LOGINMarahan siyang tumango. Ilang saglit bago niya ako nagawang bitawan mula sa pagkakayakap niya.
"Gutom ka na? Nagluto na ako ng breakfast natin," aniya sabay padausdos ng palad niya mula sa balikat ko paibaba sa aking mga kamay. Hindi ko dapat iyon pinapansin. Pero hindi ko mapigilang hindi iyon punain. Paanong hindi? E, parang kinuryente ang braso ko sa ginawa niya. "Let's go," dagdag niya pa. Tumango ako at nagpatianod na sa kanya nang hilain niya ako palabas ng kwarto. Mapili ako sa pagkain nitong mga nakaraan. Nakita kong beefsteak ang inihanda niyang ulam. I already tried it last time na nagpa-deliver ako and I end up throwing it all on the toilet bowl. Habang iginigiya niya ako sa aking upuan ay nanatili naman ang paningin ko sa ulam. I don't want to eat it. Katatapos ko lang sumuka, ayaw ko pang sumuka ulit ngayon. But I don't want to disappoint him either. "Anong problema?" "Ha?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Uh, wala." "Ayaw mo ba sa inihanda ko?" "Of course not!" mabilis kong sabi. Ipinaghila niya ako ng upuan and I find it very amusing for a man na hindi ako pinagtuunan ng pansin for weeks. "Thanks," maikli kong sabi bago ako muling humarap sa beefsteak. Amoy na amoy ko ito at kinakabahan ako. Pero hindi pa naman ako naduduwal sa amoy so I think everything's gonna be fine. Should I be honest to him? And then what? I'll disappoint him? Heck no! I wanna be honest pero... Ugh! "I can prepare another dish kung ayaw mo sa beefsteak, Serra." Nilingon ko siya. Nakita kong nakaupo na rin siya sa gilid ko. Nakahawak ang magkabilang kamay sa sandok at plato. Marahil ay magsasalin na at hinihintay na lang ang go signal ko. "I'm fine with it, Spike," pilit ang naging pagngiti ko. Feeling ko kaya ko naman itong kainin. I think kaya ko namang sumubo ng ilang kutsara nito. No! Kakayanin ko. Pinanood ko siya habang nagsasandok. Ngayong magkalapit kami ay pansin na pansin ko ang mga balahibo niya sa braso. Pansin ko rin kung paanong lumitaw ang mga ugat niya sa tuwing gumagalaw siya. "Unang beses ko itong magluto ng ulam sa iyo at para sa baby..." he paused. "Natin," sabay ngiti niya ng tipid. "Sana magustuhan niyo." Ngumiti rin ako at tumango. Nilakasan ko ang loob ko. Isa ito sa mga pagkakataon na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kabadong-kabado ako na halos ayaw ng umangat ng kamay ko habang nakahawak sa kutsara. Huminga ako ng malalim. Ngayong nasa malapit na ako at amoy na amoy ko na ay parang aatras na ako. Tiningnan ko pa si Spike. Kita kong naghihintay siya sa magiging reaksyon ko. Kaya isinubo ko na agad at dire-diretsong nilagok. And that's it, naduwal agad ako. Unang subo pa lang, bumaliktad na agad ang sikmura ko. "I'm sorry, Spike. I'm so sorry," aligaga kong sabi kasabay ng pagmamadali kong makarating agad sa banyo na pinakamalapit. Buti na lang at maraming CR itong bahay niya. Isang subo lang naman ang ginawa ko pero feeling ko marami akong kinain at hindi na naman ako matigil sa pagsusuka kahit pa wala na akong maisuka. Nakakaasar! "I'm sorry. You should've told me," rinig kong sabi niya habang hinihimas ang likuran ko. Mahina ang pagkakasabi niyang 'yon na parang ayaw niya pang iparinig sa akin. Hindi ko alam kung anong silbi ng ginagawa niyang paghimas sa likuran ko gayong hindi naman ito nakakagaan sa pakiramdam. Walang silbi! Hindi nakakabawas sa paghihirap ko! Pagkaraan ng ilang sandali. Sa wakas ay unti-unti na ring huminahon ang pakiramdam ko. "Getting better?" tanong niya. Marahan akong tumango bago finlush ang toilet. Saka ako nagtungo sa sink para mag mumog. "I'm sorry. Hindi ko alam kung anong mga kinahihiligan mong pagkain ngayon. Mind if you tell me? Para maibili kita o maigawa kita." Ilang sandaling akong napatitig sa kanya bago ako marahang bumuntonghininga. "Everyday is a struggle for me sa kakahanap ng pagkaing pwede kong kainin, Spike. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin alam kung anong pwede kong kainin na hindi ako sumusuka pagkatapos. Kaya kung tatanungin mo ako kung anong gusto kong kainin..." Nagkibit balikat ako. "I honestly don't know. Pagod na akong mag isip." Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. Kita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya nang lumunok siya. "Ibinalita sa akin ni Sebastian na hindi ka naman daw sumuka kahapon pagkatapos niyong kumain sa labas." "Yeah. Hindi ko alam kung bakit hindi ako sumuka sa mall pero sumuka ako pagkauwi dito sa bahay." Marahan siyang napapikit. "Sinasabi mo bang hindi ka nasusuka kapag nasa labas ng bahay?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Oo nga no? Hindi kaya itong bahay niya ang problema? Nagtaas siya ng isang kilay. Naghihintay sa magiging sagot ko sa kanyang sinabi. "What if? What if dito sa bahay nga ako nahihilo at nasusuka? What if it's not the food?" "Gusto mo lang lumabas, Serra." "I didn't say that I wanted to go out, Spike." "But it is that you wanted to say." "Hindi nga—" "Just go and get dressed. Sa labas na tayo kakain ng breakfast," sabi niya saka niya ako tinalikuran at dire-diretso siyang lumabas ng banyo. Napangiti ako. Hindi ko alam pero nang sabihin niyang sa labas kaming dalawa kakain ay tila ba hinalukay ng maraming paru-paro ang aking tiyan. Sobrang saya ko na tila may selebrasyong magaganap. Didiretso na sana ako paakyat sa taas upang magbihis pagkalabas ko ng banyo. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin siya sa kusina. Nakita kong seryoso niyang nililigpit ang pagkaing inihanda niya sana para sa amin ng anak niya. "Uhh... Spike..." Nahinto siya sa ginagawa at napaangat ng tingin sa akin. I heaved out a sigh first, trying to gather some courage to speak before uttering the words na kahit ako ay hindi inaakalang sasabihin ko ang mga ito sa lalaking dati ay iniisip ko lang na isa sa mga taong sumisira sa buhay ko. "Thank you for doing this. And uhh... I'm sorry kung hindi ko nagawang kainin ang pagkaing inihanda mo— but I appreciate it... Sobra," sabay ngiti ko. Naging alanganin agad ang ngiti kong iyon nang titigan lang niya ako matapos kong sabihin ang mga 'yon. "Uhh..." I uttered. He smiled... A little... Sobrang little. "Mabuti naman kung gano'n," sabi niya saka nag iwas ng tingin sa akin at ipinagpatuloy ang pagliligpit. Napasimangot ako. Ayos na sana, e! Bakit parang bigla na naman siyang naging masungit?SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose







