteng sabi ni Lexy.

Napairap naman ako at lumapit sa kaniya bago magsalita.

"I'll just message you later. You know naman na I'll make takas ulit," sagot ko sa kaniya.

Natawa siya at bahagya akong tinusok sa tagiliran.

"You're really such a brat! Paano kung malaman ng Mom and Dad mo? Baka pati ako ay mapagalitan kapag nalaman na ako ang kasama mo!" pagsesermon sa akin ni Lexy.

Muli akong napairap at napabuntong hininga. Ano nga ang magagawa ko? Hawak ako sa leeg ng pamilya ko at kahit kailan ay mukhang hindi ako makakawala.

"I'll come. Doon na lang tayo magkita," sagot ko sa kaniya.

Tuwang-tuwa naman siya kaya muli akong sumenyas sa kaniya. Ate Bettina is here at baka malaman pa niya ang pagtakas ko mamaya.

Nang matapos ang practice ni Ate Bettina ay dumiretsyo uwi na kami. As usual ay laging nakasunod sa amin ang bodyguards namin. Wala naman kaming magawa kahit ayaw namin ng bodyguards dahil 'yon ang pinag-uutos ni Daddy.

Yes, mayaman ang pamilya ko at kilala sila ng karamihan. My parents owned a lot of businesses that's why they want to protect us from their competitors na may balak na gawan kami ng masama. Lumaki ako na dapat ay maganda ang image, kahit na ang sarili kong ama ay wala namang good image sa karamihan. Yes, he's a good businessman, pero hindi ko maiwasan na may marinig sa ibang tao tungkol sa pagkakaroon niya ng mga babae. Kailangan ay lagi kang top sa klase, hindi ka pwedeng gumala kasama ang mga kaibigan mo, at may limit ang paglabas mo ng bahay. Kung gano'n ba naman ang sitwasyon mo sa araw-araw ay talagang magsasawa ka.

"I'll just buy iced coffee bago umuwi. What do you want?" tanong sa akin ni Ate Bettina habang nasa sasakyan kami.

"No, it's okay. I'm fine. Thanks," sagot ko sa kaniya.

Tumango lang naman siya at hindi na nagsalita hanggang sa huminto ang sasakyan namin sa isang Cafe. Kaka-open lang iyon kaya medyo marami ang tao. Bago pa bumaba si Ate Bettina ay muli niya akong nilingon.

"Are you sure you don't want anything?" tanong niyang muli.

"Yeah. I'll just wait you here," sagot ko sa kaniya habang nagi-scroll sa phone ko.

Tuluyan nang lumabas ng sasakyan si Ate Bettina kasama ang bodyguards niya habang ang dalawa kong bodyguards ay naiwan sa labas ng sasakyan.

I was thinking kung paano ako tatakas mamaya. Nag-yes na ako kay Lexy kaya kailangan ko talagang pumunta roon mamayang gabi. Sana lang ay hindi pa makauwi agad sila Mom and Dad para madali na lang akong makaalis mamaya. Ang problema ko lang mamaya ay kung paano ako makakalabas ng gate nang hindi nakikita ng guards namin sa bahay. Simula kasi no'ng nahuli nila ako na tumatakas ay mas lalo silang nagbantay.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa bintana dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagka-stress dahil sa pag-iisip. Halos kumalabog naman ang puso ko nang may pamilyar na sasakyan akong nakita. It was Dad's! Hindi ako nagkakamali nang tingin dahil kilala ko ang sasakyan niya. What is he doing here anyway? Sa ganitong oras?

Umayos ako sa pagkakaupo para sana lumabas ng sasakyan, pero laking gulat ko nang makita ko si Daddy. May kasama siyang babae na hindi nalalayo sa edad nilang dalawa ni Mommy.

To hear that my father is having multiple affairs with some women in this city hurt me so much, but it made me crippled when I saw it with my own eyes.

Tumulo ang mga luha ko habang nakatanaw sa ama na nasa labas. Pinagbuksan niya ng pintuan ang babae habang nakahawak siya sa bewang nito. Pakiramdam ko ay winawasak ang buo kong pagkatao. Akala ko ay sinasabi lang 'yon ng ibang tao para siraan siya, pero mismong ako ang nakatuklas na totoo pala iyon.

"Zariya?"

Para akong bumalik sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Ate Bettina. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya, at nakaalis na ang sasakyan ni Dad.

"What's happening?" tanong niya, mukhang nakita na umiiyak ako.

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko bago ako tumingin sa kaniya. Kita ko naman ang pag-aalala niya habang nakatingin sa akin.

"Ate, nakita ko si Dad!"

Napakunot naman ang noo niya at tumingin sa labas.

"Saan? H-Hindi ko naman siya nakita. Wala naman ah?" tanong niya sa akin.

Napailing ako at mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Alam kong alam ni Ate Bettina ang tungkol doon, pero parehas kaming nagbibingi-bingihan sa mga naririnig. Ngayon na nakita ko at napatunayan sa akin ay mas lalo akong nasaktan.

"How could he do this to us? To Mom?!" umiiyak na tanong ko.

Agad naman akong niyakap ni Ate Bettina para patigilin ako sa pag-iyak, pero wala 'yon nagawa.

"Baka kaibigan niya lang 'yon. Hayaan mo na-"

"Kaibigan?! He's guiding that cheap woman to get in his car while holding her waist!" sagot ko habang hindi mapigilan ang galit na nararamdaman.

Umalis sa pagkakayakap sa akin si Ate Bettina at hinawakan ang magkabilang pisngi ko bago muling magsalita.

"Fine, but calm down, okay? Let me handle it. Huwag mo na lang muna sabihin kay Mom para hindi siya lalong ma-stress," sunod-sunod niyang sabi sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako tumigil sa pag-iyak hanggang sa nakauwi kami sa bahay. Tahimik lang akong bumaba sa sasakyan habang si Ate ay naiwan pa. Sigurado akong pagsasabihan niya ang mga guards namin na 'wag nang ipaalam kila Mom and Dad ang pag-iyak ko kanina sa sasakyan.

Ayaw niya kaming gumagawa ng hindi maganda, pero siya naman pala itong gumagawa!

"Z! Are we going to watch na ba?" sinalubong ako ng bunso kong kapatid na si Margot mula sa pintuan.

Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya nang makita ang ayos ko.

"Oh! What happened? Are you alright?" tanong niya.

Natigil ako sandali dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kapatid. I don't want her to know about it, dahil sa aming tatlo ay siya ang mas close kay Daddy.

"Bukas na lang tayo manood, Margot. I'm tired and I want to rest early," sagot ko sa kaniya.

Hindi naman na siya nagtanong pa at hinayaan na lang akong umakyat sa kwarto ko. Naligo ako kaagad at natulog na lang, dahil 'yon naman ang coping mechanism ko kapag maraming iniisip.

Nagising na lang ako nang mag twelve am na dahil tumatawag si Lexy. Agad naman akong napatayo sa higaan ko nang maalala ko na may pupuntahan nga pala akong party.

I just wear my black mini skit and pink halter top. Inilugay ko na lang ang mahaba at wavy kong buhok. Naglagay lang ako ng kaonting make up at halos ipaligo ko ang pabango sa katawan.

Kabado ako nang lumabas ako sa kwarto. Ang buong hallway ay dim lang ang ilaw. Wala akong idea kung nakauwi na ba sila Mom and Dad kaya napatingin ako sa kwarto nila. Para makasigurado kung nakauwi na ba sila or hindi pa ay dahan-dahan akong lumapit doon at mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang makita kong nakaawang ng kaonti ang kwarto nila.

I was about to leave when I heard my mother talking.

"I don't mean anything. I was just asking if that's true, Zandro. You don't have to be offended by that," narinig kong sabi ni Mommy.

Nanatili ako hindi kalayuan sa kwarto nila. Gusto kong marinig kung ano ang pinang-uusapan nila, but I'm sure it was all about Dad and his affairs.

"Of course, not. Paulit-ulit na lang kasi 'yang mga tanong mo. They're just making up story to ruin our family!" pagd-deny na sagot ni Daddy.

Halos mapairap ako at muling namuo ang galit na nararamdaman. Ito ang pinaka-masakit para sa akin, ang mga tahimik na tanong ni Mommy, pero wala naman siyang ibang magawa dahil puro pagde-deny lang ang sinasagot sa kaniya ni Dad.

Umalis na lang ako roon at muli akong nagulat nang makita ko ang paglabas ng kwarto ni Ate Bettina. Nakabihis din siya at mukhang may pupuntahan kaya nang magtama ang mga paningin namin ay sabay kaming nagulat sa isa't-isa.

Agad akong lumapit sa kaniya.

"Where are you going?" sabay naming tanong sa isa't-isa.

Parehas pa kaming napatingin sa mga suot namin na obvious naman na lalabas kami ngayong gabi.

"I'm going to a party. Hindi ako nagpaalam dahil for sure hindi naman papayag sila Mom and Dad kaya tatakas na lang ako. How about you?" sagot at tanong niya sa akin.

Bahagya akong natawa, dahil parehas lang kami ng dahilan.

"That's my answer too. So, let's go!" sagot ko sa kaniya pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.

"What? No! Hindi pwedeng sabay tayong aalis tonight. You stay and I'll go," sabi niya sa akin.

"No way! I'll go with you tonight or I'll tell about this to Dad?" pagbabanta ko sa kaniya.

Halos mapabuntong hininga na lang siya at wala nang nagawa kung hindi pumayag sa gusto ko. Parehas kaming nakatakas mula sa bahay. Naging successful 'yon dahil walang bodyguards ang nakakita sa amin sa pag-alis. Doon lang din namin nalaman na parehas lang kami nang pupuntahan na party.

"Don't drink too much, Zari. We have to go home after three hours," bilin sa akin ni Ate Bettina.

"Alright!" sagot ko sa kaniya.

Naghiwalay kami ni Ate Bettina dahil nakita na niya ang mga kaibigan niya kaya naman hinanap ko kaagad si Lexy. Hindi naman ako nahirapan siyang hanapin dahil siya mismo ang nakahanap sa akin.

"You're so hot tonight huh!" puri niya sa akin.

"Duh?" sagot ko pagkatapos ay inirapan siya.

Nagtawanan kaming dalawa at hinila niya ako sa table namin kung saan ang iba naming mga kaibigan. Nagsisimula na silang uminom at dahil na-late ako ng ilang minuto ay nakalimang shot ako kaagad ng alak.

We just drink and have fun there with my friends. Maraming lumalapit sa akin na lalaki mula sa ibang school at hindi ko naman sila ini-snob dahil marami rin akong kaibigan.

Hindi ko alam kung nakailang shot na ako ng margarita at ng kung ano-ano pang alak. Ramdam ko na rin ang pagkahilo ko lalo na nang hilahin ako ni Annika at Lexy papunta sa kabilang table. Nagtatawanan kami roon at nakita kong may ibang babae at lalaki ang naroon. I'm not familiar with them kaya naman kumaway ako bilang pagbati.

We stayed there for a while and some boys from that table was talking to me. Tumigil lang ang pag-inom ko nang makaramdam ako ng sobrang pagkahilo kaya naupo muna ako habang abala ang mga kaibigan ko. Napapikit ako sandali dahil parang umiikot ang paligid ko. I swear! I'm not gonna drink again!

"Drunk already?" Someone asked, and then chuckled.

Napadilat ang mga mat ko para hanapin ang nagsalita. Alam kong ako ang kinakausap niya! Nang muli itong bahagyang natawa ay nakita kong katabi ko pala ang nagsalita.

He's wearing a black leather jacket. Matangos ang ilong niya at nadedepina ang halos perpektong panga niya dahil naka-side view siya. He's holding a glass of alcohol at ininom niya 'yon nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

"I'm not. I'm just a little bit tipsy," sagot ko sa kaniya.

"Oh, really?" tanong niya pagkatapos ay humarap sa akin.

Ngayon ay mas nakita ko ang mukha niya. From his almond shaped eyes down to his red lips. Kumalabog ang dibdib ko nang bahagya siyang lumapit sa akin. Oh shoot! Mukhang mapapalaban ako ngayong gabi.

"Do you want to sober up?" tanong niya pagkatapos ay ipinatong ang malapad niyang palad sa hita ko.

Kita ko ang namumungay niyang mga mata na para bang may ipinahihiwatig sa akin.

This is not my first time to make out sa ganitong party and I'm not that innocent anymore, pero hanggang halikan lang ang kaya kong ibigay.

Hindi ko alam, pero parang magnet ang katawan ko na biglang dumikit sa kaniya. Kumapit ako jacket niya para hilahin siya palapit sa akin hanggang sa naglapat ang mga labi naming dalawa. Agad akong nakaramdam ng init sa katawan habang naghahalikan kaming dalawa, idagdag mo pa ang paghaplos niya sa pagitan ng hita ko.

Naputol lang ang aming paghahalikan nang bigla kong marinig ang boses ni Bettina.

"Z!"

Kahit na maingay ang paligid sa buong bar ay dinig na dinig ko ang malakas niyang boses. Napabitiw ako sa pagkakahawak sa balikat ng lalaking kahalikan ko. I was drunk because of the kisses when I turned to Bettina.

"What?!" inis na tanong ko sa kaniya.

"Let's go! Dad found out that we're here!" natatarantang sabi niya pagkatapos ay hinila ako patayo.

Imbis na kabahan naman dahil sa narinig ay itinawa ko na lang habang nagpapahila sa kapatid. So what if he found out? Nahuli ko rin naman siya kanina kasama ang cheap niyang kabet!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 61

    Itinigil ko ang pagkain ko at bahagya 'yon inilayo mula sa akin para muling kuhanin ang laptop ko."Hindi mo pa nauubos," sabi niya."I'm already full," sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay nawalan ako ng apetite."Kakaonti pa lang ang nakain mo, paano ka nabusog?" tanong niya.Sa inis ko ay humarap ako sa kaniya para magsalita."I already told you that I'm not hungry, and next time 'wag ako ang ayain mong mag-lunch. 'Wag mo rin akong bilhan ng pagkain, because I have secretary to that for me. You should give all your attention to that girl who was talkting with you earlier," sunod-sunod kong sabi sa kaniya.Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman muli akong napairap. Alam kong hindi ako makakatapos sa trabaho ko kung mag-stay ako roon kasama siya kaya naman sinara ko na lang ang laptop ko at inayos ang mga gamit na nasa table."Oh, why?" tanong niya.Hindi ko na siya pinansin pa dahil tumayo na ako sa upuan ko."Are you jealous?" tanong niya.Napangisi ako dahil binalik niya an

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 60

    "Meeting adjourned. Thank you everyone!" sabi ni Daddy.Halos makahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay natapos din ang meeting namin. Agad ko naman binalingan si River dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina. "I know what you was doing," sabi ko sa kaniya.Tinaas naman niya agad ang dalawa niyang kamay bago magsalita para magpaliwanag."I just want to see his reaction. He's been staring at you since our meeting started," paliwanag niya.Napairap na lang ako sa kaniya at napailing. Hindi ko alam kung eepekto ba 'yon kay Brandon lalo na at wala naman kaming relasyon. Iniwanan ko si River sa upuan niya dahil may lumapit sa kaniya para kausapin siya.Nagpaalam ang lahat ng mga kasama namin sa loob. Ang iba ay nag-uusap pa at ang iba naman ay nagsimula nang umalis. Nakita ko sa peripheral vision ko si Brandon na may kausap kaya sinamantala ko 'yon para lumapit kay Daddy."Z, are you surprised?" tanong niya habang nakangiti."Surprised from what?" tanong ko habang nakakunot ang n

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 59

    I can feel my soreness when I woke up in the morning. Gustong-gusto ko pang matulog pero nagising ako dahil sa tawag ni Clara."Good morning, Miss Zari! This is short notice. We'll be having urgent meeting today at ten thirty o'clock. Ngayon daw po kasi ang dating ng new investor ng Sacred Empire and you'll need to attend," paliwanag niya sa akin.Halos mapabuga naman ako ng hininga ko at napaikot ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. I'm planning not to work today to spend my time with Sky, pero urgent daw 'yon at hindi ako pwedeng mawala."Alright. I'll be there later." Sagot ko naman.Wala si Brandon sa tabi namin nang magising kami ni Sky. Mukhang hindi na siya bumalik dito kagabi at doon na siya tuluyang natulog sa guest room.Dinala ko naman si Sky sa kwarto niya at pinaliguan ko na siya para madala ko siya sa bahay nila Margot. Doon kasi iniiwan ni Bettina si Bella pansamantala kapag nagtatrabaho siya at gusto kong maka-bonding ulit silang magpipinsan."Do you want to s

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 58

    Napatingala ako sa kaniya at hindi nakapagsalita kaagad. Nanatili kaming magkatinginan sa isa't-isa hanggang sa makakuha ako ng lakas ng loob para magsalita. "T-Talk about what?" nauutal na tanong ko sa kaniya. "About what happened to us in the past." Sagot niya. Kahit na ayaw ko nang balikan 'yon ay napatango na lang ako sa kaniya. Umakyat kami sa taas at sa veranda kami nag-stay para mag-usap. Kumuha rin siya ng whiskey para inumin 'yon at makatulog na kami. "What part do you want us to talk about?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa baso ko na may laman na whiskey habang nakasandal ako sa railing. Nakatingin lang siya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip niya. Hindi siya nagsalita kaagad dahil uminom siya ng alak. Hindi ko naiwasang mapatingin sa leeg niya kung saan nakabakat ang adams apple niya. Ninamnam niyang mabuti ang lasa nito bago sagutin ang tanong ko. "I'm sorry for what I did to you six years ago, but I want you to know na kung ano ang nakita ni

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 57

    "Why don't you two get back together? Para naman hindi na kayo mahirapan na mag-set ng schedule para makasama ang apo ko," sabi ni Dad. Napalingon naman ako kay Dad habang naglalagay ako ng mga damit sa bag ko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko kaya napanguso na lang ako bago magsalita. "Matagal nang natapos ang relasyon namin ni Brandon. We're just doing this for Sky," sagot ko kay Dad. "I know, I know. Ang sa akin lang naman ay bakit hindi niyo subukan ulit? Brandon is single at gano'n ka rin," patuloy niya. "Oh come on, Dad. Hindi na ako mahal ni Brandon," sabi ko. "But you still love him." Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Dad bago mapabuntong hininga dahil alam kong inaasar niya lang ako. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay muli siyang natawa. "I'm just kidding. Kung ano ang maging desisyon mo ay susuportahan ko lalo na kapag para sa apo ko," sabi niya. Napangiti naman ako dahil alam kong mahirap ang magiging sitwasyon ng pamilya namin ni Brandon

  • Two Hearts Victim of Lies: Tagalog   Chapter 56

    "Can I eat ice cream too?" Nakatingala sa akin si Sky nang itanong niya 'yon sa akin. Agad naman akong napangiti sa kaniya at napatango. "Of course, baby. You can eat unlimited ice cream today," sabi ko pagkatapos ay natawa. "Yes, and you can eat all flavors you want!" sabi naman ni Daddy. Napatango lang si Sky pero parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa ice cream na nasa harapan namin. Napakunot ang noo ko dahil wala akong makitang excitemet sa itsura niya samantalang ang mga pinsan niya ay excited na excited na makakain ng sweets. "Why are you sad?" natatakhang tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Because Papa doesn't allow me to eat ice cream," sagot niya. Bakas sa boses niya ang lungkot kaya nagulat ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. "What? Why?" tanong naman ni Bettina. "I don't know. He said that too sweets is not good for my health," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat. Nagkatinginan naman kami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status