Home / Romance / USOK / ANG PERSONAL ASSISTANT

Share

ANG PERSONAL ASSISTANT

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2025-03-11 10:20:02

"May nais ka bang puntahan ngayon?" Ang tanong ni Rafael kay Andrea habang sila ay kumain ng agahan.

"Wala naman, balak ko lang manood ng movie sa ngayon." Sagot ni Andrea

"Uuwi ako ng Cebu, mawawala ako ng isang linggo, pero kung nais mong mamasyal ayos lang. Daanan mo nalang ang personal assistant ko na si Claudia, nasa second floor siya room 202."

"Ok cge salamat." Ang mahinahon na boses ni Andrea.

Sino na naman kaya si Claudia, at tila ngayon lang nalaman ni Andrea na may personal assistant siya. Sa loob ng dalawang taon na pananatili niya sa hotel na ito ay hindi niya alam na may personal assistant si Rafael.

"Mag iingat ka" sabi ni Andrea sabay kuha ng isang mainit na halik sa labi ni Rafael, pagkatapos ay kinuha niya ang hanger sa apar

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • USOK   IBONG NAKALAYA

    "Andrea, huwag kang magpaka-stress sa mga taong hindi marunong makontento." sinabi ni Jobert. At kalmadong umupo sa upuan, na nakaharap kay Andrea. "Bakit ikaw, hindi ba?" balik tanong ni Andrea. Nag-cross pa ito ng kanyang balikat. "Saka muna ako tanungin kapag naaalala mo na ang lahat. Kapag nangyari iyon, saka ko na rin ibigay sa iyo ang paliwanag ko." "Kung masakit ang mga alaalang nawala sa akin. Tama lang siguro na hindi ko na maaalala iyon, baka masaktan pa ako. Isa pa, gusto ko malaman mo na hindi ako interesado sa mga bagay na konektado sa iyo." tumalikod si Andrea matapos sabihin ito. "Hmm. Sa ngayon iintindihin na muna kita. Siya nga pala, gusto kung batiin ka dahil nagawa mong makalaya sa hawla." sinabi ni Jobert habang sinusundan niya ng tingin si Andrea na lumapit sa bintana at sumilip sa labas nito. Parang sinisiguro nitong walang sumusunod sa kanya. "Hindi porket naguusap tayo gayon ay OKAY tayo. Aalis na ako, at pakiusap! huwag mo na akong sundan?" pinanlak

  • USOK    NAKALABAS NG HAWLA

    Anim na buwan bago mangayari ang pakikipagtalik ni Andrea sa lalaking mamamatay tao, ang ipagamit siya ni Rafael na parang laruan, ay nakapagparehistro na si Andrea gamit ang pekeng pangalan, na hindi niya alam kung ito ay ay kanyang totoong pangalan na ayon sa kanyang naaalala. Nagbayad siya ng cash bilang lehitimong late registered person sa isang munisipyo. Sa tulong ng taong kanyang binayaran ay mabilis niyang nakuha ang kanyang birth certificate. Ngunit isang valid ID lamang ang hawak niya sa ngayon. Gayonpaman, nakapag-open pa rin siya ng isang sekretong local bank account. "Ma'am narito po ang susi at ang detalye ng inyong room, happy stay in po..." ang sinabi ng isang babaeng naka- ponytail at yellow skirt. Mababasa sa kanyang ID ang kanyang pangalan bilang "Mina" isang staff sa hotel kung saan mag-stay-in ngayong gabi si Andrea. Nang kinuha na ni Andrea ang susi para sa kanyang kwarto, ay biglang umalingawngaw ang boses ng mga kababaihan. "Hahaha.ha.ha" Ang nag-echo na bo

  • USOK   ANDREA'S FINAL DECISION

    Hindi mapalagay ngayon si Andrea dahil saksi siya kung ano ang ginawa ni Rafael kay Jobert. Pagkatapos itong paluhurin sa sahig ng ilang oras, ay pinabugbog niya ito sa kanyang mga taohan, habang nakatali ang mga kamay sa likod. "Rafael, tama na!" pagpigil ni Andrea. Hindi na siya nakatiis sa nakikitang pananakit ng kanyang mga taohan laban sa isang lalaking walang kalaban-laban. Tumingin si Rafael sa kanya na may pandi-dilim ang mga mata. "Sa nangyari ngayon, sa tingin mo mapagkatiwalaan pa ang taong ito?" "Kung gagawin mo iyan, magiging katulad ka na rin niya, hindi ka mamamatay tao Rafael..." pagpapakiusap pa ni Andrea. Ngunit si Rafael ay hindi nakinig sa kanya, bagkos mas lalo pang pinahirapan ng kanyang mga taohan hanggang sa mawalan na ng malay si Jobert. Nang mawalan ng malay si Jobert ay nagutos si Rafael, "itago mo muna siya, at alamin mo kung ano ang layunin niya, bakit, at paano siya nakakapasok dito?" "Yes Boss!" agarang sagot ng isa sa mga leader ng kanyang mga taoh

  • USOK   BULAG BULAGAN

    Parang tumigil saglit ang mundo ni Andrea sa pangatlong pagkakataon nang makaharap niya si Claudia. Namumula ang kanyang pisngi. Naisip niya na sana ay hindi na niya ito makausap uli. Ang mas masakit pa ay nang malaman niyang naging babae ito ni Rafael, na mas nauna pa pala, kaysa kanya. "Ang baboy?!" binangit ni Andrea na gustong magwala sa loob ng kanyang kwarto. Galit siya sa sarili niya, at mas lalong galit siya kay Rafael ngayon. Hindi niya masikmurang isipin na dalawa silang tinutuhog, at kung sino lang ang gusto niyang tuhugin. "Iyon na ang huling gabi ng pagkikita natin Rafael. Kailangan na kitang iluwa!" galit niyang sinabi. Umupo si Andrea sa sofa, hinayaan niyang magpahinga ang isip sa ibabaw ng malambot na upuan, at huminga na tila talagang nalulungkot siya. Gayunman, kailangan niyang mag-ingat na huwag ma stress sa mga bagay bagay ayon sa payo ng kanyang doctor. Kinaumagahan, dumalaw sa kanya ang kanyang doktor para suriin ang lagay niya. "Kung may mga naaalala

  • USOK   BINGI BINGIHAN

    “Anong kaya mong gawin para sa isang tao kung mahal mo ito?” tanong ni Rafael. Sabay hawak sa saplot na soot ni Claudia, sa sobrang iksi nito ay nagawa siyang hilahin ni Rafael. Sa pagkagulat dahil sa ginawa ni Rafael, ay muntik na matumba si Claudia at masobsob ang mukha nito sa upuang sinasandalan ni Rafael ngayon. Mabuti na lang ay mabilis siyang nakahawak sa sandalan. Napakunot-noo si Claudia sa sandali na nakaiwas siya sa mga tingin ni Rafael. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pagtayo at ngumiti sa matanda, "sorry" "Parang natataranta ka ata- ok ka lang ba?" tanong ni Rafael sabay haplos sa kanyang baywang. Sa ginawa ni Rafael ay hindi ito ikinatuwa ni Claudia, alam niyang hindi ganoon si Rafael kung maglambing, o di kaya kung may gustong gawin. "Hindi ah. Ikaw kasi, ginugulat mo ako.." "Masyado ka nang naging nerbyosa dahil sa kaka-kape mo. Ano bang gusto mong gawin natin para kumalma ka?" paglilinaw ni Rafael. "Hmm.. depende sa iyo.." sagot ni Claudia na gusto na rin

  • USOK   SIMPATYA

    “Jobert?” sunod sunod na pagtawag. Ang boses ay umalingaw-ngaw sa buong paligid ng basement. Nagbukas ang isang maliwanag na ilaw sa isang hindi kaaya-ayang sulok.“Nandito ako..” sumagot si Jobert.Sumunod ay nag-ingay ang rehas, alam ni Jobert na ito ay pintuan palabas kung saan siya kasalukuyang nakakulong. Maya maya pa ay nasilaw si Jobert sa sobrang liwanag na pumasok sa loob. Agad niyang tinakpan ng palad ang kanyang mga mata, napakurap ng ilang beses at parang nakakita siya ng isang anghel na dumating, para iligtas siya.“Oh my gosh Jobert! Anong ginawa nila sa iyo”“Pakiusap, ilayo mo ako dito.. Claudia” sinabi ni Jobert na hinang-hina na.“Oo, etatakas kita.” Mabilis kumilos si Claudia, dala niya ang susi para pakawan si Jobert mula sa pagkagapos sa kadena, ang kanyang mga paa, kamay at kwelyo. Sa ganoong itsura niya ay para siyang hayop kung ituring.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status