Share

Kabanata 47

Author: Shinzanzou
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-08 04:27:48

Inaya ako ni Miles na lumabas pero dahil naka-schedule kami ni Spike na lumabas ngayon ay tinanggihan ko na muna. Gusto ko sana siyang isama pero ayaw naman niya. Aniya ay ayaw niyang makita si Sebastian. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa. Basta ang alam ko lang ay may something pero ayaw niyang ipaalam sa akin o hindi pa siya handang mag kwento. Kaya pinipili kong manahimik kahit na pinapatay ako ng kuryusidad ko.

"I'm sorry I have to take this call," pagpapaalam sa akin ni Spike. Pasakay na sana kami sa sasakyan pero dahil may tumawag ay bumalik siya sa loob ng bahay.

Nagkusa na lamang akong pumasok sa loob ng sasakyan at doon siya hinintay. Hmp! Hindi naman niya kailangan pang lumayo. Ayos lang naman kung marinig ko kasi hindi ko naman siya papakialaman. Pero ano bang pake ko kung ayaw niyang iparinig ang usapan nila ng kung sino mang tumatawag? Baka naman talagang pribado at sekreto iyon na hindi pwedeng marinig ng contracted wife na gaya ko.

Napabuntonghininga ako ng malalim saka siya nilingon.

Nakatayo siya ng tuwid sa maliit naming terrace. Ang isa niyang kamay ay nakapaloob sa side pocket ng suot niyang pantalon habang ang isa'y hawak-hawak ang cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Kunot noo niyang kinakausap ang kung sino na para bang iritado at naiinis na siya. Pero kahit ganoon ay ang gwapo niya pa ring tingnan.

Kumunot ang noo ko. What the hell is happening? Sinabi ko bang gwapo siya? Sinabi ko? O ano naman? Gwapo naman talaga siya. Wala namang malisya doon kung i-aappreciate ko lang 'yong effort ng magulang niyang maka-produce ng gaya niya 'di ba?

Napapikit ako ng mariin. Ano na ba itong nangyayari sa akin? Bakit pati kagwapuhan niya'y pinagtatalunan pa namin ng sarili ko?

"May maliit lang na problema sa opisina. Sorry for making you wait."

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng driver's seat. Napalingon ako sa kanya at agad siyang nginitian.

"Ayos lang."

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang binubuhay ang makina at sinisimulan ang pagmamaneobra sa sasakyan.

"Mm..."

"O saan mo gustong kumain? Sa mall sa five star hotels? Gusto mong magpa-reserve muna? Nakakakain ka sa harap ng maraming tao 'di ba? O baka mas gusto mong ipa-reserve ko ang buong restaurant para sa 'yo so you can have—"

Natigil siya sa pagsasalita nang nalingunan niya akong napapangiti habang nakatingin sa kanya.

Kumunot ang noo niya. " What? Why are you smiling?"

Agad akong umiling. "Nothing. Natutuwa lang ako kasi ang dami na ng mga salita na lumalabas sa bibig mo."

Mas lalong kumunot ang noo niya. Naghintay ako ng ilang minuto para sa kung anong sasabihin niya pero nanatili na siyang tahimik.

"Hanap na lang tayo ng japanese resto. Parang gusto kong kumain bigla ng sushi at sashimi."

"Okay," aniya sabay lingon at ngiti niya sa akin.

Panay ang nguso ko habang nag iiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako. Damn! What is wrong with me? Simpleng okay at simpleng ngiti lang naman ang tugon niya pero bakit kung makangiti ako dito ay para bang may sinabi siyang kaaya-aya at talaga namang ikinatuwa ko ng bongga.

Like what I have requested ay sa isang japanese restaurant nga kami nagtungo. Pagkapasok pa lang sa loob ng restaurant ay agad na akong sinalubong ng mabangong amoy ng mga pagkaing inihahanda nila. Ginutom ako bigla ng mga amoy niyon. Kaya pagkaupong-pagkaupo ay um-order na agad ako ng mga pagkaing tingin ko ay magugustuhan ko pero hindi ko alam kung magugustuhan ng taong namamahay ngayon sa tiyan ko.

"I'm sorry hindi kita nasamahan last time sa check up mo sa OB mo. Ano na bang balita sa pagbubuntis mo? Ayos lang ba ang baby? Wala ba siyang mga special needs na kailangan pagtuunan agad ng pansin?"

Umiling ako. "Wala naman. Healthy naman 'yong baby natin sa tiyan ko."

Tumango siya saka nag iwas ng tingin. "Marami akong inaasikaso sa opisina. I have a tight schedule for this month lalo pa't medyo nagkakaproblema ngayon at may inside job na nangyayari, I hope you understand kung madalas ay wala ako. Pero susubukan kong maging available kapag kailangan mo. Just call me."

Agarang napataas ang kilay ko. Call him? How do I give him a call? E, wala nga akong cellphone. Nag iisang cellphone na nga lang 'yong pinahiram sa akin ni Miles, binasag niya pa.

"I know what you're thinking. Don't worry I'll give you one later."

"Talaga?" Bahagyang napataas ang boses ko na ikinatawa niya.

"Tuwang-tuwa ka ah?" may ngiti pa sa labing saad niya.

"Of course! God! Kung alam mo lang kung gaano ako ka-bored sa bahay."

"But know your limitations, Serra." Bagaman nakangiti ay bakas naman ang pagbabanta sa boses niya.

"You don't have to worry about anything, Spike. Hindi ako lalabas ng walang permiso mo. I also won't call anyone without your knowledge."

"Yeah. I'll put a device on your phone just to be sure."

Napasimangot ako. "Grabe!"

"Baka tumakas ka na naman."

"Tss..."

Sa lagay kong ito? Tingin niya makakatakas pa rin ako?

"Kailan daw ba natin malalaman ang gender ng bata?"

"Walang sinabi ang doktor pero no'ng kay Rynette, five months 'yon hindi ba?"

"Hindi ako sigurado, hindi ko na maalala."

Sinundan ko siya ng tingin nang kunin niya ang baso ng tubig sa harapan niya at uminom doon. The way his adams apple move... Shit! Ang hot!

Napaiwas ako ng tingin at agad na napapaypay sa sarili. Malamig naman ang aircon kanina, nag-malfunction ba? At ganito na lang kainit bigla?

"Namumula ka," sabi niya. Napahawak agad ako sa magkabila kong pisngi.

"Nasusuka yata ako."

"Again? Wala ka pang nakakain."

"Excuse me," sabay tayo ko.

"Magbabanyo ka? Gusto mo samahan kita—" umamba siyang tatayo pero agad akong umiling.

"No! I'm fine."

Nagmadali agad ako sa pagpasok sa comfort room at agad kong iniharap ang sarili ko sa salamin.

"What the fuck is wrong with you, Serra Madrigal?"

Madrigal? I am not a Madrigal anymore! Guillermo na ako. I am Spike's Guillermo's wife, so I am no longer a Madrigal. I am now Serra Guillermo.

"Oh shit! Stop it, self!"

Nagulo ko ang buhok ko. Naiinis na ako dito sa sarili ko. Kanina pa ako kinokontra.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 47

    Inaya ako ni Miles na lumabas pero dahil naka-schedule kami ni Spike na lumabas ngayon ay tinanggihan ko na muna. Gusto ko sana siyang isama pero ayaw naman niya. Aniya ay ayaw niyang makita si Sebastian. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa. Basta ang alam ko lang ay may something pero ayaw niyang ipaalam sa akin o hindi pa siya handang mag kwento. Kaya pinipili kong manahimik kahit na pinapatay ako ng kuryusidad ko."I'm sorry I have to take this call," pagpapaalam sa akin ni Spike. Pasakay na sana kami sa sasakyan pero dahil may tumawag ay bumalik siya sa loob ng bahay.Nagkusa na lamang akong pumasok sa loob ng sasakyan at doon siya hinintay. Hmp! Hindi naman niya kailangan pang lumayo. Ayos lang naman kung marinig ko kasi hindi ko naman siya papakialaman. Pero ano bang pake ko kung ayaw niyang iparinig ang usapan nila ng kung sino mang tumatawag? Baka naman talagang pribado at sekreto iyon na hindi pwedeng marinig ng contracted wife na gaya ko.Napabuntonghininga ako

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 46

    Marahan siyang tumango. Ilang saglit bago niya ako nagawang bitawan mula sa pagkakayakap niya."Gutom ka na? Nagluto na ako ng breakfast natin," aniya sabay padausdos ng palad niya mula sa balikat ko paibaba sa aking mga kamay.Hindi ko dapat iyon pinapansin. Pero hindi ko mapigilang hindi iyon punain. Paanong hindi? E, parang kinuryente ang braso ko sa ginawa niya."Let's go," dagdag niya pa.Tumango ako at nagpatianod na sa kanya nang hilain niya ako palabas ng kwarto.Mapili ako sa pagkain nitong mga nakaraan. Nakita kong beefsteak ang inihanda niyang ulam. I already tried it last time na nagpa-deliver ako and I end up throwing it all on the toilet bowl. Habang iginigiya niya ako sa aking upuan ay nanatili naman ang paningin ko sa ulam. I don't want to eat it. Katatapos ko lang sumuka, ayaw ko pang sumuka ulit ngayon. But I don't want to disappoint him either."Anong problema?""Ha?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Uh, wala.""Ayaw mo ba sa inihanda ko?""Of course not!" mabilis

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 45

    Pero hindi pa man ako tuluyang nalululong sa halik niya ay marahas ko na siyang itinulak."What are you doing?" mahina kong bulyaw."Kissing you?" sarkastikong patanong niyang tugon."Sagutin mo ang tanong ko. Anong nangyari sa 'yo?"Pinagtaasan niya ako ng isang kilay."Sa tingin mo ano?"Hindi agad ako nakasagot. Ilang minutong nanatili ang tingin ko sa kanya, na m-mental block. Hindi ko alam ang sasabihin ngayong napatunayan kong may kinalaman nga si Spike sa nangyari sa kanya."I-I'm sorr—""You're pregnant," nakangising aniya sabay baba ng tingin sa tiyan ko.Bigla ay napayakap ako sa aking tiyan na tila pinoprotektahan ang kung anumang nasa loob nito."I just hope inaalagaan ka niya ng mabuti," sabi pa niya at basta na lang akong iniwan sa aking kinatatayuan.Gusto ko man siyang habulin pero natulala ako sa kawalan. I didn't even know what to say kung mahabol ko man siya. Anong sasabihin ko? Na tuloy pa rin ang mga plano namin? Na kung may balita na ba doon sa inuutos ko sa kani

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 44

    "So payag kang kasal kayo ni Spike?"Umiling ako. "No. Ipapasawalang bisa din naman ang kasal pagkatapos kong maibigay sa kanya ang anak niya, Miles. Ayos na ako. Sa ngayon ay susunod ako sa lahat ng gusto niya. I can wait. Kaya kong maghintay hanggang sa kaya ko nang makapaghiganti sa mga Flores."Agad na kumunot ang noo niya. "Anong paghihiganti ang pinagsasasabi mo?""Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni daddy. Gusto kong ipadama sa taong dahilan ng paghihirap kong ito ang poot at galit na nararamdaman ko.""A-akala ko aksidente ang nangyari sa daddy mo."Umiling ako. "No. He was killed."Isang mahabang paghugot ng hininga ang ginawa ni Miles habang titig na titig sa akin."I can't believe this. Kaya ba ayaw mong umalis dito?"I nodded."Kaya please. Hayaan niyo na muna ako. But please be with me, Miles." Inabot ko ang dalawang kamay niya't hinawakan ko ang mga ito ng mahigpit. "Wala akong kasama. Ramdam na ramdam ko 'yong pag iisa dito. Mag stay ka man lang sana kahit i

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 43

    Hindi rin naman nagtagal at wala pang trienta minutos ay dumating na rin agad ang pasta na hinihingi ko. Hindi lumabas si Spike kahit na tinawag ko siya upang masabayan ako sa pagkain. Si Sebastian ang naghatid. Gusto ko sanang siya na lang ang yayain kong kumain kasama ko since ayaw ni Spike pero hindi ko na nagawa dahil nagmamadali rin siyang umalis.Hindi ko rin maintindihan itong sarili ko, e kung bakit gusto kong kasabay si Spike kahit na hindi naman kailangan dahil hindi naman kami totoong mag asawa. I mean, we're married yes. But were not romatically involved with each other. Pero sana man lang 'di ba? kahit sa bata.Umiling ako.Ano ba itong mga pinagiiisip kong para sa bata? What am I thinking? Kahit na magkasabay kaming kumain ngayon, it won't change the fact na hindi rin naman magkakaroon ng kumpletong pamilya ang batang ito. Dahil pagkatapos ko siyang maipanganak ay aalis din naman agad ako at babalik na sa dati kong buhay.Biglang nanikip ang dibdib ko kaya nahinto ako sa

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 42

    Ang mga sumunod na araw ay hindi ko inaasahan. Spike's in a mood lately. Halos hindi niya ako kinakausap. Kahit tingnan man lang ako ay madalang niyang gawin. Para bang nandidiri siya sa akin. Pero isinawalang bahala ko 'yon. Lalo pa at wala akong panahong isipin pa siya gayong iba ang pakiramdam ko lately.Ayon sa doktor no'ng nagpa-checkup kami ay magdadalawang buwan na akong buntis. Wala naman akong nararamdamang masama pero nitong mga nakaraang araw at linggo ay panay ang pagsusuka ko at hinang-hina ako. Nagiging malakas lang ako kapag nandito si Spike sa bahay at naaamoy ko siya.Yeah! Nakakahiya mang aminin kahit sa sarili ko pero iyon ang totoo. Spike brightened up my mood whenever his here. Pero kung anong ikinaganda ng mood ko kapag narito siya ay siya na mang ikinapangit ng sa kanya."Bakit kung kailan nasa second trimester ka na ng pagbubuntis mo ay doon ka pa lang nagsususuka ng ganyan, hija? Akala ko pa naman ay hindi ka maselan magbuntis!" kuda ni Mama Rosella habang him

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status