LOGIN"Are you okay?"
Agad akong tumango bilang tugon sa tanong ni Spike pagkabalik ko mula banyo. Tamang-tama at kasunod ko naman ang waiter na bitbit ang mga pagkaing in-order ko. "Wala bang gamot d'yan?" "Saan?" tanong kong hindi man lang ang aangat ng tingin kay Spike. Abala kasi ang mga mata ko sa mga pagkaing isa-isang hinahain sa aming lamesa. "D'yan, sa pagsusuka mo." Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Wala namang sinasabi ang doktor ko. O kung meron man, ay siguro para lang iyon sa mga babaeng halos hindi na makatulog sa kakasuka. E, ako ay ayos pa naman. Hindi naman malala ang pagsusuka ko. Saka normal naman ito sa mga nagbubuntis no! Teka nga!" Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Pwede bang huwag natin pag usapan 'yan sa harap ng pagkain ko?" Isang beses na tumaas ang dalawang kilay niya bago siya nag iwas ng tingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong kumain. "Anong gusto mong sunod nating gagawin pagkatapos kumain?" tanong niya. Naiwan ang kamay kong may hawak na chopsticks sa ere. Papasubo na sana ako ng sushi. "May ibang lakad ka pa ba?" tanong ko. Parang nagmamadali, e. Kakasimula pa nga lang naming sumubo. Agad siyang nagbaba ng tingin sa wristwatch niya. "Yeah." Agad na kumunot ang noo ko. "What?" "May early lunch meeting ako." Tuluyan ko ng naibaba ang kamay ko. "Wow!" I mouthed. Nawalan ako ng gana bigla. "Pa-take out mo na lang 'to," sabi ko sabay punas sa magkabilang gilid ng labi ko. Saka ko padabog na inilagay sa lamesa ang table napkin at dire-diretso akong naglakad palabas ng restaurant. "Wait, Serra!" I heard him calling my name, but I never looked back. Bahala siya sa buhay niya! Nakakainis! Ilang minuto ko siyang hinintay sa labas ng restaurant. "What the fuck is wrong with you, woman?!" bulyaw niya sa akin pagkalabas. Hindi naman malakas. Actually, mahina nga lang at bakas ang pagtitimpi sa kanyang boses pero bulyaw pa rin iyon para sa akin. Imbis na sagutin siya ay nagbaba ako ng tingin sa paper bag niyang dala. Tinake-out nga niya! Padabog ko iyong kinuha sa kamay niya. "Sa bahay ko na ito kakainin, hatid mo na ako," sabay talikod ko sa kanya at pumasok na ako sa sasakyan. Hindi na rin naman siya nagsalita at sumakay na rin sa driver's seat. Pero rinig ko ang marahas niyang pagbuntonghininga bago paandarin ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay ramdam na ramdam ko pa rin ang inis ko sa kanya. Kung may ibang lakad pala siya dapat ay hindi na niya ako inaya pang kumain sa labas. Lagpas kalahating oras kaya ang biyahe namin mula sa bahay patungo sa japanese restaurant na 'yon! Saka ninanamnam ko pa ang pagkain ko at gusto ko sanang dahan-dahanin pero madaling-madali naman siya! Gulat akong napalingon sa kanya nang bigla na lang malakas na tumigil ang sasakyan. Kung hindi lang siguro ako naka-seatbelt ay malamang dumikit na ang mukha ko sa dashboard! "Anong problema mo?!" galit kong tanong. "What's wrong?" kalmado niyang tanong sa akin pabalik. "Nothing's wrong with me!" "Then why are you crying?" Agad akong napahawak sa pisngi ko. And fuck! Umiiyak nga ako?! "I-I am not!" "Hindi ako bulag, Serra. Tell me what's wrong." "Wala nga! Ihatid mo na ako sa bahay at baka ma-late ka pa sa early lunch meeting mo." "So 'yon iyong issue mo?" "Please stop talking to me while you're driving!" At hindi nga siya nagsalita. Pinaandar niya ulit ang sasakyan na tikom ang kanyang bibig. Mabuti naman! Ayaw kong mag away kami sa daan no! Baka kung ano pang mangyari sa amin habang nag aaway kami. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala kaming imikan. Nauna akong pumasok ng bahay. Dumiretso ako sa kusina at doon niya ako sinundan. "Anong oras na. Umalis ka na. Baka ma-late ka pa sa early lunch meeting mo!" sabi ko nang hindi siya nililingon. "Hindi na. Si Sebastian na ang papupuntahin ko doon." "Kunot noo ko siyang nilingon. "Umalis ka na! Baka importante 'yon. Saka baka magtampo 'yong ka-meeting mo." His eyebrows furrowed. "I'll stay here, Serra. Sasamahan kitang kumain." Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Ayaw kitang kasama kumain. Baka mawala pa gana ko. Nawalan na nga ako ng gana kanina, pati ba naman dito? Sige na, huwag mo nang sirain pa ang araw ko, Spike!" "Bakit ka muna nawalan ng gana kanina? Saka bakit ka umiyak kanina?" "Bakit ang dami mong tanong?!" "Kasi ang dami mong arte! Pinipilit kitang intindihin pero hindi talaga kita maintindihan!" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Umawang ang labi ko. "A-ako? M-maarte?" "Shit!" naibulalas niya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "Maarte ako?! Naaartehan ka sa akin! Hindi ako maarte! Insensitive ka lang talaga!" bulyaw ko saka tumakbo paakyat ng kwarto ko. Padabog kong isinara ang pintuan pero hindi ko pala iyon na-lock kaya nakapasok pa rin siya. Nagtago ako sa ilalim ng kumot. Sinubukan niya 'yong hawiin pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak. Kaya wala siyang naging choice kung 'di ang bumitaw at bumuntonghininga na lang. "What do you want me to do?" marahan niyang sabi. "Just go away!" "You're being childish, Serra." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Fucking hormones! Ganito ba talaga kapag buntis? Kahit ako ay hindi na maintindihan ang sarili ko. Pero ang sakit naman talaga masabihan ng maarte at childish! Napaka-insensitive niya! Inalis ko ang kumot saka ako bumangon at mabilis na itinapon sa kanya ang unan na una kong nahawakan. Agad niya rin naman iyong nasalo at marahang inilapag sa gilid niya. Paano niya nagagawang maging kalmado samantalang ako dito ay halos sumabog na sa inis na nararamdaman ko. "I'm sorry okay. If you want me to leave, fine, aalis ako. Pero doon lang ako sa labas. Hihintayin kitang kumalma." Imbis na sagutin siya'y inirapan ko siya't muli akong nagtago sa ilalim ng kumot. Inalis ko lang ang pagkakatalukbong niyon sa akin nang narinig ko ang pagsarado ng pintuan, senyales na lumabas na siya.SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







