Share

Chapter 85

SUMAMA ako hanggang sa detention center ng airport kahit ilang beses akong sinabihan ni Francisco na tumuloy na sa flight ko. Ayokong iwanan siyang mag-isa. Baka wala siyang kakilala rito. Kanino siya hihingi ng tulong? Tapos dadalhin ko pa 'tong cellphone niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," makailang ulit niyang sabi na ilang ulit ding naglabas-masok lang sa tainga ko. May bakal na nakapagitan sa aming dalawa. Nasa loob siya at nasa labas ako. Sandali kaming pinayagan ng bantay na magkausap.

"Hindi ako aalis," nakalabing tugon ko sa kaniya. Nag-aalala ako, sobra.

Pero tinawanan niya lang ako. "Ano ba'ng problema mo? 'Di ba uwing-uwi ka na? Ba't ngayon umuurong ka?"

Nagbanta ang mga mata kong parang iiyak. "S-Sabi mo kailangan mo ako."

"What?"

Napalunok ako. "T-Tatawagan ko na ba si Carlo? Kailangan mo ng assistant?" Hindi ko alam kung bakit tarantang-taranta rin ako.

"Carlo's not working for me anymore, mga ilang buwan na rin. Huwag mo nang istorbohin 'yong tao."

"E-Eh, sino'ng tata
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении
Комментарии (2)
goodnovel comment avatar
Lani Olaybar Barimbao
update pleasessss
goodnovel comment avatar
Lani Olaybar Barimbao
update pleasessss ...️...️
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status