Home / Romance / USOK / OWL EYES

Share

OWL EYES

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2025-02-19 06:59:44

Si Rafael Buenavista ay maaaring ituring na isang secret millionaire na tao. Isa sa pagmamay ari niya ay ang black market na talamak ang bentahan ng druga gamit lamang ang crypto currencies na umiiral ngayon sa buong mundo. Magaling din siya sa usaping negosasyon at napakatalino niya para magawang e-handle ang lahat ng ito. Kaya Hindi makapagkala-ila kung bakit siya ay makapangyarihan, at ubod ng yaman.

Hindi siya matakaw sa pagha-hire ng mga taohan ngunit mas binibigyan niya ng priority most of the time, ang kanyang pera. Para sa kanya, mahirap kitain ang pera, kaya pag nahawakan mo na, sungaban mo na agad at samahan ng kaunting tiyaga at dasal, upang lalo pang dumami.

Ang buong gusali ng Buenavista Hotel ay nagtataglay din ng makabagong teknolohiya na nagpapabago sa lahat ng kanilang mga pagbabantay, paglilinis at pakikinig. Ito ay kilala bilang soundproofing. Dahil maraming kilalang pulitiko at iba pang Filipino celebrity ang madalas bumisita dito, kaya mahigpit ang seguridad. Ang hotel na ito ay tumatanggap ng 16 hanggang 20 online booking sa internet, may mga major VIP's room na mga naka-reserved bawat araw. Kaya ang bawat sulok ay may CCTV camera.

Tatlong guwardiya ang nagpapatrol sa bawat antas ng istraktura, na binabantayan at tinutulungan ang mga indibidwal na nasa staycation at gusto ng tulong o may mga katanungan.

Malawak ang lobby nito na may mga desinyo ng mga palamuti sa dinding at ilang chandeliers sa bawat eskinita.

"Break time guys!," sabi ni Rick Cordial, habang hinihintay nilang matapos ang computer program na maaaring makakuha nang pagkakilanlan sa hindi kilalang lalaki na nakapasok sa loob ng hotel. Nakuhanan ng records ang lalaki sa pamamagitan ng pagpasok niya sa second floor exit ng building. Naka sombrero ng itim at maong na jacket, pagkatapos ay naputol ang records. Hinala niya, may nag-cut nito, at isa sa kanila ang may gawa. Kailangan niyang alamin kung sino sa kanila ang may gawa.

Hanggang ngayon, wala pa silang nakitang senyales o hint sa seguridad ng hotel, ngunit ang nakuhang video sa girlfriend ni Don Rafael Buenavista na nakikipag-usap sa ibang lalaki ay magagamit na nila.

Ang pagpunta sa isang tao sa loob ng isang unit, ay magiging isang hindi kapani-paniwalang pahinga, hindi na ito maganda, nakakatangal ito ng reputasyon ni Rick Cordial, dahil ang ilang matalinong operator na nakaupo sa opisinang ito ay gagawa ng paraan upang makuha ang kredito para dito, habang si Rick Cordial ay may iniisip na plano.

Bukod kay Rick Cordial, may magaling din na computer programmer dito sa hotel at ito ay si Gardo Montez. Inisip ni Gardo Montez na siya mismo ay maaaring maging head of system operator ng naturang building, dahil mapapahamak siya kung hahayaan niyang makuha ang lahat ng kredito ni Rick Cordial.

Si Gardo Montez ay nakabantay ngayon sa flat screen, naghahanap ng mas magandang anggulo, ngunit para bang alam na alam ng bastardo kung nasaan sila.

"Andrew halika, tingnan mo ito," bulong ni Gardo sa isa pang kasamahan na lalaki.

"Damn," sabi ni Andrew sa reaksyong nakita niya.

"He's doing something for her right there, sa labas." Not that they can see anything, pero kitang-kita sa mga posisyon at galaw ng dalawang tao, tiyak silang may nangyayari sa balkonaheng iyon.

"Replay mo nga, back to one minutes." Sabi ni Gardo Montez.

Sa nakuhang replay video, nakita nilang lumabas ang isang hindi kilalang lalaki, iniharap ang kanyang likod sa camera, lumakad ito at dinala ang kasintahan sa balkonahing iyon, hinila ang sliding glass door at agad isinara sa likod niya. Ni minsan ay hindi sila binigyan ng malinaw na kuha sa mukha. Dahil dito wala na silang makita na sumunod na naganap maliban na lang kung antayin nilang matapos ang dalawang tao na pumunta sa balkonahe.

Kasalukuyan, ang dalawang watcher's na ito ay nag aabang lamang.

Ang balkonahe na iyon ay malawak, doon madalas tumatambay si Andrea tuwing gabi habang inaantay si Rafael na puntahan siya sa unit na iyon. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga operator na ito, sa balkonaheng iyon ay may magaganap ngayon.

Si Andrea ay kumapit sa assassin para sa suporta; ang kanyang mga binti ay parang pugita kung makakapit. Isinubsob niya ang kanyang ulo upang sundan ang isang linya ng mabagal na halik sa kanyang lalamunan at sa kanyang collarbone.

"May sira ba ang camera natin sa lugar na ito?" tanong ni Gardo Montez.

"Na double check ko na lahat ng camera sa building, lahat may maayos na kuha pero hindi ko alam bakit ganito ang kuha sa lugar na ito " Paliwanag ni Andrew.

"Di bale na, kakausapin nalang natin si Boss pag nagkataon. Sayang din to." sagot naman ni Gardo Montez.

Ang dalawang watcher's ay patuloy sa panonood sa nakuhanan ng spy cam sa balkonahe, sapagkat batid nila na ang dalawang tao na nandoon ngayon, ay maaaring may ginagawa, legal man o iligal, iyon ay dapat nilang makuhanan ng malinaw na record.

"Hanggang dito ba may camera?" tanong ng assassin.

"May camera sa kwarto ko, kaya tama lang na dito tayo sa labas" sagot ni Andrea, pagkatapos ay isang matalim na pag-agos ng pinagsamang pagnanasa at takot ang naging tubig sa kanyang loob.

Si Andrew de Masilang, ang kasama ni Gardo Montez sa trabaho. Halos limang buwan na niya itong kasama. Nagbago lang ang pagtrato niya dito ng marinig niyang sinabihan siya ni Rick Cordial na tanggalin ang lahat ng camera at mikropono, at sunugin ang mga tape. Hindi nag-abala si Andrew na sabihin sa kanya na digital ang lahat, at walang mga tape, parang nakakatawa lang ang mga ito porket matatanda na sa larangan ng high-end technologies ay nawala na sa isip nila ang high-end technologies sa generation ngayon.

Alam ng mga bantay na isa siya sa mga VIP na nakatira sa isang private-unit ng mismong may ari na si Don Rafael Buenavista. Kaya hindi siya mag-aksaya ng oras sa pagbabantay sa o pagsunod sa kanya.

Ang mga nakaraang records na meron sila na videos ay kung gaano kadalas lumabas si Andrea para ipapaayos ang kanyang mga kuko at buhok. Namili ng mga personal na gamit, nanood ng telebisyon, at nakaugalian niyang pumunta sa pinakamalapit na aklatan at ang magbasa ng mga libro sa coffee table. Pinag-aaralan niya ang mga larawan, at sa sadyang maingat na paraan ay binasa nang malakas kay Rafael ang mga snippet tungkol sa iba't ibang kaugalian at heograpikal na mga katangian, hanggang sa naiinip niyang sinabi sa kanya na hindi siya interesado sa mga ito, ni hindi niya pinansin sa kanyang tanong na kung anong bundok ang pinakamataas sa mundo. Medyo nasaktan si Andrea, ngunit pagkatapos noon ay itinago sa sarili ang mga napag-alaman.

Di-nagtagal, napansin nilang naging maayos naman ang pakikitungo ng nobya ni Don Rafael sa lahat ng staff na nag-aassist sa babae na ito. Kadalasan, kapag lumabas si Andrea, ay pinapasundan ito ni Don Rafael sa piling taohan at napatunayang pinaayos niya ang kanyang mga kuko at buhok nang madalas, at gumugol siya ng maraming oras sa pamimili sa isang grocery store.

May malaking telebisyon sa kwarto si Andrea, sa isang shopping channel. Madalas ang advertisement na naka-flash sale at nakasulat ang mga numero ng item, katulad ng presyo at call numbers ng naturang store.

Kung sakaling magsusuri si Rafael. Mayroon siyang mga numero na makikita na nakasulat sa isang pocket notes, dapat pa ba niyang tingnan iyon isa-isa kung totoo ang sinusulat ni Andrea doon?

Lingid sa kaalaman ni Don Rafael ay gumugugol si Andrea ng maraming oras sa paggawa ng bagay na ina asahan niyang gagawin ni Rafael. Masiguro lang na hindi siya mahuhuli nito. Sa sobrang katalinuhan ni Don Rafael, ay hindi niya akalain na malulusotan siya ni Andrea. Wala siyang ideya sa mga kinikilos nito.

SAMANTALA SA KASALUKUYANG PANGYAYARI; Ang lalaki na ito, ang mamamatay-tao na nakahawak sa mga bisig ni Andrea na narito sa balconahe, ay napaglamangan na naman si Don Rafael. Malakas ang loob na hinuhubaran nito ang kanyang prinsesa, nailantad ang katawan nang walang kahirap-hirap gaya ng paghuhubad niya ng kanyang pantalon.

"Break time na, alis muna ako di pako nakapag tanghalian." Pakiusap ni Andrew kay Gardo Montez.

"Oo na.. bilisan mo, bumalik ka kaagad." Utos nito. Agad naman umalis si Andrew na walang alam sa mga mangyayari at pinaplano ni Gardo. Bumalik ang titig ni Gardo sa screen para tingnan pa kung ano ang susunod na kaganapan sa balkonahe

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • USOK    MABAHALA SA SEKRETO

    "Oh, Jobert how are you pre? long time no see.." Pagbati ng lalaking kakapasok pa lang sa loob ng bahay. Siya ang sinasabing asawa ng magandang babae. Ang babaeng ito ay ang unang amo ni Jobert, siya ay tinatawag na Miss Lee. Habang ang lalaking bagong dating ay may pangalang Anton Lee. Mayaman din ito, dahil sa kasalukuyang pinagkaabalahan nitong negosyo sa abroad, while doing that bihira lang ito nakakauwi ng pilipinas, sapagkat all of the time nasa trabaho siya at iyon ang alam ni Miss Lee. Paalis na sana si Jobert nang makasalubong niya sa pinto si Mr. Anton Lee. Si Jobert ay kilalang kilala ni Mr. Lee kaya pareho silang natuwa nang magkita muli. "Magandang araw sa iyo Mr. Lee.." Pagbati ni Jobert na nagkangiti. "Oh no. Ikaw pala kaibigan. Masyado kang formal ngayon. Ayoko ng ganyan gusto ko na eturing mo akong kaibigan, magtropa tayo hindi ba?" nakangiting sinabi ito ni Mr. Lee "Oo naman po. Pero nakakahiya lang kasi.." "Hayst.. Wala nang paliwanag. Halika at sabayan

  • USOK    ANG BABAENG AMO NI JOBERT

    "Matagal din tayong hindi nagkita Jobert. Ang akala ko ay hindi ka darating.." isang matangkad na babae ang nagsasalita. Binuhusan niya ng tubig ang isang flower vase na nilagyan niya kanina ng mga bagong pitas na mga rosas. Nasa isang private resort si Jobert ngayon, na kilala sa tinatawag na staycation area sa isang probinsiya. Malayo ito sa syudad ng Quezon City. Ang matangkad na babaeng nagsasalita, ay may magandang hubog ng katawan, maputi at makinis. Kung magbibitaw siya ng salita ay saka mo lang masasabi na isa siyang matalino, at mayamang babae. Katulad ni Jobert, ang kanyang pagkatao ay nagtatago din sa dilim, ngunit ang kaibahan lang ay hindi siya pumapatay ng tao, negosyo ang pinapatakbo niya at ito ay mga illegal na negosyo sa pilipinas, kasama na dito ang droga. "Ang totoo ay isa na akong kalaban sa mga mata ni Don Rafael. Hindi mo na ako pwedeng e-hire para sa kanya. Higit sa lahat, hindi na dapat mag cross ang landas naming dalawa. Yan ang dahilan, kung bakit nagpu

  • USOK    SA TUWINA'Y NAAALALA KA

    "Anong naiisip mo Gardo?" tanong ni Rick Cordial. Kilala ni Rick si Gardo, mahaba ang pasensya nito ngunit sensitibo sa mga detalye. Pareho silang nagpapataasan at nagpapagalingan sa trabaho, lalo na kapag kaharap si Don Rafael. Pinapakita nila ang kanilang galing at talino sa trabaho upang makita ng lahat kung sino ang mas superior sa kanilang dalawa, sa ngalan ng monitoring system at securities ng buong hotel. Dahil tinatanong ni Rick si Gardo. Napilitang magpaliwanag si Gardo. "Nakuhanan ng camera natin ang pagpasok niya sa kotse, at siya ay tila nakangiti. Makikita din sa buong paligid na walang tao sa baba. Ang kanyang paglabas sa oras na ito ay naganap within 25 seconds. Ito ang oras ng palitan ng mga bantay doon. Bukod pa rito, kung may laman ang kanyang pitaka, mag-tatago siya sa ibang area kung saan walang makakakita. Dahil sa pagmamadali, hindi din niya pweding iwanan ang petaka sa library dahil maraming tao doon." "Hmm. Maaaring tama ang analysis na yan Gardo. Pero

  • USOK    TIMBANGIN ANG BIGAT

    Iba ang maging takbo ng buhay ng isang tao kapag may nahahawakang pera. Kaya nitong anayin ang tiyan, sa dami na pweding kainin, at pweding gawin. Ngunit kapag nagulat ka sa biglang yaman na hindi mo naman pinagpaguran ay maaaring mawala ito ng parang bula, kapag di ka marunong dumiskarte sa buhay. Ngunit kapag dugo't pawis ang pinuhunan mo, masasabi mong masarap mahawakan ang perang pinaghirapan, kaya marami sa atin ang nagsusumikap. In reality, napabuntong hininga si Andrea, piniling huwag isipin ang tanong, at ibinaling ang tingin sa orasan. Mag aalas-kwatro pa lang ng umaga, naiinis siya sa biglang pagka-gising niya sa oras na ito. Pangatlong araw na, ngunit wala pa ring anino ni Jobert ang nagpapakita. Hanggang sa naaalala ni Andrea ang paguusap nila ni Alfred: "Ate.. kailan ba kita makakasama muli? namimiss ko na ang luto mong spicy na adobo, na may maraming patatas, at black beans." tanong ni Alfred.

  • USOK    ANG BAGONG NAKILALA

    "For three years na hindi ka nagparamdam, hindi mo na agad ako kilala?" halatang nagulat ang lalaking ito, kaya binalikan niya si Andrea ng tanong. Bukod pa dito, ay nagtataka siya kung bakit may hawak itong flower vase na alam niyang ebabato niya ito sa kanyang ulo. "What the heck! bakit may hawak kang flower vase, huwag mong sabihin gusto mo ako patayin?" sunod na sinabi ng lalaki. "Ang tanong ko ang sagotin mo? Sino ka?! paano ka nakapasok dito?!" sigaw ni Andrea malapit sa kanyang mukha. "Ok.ok. Magpapaliwanag na ako. Pwede ba ate ibaba mo na yang flower vase na yan! Kaloka ka naman, lasing ka ba kagabi?" "Anong ate... pinagsasasabi mo diyan?!" kunot noong sinabi ni Andrea. Nagulat siyang marinig na tinatawag siyang ate, gayong walang tumatawag sa kanya ng ganoon, kahit pa mga staff ng restaurant na kinakainan niya o kahit sa mga spa at salon na pinupuntahan niya madalas upang magpaayos. "Haler! Ate? Ate.. ako eto si Alfred, ako lang eto ang bakla mong kapatid, di mo ako

  • USOK    PATAMA

    "Boogsh" Parang bombang sumabog ang malakas na paghampas ng pinto, na tumilapon sa dingding. Ang tunog ay nagpagulat nga mga taong nasa loob ng bawat kwarto. "Uuuhh!" "Itaas ang mga kamay!" sigaw ng isang leader na mga taohan ni Don Rafael. "Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?" nanlaki ang mga mata ng isang matandang lalaki na hubo't hubad pa, kasama ang kanyang babae sa kama. "Sino ang kasama ninyo dito? sagot!" "Wala ho! wala kami lang ang mag kasama dito simula kagabi, galing pa kami ng probinsiya. Ano ho ba nagawa namin bakit kayo nandito?" pag aalalang tanong ng matandang lalaki. Nagulat ito at nanginginig sa takot dahil naka-armado ang mga lalaki na biglang pumasok sa kinaroroonan nila. "Tingnan ninyo ang bawat sulok, baka nagtatago lamang siya!" sunod na utos ng leader nila. "Pasensya na.. may hinahanap lang sila.." isang babae na may kaedaran ang nagsalita ng mahinahon sa isang magka-pares na nasa kama. Ito ay ang tunay na may-ari nang nasabing hotel.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status