LOGIN“Which part?”“Yung iyak. Parang may soundtrack.”Napatawa siya nang mahina. “May slow motion pa siguro sa isip niya.”“At close-up sa kissmark.”“Don't forget the dramatic pause.”Halos manginig ang balikat ko sa pagpipigil ng tawa. Mabuti na lamang at hindi kami napansin ni Celestine, na abala sa pagpupunas ng kaniyang mga mata at paghihintay sa magiging reaksiyon ng mga nakikinig.“Sa ngayon,” mahinahong sabi ni Donna Yvaine, “narinig na namin ang iyong panig.”Tumango si Celestine. “Salamat po.”“Pero hindi pa tayo maaaring gumawa ng desisyon.”Bahagyang nagbago ang mukha niya. “Bakit po?”“Dahil hindi pa natin naririnig ang panig ng ibang taong sangkot.”Napatingin siya kay Jared. Nang makita niyang tahimik pa rin ang lalaki, bahagya siyang napangiwi.“Donna, hindi ko naman po gustong mapahiya si Jared sa harap ninyo, pero sana maintindihan ninyo na mahirap para sa akin na marinig siyang magsalita na para bang wala siyang ginawa.”“Maiintindihan namin iyan,” sagot ni Donna Yvaine
Nanatili akong tahimik.“Paano naman ang dignidad ko? Paano ko haharapin ang mga tao pagkatapos ng nangyari? Hindi ko naman po ginustong maging bahagi ng ganitong gulo.” Bahagya siyang napayuko. “May pangalan din po ako. May pamilya rin. Hindi ko po ginustong masira ang buhay ko dahil lamang sa isang taong hindi kayang panindigan ang ginawa niya.”Nilingon niya si Jared. “At higit sa lahat, hindi ko po maintindihan kung bakit ganoon na lamang siya kadaling magkunwari na walang nangyari.”Hindi pa rin nagsasalita si Jared. Sa halip, mahinahon siyang kumuha ng baso ng tubig at uminom, habang napansin kong pinipigilan niya ang isang ngiti—at halos mapangiti rin ako.Nang muli kong tingnan si Celestine, mas lalo niyang nilakasan ang kaniyang pag-iyak.“Ang hinihingi ko lang naman po ay panagutan niya ako. Hindi ko naman po hinihinging bigyan niya ako ng lahat ng bagay. Gusto ko lang po ng katarungan.”“Anong ibig mong sabihin sa pananagutan?” tanong ni Papa.Dahan-dahang tumingala si Cele
POV: LilithPagdating namin sa Monteverde Estate, agad kong napansin ang lawak at ganda ng paligid. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakapunta ako sa lugar na iyon, ngunit sa tuwing naririto ako ay hindi ko maiwasang humanga sa maayos na pagkakapangalaga rito—malawak ang mga hardin, malalaki ang mga punong nakapaligid sa mga daanan, at sariwa ang hangin na nagmumula sa kagubatang bahagi ng lupain.Magkatulad talaga ang disenyo ng aming tahanan at ng Monteverde Estate, kaya hindi na ako nagtaka dahil matagal nang magkaibigan sina Mama at Donna Yvaine; marahil ay pareho silang may gusto sa ganitong klaseng arkitektura. Ang kaibahan lamang, mas malawak ang lupain ng Monteverde dahil bukod sa iba pa nilang negosyo, kilala rin sila sa pag-aalaga ng mga kabayo at sa logging industry. Maganda ang lugar—tahimik, malinis, at sa unang tingin, parang walang anumang problemang maaaring mangyari rito.Ngunit nang makarating kami sa hardin kung saan kami pinaghihintay, agad na napunta ang pansin k
Napayuko si Celestine. “Gusto ko pong panagutan ni Jared ang ginawa niya.”“Paano?” tanong ni Donna Alessia.“Dapat po niya akong pakasalan.”Muling natahimik ang buong hardin. Napatingin si Wilfred kay Don Enrico, at si Donna Alessia naman ay napalingon kay Donna Yvaine.“Celestine,” maingat na sabi nito, “alam mong kasal na si Jared kay Lilith.”“Opo.”“Kung ganoon, bakit kasal ang hinihingi mo?”Napahawak si Celestine sa kaniyang dibdib. “Dahil paano naman po ang dignidad ko? Paano naman ang pangalan ko? Siya ang nakauna sa akin. Siya ang may kasalanan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.” Bahagya niyang nilakasan ang kaniyang boses. “Samantalang si Lilith, may asawa na siya noon. May sarili siyang buhay. Hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan kong ako ang magdusa sa lahat ng ito.”Nangunot ang noo ni Donna Alessia. “Anong ibig mong sabihin?”“Ang ibig ko lang pong sabihin, hindi naman na bago kay Lilith ang ganitong bagay. Hindi naman siya kawawa; marami na siyang
Hindi napansin ni Celestine ang bahagyang paghigpit ng hawak ni Donna Yvaine sa kaniyang tasa. Hindi rin niya napansin ang pagkuyom ng kamay nito sa ilalim ng mesa nang marinig ang mga salitang binitiwan niya tungkol kay Lilith. Sa halip, nakatuon ang kaniyang pansin sa sarili niyang tagumpay—akala niya, sa wakas, may kakampi na siya.Ilang minuto pa ang lumipas bago muling nagsalita si Sidfrey. “Celestine, may gusto akong itanong.”“Po?”“Sinabi mong pinilit ka ni Jared. Pero bakit hindi ka agad humingi ng tulong sa security ng Estrella Estate?”Sandaling natigilan si Celestine; hindi niya inasahan ang tanong na iyon. “Sa totoo lang po, natakot ako.”“Natakot?”“Opo. Alam ko pong malaki ang pangalan ng pamilya niyo. Natakot akong baka hindi ako paniwalaan. At dahil kamag-anak ko rin si Lilith, ayokong lumaki pa ang gulo.”“Pero nagpunta ka sa opisina niya kanina,” sabi ni Sidfrey.“Opo. Gusto ko po sanang kausapin sila nang maayos.”“At ano ang sinabi ni Jared?”Napayuko si Celestin
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Donna Yvaine.“Kay Jared?”Tumango si Celestine. “May ginawa po siya sa akin kagabi.”Hindi agad nagsalita ang mag-asawa. Inilapag ni Donna Yvaine ang kaniyang tasa sa mesa, samantalang si Sidfrey ay tuluyan nang isinara ang dokumentong hawak.“Ano ang nangyari?” tanong ng lalaki.Huminga nang malalim si Celestine. “Pinuwersa niya po ako.”Nangunot ang noo ni Donna Yvaine. “Pinuwersa?”Tumango si Celestine habang pinupunasan ang kaniyang mga pisngi. “Opo. Kagabi po, nasa family office ako. Hindi ko naman po inaasahan na pupunta siya roon; akala ko po ay may kailangan lamang siyang kunin, pero nang makita niya ako, bigla niya akong nilapitan.”Bahagya siyang huminto, na para bang nahihirapang ipagpatuloy ang kuwento. “Sinabi ko pong umalis siya. Sinubukan ko pong lumayo, pero hindi niya ako pinakinggan. Pinilit niya po ako.”Naging mas seryoso ang mukha ni Sidfrey. “Celestine, sigurado ka ba sa sinasabi mo?”Agad siyang tumango. “Opo, Sir. Hindi ko po
Masyadong maingay, masyadong mausok, at masyadong... mapagpanggap. Iyan ang unang pumasok sa isip ni Shanaia habang nakasandal sa leather couch ng CC9. The high-end bar owned by the elusive billionaire Rhamesis Wilton he was the epitome of Manila’s elite nightlife. Glass chandeliers hung like f
Ang akala ko, kapag sinabing "courtship" o panliligaw, 'yung tipong text-text lang muna, sundo kapag may time, o kaya naman ay dinner tuwing weekend. Pero iba si Jeriel Ford Severin. Ang definition niya yata ng panliligaw ay ang maging anino ko. Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako
"So, anong say mo sa place? Hindi naman masama, 'di ba?" tanong ni Jeriel habang prenteng nakasandal sa kaniyang upuan. Dinala niya ako sa isang exclusive, reservations-only restaurant sa BGC. Ang buong paligid ay gawa sa madidilim na kahoy at glass panels na may overlooking view ng cityscape. Kaun
"Girl, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan pagkatapos mong mag-washroom," untag sa akin ni Alodia habang isinasabit ang kaniyang designer bag sa balikat. Medyo humuhupa na ang ingay sa CC9 dahil madaling-araw na rin. "I'm fine. Napagod lang siguro sa ingay," pagsisinungaling ko. Ayokong sab







