Home / Mafia / Under His Dominance / CHAPTER TWO: ATTRACTION

Share

CHAPTER TWO: ATTRACTION

Author: TaleEndure
last update Last Updated: 2025-10-21 22:31:18

Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko.

Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants.

Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.

“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko.

Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina.

Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala.

“T-Thank you…”, utal kong sabi.

Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni Tomi. Kanina pa rin siya ngiti nang ngiti. Hindi ko mawari kung para saan ba, gusto kong magtanong pero pinapangunahan ako ng pangamba. Baka masamain niya kung papangunahan ko siya.

Nanigas ang katawan ko sa kinauupuan nang makita ang familiar na daan. Hindi sana tama ang hinala ko…

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong nagtanong, “Saan tayo pupunta…?” mahina ngunit alam kong dinig iyon ni Tomi.

“In my parent's house.”

Gumuho ang pag-asa sa puso ko nang marinig iyon. Sadyang galit nga siguro ang panahon sa akin ngayon…

Hindi na ako nakapagtanong pa dahil tumigil ang sasakyan. Nasa harapan na pala kami ng mansyon nila. Naunang lumabas si Tomi at hindi man lang ako inalala. Derederetso lang siyang nagtungo sa main door nila bago ako nilingon. Sinenyasan niya ako, kaya binilisan ko ang kilos ko.

“Ang bobo! Kasimple-simpleng bagay hindi magawa? Estupido!” Nadatnan pa namin si Tita Glaiza na sinesermonan si Ate Elie ang pinakabatang katulong nila.

“Mom,” Pagtawag ni Tomi sa atensyon ng ina.

Kitang-kita ko kung paano lumambot ang mukha ni Tita nang makita ang anak. Agad itong naglakad palapit upang yakapin si Tomi.

“Ang aga-aga niyo namang magalit,” natatawang puna ni Tomi sa kaniyang Mommy nang humiwalay ito sa yakap.

Awtomatikong napasintido si Tita, “Paano, may nakapasok na bobita sa mansyon ko!” Nagtayuan ang balahibo sa katawan ko nang derektang tumama sa akin ang paningin ni Tita Glaiza nang sabihin iyon.

“Relax, Mom. You better look fresh in front of Kuya para hindi naman siya matakot na bumalik dito.”

Sinamaan ng tingin ni Tita Glaiza ang anak. “Ewan ko sayo!”

Teka, tama ba ang narinig ko? Kuya? Kapatid? Kapatid ni Tomi? Kailan pa at bakit wala akong kaalam-alam?

Sa loob ng tatlong taong kasal walang nabanggit sa akin si Tomi patungkol diyaan kaya‘t hindi ko alam na may kapatid pala siya.

“Ma’am nandiyan na po sila Sir Edgar!” Pumasok ang isang katulong, maging siya ay mukhang nasasabik.

Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naghihintay din sa pagdating ng sinasabi ni Tomi na “Kuya”. Unang pumasok si Tito Edgar—ramdam ko ang kaba ng lahat, maging ako tuloy ay kinakabahan. Maging si Tomi ay kinakabahan, nararamdaman ko ito dahil maya‘t-maya ang pagpisil niya sa bewang ko.

Isang morenong matangkad, maskulado at gwapong lalaki ang pumasok sa mansyon. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin. Mabigat ang presensiya niya, lalong lalo na ang mga mata niyang makaiba ang kulay:blue na naghahalong green at white na naghahalong brown. Sinasabayan ng mabibigat niyang hakbang ang bawat pagtibok ng puso ko. Walang emosyon ang mukha pero ramdam na ramdam mo ang presensiya niya dahil mahirap ignorahin iyon.

Nakasuot siya ng all black from head to toe na akala mo ang pupuntahan ay lamay hindi family reunion. Ang silver watch, necklace at earrings sa left ear niya lang ang hindi itim sa kaniya. Napansin ko ang namumutok niyang biceps, tila ba nakakapit ang buhay ng tela sa kaniyang braso.

Makakapal ang kilay na akala mo walang oras para bawasan iyon, matatangos ang ilong—halatang may lahi, ang mga labi ang kulay pula. Sinuklay niya pataas ang buhok dahilan upang mawala ang gulo nito subalit ang ilang hibla ay nahuhulog sa kaniyang harapan.

“I’m glad you accepted my request, Lazarro… My son.” Naunang lumapit si Tita Glaiza at agad na inakap ang anak.

Naririnig ko ang mga nagsisinghutang katulong sa gilid-gilid—naiiyak sa nakikita. Pero si Lazarro ay tila walang pakialam, walang reaksyon o kung ano man.

“Anthony, anak, halika rito.” Pagtawag ni Tita Glaiza kay Tomi. Agad namang inalis ni Tomi ang pagkakapulupot ng braso niya sa aking bewang at nagtungo sa kaniyang ina.

“Lazarro, he is Anthony, your younger-half-brother. Go greet you brother, Anthony.”

Nakita ko ang pagkurba ng ngiti sa labi ni Tomi, “Kuya.” masayang tawag sa kapatid.

Pati tuloy ako ay napangiti. Nararamdaman ko rin ang saya ng asawa ko mula rito sa kinatatayuan ko. Siguro ganoon talaga para sa kaniya ang pakiramdam gayong nag-iisa lang siyang anak.

Naghintay kami ng ilang segundo ngunit walang kahit na anong lumabas sa bibig ni Lazarro, nakatingin lamang ito sa asawa ko. Kumunot ang noo ko, hindi para kay Lazarro kundi para sa asawa ko—parang walang pakialam si Lazarro sa mga tao sa paligid niya.

Dumagungdong ang puso ko nang muling magtagpo ang paningin namin. Saakin na pala nakatuon ang atensyon niya. Napalunok ako bago dahan-dahang ngumiti sakaniya, pagbibigay na rin ng galang at pagbati. Hindi ko alam kung mukha bang ngiti iyon.

“Care to introduce me to her?” Sa unang beses, nagsalita si Lazarro. Malalim ang boses niya na tila galing ilalim ng lupa. Nag-init ang pisngi ko at hindi alam ang gagawin.

“Oh, she's my wife, Kuya,” pagpapakilala ni Tomi sa akin bago ako sinenyasan na lumapit, kaya iyon ang ginawa ko.

Bumulong siya nang makalapit ako, “Introduce yourself, love.” Tumango ako.

Inilahad ko ang kamay sa harapan ni Lazarro at pormal na ngumiti kahit ang puso ko ay hindi magkamayaw sa loob ko ngunit tinatagan ko ang aking loob dahil nasa tabi ko si Tomi.

“Diamon Lilith Guivera—Dela Cruz, Anthony's wife.” Pagappakilala ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na nakita ko ang pag ngisi niya.

Tinanggap niya ang kamay ko dahilan upang magtayuan ang lahat ng balahibo sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkabuhay ng kung ano sa loob ko. Tila ba may kung anong gumagapang sa mga ugat ko paakyat sa pisngi ko dahil nararamdaman ko ang pag-iinit noon.

“Alejandro Lazarro Romazcov.”

Mabilis kong binawi ang kamay dahil hindi ko na nakayanan. And I saw satisfaction in his eyes…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Under His Dominance    CHAPTER SIX: Ride

    “Oo! Ilang buwan na akong nasa pilipinas pero wala man lang akong narinig galing saiyo. Nag-e-exist ka pa ba hoy?!”After ng graduation namin, nagsimula na siyang mamuhay sa ibang bansa at doon naghanap ng trabaho. Noong una may kontak pa kami sa isa‘t-isa pero habang tumatagal, lumalayo rin kami nang lumalayo. At ngayon ko na lang muling narinig ang boses niya… Hindi niya alam… Wala siyang kaalam-alam sa sinapit ko ngayon at hindi ako sigurado kung gugustuhin ko bang ipaalam sakaniya. Kilala ko si Stacey, gagawin niya ang lahat maalis lang ako sa kamay ni Tomi. “Ano? May kausap pa ba ako?” narinig ko ang pagkainis sa boses ni Stacey. Napatikhim ako. “Oo naman…” pilit akong tumawa upang pagaanin ang usapan. “Nakakatampo ka na talaga sa totoo lang. Noong nakaraang linggo nagkaroon kami ng reunion, inaasahan kong lilitaw ka pero kahit anino mo wala kaming nakita!” Napakagat labi ako. Matagal ko ng pinutol ang kung anong koneksyon meron ako sa mga dati kong kaibigan, at kasama ro

  • Under His Dominance    CHAPTER FIVE: Unknown

    Bumukas ang pinto makalipas ng ilang oras na paghihintay kay Tomi. Hindi ko mapigilang dungawin pa ang likuran ni Tomi kung may kasunod ba siya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kung ano nang makitang si Tomi lang ang bumalik. Mahina akong napailing upang iwaglit ang kung anong naglalaro sa isipan ko ngayon.“Umuwi ka at mag-impake. Isasama kita.” Liningon ko si Tomi, kumukuha ito ng damit niya sa kaniyang drawer at halatang naghahanda para sa kaniyang pagligo. “Bakit? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dahilan upang lingunin niya ako. “Nagplanong sila Mommy na magbakasyon ng tatlong araw habang naririto pa si Kuya at gusto niyang isama kita,” sabi niya sa akin. Hindi ako naniniwala roon. Ang kaniyang ina ay kaugali niya rin, iyon ang totoo—ipapakita nilang gusto ka nila sa harapan ng ibang tao pero ganoon na lang ang pang-aabuso at pagtataboy sa iyo tuwing walang nakakakita. Ramdam ko ang pagtutol ng malaking bahagi ng utak ko. Wala

  • Under His Dominance    CHAPTER FOUR: Flame

    Matapos kong saluhin ang lahat ng galit ni Tomi, iniwanan niya lang ako rito sa kwarto niya. Simula kagabi ay hindi pa siya bumabalik. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock iyon mula sa labas. Pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama. Ilang beses ko ng sinubukang buksan iyon, pero wala pa rin. Hindi rin naman ako makatulog ng maayos kagabi sa isiping wala sa tabi ko si Tomi. Awtomatikong pumikit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kahit hindi ko nakikita si Tomi, gising na gising ang diwa ko sa lahat ng kilos niya. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko nang maramdamang lumubog ang kama sa tabi ko. “I’m sorry, Love...” Dumagungdong ang puso ko. Malambing ang boses niya tila nagsusumamo. Parang may kung anong humaplos sa puso ko subalit may pumipiga rin. “I know you're awake," I felt his kisses on my timple. “I would never do that again...” You always said that, but there's no changes at all. Always the toxic cycle. Tuluyan na ngang

  • Under His Dominance    CHAPTER THREE: Tension

    Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T

  • Under His Dominance    CHAPTER TWO: ATTRACTION

    Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi na halata ang mga pasa sa balat ko dahil matagumpay ko iyong natakpan gamit ang kolorete. Mga pasang nakaukit sa balat ko. Suot-suot ko na rin ang binili ni Tomi para sa akin. Kung tutuusin, hindi ko makilala ang sarili ko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ulit ako nagsuot ng ganito. Sa tuwing lalabas kami ni Tomi ang palagi kong suot ay turtle neck o long sleeve dress or polo shirt then pants. Pumintig ng malakas ang puso ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko—si Tomi.“You look gorgeous, Love,” sabi niya bago hinalikan gilid ng pisngi ko. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya. Wala ng mababakasang galit sa kaniya, tila ba walang nangyari sa amin kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko, pero naghintay ako na dudugtungan niya pa ang sinabi niya—na hihingi siya ng tawad. Subalit wala. “T-Thank you…”, utal kong sabi. Mabilis lang kaming nag-asikaso. Sa byahe ay pansin na pansin ko ang saya sa mukha ni T

  • Under His Dominance    CHAPTER ONE: Negative

    Negative. Dismaya at sakit ang bumalot sa puso ko habang tinitignan ang pregnancy test sa harapan ko. Sa loob ng tatlong taong kasal, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami binibiyayaan ng anak. Bagsak ang balikat, lumabas ako ng banyo. Sinalubong ko ang blankong mukha ng asawa ko—si Tomi. Napayuko ako. “Negative…”Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya kaya dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Kahit naduduwag ay sinubukan kong salubungin ang kaniyang paningin. Binalot ng kahihiyan at pagsisisi ang puso ko. “As expected,” sabi niya bago tumalikod sa akin upang maghanda sa kaniyang pagpasok. As expectedAs expected As expected Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Walang kahit na anong ingay akong pinakawalan habang pinapanood ko si Tomi na naghahanda para sa pag-alis niya. Akmang aalis na sana siya nang hinigit ko ang braso niya upang pigilan. Kitang-kita ko ang pagguhit ng inis sa mga mata niya nang lingunin ako dahilan upang muling

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status