Maricar POV:
"Sa kabila ng aking pagpapakasakit at pagtitiis, hindi ko namamalayan na unti-unti nang nalalagas ang mga dahon ng pagiging rosas ko. Ngunit sa kabila ng lahat, pilit pa rin akong naghahanap ng pag-asa at pagkakataong muling pumalit o tumubo ang mga dahon. Subalit sa paglipas ng panahon, tila ba hindi na kayang tumbasan ng pag-asa ang bigat ng mga suliranin na aking hinaharap. Hanggang kailan ko nga ba ito kayang panindigan? Hanggang saan ko kayang magtiis para sa isang pagmamahal na tila ba hindi na ako pinapansin? Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin akong umaasa na sa huli, may magbabago at mabibigyan ako ng tamang halaga at pagpapahalaga. Hanggang kaylan akong umaasa na meron pang pag asa?"
****
Third Person:
Padabog na umupo si Ericka ng matapos ang pag uusap nila Nathan at Maricar.
Napabuntong hininga na lang si Nathan at pinag patuloy ang pagta-type niya sa kanyang loptop.
"Hanggang kailan ka magpapanggap at maglilihim sa asawa mo?" ang mariin na tanong ni Ericka sa kanya.
"Ericka pwede ba, huwag ka na munang magulo, saka na natin pag usapan iyan." Ngunit sa kabila ng kanyang matinding tanong, si Nathan ay nagbigay lamang ng simple at kalmadong tugon, na mas lalong ikina inis nito. Kaya bigla itong tumayo at inis na lumapit ito sa kanya.
"Ano?! Huwag akong magulo?!! Pinasok na natin tong relasyon na ito! Kaya dapat gawin na nating legal at malalagot ka sa Daddy ko kapag nalaman niyang meron tayong relasyon kahit kasal ka pa!! Kaya dapat makipag hiwalay kana sa lusyang mong asawa!!" Wika nito, na nagpahinto naman sa kanyang pagiging abala sa kanyang loptop.
"Pwede bang huminahon ka muna sa pagsasalita mo! Nagpaplano na akong-
"Huwag mo ng planuhin pa!! Huwag mo ng patagalin pa Nathan!! Dahil uuwi na si Daddy next week! Kaya dapat bago niya malaman na meron tayong relasyon dapat hiwalay ka na sa asawa mo!!" Ang pag kuha nito ng mga papeles sa kanyang cabinet.
"Ericka?!" Tanging nasambit na amang niya.
"Kung hindi mo kayang gawin! Pwes! Ako ang gagawa! PUPUNTAHAN KO ANG ASAWA mo PARA IBIGAY MO TONG DIVORCE PAPERS NA ITO SA KANYA!! Mamili ka!! Ako ang magbibigay o ikaw?!!" may pag diin na sabi naman ni Ericka sa kanya.
Siyang nag iisp pa kung paano niya nga magagawa ang gusto ni Ericka.
"Birthday ng mama mo Ngayon diba? Sasama ako sayo pag uwi. Ipakilala mo na ako sa kanila, at sabihin mo na diyan sa magaling mong asawa na hihiwalayan mo na siya!!"
"Masyado kang pabigla bigla Ericka hayaan mo muna akong-
"Kapag hinayaan ko pa na ikaw ang kumilos, kaylan pa?! Lalo mo lang pinapatagal!!"
Ngunit mikhang wala na talaga siyang magagawa kundi sundin na lamang ang kagustuhan ni Ericka. Malalim na pag hinga ang kanyang pinakawalan.
"Sige ipapakila na kita sa kanila, but promise me na huwag kang gagawa ng eksena doon. Okay?"
"Talaga?!!.... Promise, behave lang ako doon." Naging parang bata naman ang kanyang kausap ngayon sa inasta nito.
"At please hayaan mo muna na magkaibigan na muna tayo, ipapaklala muna kita sa kanila na kaibigan kita lalo na kay Maricar."
"Ano?!! Ayoko nga!!"
"Di huwag ka na munang sumama ngayon-
"Hmmp!! Sige na nga! Payag na ako!"
"Good"
"Nga pala bago tayo umuwi sa inyo bilhan muna nating ng regalo ang Mama mo."
"Hmm' matutuwa iyon"
"Ano ba ang mga gusto ng mama mo?"
"Hmm mahilig iyon sa mga bag at damit."
"Sige, iyon na lang dalawa ang bilhin natin."
"Sa condo ka umuwi mamaya huh! Wag sa asawa mo!"
****
Maricar POV:
"Mama ito po mas bagay po sa inyo." Inabot naman sa akin ni Eunice ang dress na hawak hawak niya, pagkaabot niya sa akin agad ko naman tiningnan ang presyo, napalaki naman ang mga mata ko ng makita ang presyo.
"Anak, uhmmm,,, iba na lang kaya... wag ito, medyo may kamahalan." bulong ko naman sa kanya na nagpasimangot pa nga sa kanya
"Ayyt!! Sayang po ito Mama bagay na bagay po panaman sa inyo ito, diba Nanay Martha, Tita Ninang?" at kumuha pa nga ng kakampi
"Ay opo Ma'am Maricar lalong litaw po ang kaputian niyo diyan sa kulay ng dress na iyan kulay rosas." At sumang ayon pa nga si Aling Martha. Natatawang napapailing na lamang ako.
"Oo nga Maricar, ako na ang magbabayad niyan para sayo." prisentada kong kaibigan
"Ayon!! Thank you po Tita Ninang!" Masayang napayakap naman si Eunice kay Lisa
"Siya sige... panalo na kayo." napapailing na lang na wika ko
"Yes!!" Sambit nilang dalawa at nag high five pa nga ang dalawa
"Pero susukat ko na muna ito, baka hindi mag kasya sa akin eh."
"Sure po mama kasya sa inyo iyan." at may pagkindat pa nga ang pasaway.
"Sa payat mong iyang Maricar, di pa kakasya iyan sayo!" Pinanlakihan ko na lang ito ng mga mata ko para tumahimik..Ngumuso na lang ito.
Ako naman ay pumanhik na sa fitting room. At pag kasuot ko tinitigan ko pa ang sarili ko sa salamin. Ang ganda!! sambit sa isipan ko
"Mama para po kayong rosas, ang ganda niyo po sobra!!" ng makalabas na ako ng fitting room at halos mag luwaan ang kanilang mga matang naka tingin sa akin.
"Susmiyo! bolera ka talaga anak' pero di nga, bagay ba anak?" Naiilang na tanong ko naman dahil pati na din ang staff ay naka tingin na din sa akin.
"Aba'y opo Ma'am bagay na bagay po sa inyo." wika naman nung staff.. ngumiti na lamang ako dito
"Opo Mama sobra po, tingnan niyo sa salamin, diba nanay Martha ang ganda ganda ni Mama?" sabi naman ni Eunice habang taimtim niya akong tinitigan na halos malusaw na ako sa mga titig nilang dalawa ni Aling Martha.
"Ma'am mas lalo po kayong pumuti sa suot niyo, para po talaga kayong rosas sa ganda." si Aling Martha, kahit si Lisa natuwa din at nag thumbs up pa nga ito.
"Rosas?" napaisip naman ako "Siguro nga isa akong Rosas ngayon.. ang buhay ko ay maiihalintulad sa isang Rosas."
"Rosas ng di nadidiligan ng asawa ba kamo Nanay Martha?!" biglang salita naman ni Lisa at may nakakalokong tawa pa nga ang pasaway na'to, kahit si Aling Matha nahiya sa sinabi ni Lisa.
"Ano ka ba Lisa! Mag hinay hinay ka sa mga sinasabi mo!!" Nahihiyang sabi ko dito at tumingin naman ako sa paligid namin buti na lang walang mga sttaff.
"Sus Maricar-
"Lisa tigil na huh!!" Pagdiin ko na suway dito pinag dikit naman niya ang kanya labi sign na mananahimik na siya, napapailing na lang ako sa pasaway ng kaibigan ko na ito. masyadong bulgar kung magsalita.
"Bibilhan pa pala natin ng pasalubong ang mga kapatid mo doon at si Ate Mona mo." Anak ni Aling Martha na naiwan sa bahay para mag bantay kila Lyca, Jacob at Jerald.
"Sige po Mama."
Maricar POV:
****"Sa bawat araw, ang tanging hangad ko lang naman ay ang patuloy na pagpapaligaya at kalusugan ng aking mga anak, na kahit sa mga bagay na tila maliit lamang, makapagdulot ng kasiyahan sa kanila. Umaasa ako na sa pamamagitan ng pagtuturo ng simpleng kaligayahan at pagpapalawak ng kanilang kaisipan na hindi kailangang laging humangad at sana, sa bawat araw na lumilipas, ay palawakin pa nila ang kanilang kaisipan at huwag masyadong maapektuhan ng pagnanais na laging magkaroon ng higit pa sa mga bagay na mas higit pa.****
****
"Aba ang gagwapo't magaganda nga naman talaga ng mga anak ko."
"Syempre saan pa mamana ang mga iyan!! Diba sa akin mga baby ko!!" hirit naman ni LIsa habang inaayusan sila Lyca at Eunice
"Hindi po sa inyo Tita NInang, kay Mama po kami nag mama." sagot naman bigla ni Jacob
"Aba't marunong ka ng mang away sa akin Baby Jacob huh." Natatawang wika naman ni Lisa at di mapigilang pisilin ang pisnge nito "Ang cute cute mo talagang bata ka, pag ako na buntis ikaw ang pag lilihian ko talaga promise."
Napapailing na lang ako dito sa pasaway ko kaibigan.
"Thank you po Mama sa bagong damit." Ang pag yakap naman sa akin ni Jacob
"Kayo din po, maganda din po kayo ngayon Mama." wika nito
"Sana din pamansin din ng pinakakamahal mong asawa ang iyong kagandahan!" sarkastikong at may pagdiin na wika naman ni Lisa. Akong napa walang imik na lang
***"Gaano nga ba kasaya ang asawa kapag pinupuri ka ng asawa mo, sabi nila kahit simpleng salita lang na maganda ka.... maganda ka sa paningin niya.. para ka na daw nasa alapaap. nakakaramdam ka daw ng kakaibang kiliti na parang na meron daw mga paru-parung dumadapo sa ibabaw ng tiyan mo.. kasabay ng pag tibok ng puso mo ng mabilis...Tama ba ako? Napansin kong tila nagiging mas malalim at makulay ang mga simpleng bagay kapag nakukuha mo ang atensyon ng taong mahal mo. Ngunit paano kung ang taong iyon ay hindi na tumitingin sa'yo? Paano kung ang kanyang mga mata at isip ay nakatuon na sa iba? Ang mga simpleng bagay na dati'y nagpapasaya sa akin ay tila nawawalan ng kulay. Ang mga dating matatamis na ngiti ay napalitan ng mga pilit na tawa at malalamig na tingin."
THIRD PERSON:Pagpasok pa lang ni Maricar sa bahay, agad siyang natigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga gamit na nakasalansan sa tabi ng sofa—mga kahon, dalawang maleta, at isang backpack.“Lisa?!” tawag niya sa kaibigan, lumapit habang nakakunot ang noo. “Pinapaalis mo na ba kami?” pabirong tanong niya, pilit ikinukubli ang kaba.Mula sa kusina ay lumabas si Lisa, hawak ang isang plato ng mainit-init at bagong lutong cookies“Gaga! Sa mga anak mo 'yan!” sagot ni Lisa, sabay irap at tawa.“Hah?!” napakunot ang noo ni Maricar.Biglang bumungad mula sa likod ng pinto sina Eunice at Lyca, parehong nakatakip pa ang mga mata, bago sabay-sabay na sumigaw—“Surprise, Mama!!!”“Mga anak, anong—”“Pumayag na po si Papa na dito na kami sa inyo, Mama!” sabay na sabi ng magkapatid, halos hindi mapakali sa tuwa.Hindi na napigilan ni Maricar ang mapaiyak. Mabilis niyang niyakap sina Eunice at Lyca, mahigpit, parang ayaw na niya silang bitiwan.“Hay naku! Buti naman at natauhan din iyang ex-
THIRD PERSON:“Ma’am Maricar?”Nagmadaling lumapit si Bianca, hawak ang clipboard at cellphone, halatang hindi mapakali habang sinusundan si Maricar na papalabas na ng building.Agad namang huminto si Maricar sa gitna ng hallway at bahagyang lumingon sa sekretarya.“Mamaya na po kayo lumabas, Ma’am,” mariing babala ni Bianca, habol ang hininga.Napakunot ang noo ni Maricar napatingin sa kanya.“Marami pong reporter sa labas—nag-aabang po sila sa inyo.”Bahagyang ngumiti si Maricar. “Di mo pa rin ba alam, Bianca?” mahina ngunit banayad ang kanyang sagot. “Sanay na ako sa ganyan.”"Po?"“Ilang oras na silang nandoon?”tanong niya pagkatapos, habang inilalapat ang tingin sa pintuan sa dulo ng hallway“Mga... five hours na po, Ma’am,” sagot ni Bianca, bahagyang napapikit—tila naaawa.“Limang oras?...” ulit ni Maricar,. Tila binibilang sa isipan ang bigat ng panahong iyon.“Opo, Ma’am… talaga pong naghintay sila riyan hanggang matapos ang Annual General Meeting natin.”Tahimik si Maricar sa
THIRD Person:Umigkas si Ericka mula sa pagkakaupo at galit na lumapit kay Maricar, parang sasabog anumang oras.Dalawang alalay ni Maricar ang agad na sumalubong at humarang sa kanya, pero hindi iyon naging sapat para pigilan ang galit na lumiliyab sa kanyang mga mata.Hindi niya alintana ang mga nakapaligid—wala siyang pakialam sa dignidad, sa pormalidad, o sa kung sino pa ang nanonood.Sa paningin niya, iisa lang ang may sala sa lahat ng nangyayari—si Maricar."Ang kapal naman talaga ng mukha mo, Maricar!" sigaw ni Ericka, halos maiyak sa galit habang nakaturo sa babae. "Pati ba naman 'to, inaangkin mo rin?!"Napangisi si Maricar saka humakbang siya palapit kay Ericka, mabagal ngunit tiyak, tila ba bawat yabag ay sinadyang ipaalala kung sino na siya ngayon.Ang tingin niya'y diretso, malamig, at walang bahid ng takot."Bakit, Ericka?" aniya, halos pabulong ngunit mariin. "Hindi mo matanggap na may taong piniling ayusin ang lahat ng sinira n’yo?"Di makapagsalita si Ericka."Sila an
THIRD PERSON:“Nandito na tayo…” mahinang sabi ni Alejandro habang nakatingin sa labas.Ngunit walang sagot. Kaya lumingon siya kay Maricar—nakasandal na ito sa bintana, bahagyang nakapikit, payapang natutulog habang nakayakap sa sarili, naka-krus ang mga braso na tila nagkukubli ng pagod.Ngumiti si Alejandro—‘yung ngiti ng isang taong masayang makita ang taong mahal niya na sa wakas ay nakakatikim ng kahit kaunting pahinga.Marahan niyang hininaan ang volume ng radyo, halos walang tunog na naiwan kundi ang ambon na marahang kumakatok sa bubong ng sasakyan.Hinubad niya ang suot niyang coat, saka dahan-dahang isinapin sa balikat ni Maricar. Saglit siyang napahinto, tinitigan ang maamong mukha nito. Ang luntiang ilaw mula sa poste sa labas ay lumalaro sa mga pilik-mata nito. Sa katahimikan ng sandali, para silang nasa sariling mundo.“Ang dami mong pinagdaanan, no?” bulong ni Alejandro, halos hindi marinig. “Pero nandito ka pa rin. Nagpapakatatag.”Saglit siyang tumigil, parang iniiwa
THIRD PERSON:“Bakit pa kayo pumunta ro’n, Ma?!” mariing tanong ni Nathan habang paulit-ulit na hinahagod ang buhok sa tindi ng inis. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pagkabigla, at lalong higit ang pagkadismaya. Hindi niya alam kung alin sa mga nararamdaman niya ang uunahin.“Aba’y bakit? Bawal na ba kaming lumapit at pumunta sa kanya, ha? Porke’t mayaman na siya?!”Mataray ang tono ni Ginang Emelia, taas-noong nakatingin sa anak na para bang siya pa ang may karapatang magalit. Sa kanyang mga mata, hindi siya kailanman nagkamali.“Hindi naman sa gano’n!” malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Nathan habang pilit kinakalma ang sarili, bagamat halata sa kanyang pananalita ang bumubukal na galit.“Pero alam niyo namang mahigpit ang mga bantay ni Maricar ngayon. Baka kung mapaano pa kayong dalawa ro’n. Ayaw kong mapahiya tayo.”“Tssk! Kung hindi pa kami kikilos, kailan ka pa kikilos, ha?!” singhal ni Carol habang padabog na tumayo.“Kapag pumuti na ang uwak? Kapag tuluyan ka
Maricar POV:Tahimik kong pinagmamasdan ang kalakhang lungsod mula sa likod ng salaming bintana ng opisina.Sa kabila ng mga ilaw na kumikislap at sasakyang walang tigil sa pag-ikot, may malamig na katahimikan na bumabalot sa akin—hindi mula sa aircon, kundi mula sa damdaming matagal ko nang kinikimkim.Ito na ba talaga ang tinatawag nilang tagumpay?Narating ko na ang tuktok,Ngunit hanggang ngayon, parang nananaginip pa rin ako. Parang panaginip lang na nangyari ang lahat ng ito—na ako ito, na narito ako.Hindi ko kailanman pinangarap ang ganitong buhay—ang kapangyarihan, ang titulo, ang karangyaan.Ang gusto ko lang naman… ay maging isang mabuting asawa. Isang mabuting ina. Isang babaeng kayang mahalin at ipagmalaki. Isang babaeng sapat.Akala ko, kapag binigay ko ang lahat, mamahalin nila ako nang buo.Pero sa dulo, hindi pala sapat ang pagiging totoo kung ang sukatan ng pagmamahal ay pera at pangalan.Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nagpapasalamat ako.Sa mga taong naniwala sa a