LOGINSa likuran niya, agad na sumingit si Eldrew. “That's right, Lilith. Alam mo naman kung gaano kayo katagal nagkasama ni Mason. Sayang naman kung basta na lang ninyo itatapon ang lahat ng pinagsamahan ninyo.”“Exactly,” dagdag ni Denver. “Lahat naman tayo nagkakamali. Ang mahalaga, marunong tayong umamin at bumawi.”“Hindi rin naman perpekto ang mga relasyon,” sabi ni Dexie. “May mga pagkakataong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Pero kung mahalaga sa isa't isa, dapat may pagkakataong ayusin iyon.”Napatingin ako kay Dexie. “Hindi pagkakaunawaan?”Bahagya siyang natigilan. “I mean, you know what I mean.”“Hindi ba kayo ang unang tumawa noong pinaglalaruan ninyo ako?”Nawala nang bahagya ang ngiti niya.“Lilith, that was a long time ago,” mabilis na sagot ni Eldrew. “We were just joking around. Hindi naman namin inakalang masasaktan ka nang ganoon.”“Joke?”“Oo. Alam mo naman kami. Minsan sobra lang talaga kaming magbiruan.”“Pati ang pagpapanggap na ikakasal si Mason sa akin?”Napat
Matapos ang ilang minutong pagbati at pagpapakilala, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng programa—bagamat hindi naman talaga ganoon kadaling sabihing "normal" iyon. Patuloy pa rin ang palakpakan, pagbati, at mga bulungan sa paligid, ngunit nagsimula nang lumapit sa akin ang ilang panauhin upang makipagkilala.May mga negosyanteng matagal nang katuwang ng aming pamilya, at mayroon ding mga bagong investor na nais makilala ang susunod na mamamahala sa Estrella Group. Hindi ko inakalang ganoon karami ang gustong makipag-usap sa akin ngayong gabi.“Congratulations, Miss Estrella,” bati ng isang lalaking nasa edad singkuwenta. “Matagal na naming naririnig ang pangalan ninyo mula kay Don Enrico. Masaya akong sa wakas ay nakilala na rin namin kayo.”“Maraming salamat po,” nakangiti kong sagot. “I appreciate you taking the time to attend tonight.”“Your grandfather speaks highly of you. I hope we can discuss a possible partnership soon.”“Of course. Maaari po kayong makipag-ugnayan
“Come here, sweetheart.”Agad akong lumapit at niyakap siya. “Papa…”“Look at you,” nakangiting sabi niya. “Iba talaga ang ningning ng anak ko kapag opisyal nang ipinakikilala sa lahat.”“Papa naman, parang kanina lang magkasama tayo sa bahay.”“Iba pa rin ito,” biro niya. “Hindi ba puwedeng purihin ang sarili kong anak sa harap ng buong mundo?”“Puwede naman po.”“Then let me say it again. You look beautiful, and I'm very proud of you.”Hinalikan niya ang noo ko bago marahang hinaplos ang aking buhok. “Sa wakas, pormal at legal nang alam ng lahat kung sino ang nag-iisang prinsesa namin. Tandaan mo, sa anumang responsibilidad na haharapin mo simula ngayong gabi, hindi ka nag-iisa. Nandito kami.”Tumango ako. “Thank you, Papa.”Sumunod na lumapit si Donna Yvaine at niyakap ako nang buong pagmamahal.“Welcome to the public eye officially, sweetheart,” nakangiti niyang sabi. “Although, para sa amin, matagal ka nang bahagi ng pamilya namin.”“Thank you, Mom.”Bahagya siyang tumawa at sumu
Patuloy akong naglakad sa gitna ng aisle habang umaalingawngaw ang palakpakan ng mga bisita. Ramdam ko ang bawat matang nakatuon sa akin, ngunit hindi iyon naging dahilan upang mag-alinlangan ako. Sa halip, mas lalo kong itinaas ang aking ulo.Sa dulo ng entablado ay naghihintay ang aking lolo.Malawak ang kaniyang ngiti. Araw-araw man kaming nagkikita sa bahay mula nang umuwi ako, iba pa rin ang bigat at saya ng sandaling ito—ang gabing pormal at legal niya akong ipinakikilala sa lipunan at sa mundo ng negosyo bilang nag-iisang tagapagmana ng pamilya.Pagdating ko sa paanan ng entablado, iniabot niya ang kaniyang kamay.“Halika rito, apo.”Tinanggap ko ang kaniyang kamay at marahan akong umakyat. Paglapit ko sa kaniya, agad niya akong niyakap nang mahigpit.“Finally, it's official, my dear granddaughter.”Napangiti ako habang nakasandal sa kaniyang balikat. “Lolo…”“Sa wakas,” bulong niya. “Hindi na lang sa loob ng bahay natin ito alam. Ngayong gabi, maipagmamalaki ko na nang buo at
Saglit na tumahimik ang buong ballroom.Napatingin si Lolo sa akin.At saka niya binigkas ang pangalan ko.“Lilith Estrella.”Sumabog ang malakas na palakpakan.May ilang bisitang tumayo mula sa kanilang mga upuan. Ang iba naman ay masiglang pumalakpak habang nakangiti sa direksiyon ko. May mga camera nang nakatutok sa gilid ng ballroom at narinig ko ang ilang bulungan na tila hindi makapaniwala sa kanilang narinig.Ngunit sa lahat ng ingay na iyon, may isang bagay na agad kong napansin—ang mga mata ni Mason.Nanlaki ang mga ito nang marinig niya ang pangalan ko. Napatigil siya sa paghawak sa kaniyang baso; bahagyang bumuka ang kaniyang bibig habang salit-salitan siyang tumingin sa akin at sa entablado, para bang sinusubukan niyang tiyaking tama ang kaniyang narinig.“Lilith?” halos pabulong niyang sambit.Napatingin sa kaniya si Layla. “Ano?”Hindi siya agad sumagot.“Hindi ba…” Napalunok siya. “Hindi ba si Lilith iyon?”“Anong Lilith?” tanong ni Dexie.“Si Lilith.”Napalingon sina E
Ngunit ang una kong hinanap ay si Vera.Napalingon ako sa kaniya. Nakaupo siya malapit sa pangunahing mesa, maayos ang likod at kalmado ang mukha. Sa kabila ng lahat ng sinabi ni Lolo, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.Paano kung magtampo siya? Paano kung isipin niyang hindi ko nakikita ang lahat ng ginawa niya para sa pamilya?Bahagya akong napalunok.Ngunit nang magtama ang aming mga mata, ngumiti siya sa akin. Pagkatapos, marahan siyang tumango. Walang kahit anong bakas ng lungkot o pagkadismaya sa kaniyang mukha. Sa halip, para bang ipinapaalala niya sa akin na hindi ko kailangang matakot.Nakahinga ako nang maluwag.“Ang pamilya ay hindi lamang tungkol sa kung sino ang may pinakamalaking pangalan o kung sino ang may pinakamalaking bahagi sa negosyo,” patuloy ni Lolo. “Ito ay tungkol sa tiwala. Tungkol sa kakayahang magdala ng responsibilidad nang hindi kinakalimutan ang mga taong umaasa sa atin.”Muli niyang inayos ang hawak na mikropono.“Alam kong may ilan sa inyo ang nag
"Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin. "I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko. Ayokong sab
Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako
"Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang pu
Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f







