SPADE'S POV: Nagkita kami ni Suzette at pinag-usapan yung napanuod kong video ng usapan nila kagabi ni Queen. “Selos na selos na sila pareho.” “Oo pansin ko rin sa mga ikinikilos ni Queen but somehow… parang kapatid pa rin ang turing niya sa akin.” “Anong gagawin natin, Spade? what if magpakasal din tayo?” “Ano?! nahihibang ka na ba?! gastos lang yan!” “Tignan mo ‘to! kaya ayaw sayo ni ate Queen eh, pang sugal meron ka pero pangpa-kasal wala!” “May pangpa-kasal ako kung siya ang pakakasalan ko!” “Bwisit ka naman eh! What if we faked an engagement?” “Pwede pero bawal gamitin yung family heirloom namin ah, kay Queen ko lang ibibigay iyon, para sa kanya lang iyon.” “Oo na, sige na! ako na bahala sa sing-sing. May Marquis diamond si mommy na pwede kong hiramin pero ingatan mo ah! bilyon ang halaga non.” “Kinabahan tuloy ako bigla sabi mo kasi bilyon.” “Basta kailangan mo lang mag propose sa akin. We will invite them and some of my friends and some of yours.” “Frie
QUEEN’S POV: Ngayon ay launching ng bagong building na pinatayo ni Spade sa Gentleman Suites. Nadagdagan na naman ang establishment nila nang hawakan niya ang kumpanya ni daddy Wade kung kaya't proud na proud kaming lahat sa kanya. Kasama ko si Kainer sa natatanging gabi na iyon. Postura ang lahat ng mga bisita. Dinaluhan iyon ng mga ilang pulitiko, mga kilalang artista at mga businessman. Naroon din ang media para i-highlight ang event. The vibe is fun and the night is young. Napaka-gwapo ni Spade sa suot niyang all black business suit. Talagang nagbihis siya para sa natatanging gabi na ito. Umupo kami sa VIP table kasama si Suzette na naka-red evening dress. Lumitaw lalo ang kinis at puti ng balat niya sa suot niya habang ako naman ay naka black na A-line evening dress naman. Si Kainer naman ay naka-all white business suit. Ewan ko ba kung anong meron sa white at palaging ganon ang suot niya pero bagay naman sa kanya. Abala na si Spade sa pag-aasikaso sa mga bisita ng gabing iy
QUEEN’S POV: Hindi ako pwedeng magpakita sa kanila ng ganito ka-sirang-sira ang mundo ko kung kaya't pagkatapos kong umiyak ay nag-ayos ako ulit at nag-make up ngunit ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko sa pagpatak habang nakatingin ako sa salamin sa restroom. I hate this feeling. Ang tagal-tagal naming nagkasama. He’s with me since we were a child bakit hindi na lang ako? and to top it all, bakit sa pinsan ko pa siya ikakasal? Damn it, Queen, kaya mo yan, show up there and be brave to congratulate him! pakita mo na mahalaga sayo kung saan siya sasaya. Pinahid ko ng marahas ang mga luha ko at saka dahan-dahang naglakad papunta sa event. Napakaraming tao ng mga oras na iyon ngunit nagulat ako ng mag-ring bigla ang cellphone ko at tumatawag si Spade. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Siguro ay hinahanap niya kami ni Kainer. Maya-maya ay biglang nagkaroon ng fireworks display at tuwang-tuwa naman ang mga bisita ngunit may biglang tumulak sa akin at nabitawan ko ang cellphon
QUEEN’S POV: Nagising ako na nakagapos ang aking mga paa at kamay at naka-upo ako sa isang upuan. Isang abandonadong lugar ang pinagdalhan nila sa akin. Lumalamig na ang simoy ng hangin at tila wala akong ka-laban-laban. Maya-maya ay dumating na si Kainer na may hawak na baril ngunit nakakapagtaka dahil kasama niya si Suzette. Ibig sabihin ba nandito din si Spade? Pumunta sila para sagipin ako?“Pakawalan niyo siya! it's me you want!” saad ni Kainer na galit na galit. Mahigpit ang hawak niya sa baril niya na ngayon ay nakatutok na sa mga kalaban. “You are just right on time, Mr. Clemente, alam mo naman ang gusto ko, hindi ba? napakadamot mo kasi eh, tutal hindi ka madaan sa Santong dasalan dadaanin kita sa Santong paspasan.” saad ng kalaban, parang namumukhaan ko siya, siya yung naka-transact ni Kainer noon sa Bar kung saan naaksidente ako. “Oh sige! ibibigay ko na! basta pakawalan mo lang siya!” gigil na saad ni Kainer. May mga dokumento namang inilabas ang mga tauhan nito at
QUEEN’S POV: “Nasaan ang anak ko? Nasan si Spade?!” tanong ni daddy Wade. Kasama niya si tita Rosenda at Rosaline. “Kuya…” mangiyak-ngiyak na sambit ni Rosaline maging si tita Rosenda ay umiiyak din at alalang-alala. “Nasa OR pa po, hindi pa tapos ang operasyon niya.” sagot ko.“Inoperahan ang anak ko? Eh sinong pumirma ng waiver?” Kalmado na ngayon na lumapit si Suzette. “I’m Suzette Xiu. I’m Spade’s girlfriend and soon-to-be fiance. Ako po ang pumirma ng waiver.” saad ni Suzette na nakipagkamay kay daddy Wade. “Yes, Suzette, actually, nagulat nga kami ng asawa ko. Hindi namin akalain na may girlfriend pala siya at nagpa-plano na kayong magpakasal. Kanina lang namin nalaman sa launching.” “Pasensya na po kayo kung sa ganitong kalagayan niyo pa po nalaman.” “Your surname was Xiu? I assume you and Queen are related?” “Magpinsan po kami, daddy.” paliwanag ko sa kanya. “Anak po ako ni Rodney Xiu.” Nasapo ni daddy Wade ang noo niya nang marinig niya ang pangalan ng tiyuhin ko.
SPADE'S POV: Nagising ako na puro kulay puti ang nakikita ko sa paligid. Nasaan ba ako? bakit ganito? langit ba ‘to? tinatanggap na ba sa langit ngayon ang mga sugarol? mali ata ako ng napuntahan. “Spade? naririnig mo ba ako? Spade?” Napalingon ako at sinundan kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses at nakita ko si Suzette. “Suzette? Nasan si– Nasaan si Queen?” tuyot na tuyot ang lalamunan ko at pinilit ko lang magsalita. “Nakakatampo ka naman! Ako ang nandito sa harap mo pero ang pinsan ko ang hinahanap mo! wala sila dito! pinaalis ko!” “Ano?! ba-bakit mo ginawa iyon?”“Teka lang, maayos ka na ba? kamusta ang pakiramdam mo? magtubig ka nga!” saad niya at saka inabutan ako ng isang baso ng tubig na kaagad ko namang ininom.“Medyo masakit pa ang katawan ko pero sa tingin ko ayos na ako.” “Spade, anak! gising ka na!” narinig kong sambit ni Mommy na sinalubong ako ng yakap. Umiiyak siya at alalang-alala. “Ma… sorry, pinag-alala kita.” “Ang importante gising ka na… Anak,”
QUEEN'S POV: “Mild attacks lang ang nangyari sa ngayon pero hindi na ito pwedeng maulit pa dahil baka sa susunod ay mas malala na talaga.” saad ng private doktor na tumitingin kay Don Alejandro Clemente. Ngayon ay nasa Mansyon kami ng mga Clemente kasama ko si Kainer habang si Don Alejandro naman ay nakaratay sa kanyang higaan. “Kagaya ng sinabi ko noon pa, we cannot guarantee that you only have a year left so, I assume na naayos mo na ang last will and testament mo, Don Alejandro.” dagdag pa ng doktor. “Naayos ko na ang lahat kaya wala na kayong dapat ipag-alala pa. Siguro naman ay aabot pa ako sa kasal ng anak ko at makikita ko pa naman siyang ikinakasal, hindi ba?” “Very well then, maiwan ko na ho muna kayo upang makapag-usap kayo ng anak niyo.” saad ng doktor at saka umalis. Tahimik naman si Kainer na nag-aalala ang mukha kung kaya't hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin. “Kamusta ang wedding preparations ninyo, Hijo?” “Maayos naman po. Dad,” saad ni Kaine
SPADE'S POV: Simula ng magising ako hanggang sa makalabas ako ng Ospital ay hindi man lang dumalaw si Queen o kahit si Kainer sa akin. Iniisip ko kung anong sinabi ni Suzette sa dalawang iyon at bakit hindi nila ako dinalaw man lang kahit isang beses. Si Suzette ang nagbantay sa akin at siya rin ang umalalay sa akin nang ma-discharge ako.Nakabenda pa ang kaliwang braso ko dahil sa tama ng baril ngunit nakakalakad naman na ako ng maayos. “Yung mga gamot mo inumin mo, huh.” paalala ni Suzette sa akin nang makauwi kami sa bahay galing sa Ospital.“Siya nga pala, Suzette dito ka na mag-lunch.” pag-aaya naman ni daddy sa kanya. “Ay hindi na po, may importante po kasi akong lakad ngayon eh kaya mauuna na po ako.” “Ah ganon ba? oh sige, uhm, siguro ganito na lang. We will invite you for a formal dinner tomorrow night para naman mas lalo pa tayong magkakilala, tutal ay nag-propose na sayo si Spade.” “Ah, sige po, Mr. Suarez, okay po sakin tomorrow night.” “Call me daddy from now on.”
ROSALINE'S POV: ONE YEAR LATER…“Joaquin! nasaan ba tayo? sabihin mo naman! nakakatakot parang dagat na ‘to, lumulundo eh, nasa bangka ba tayo?!” tanong ko kay Joaquin habang kapit na kapit sa kanya, naka blindfold kasi ako. Pinilit niya pang isuot sa akin yan dahil ayoko talaga baka kasi mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya sa akin. “Yes, nasa dagat tayo.” “Joaquin, tanggalin na natin ‘tong blindfold, ayaw ko na, natatakot ako!” “Relax. Wag kang matakot, nandito lang ako. Almost there.” saad niya habang inaalalayan ako. “Hawak ka sa may handle,” utos niya na ginawa ko naman. Nang tanggalin niya ay blindfold ko ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng view. “Oh my god! We're on a big yacht Joaquin! This is a big yacht and the sea!” saad ko sa kanya na hindi makapaniwala sa ganda ng view habang siya naman ay nakangiti lang sa akin. “You should have seen your face, you’re full of joy right now.” “Thank you, Mahal! I really need a vacation grabe, ngayon nalang u
JOAQUIN'S POV: Nang magising ako ay si daddy agad ang una kong nakita. “P-pa.” saad ko ngunit tuyot ang lalamunan ko. “Joaquin, gising ka na.” napalingon naman ako sa kaliwa at nakita ko si Rosaline. Alalang-alala ang mukha niya at may hawak siyang isang baso ng tubig. Dahan-dahan akong umupo sa hospital bed. Itinapat naman ni Rosaline sa bibig ko yung baso upang makainom ako. “Kamusta na pakiramdam mo? okay ka na ba? sabi ng doktor, stress at over fatigue daw.” “Okay na ako, sa tingin ko. Dad, ikaw ba? okay ka na?” “Sorry, I lied. I’m not really sick, gusto ko lang na puntahan mo ako, Anak.” saad ni lolo. “Uhm, doon lang po muna ako sa labas. Nandoon po kasi si mommy at daddy.” pagpapaalam naman sa amin ni Rosaline kung kaya't hinayaan ko siya. Ngayon ay kami nalang dalawa ni daddy ang nasa kwarto. Walang hiya, na-confine pala ako dahil sa pesteng lagnat. “Noong kabataan ko Anak, ganyan din naman ako sa mommy mo. Die hard na die hard halos ayaw kong pakawalan dahil ako ang
ROSALINE'S POV: Pagdating namin sa Ospital ay kaagad kaming nagtungo sa private room ni lolo. “Nandoon sila lahat pati sila ate Noreen at Neri. This is bad.” saad sa akin ni Joaquin habang papasok kami ng kwarto. “Joaquin, anak.” nanghihina na sambit ni lolo. Lumapit naman kaagad si Joaquin at hinawakan ang kamay ni lolo. “Pa, ano bang nangyari sayo?” tanong niya ngunit napakunot ang noo ni lolo. “Teka, mainit ka.” “Oo Dad, nilalagnat ako eh pero mas importante ka.” “Mabuti pa magpatingin ka para magamot ‘yang lagnat mo.” “Hindi na, Dad, okay lang ako.” saad ni Joaquin na nagmamatigas pa rin. Lumabas nalang ako at bumili ng paracetamol at mineral water. Pagbalik ko ay nasa labas na sila lahat at nag-uusap-usap kung kaya't sumilip ako sa loob ng kwarto ni lolo at nakita ko si Joaquin na nakahiga na sa sofa na nasa gilid ng kama.Kaagad akong lumapit kay Joaquin. “Mahal oh, bumili akong gamot, inumin mo na ‘to.” “Kanina pa masakit ulo ko, akala ko kung saan ka nagpunta, hind
ROSALINE'S POV: “Hello?! bakit ngayon niyo pa sasabihin sa akin kung kailan nakauwi na ako ng bahay?! hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?! talagang bibigyan niyo pa ako ng stress sa gabi?! mga putang ina niyo!” singhal ni Joaquin habang may kausap sa cellphone galit na galit na siya kung kaya't hinawakan ko ang braso niya ngunit hinawi niya lang ako. “Hindi ba nag quality check ‘yang mga yan bago ipadeliver dyan sa fabrication?! hindi niyo chineck ng maigi?! tapos sasabihin niyo sa akin ngayon hindi tama yung sukat mali-mali yung mechanisms na pinadala at mali ako ng bili?!” Pilit kong pinapakalma si Joaquin ngunit ayaw niyang kumalma. Sinisigawan niya talaga yung kausap niya. “Gusto kong makita yan ng personal bukas ah!” iyon lang at pinatay niya na ang tawag. “Mahal… tama na yan, hayaan mo na.” “Hayaan eh ginagago na ako ng mga ‘to eh!” singhal niya at nag dial na naman ng isa pang number. “Hello?! Hello?! ano yung nirereklamo ng foreman ko?! mali daw yung pinadala niyong mecha
ROSALINE'S POV: Simula ng mangyari ang pagbisita na iyon sa amin ni lolo at daddy ay mas inigihan ni Joaquin ang pagtatrabaho niya. May mga kumukuha sa kanyang clients kaya sinasamantala niya basta maganda ang bayad ngunit kapalit ng pagiging abala niya ay ang kawalan namin ng oras sa isa’t-isa. Palagi akong naiiwan sa Penthouse. Naglalaba, naglilinis at nagluluto nang sa gayon ay pag-uwi ni Joaquin ay may pagkain na. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging housewife and what more having kids pero hindi ako pwedeng sumuko. I know what we want. I know what I want for my babies at ito na iyon. Ang binubuo naming pamilya ni Joaquin. Isang gabi ay malakas ang ulan at nag-aalala na ako kay Joaquin dahil wala pa rin siya. 10:00 pm na ng gabi kung kaya't tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nasa kama lang ako at nakaupo lang ngunit hindi na ako mapalagay kung kaya't pilit kong tinatawagan ang cellphone niya ngunit nagri-ring lang ito. Damn it, Joaquin. As
Maya-maya ay dumating naman si Joaquin na halos mataranta at muntik pang madapa papasok ng Penthouse. “Uncle, Daddy! hayaan niyo na nga sabi kami bakit ba kayo nandito?!” singhal niya sa dalawa na inis na inis. “Matigas ka pa rin?! Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yang ugali mo na yan Junior!” saad naman ni lolo. “Eh kasi naman, bakit niyo ba kami pinapakialaman?! Dad, we’re old enough, we can handle ourselves.” “Yeah, sure, you can handle yourself but what about Rosaline? she's young, she can't do this alone Joaquin, don't be so selfish!” “I'm not selfish, I’m doing this for her, bakit Dad?! akala mo hindi ko kakayanin ng wala ang pera mo?!” “Look Joaquin, this is not about the money. First, you ruined her life and now you're taking her away from me. My only daughter.” saad naman ni daddy. “Ano bang gusto niyong mangyari?! parang hindi tayo nagkakaintindihan dito eh, ikaw Dad, tinakwil mo ako dahil galit ka sa bawal na relasyon namin, tapos ngayon hindi mo naman mapanindi
ROSALINE'S POV: Abala ako habang naglilinis ng bahay nang may biglang kumatok. Si Joaquin siguro iyon, baka may naiwan siya. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon ngunit nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si daddy at si lolo Joaquin. “Da-daddy? lolo?” saad ko na uutal-utal at halos hindi makapaniwala.Sumilip-silip si lolo Joaquin sa Penthouse. Kaagad ko namang kinuha ang kamay niya at nagmano. “It's a nice place you two have here, Hija.” saad ni lolo. Nakangiti siya at good mood lang habang si daddy naman ay mukhang dismayado pa rin at masama ang loob sa ginawa namin ni Joaquin. “Would you want to invite us inside? Rosaline?” tanong ni daddy. “Sure.” saad ko na niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok sila.Luminga-linga na naman si lolo Joaquin sa paligid at maging si daddy. “Not bad for a prodigal son of yours, kuya.” saad ni Daddy habang parehas nilang tinitignan ang Penthouse. “How did you find us here?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Connections, Da
ROSALINE'S POV: Kakatapos lang ng check-up ko sa clinic ngunit nagulat ako nang makita ko na nasa labas si Joaquin at hinihintay ako. Bakit? ano kayang nangyari? bakit siya nandito? hindi ba’t may trabaho siya? Nang makalabas ako ay tumayo siya ng maayos at sinalubong ako. Kanina kasi ay nakasandal siya sa kotse niya at nakasimangot. “Mahal, bakit nandito ka? akala ko ba may project kang inaasikaso?” tanong ko kaagad sa kanya. “Get in.” malamig ang mga utos na it n at mababakas sa mga mata niya ang kanina pa’y pagkagalit. Sumunod nalang ako at pumasok na sa kotse. Tahimik siya buong byahe namin ngunit nang makapasok na kami sa elevator ay hindi ko na nakayanan pa kung kaya't tinanong ko na siya. “What happened? Is there something wrong?” “Nothing.” iyon lang ang sinabi niya. “Fine, if there's nothing to worry about then get yourself together!” nainis na ako kung kaya't iyon ang nasabi ko. Hindi ako punching bag na pagbubuntungan niya ng sama ng loob niya kapag badtrip siya.
JOAQUIN'S POV: “Nag enjoy ka ba sa out of town natin?” tanong ko sa kanya nang makauwi na kami sa Penthouse. Nakaupo kami sa couch at magkayakap lang. “Yes, sobrang nag enjoy ako, Mahal, alam mo ba first time ko nag-dagat ulit kasi wala naman akong time mamasyal noon sa States. Na-miss ko mag-beach!” “Sige, uulitin natin ‘to promise ko sayo, mamamasyal tayo ulit pag pwede na. Just focus on your pregnancy right now.” “Promise yan huh.” “Yes, I promise.” saad ko na ngumiti sa kanya, hinaplos niya naman ang pisngi ko. “Ay, Mahal, bukas pala may check-up ako sa OB, doon na rin malalaman yung gender ng babies natin.” “Sige, sasamahan kita, anong oras bukas?” “Uhm, maybe 10 a.m. pero wag na, okay lang, kahit ako nalang mag-isa,” “Huh? Bakit?” “Eh diba bukas yung ocular para doon sa malaking project na sinasabi mo?” “Bukas ba iyon? damn it, nakalimutan ko.” “It's alright. Ako nalang.” “Ihahatid nalang kita doon sa Clinic.” “Sige.” “Balik trabaho na bukas, magiging busy na nam