Compartilhar

Kabanata 64

Autor: Shinzanzou
last update Data de publicação: 2026-08-16 06:22:04

Spike and I spent half of the day lying on our bed. Kung pwede nga lang na hindi na kami bumangon para kumain ng lunch ay ginawa na namin. Wala akong ibang ginawa kung 'di ang yakapin siya. I just love hugging him. Iyong tipong ayaw ko na siyang kumawala sa mga yakap ko. Hindi ko alam pero feeling ko parang hindi totoo ang lahat. Feeling ko anytime pwede akong magising kasi panaginip lang pala ang lahat.

"What do you want to eat?" tanong ni Spike habang magkayakap pa rin kaming dalawa habang nakahiga sa kama.

Umiling ako. "Nothing. Ikaw lang 'yong kini-crave ko ngayon."

Bahagya siyang natawa bago ako mas niyakap pa ng mahigpit.

"Magugutom ang mga anak natin kung hindi tayo babangon ngayon para kumain."

I pouted my lips. "Pero ayaw ko pang bumangon."

"You can wait for me here. Ako na ang magluluto ng kakainin natin."

"But I still wanna hug you!" reklamo ko.

"You can hug me later if you want to."

Bumusangot ako. "Gusto ko ngayon, e!" dagdag reklamo ko pa pero niluwagan ko din naman 'yong pagkakayakap ko sa kanya.

Nginitian niya ako. Pinanood ko siyang magsuot ng pantalon sa harapan ko. Saka ako bumangon at nagbihis na rin para samahan siya sa kusina.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay nang nakita niyang nagbibihis din ako.

"Tulungan na kitang magluto para matapos ka agad."

"Akala ko ba ayaw mo pang bumangon?"

"Ayaw ko nga pero wala ka naman sa tabi ko kaya no choice ako at babangon na lang para masamahan kita."

Natawa siya't napailing na lang. "Clingy," sabi pa niya.

Agad ko siyang inirapan bilang tugon. "So what!" sabi ko at nauna na ngang lumabas ng kwarto . Agad rin naman siyang sumunod sa akin nang dumiretso ako sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?"

"Mmm... Kaya mo ba akong ipagluto ng caldereta? Iyong may maraming maraming maraming cheese?" I pouted.

Bahagyang kumunot ang noo niya. "Naglilihi ka sa cheese?"

I just shrugged my shoulders. "Ewan ko. Basta gusto ko lang kumain ng ganun ngayon."

"Okay," mabilis niyang sagot at saka nagtungo na sa ref para ihanda ang mga sahog ng kaderetang pinapaluto ko sa kanya.

Pumangalumbaba ako sa lamesa habang pinapanood ko siyang nakatalikod sa akin at abala sa ginagawa.

"Are you sure you're not going to work?"

"Why? You want me to work? You want me to leave you here?" Itinigil niya ang ginagawa at nilingon ako.

Agad akong napabangon. "Of course not! Wala akong sinabi ah!"

Malawak siyang napangiti. "Dito lang ako buong araw. Bukas ay isasama kita sa trabaho," dagdag niya pa.

Agad na umabot sa tainga ang aking ngiti nang narinig ko ang sinabi niyang 'yon. "Talaga?" masiglang tugon ko, naniniguro dahil baka bigla niyang sabihin na nagbibiro lang pala siya.

Bahagya lamang siyang natawa at hindi na nagsalita pa. Muli niyang hinarap ang kanyang niluluto. Samantalang ako naman ay muling pumangalumbaba sa lamesa. Gamit ang aking hintuturo ay gumuhit ako ng kung ano-ano sa lamesa. I drew a hearts, a stars, a squares, and a lot of circles. I enjoyed what I am doing. Pero hindi ko alam kung paano ko nagawang tulugan ang lahat ng 'yon. Nagising na lang ako na nasa harapan ko na ang mukha ng nakangiting si Spike.

"You seem to have a beautiful dream, nakangiti ka habang natutulog," aniya.

Bumangon ako at agad na chineck kung may laway ba ako sa labi. "Matagal ba naging tulog ko?"

Agad siyang umiling. "Sakto lang... Sakto lang para lumamig ang pagkain," sabay hagalpak niya ng tawa na ikinabusangot ko.

"Anong oras na ba?"

"5pm." Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Sandali lang at iinitin ko lang ang pagkain," dagdag niya pa saka siya tumayo at nagtungo sa kusina. Malalim nga talaga siguro ang naging pagtulog ko. Ni hindi ko nga namalayang nakarga niya ako mula kusina papunta dito sa sofa ng sala.

Bumangon na ako at agad nang nagtungo sa kusina bago pa man ako muling dalawin ng antok. Ilang sandali nga lang at isa-isa nang inilapag ni Spike ang mga pagkain sa lamesa.

"So kailan mo nga na-realize na mahal mo na ako? Hindi kaya nabibigla ka lang? Baka crush mo lang ako at hindi talaga mahal," bigla kong sabi sa kalagitnaan ng pagkain. I just realized na parang ang bilis naman yata niyang nag confess?

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya itinigil ko ang pagkain. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor na hawak ko saka ako nag angat ng tingin sa kanya. Nakita kong kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Kaya nagtaas din ako ng isang kilay.

"I already told you that it just happened, right? Nagulat na lang na ako na ayaw na pala kitang pakawalan."

Kumunot ang noo ko. Isn't it odd? Umalis lang siya sandali kasama sa Merila tapos hinanap niya ako and then the next thing ay sinasabi na niyang mahal niya ako. Hindi ba parang may mali? Or am I just being doubtful?

Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Gamit ang kanyang hinlalaki ay marahan niya iyong hinaplos. "May pagdududa ka ba sa akin?"

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan bago ko nagawang ngumiti sa kanya. "I just found it too good to be true."

"Can't you trust me?"

"Paano si Merila?"

"Anong paano si Merila? She doesn't matter, Serra."

"She's pregnant, Spike."

"And so?"

"You're the father!"

Kumunot ang kanyang noo. "How sure are you?"

"Hindi ba may nangyari sa inyo?"

Tumango siya na parang wala siyang pakialam. Or is he even paying attention of what I am saying?

"Spike, may nangyari sa inyo. Nabuntis mo siya!"

"Wala pang patunay na akin nga 'yon, Serra. At wala akong pakialam kung anak ko man 'yon o hindi. I only want your children. Wala akong ibang kikilalanin at pagbibigyan ng apelyido ko kung 'di iyong mga anak mo lang."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hangga't ikaw ang ina, anak ko man o hindi ang dinadala mo, aakuin ko. Walang ibang babae ang makakaagaw no'n. So if the paternity test declares that I am the father of Merila's child, wala akong pake. She and her child doesn't matter," he said coldly.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa mga narinig ko mula sa kanya. It sounded sweet and at the same time ruthless.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 02

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba

  • Uncontrollable Desire   SPECIAL CHAPTER 01

    SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki

  • Uncontrollable Desire   Wakas

    Habang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 100

    "What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 99

    Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam

  • Uncontrollable Desire   Kabanata 98

    I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status